Sa loob at labas ng simbahan ay nakaayos ang mga nagagandahang bulaklak. Nakalatag ang pulang carpet mula sa pinto hanggang sa altar. Ang mga ilaw ay nakabukas lahat para bigyan liwanag ang buong lugar. Isa-isa ng nagdadatingan ang mga ninong at ninang ng ikakasal. Sila Phil, Dave, Ron, Carlo, at Allen na dumiretso sa simbahan galing airport ay dumating din bilang mga gwapong groomsmen. Sila Tanya, Melanie, Heleana, Joana, at Bianca ay nagagandahan dahil sila ang mga bridesmaids ay nasa lugar na din. Si Rhian ang Maid of Honor samantalang si Anthony ang Best Man ay dumating na din sa lugar. Sila Daniel at Mila ay nasa loob naman ng simbahan kasama si Jake na halatang kabado.
"Anak, relax, parang kang asong hindi maihi d'yan." Nakangiting sabi ni Daniel sa anak. "Oo nga naman anak, kalma lang. Baka madaig mo ba ang bride mo sa nerbyos." Sabi naman ni Mila. Huminga ng malalim si Jake. Maya-maya ay nakita na nila na umaayos na ang buong entourage at sinimulan na din ang pagtugtog ng wedding march. Pakiramadam ni Jake ay napakatagal ng oras. Inip na inip na siya, gusto na niyang makita ang bride niya. Nang makita niyang naglakad na sila Ronnie at Tessie ay lalo siyang kinabahan, namawis ang kamay niya, at namuo ang pawis sa noo niya. Tinapik siya si Daniel na sinasabing, "Relax lang anak". Si Anthony naman na nasa tabi niya na binigyan din siya ng isang tapik sa balikat.
Bumukas na ang pinto ng simabahan at nag-umpisa ng lumakad ang napakagandang bride. Lahat ng mata ay nakatutok sa kanya pero isa lang ang tinitingnan niya, ang napakagwapo niyang groom. Ramdam ni Lexi ang kabog ng dibdib niya pero ng magkatinginan sila ni Jake ay napawi lahat ng kaba nilang dalawa. Nang dumating na sa gitna si Lexi ay sinamahan na siya ng kanyang mga magulang para maglakad. Pagdating ni Lexi sa harap ng altar ay nagmano muna si Jake kay Ronnie at Tessie. Ganoon din ang ginawa ni Lexi kay Daniel at Mila. Pagkatapos ay pareho na silang umakyat sa altar kung saan naghihintay na ang pari sa kanila.
"Sa ngalan ng Ama, at ng Anak, at ng Espiritu Santo, Amen." Panimula ng pari at nag-umpisa na ang pagpapatibay sa pag-iisa ng dalawang pusong nagmamahalan.
One Year Later...
"Kuya, bilisan mo nga!" Inis na sabi ni Rhian. "Sandali lang naman, bakit ba?" Tanong ni Jake habang hila-hila siya ng kapatid. "Mahuhuli na tayo sa meeting." Sagot ni Rhian. "Meeting?" Takang tanong ni Jake pero hindi na kumibo si Rhian at binuksan na ang pinto ng auditorium. "Teka, bakit ang dilim?" Tanong ni Jake at kinapa ang switch ng ilaw sa gilid ng pinto.
"Happy Birthday!!!" Sabay-sabay na sigaw ng lahat. Hindi malaman ni Jake kung magagalit o matutuwa dahil talagang nagulat siya. Akala niya ay nakalimutan ng lahat ang birthday niya. Hindi man lang siya binati ni Lexi kaninang umaga paggising nila. Pagdating naman sa ospital ay wala ding nakaalala na batiin siya. Tinawagan niya ang mga kaibigan at sinabing mag-inuman sila sa Phil's Place pero lahat sila ay hindi pwede. Naging iritado siya sa buong maghapon. Pero ng makita niya ang lahat, mula sa kanyang mga magulang, biyenan, kapatid, bestfriend, mga kaibigan nila at lalo na ang asawa niya na may hawak na cake ay naglaho lahat ng pagtatampo niya. Sabay-sabay na kumakanta ang lahat ng happy birthday song para kay Jake. Si Lexi naman ay papalapit sa kanya na hawak ang cake pero may message dito na hindi niya maintindihan. Natapos na sila sa pagkanta at inilapit ni Lexi ang cake sa kanya para hipan. "Make a wish, Tart." Sabi ni Lexi. "Wala na yata akong mahihiling pa, nasa akin na ang lahat." Sabi ni Jake na tumingin sa bawat isa sa mga taong nakapaligid sa kanya. Mapagmahal ng mga magulang at biyenan. Makulit na kapatid at bestfriend pero laging nakasuporta sa kanya. Maiingay na mga kaibigan pero laging handang makinig sa kanya. At ang asawa niyang mahal na mahal niya at alam niyang mahal na mahal din siya. "Wala na talaga?" Tanong ni Lexi. "Hmmm, baby pero hindi naman tayo nagmamadali 'di ba?" Sabi ni Jake. Hinipan na niya ang kandila. "Happy birthday, Daddy?" Basa niya sa message sa cake pagkatapos ay inulit niya sa isip ang message at pagkatapos ay tumingin kay Lexi. "Daddy?" Tanong niya kay Lexi. Nang tumango ang dalaga ay bigla niyang binuhat si Lexi at inikot sa ere. "Jake! Nahihilo ako." Sigaw ni Lexi. "Magiging daddy na talaga ako?" Hindi makapaniwalang tanong ni Jake. "Oo nga. Nasa loob ng cake yung proof, hilahin mo lang 'yan." Sabi ni Lexi na ang tinuturo ay ang message na nakatusok sa cake. Ganoon nga ang ginawa ni Jake at pagkakita niya sa ultasound result ay niyakap niya ng mahigpit si Lexi. "Thank you, best gift ever 'to, Tart. I love you." Sabi ni Jake. "I love you too, tart." Sagot ni Lexi. Wala silang pakialam kung madami ang nakapaligid sa kanila, ang mahalaga sa kanila ay ipadama sa bawat isa ang pagmamahalan nila na nagsimula sa simpleng CRUSH at ngayon ay LOVE na.
Maraming, maraming, maraming salamat po sa inyo na nagbasa ng Crush Kita Noon, Love na Kita Ngayon. Maraming salamat po sa inyong reviews, comments, views, power stones, power spirits, at ratings. Nakakataba po ng puso na mabasa at makita na nag-enjoy kayo sa novel kong ito.
See you soon! Love Lots! Mwah Mwah Tsup Tsup!