webnovel

Chapter 37

"Best!!!" Sabi ni Phil. Hindi pa man oras ng gising ni Lexi ay napilitang siyang bumangon dahil sa paulit-ulit na tunog ng phone niya. "Best naman,'di pa man tumitilaok manok dito nanggigising ka na." Tamad na sabi ni Lexi. "Kita-kita daw tayo mamaya dito sa bar. Tumawag sa akin si Tanya kagabi." Sabi ni Phil. "Sige, sabihin ko kay Tart." Wala sa loob na sabi ni Lexi. "Tart? Sinong Tart?" Takang tanong ni Phil na nagpagising na ng tuluyan kay Lexi.

Hindi pa nagkaroon ng pagkakataon sila Jake at Lexi na sabihin sa mga kaibigan ang tungkol sa relasyon nilang dalawa. Matapos umalis si Allan ay hindi pa ulit sila nagkaroon ng time na magkita-kita ulit.

"Kay Jake kako. Gwapo mo sana, Best, kaso bungol ka." Sabi ni Lexi. "Ang layo naman ng Jake sa Tart." Sabi ni Phil. "Sige na, kita-kita na lang mamaya. Bye!" Hindi na initay ni Lexi na magasalita pa ulit ang kaibigan. Pinindot niya agad ang end call at naghanda para sa pagpasok.

"Tinawagan ako ni Phil kanina. Kita-kita daw mamaya sa bar niya." Sabi ni Lexi habang nasa loob na sila ng kotse ni Jake. "Tumawag din si Dave sa akin kagabi. Sabi ko tanungin kita. Nadulas pa nga ako ng konti." Nakangiting sabi ni Jake. "Ako din." Nakangiti ding sagot ni Lexi. "Sabihin na natin sa kanila mamaya na tayo na." Sabi ni Jake. "Okay." Sagot ni Lexi.

"Bebs!" Sigaw ni Richie ng makapasok na ang dalawa sa ER pero kumunot ang noo nito ng makitang magkahawak ang kamay ng dalawa. Lumapit siya at bumulong kay Lexi. "Ano 'yan beks?" Nguso ni Richie sa kamay nilang dalawa. Nagulat si Richie ng lapitan siya ni Jake at akbayan. "OIC, 'wag dito. Doon tayo sa office mo." Pabaklang sabi ni Richie pero mahina lang para hindi madinig ng iba. Natawa si Jake at Lexi. "Beks, 'wag ka ng mangarap. Akin lang 'yan." Sabi ni Lexi sabay hila sa boyfriend. "Damot!" Sabi ni Richie. "Doc!" Tawag ng nurse sa ER na hawak na ang chart ng isang pasyente. "Okay." Sabi ni Richie na boses lalake. "Astig mo, pre." Sabi ni Jake na kinairap sa kanya ng binatang babae bago tuluyang bumalik sa loob ng ER.

Naabutan nila Jake at Lexi sila Anthony at Rhian sa loob ng opisina na nagtatawanan. May kausap ito sa monitor ng laptop ni Jake. "Nandito na sila, Mom." sabi ni Rhian ng makitang pumasok na ang dalawa sa loob. "Kuya, sila Mommy at Daddy." Sabi ni Rhian. "Lumapit ang dalawa sa lamesa. "Musta, Mom, Dad?" Sabi ni Jake na umupo sa upuan niya matapos tumayo si Rhian. "Nasaan si Lexi?" Tanong agad ni Emma. "Nandito po ako, Tita." Sabi ni Lexi na nagulat ng hilahin siya ni Jake para mapaupo siya sa hita ng binata. Niyakap nito ang mga braso sa bewang niya samantalang ang baba nito ay ipinatong sa balikat ng dalaga. Napangiti sila Daniel at Emma sa nakitang posisyon ng dalawa. Sila Anthony at Rhian naman ay parang naiinggit kaya magkayakap na umupo sa sopa.

"Nakausap na namin sila Anthony at Rhian kanina. Nagulat man kami dahil sinabi na nila na may relasyon na sila pero hindi naman kami tutol. Nasa tamang edad na kayo at alam n'yo ng magdesisyon para sa sarili ninyo. Ang paalala lang namin ay gawin ninyong sentro ng relasyon n'yo ang tiwala at pagmamahal. Jake, ngayon girlfriend mo na si Lexi ay magpakatino ka na. Kayong dalawa ni Anthony ay lumayo-layo na sa mga kalokohan n'yo dati." Sabi ni Emma. "Mom, matino naman kami ni Anthony ah." Sabi ni Jake. "Opo nga, Tita." Segunda ni Anthony. Umikot naman ang mata ni Emma na kinangiti ni Lexi. "Kapag may problema kayong dalawa ni Rhian sa mga boyfriend n'yo ay tawagan n'yo agad ako at ako mismo ang sasapak sa dalawang 'yan." Sabi ni Daniel. "Okay, Dad, makakaasa ka." Sabi ni Rhian at sinabihan si Anthony na "lagot ka" gamit ang mga kamay niya. "Tito, Tita, 'wag po kayong mag-alala. Ako pong bahala sa dalawang 'to pagnagkataon. Sila po ang iiyak sa amin ni Rhia." Sabi ni Lexi na napaigtad ng kilitian siya ni Jake sa tagiliran. "Oh, siya sige, kami ay matutulog na. Basta magmahal kayong apat." 'Yun lang at naputol na ang connection.

"At dahil nasabon tayo, tara banlaw tayo." Sabi ni Rhian na hinila patayo ang boyfriend. Naunang lumabas ang dalawa at naiwan sila Jake at Lexi sa loob dahil ayaw pakawalan ni Jake si Lexi. "Tara na." Aya ni Lexi. "Dito na lang tayo." Lambing ni Jake. "Maghihintay 'yung dalawa saka nagugutom na din ako." Sabi ni Lexi at pinilit na tumayo pero ayaw pa din siyang pakawalan ni Jake. Nanlaki ang mata ng dalaga ng maramdaman na parang may matigas na nakaulbok sa pantalon ni Jake na tumatama sa may pwetan niya. Nilingom niya ang binata at napakamot ito sa batok nito. "Ang bango mo kasi eh kaya nag-flag ceremony." Nakangising sabi ni Jake na ikinapula ng mukha ni Lexi. "Mr. Jake de Castro, gusto mo bang mabasag 'yan ngayon umaga?" Sabi ni Lexi. "Tart naman, gusto ko pang magkaanak sa'yo, 'wag mo naman basagin. Sige ka. ikaw din." Sabi ni Jake na lalong kinapula ng mukha nito. "Ano ba, tara na!" Sabi ni Rhian na kinabigla ng dalawa. "Hala! Anong ginagawa n'yo d'yan? Ate Lexi, ang pula mo!" Sabi ni Rhian sabay lapit sa dalawa. "Dre, ang aga-aga naman niyan." Sabi ni Anthony na nakasunod pala kay Rhian. Biglang siniko ni Lexi si Jake dahilan para makatayo siya mula sa kandungan nito. At paglingon niya sa binata ay nakita niyang nakaulbok nga ang alaga nito at kapag mas lumapit pa ang dalawa ay makikita nila ang tinatago ng binata kaya dali-dali siyang lumakad papunta sa dalawa at hinila palabas. "Tart, sunod ka na lang." Pahabol na sabi ni Lexi bago tuluyang lumabas at isarado ang pinto. Naiwang nangingiti si Jake. "Ikaw ha, pasaway ka." Sabi nito na nakatingin sa baba.

Dumating ang hapon at oras na ng uwian. "Gusto n'yong sumama sa amin?" Tanong ni Lexi kila Rhian at Jake. "Saan?" Tanong ni Rhian. "Sa bar ni Phil, magkikita ang barkada doon." Sagot ni Lexi. "Next time na lang. May dinner date kami ng My Loves ko." Sabi ni Anthony na inakbayan si Rhian na kinikilig naman. "Okay." Sabi ni Lexi Sabay-sabay silang apat na lumabas ng opisina.

"Deretso na tayo o uuwi ka pa para magbihis?" Tanong ni Jake habang nakasakay na sila sa kotse nito. "Okay na 'to. Tayo-tayo lang naman." Sagot ni Lexi. "Saka kahit ano naman isuot mo maganda ka pa din at sexy, siyempre." Sabi ni Jake. "Hmp! Bolero." Sabi ni Lexi na may ngiti sa labi. Magkahawak ang mga kamy nila habang papunta sa bar ni Phil.

Siguiente capítulo