"Sir mamatay na po ako. Hindi ko kayang pumasok *ubo ubo* ngayon. Kasi *ubo ubo* ang taas talaga ng *ubo ubo* lagnat kooo!"
Nandito ako ngayon sa kahabaan ng EDSA, nakasakay sa bulok na kotseng nirentahan ko pa sa kapitbahay ko at nakikipag sagupaan sa matinding traffic---at init dahil sira ang aircon ng kotse.
Kasalukuyan ko ngayong kinakausap ang boss ko at nagpapanggap/nagdadrama na may sakit para lang payagan niya akong um-absent ngayon.
Kasi naman kanina bago ako umalis, nag sabi na ako kay Elise, yung isa pang editor doon na ka-close ko, na hindi na ako makakapasok. Eh itong si Sir West sukat tinawagan pa ako dahil ayaw maniwala!
"Jillian siguraduhin mo lang na hindi ka nag-d-drama sa'kin ha?! Ang dami mong manuscripts na kailangang i-proofread! Malapit na ang deadlines nang mga 'yon!" bulyaw sa akin ni Sir West mula sa kabilang linya.
"Opo sir! I-p-proofread ko po ang mga 'yun kahit na nasa death bed na ako!"
"Pinipilosopo mo ba ako ha?! At ba't ang ingay diyan sa inyo? Ba't nakakarinig ako ng mga busina?! Sigurado ka bang nasa bahay ka lang ngayon at nagpapahinga ha?!"
"N-nanonood po ako ng t-t.v!"
"Hay naku Jillian! Basta I need those manuscripts by Monday kaya mag pagaling ka at ayusin mo ang trabaho mo!"
Bago pa ako maka-sagot eh binabaan na niya ako ng telepono. Rinig na rinig ko pa ang pag bagsak nito kaya bigla-bigla kong nailayo ang phone ko sa tenga ko.
Ang highblood na naman ng isang 'yun! Grabe siya! Isang araw lang niya ako 'di makikita eh akala mo end of the world na kung makapag-maktol siya.
Ang malas siguro ng papanain ni Cupid para maging forever nitong si Sir West. Kawawang babae.
Speaking of Cupid, kaya ako napilitang um-absent ngayon ay dahil kailangan kong nakawin ang pana niya. Ewan ko ba kung bakit ko ginagawa ang kahibangan na 'to. Baliw lang ang taong maniniwala doon sa babaeng nakaitim. Pero sa hindi ko maintindihang kadahilanan eh eto ako, sinusunod ang sinabi niya sa'kin.
Parang nagkaroon ng sariling buhay ang katawan ko. Bahala na nga. Hindi naman masama kung susubukan ko 'di ba? Kahit na itong compass na ibinigay sa'kin ay dinala ako sa kahabaan ng EDSA. So saan ko naman hahanapin ang pana ni kupido sa gitna ng traffic na ito?
Lagpas isang oras akong stranded sa EDSA dahil sa sobrang traffic. Iniisip ko nga baka mali ang pagkakabasa ko sa compass. Pero pinakiramdaman ko na lang ang instinct ko at tinuloy itong daanan na tinatahak ko.
Hanggang sa makarating na ako ng SLEX, lumagpas na ng Laguna at ngayon, binabaybay ko na ang Tagaytay. Buti na lang naisipan kong punuin ng gas itong kotseng 'to. Mamaya makarating ako hanggang Bicol nito.
Sinundan ko ang route na tinuturo ng compass. Nakakapagtaka nga at naiintindihan ko ito kahit hindi naman ako marunong mag basa ng compass.
Pwede ko kayang hingin na lang ito doon sa babaeng naka-itim? Madalas kasi akong maligaw at mukhang mas okay pa 'to kesa sa GPS ng cellphone. Hehe.
Akala ko mag tutuloy-tuloy ako hanggang sa makalagpas ako ng Tagaytay pero nabigla ako ng mag-iba ng posisyon ang kamay ng compass. Sinundan ko ito hanggang sa mapansin ko na ang binabaybay ko na ay 'yung daan pababa sa may taal lake.
Dito ako nag simulang mataranta. Hindi kaya nasa ilalim ng taal lake ang pana ni Cupid? O baka naman nasa may crater na ng taal volcano? Kasi kung ganoon eh uuwi na lang ako.
Masyado na akong nag-aaksaya ng oras, panahon, energy at perang pampa-gas sa kotseng bulok na ito para lang sa isang kalokohan.
Oo at nakakatakot ang aura nung babaeng naka-itim. Feeling ko may gagawin siya sa'king masama pag hindi ko ginawa ang gusto niya.
Pero mas nakakatakot pa rin si Sir West sa kanya. At pag hindi ko na-meet ang ibinigay niyang deadline sa akin ay for sure, si San Pedro ang ma-me-meet ko.
Buo na ang loob ko na bumalik na lang sa Manila pero bigla-bigla ay nag iba ng galaw ang kamay nung compass.
Tumingin ako sa right side ko kung saan naka-turo ito ngayon at may nakita akong isang malaking bahay.
Teka, ngayon ko lang napansin ang bahay na 'yan ah? Ilang beses na akong nakababa sa may Taal Lake at ito rin ang ruta na dinadaanan ko pero ngayon ko lang nakita ang bahay na 'to.
Hindi kaya... dito nakatira si Cupid?
Sosyal ah! Ang laki ng bahay! Rich kid! Ipinarada ko sa tapat ng bahay ang kotse ko atsaka ako bumaba.
Nakasabit sa leeg ko ang compass habang ang bote ng potion naman ay nasa bulsa ng pantalon na suot ko.
Hindi naka-kandado ang gate kaya naman madali akong nakapasok. Sinubukan kong buksan ang front door pero naka-lock ito sa loob. Wala ba silang door bell? Napakamot ako bigla sa ulo ko. Shunga ko rin. Mag nanakaw nga ako, ba't ako mag do-doorbell!
Tinignan ko ulit ang compass na nakasabit sa leeg ko. Hindi ito naka-turo sa may front door, instead, tinuturo nito ang likuran ng bahay.
Naglakad ako papunta doon at nagulat ako sa bumungad sa'kin.
Isang malaking garden. Maraming puno, bulaklak at bushes sa paligid. May fountain pa sa gitna. Para akong nasa shooting ng pelikula. Ang ganda-ganda kasi ng pagkakaayos. Parang mini-paradise ang dating.
Nakaturo ngayon ang kamay ng compass sa malaking fountain sa gitna ng garden.
Nilapitan ko ito. Tumuro naman ang compass sa ilalim ng tubig nung fountain. Sinilip ko yung tubig. Mababaw lang at malinis. Pero wala akong makitang pana.
Tinignan ko ulit ang compass baka kasi nagkamali ako ng basa pero dito pa rin naka-turo ito.
'Wag niyang sabihing nasa ilalim ng fountain na 'to ang pana ni Cupid? Paano ko makukuha 'yun? Titibagin ko ang fountain? Mag huhukay ako sa lupa? Anak ng tupa. Hindi pala ganito kadali ang ginagawa ko.
Naupo ako sa gilid ng fountain. I knew it. Kalokohan lang ang lahat ng 'to. At ako naman si dakilang uto-uto, sukat sinunod ko ang babaeng 'yun. Baka naman nasa Wow Mali ako ah?! Baka may hidden camera rito!
Tinignan ko ulit yung compass at nakaturo pa rin siya doon sa tubig ng fountain. Hay kalokohan. Patayo na sana ako para umalis pero bigla akong tinamaan ng idea. Hindi kaya...?
Napalingon ako doon sa fountain na nasa likuran ko. Masubukan nga. Tutal mukha na naman akong tanga rito, wala nang mawawala sa akin.
Hinubad ko ang sandals na suot-suot ko at itinaas ko hanggang tuhod ang pantalon ko. Lumapit ulit ako sa fountain atsaka ako sumampa rito.
Mababaw lang ang tubig. Lagpas talampakan lang ang taas. Pero wala pang limang segundo kong naapakan ang semento ng fountain, may biglang humila sa paa ko pailalim kaya napatili ako bigla.
Nakita ko na lang ang sarili ko na lumulubog sa isang malalim na tubig. Ay anak naman ng--!! Hindi ako marunong lumangoy! Malulunod ako!
Sinubukan kong umangat at humanap ng hangin pero wala, parang ang taas-taas na ng tubig.
Paano nangyari 'to? Kanina lang hanggang talampakan lang ang tubig eh. Naapakan ko pa ang semento ng fountain. Pero bakit ngayon parang biglang ang lalim-lalim na nito?
Malapit na akong mawalan nang hininga nang bigla akong bumagsak sa semento.
Napadilat ako at laking gulat ko kasi tuyong-tuyo ang buo kong katawan samantalang kanina lang ay nalulunod na ako sa tubig Oh my gosh. Ano na ba ang nangyayari?
Umayos ako ng tayo at tinignan ko ang paligid. Nasa loob ako ng isang silid kung saan ang ilaw lang na nag mumula sa torches na naka-kabit sa dingding ang nagsisilbing liwanag.
At ayun, sa gitna ng silid na 'to, nakita ko ang pana ni Cupid na nakapatong sa isang glass table.
Nilapitan ko ito at agad na kinuha. Kulay ginto ang pana at nag-iisa lang 'yung arrow na nakalagay sa quiver. Nag-iisa lang. Ibig sabihin hindi ako pwedeng magkamali.
Dali-dali kong isinabit sa likuran ko ang bow, at yung quiver na may naglalamang isang arrow.
Ngayon, paano ako lalabas dito? Walang pinto!
Tinignan ko 'yung compass na nakasabit sa leeg ko.
Bigla-bigla ay may lumabas na kakasilaw na liwanag galing dito kaya naman napapikit ako. Wag naman sana ako mapunta ulit sa malalim na tubig na 'yun please! Hindi ako marunong lumangoy!
Inaantay ko na mahulog ulit ako sa tubig pero hindi ito dumating. Unti-unti ay iminulat ko ang mata ko at nakita ko na lang ang sarili ko na nasa labas na ng fountain.
Yung bow at quiver nakasabit pa rin sa likuran ko. Napa-upo ako bigla sa gilid ng fountain at ramdam ko ang panginginig ng mga tuhod ko.
Hindi ma-absorb ng utak ko ang mga nangyari. Nakuha ko ang pana ni Cupid. Ang weird man nang mga nangyari pero totoo itong lahat. Hindi hallucination, hindi imagination at mas lalong wala ako sa Wow Mali. Akala ko sa mga fiction stories lang nag-e-exist ang mga ganitong eksena. Hindi ko akalaing mararanasan ko ito.
Tumayo ako at ready na sanang umalis nang bigla akong matigilan dahil may pumasok sa loob ng garden.
Isang lalaking matangkad, maputi, brownish yung eyes, itim ang buhok, gwapo, at---at nagagawa ko pa siyang i-describe kahit na kumakabog ang dibdib ko sa sobrang kaba.
Napalunok ako at napahawak ng mahigpit sa compass na nakasabit sa leeg ko. Si Cupid kaya ito? Pero ba't mukha siyang Pinoy?
Mukha siyang Pilipinong artista na mestizo na pwedeng rumampa sa underwear fashion show ng Bench. Gwapo eh. At mukhang may abs.
Pero mukhang hindi siya si Cupid kasi base sa na re-search kong picture niya, kulot na ginintuan ang buhok niya, naka-bahag lang siya ng puting tela, at doon sa ibang picture naman eh isa siyang batang mataba.
Baka caretaker ni Cupid? Pero kahit sino pa siya, I'm doomed!
Nandito lang ako sa fountain, nakatayo, habang nasa likod ko ang pana ni Cupid. At siya naman nasa may entrance ng garden at nakaharap sa pwesto ko.
Naglakad siya palapit sa fountain. Pinagpawisan ako ng malagkit kahit ang lamig ngayon sa Tagaytay.
Hindi ako makapag-salita. Wala rin naman akong sasabihin. Halangan naman i-introduce ko ang sarili ko? Magpapakilala akong mag nanakaw? Sasabihin kong na-hypnotized ako ng babaeng nakaitim? Aamin ako na desperada lang ako sa pagmamahal ni Luke? Ano sasabihin ko!
Palapit na ng palapit sa akin 'yung lalaki at ako naman ay naka-ngaga pa rin sa kanya. Speechless. Hindi ko alam kung paano ko dedepensahan ang sarili ko.
Kaya lang nagulat ako nang bigla niya akong lagpasan na para bang hindi niya ako nakita. Naupo lang siya sa gilid ng fountain habang nakatingin sa tubig nito.
T-Teka, hindi niya ako nakita? Doon ko naalala ang sinabi sa'kin nung babaeng naka-itim about sa compass na suot-suot ko.
"Siguraduhin mong palagi mong suot 'yan dahil mag-sisilbi rin 'yang proteksyon sa'yo para hindi ka mapansin at makita ni Cupid."
Para hindi ako makita? Ibig sabihin hindi ako nakikita ng lalaking 'to ngayon?
Naglakad ako palayo habang pinapakiramdaman ko kung tatawagin o susundan niya ako. Pero hindi niya ginawa.
Nang makalagpas ako sa entrance ng garden, dali-dali akong tumakbo palabas ng gate at sumakay sa kotse ko habang ang pana ni Cupid ay hindi ko pa rin inaalis sa likod ko.
Nakakakaba, pero nagawa ko.
Nanakaw ko ang pana ni Cupid.
To be continued...
COMMENT NEXT FOR THE NEXT CHAPTER🙊