webnovel

Chapter 17

"Uy babe, alam mo na ba?" Habang nasa byahe, biglang nagtanong si Yasumi.

"Na ano?" Tiningnan naman ni Aikoh si Yasumi with a questioning look.

"Nagtext sakin si Akaza, may pinagbabaril daw sa labas nang school babe! A few minutes lang daw after nating umalis." Yasumi said habang kinakabahan.

"Tapus?" Aikoh acted like he is interested which made Yasumi pout dahil alam niya talagang deep down hindi interesado si Aikoh na malaman yung detalye and he is just acting curious para sabayan siya.

"Di rin daw clear ang motibo sabi ng mga pulis babe pero hinala nila, tungkol to sa druga dahil nakakuha ang mga pulis nang baril sa bangkay nung biktima at may mga drugs rin daw sa dashboard nung sasakyan," Sabi ni Yasumi kay Aikoh.

Napangiti nalang si Aikoh dahil napakaenthusiastic magsalita ng girlfriend niya, with matching kaway kaway pa nang kamay. Para siyang bata habang nagkukwento.

"You're so adorable babe," Sabi ni Aikoh bago niya ginulo buhok ni Yasumi.

"Maliit na bagay, hehe," Pagmamalaki ni Yasumi.

Tumingin naman si Joakim kina Aikoh through the mirror. Naramdaman ito ni Aikoh bago sinalubong ang tingin ni Joakim sa mirror.

Tumango si Aikoh na tila pinupuri ang kung ano man na ginawa ni Joakim.

"Uy babe, kelan ba natin gagawin yung psurvey survey ni sir?" Nagchange nang topic si Yasumi.

"Ikaw kelan mo ba gusto? Next week pa naman yun diba?" Aikoh asked back.

"Sunday na siguro tayo babe, alangan naman umabsent tayo diba? Tuesday pa kaya,"  Sagot ni Yasumi.

"Sige," Pagsangayon ni Aikoh.

After a few minutes of ride, nakarating na sila sa kung saan nakatira si Yasumi. Bago umuwi sa sarili niyang bahay, bumisita muna si Aikoh at nakipag usap saglit sa mga magulang ni Yasumi.

"Kamusta ang paligid nang bahay nina Yasumi?" Tanong ni Aikoh kay Joakim na abala sa pagdadrive.

"Sa ngayon, wala pa namang kahinahinala. Nilagyan ko na ng tao ang paligid. So far, yung dalawang umatake sayo kanina palang ang ginagawang hakbang ng grupo ni Akae, Master," Joakim reported.

"By the way, good work kanina Joakim," Aikoh praised.

Ang pagpatay sa dalawang umatake kay Aikoh ay utos ni Aikoh kay Joakim. Napakaganda nang pagkakagawa nito to the point na hinding hindi ito maikokonekta kay Aikoh.

"Masyado silang mapangahas para pagtangkaan ang aking master," Joakim said.

Bata pa lamang si Joakim nung una siyang nakita ni Aikoh.

Nakatira lamang siya sa lansangan nun at alam niyang hindi magtatagal, mamamatay na siya sa subrang gutom.

Si Joakim ay anak ng isang businessman at dahil sa natural na kasakiman ng mga tao, pinatay nang sariling kapatid ang kanyang ama, ina at nagiisang kapatid para sa kayaman ng kanilang pamilya. Nakaligtas si Joakim at namuhay nang magisa sa lansangan.

Gutom na gutom na siya nun nang una silang magkita ni Aikoh bago siya binigyan nang tinapay para pangkain.

"Alam kong nagugutom kana, halika kumain ka," Pagiimbita ni Aikoh sa kanya habang nakangiti pero naramdaman ni Joakim ang lungkot mula sa mga mata ni Aikoh.

At dahil narin sa gutom ni Joakim, hindi siya nagdalawang isip na tanggapin ang tinapay.

Inantay ni Aikoh na maubos ang tinapay bago ito naglakad palayo. Nang mapansin ito ni Joakim, inipon niya ang kanyang lalakas para tumayo at sundan ang nagpakita sa kanya ng kabaitan.

Habang naglalakad si Aikoh, napansin niyang may sumusunod sa kanya.

"Gusto mo ba akong samahan?" Nagulat si Joakim nang kinausap siya ni Aikoh habang nakatingin ito sa malayo.

"M~master,"

Nilingon ni Aikoh si Joakim. This time, kita ni Joakim ang kalahati nang mukha ni Aikoh. Kita niya rin ang ngiti at expectations sa kanyang mga mata.

Simula nun, nagbago buhay ni Joakim. Binigyan rin siya ni Aikoh ng pagkakataong makapaghiganti

55 years has passed since then. matanda na si Joakim while Aikoh hasn't changed much pero kahit kunti hindi humina ang pagmamahal ni Joakim sa kanyang master. Di siya magdadalawang isip to go through mountains of swords or  seas of fire para kay Aikoh. Kung kinakailangan, he would lay down his life for his master.

"Joakim, we need to find leads about them and use the police to cover our work behind the scenes," Aikoh gave an order.

A few minutes later, nakarating na sila sa bahay ni Aikoh.

Pagkapasok na pagkapasok ni Aikoh, nakita niyang pinaglalaruan ni Hiro ang mga libro sa study room niya causing the entire place to become a mess.

Aikoh's face twitched. Minsan talaga talo pa ni Hiro ang mga bata sa pagiging immature.

"Uy~ andito kana pala," Ngumiti si Hiro sa kaniya na tila wala siyang ginawang mali.

"You did nothing wrong, diba?" Aikoh asked sarcastically.

Nang marinig ito ni Hiro, he made an 'Ooh' sound before he snapped his fingers and within a blink of an eye, everything was put back into place.

"Master, may nakuha akong lead mula sa umatake sayo kanina," Joakim's statement took everyone's attention.

Lumapit siya kay Aikoh sabay abot nang isang cellphone na may bahid pa ng dugo.

"Sinubukan naming itrace ang pinakahuling tawag na natanggap nang cellphone na yan at dinala kami sa isang bar sa loob ng syudad," Joakim said.

"Magaling, imbestigahan mo ang lugar na yun and see kung may makuha tayo na pweding gamitin against them," Sabi ni Aikoh.

Habang naguusap sila, biglang nagring ang cellphone na hawak ni Aikoh.

"Anong nangyari sainyo? Bat bigla mong pinatay tawag ko kanina?" Pagkabukas ng tawag, biglang may nagsalita mula sa kabila.

"They failed," Aikoh responded na nagpatahimik ng tumawag.

"Sabihin mo kay Akae na he messed with the wrong person and I'm coming for him,"

"I'll be waiting," This time, iba na ang boses na sumagot. Aikoh recognized this voice. It's Akae's voice.

The call was cut off.

Siguiente capítulo