My Demon [Ch. 76]
"Isa pa, anak." Kanina pa ko kinukunan ng picture ni Mama. Tuwang-tuwa siya kasi ang ganda ganda daw ng ayos ko ngayon. Sa sikat na Parlor ba naman niya ako dalhin e. Sila pala ni Tita Juliet. At dahil kasama namin siya, naka-discount si Mama. Gusto pa nga nung kaibigan ni Tita Juliet na free nalang kaso ayaw ng nanay ko. Gusto niya daw kasing pinagkakagastusan ang mga ganitong event sa buhay ko.
Sinamahan ako ni Mama hanggang paglabas ng bahay. Ipapara nya sana ako ng trike kaso may limo ang nakaparada sa mismong tapat ng bahay namin. Nasa labas ang driver nito tila inaabangan ang paglabas namin.
Magalang niya kaming tinanguan bilang pagbati. Pagkatapos, binuksan ang pinto ng makintab at mahabang sasakyan.
Nagkatinginan kami ni Mama. Alam namin kung saan galing 'yan. Sa Fuentalez. Ang ikipinagtataka lang namin ay kung sino ang may pakana. Kasi kung si Tito Romeo at Tita Juliet, ipapaalam nila sa'min na may mamahaling sasakyan ang maghahatid sa'kin papunta sa hotel na pagdarausan ng Graduation Ball. Kaso hindi. Wala silang nabanggit sa'kin o kay Mama.
Subalit malakas ang hinala ko na si Demon ang nasa likod nito. Napangiti ako. Kahit wala siya dito, inaalala niya pa rin ako. Ilang araw na ba ang nakalipas simula ng nagpunta siya sa Paris? Six days? Anim na araw palang ngunit miss na miss ko na siya.
Hinawakan ako sa kamay ng aking ina at sinamahan maglakad. Inalalayan niya pa ang dulo ng gown ko habang pumapasok ako sa limo.
"Good luck, Soyu! Enjoy!" nakangiting bilin sa'kin ni Mama.
Hawak-hawak ko ang phone ko, nasa loob pa rin ako ng sasakyan. Gustong-gusto ko na kahit marinig manlang ang maangas na boses ni Demon. Kaso wala naman siyang iniwan na roaming number sa'kin. Nung tinanong ko naman ang mga magulang niya, wala daw roaming number si Demon. Pagkatapos nun, nag-iba na sila ng topic. Nung tinanong ko si Kuya Kyle, nabura daw niya. Tapos ang sinagot sa'kin ni Khaisler nung siya na ang napagtanungan ko, may ibang babae na daw ang kuya niya. Wag na daw ako mag-aksaya ng panahon.
Ang bait talaga ng bunso nila. Napaka-supportive at thoughtful! Kung alam ko lang na ganun ang isasagot niya edi sana hindi ko na siya tinanong.
May iba na daw babae si Demon. Kaya ba nung naabutan ko siyang online sa Facebook noong isang araw at chinat ko siya, ni-seen niya lang sabay nag-offline siya. Anim na araw palang pero mukhang nakalimutan na niya agad ako.
Tumigil ang sasakyan kaya napatingin ako sa bintana. Nandito na pala kami. Binuksan ng driver ang pinto at inalalayan akong makalabas ng kotse. Nagpasalamat ako sa kanya. Ngumiti lang siya.
Nagmistulang contest ng magagandang kotse ang carpark ng hotel. Nakakahilo ang mga nagkikintaban at mamahaling kotseng narito. Kung hindi lang siguro dahil sa sumundo sa'kin, malamang na-out of place na naman ako dito.
May mga schoolmates ko rin ang nasa labas ng hotel. Karamihan ay mga lalaki na hinihintay ang mga date nila. Isa na doon si Johan. Among the others, siya talaga ang una kong napansin. Bukod sa reason na naging ultimate crush ko siya, siya ang nangingibabaw sa lahat ng mga lalaking narito. Mga gwapo rin naman sila, pero si Johan ang pinaka. Ang ganda ganda pa ngumiti.
Nang makita niya ko, kumaway siya saka ako sinalubong. Oh well, siya lang naman kasi ang date ko ngayon.
"Shall we?" Inalok niya ang braso niya.
Sinuklian ko ang ngiti niya at humawak sa kanyang braso. Magkasama kaming nagpunta sa Ball Room.
Tinanong kami ng lalaking nakatayo sa gilid ng entrance kung ano ang pangalan naming dalawa. Bawat partner na papasok ay tinatanong. Si Johan ang sumagot.
"Johan De Guzman and Soyunique Sarmiento!" sabi ng lalaki sa mic.
At doon kami pinapasok. Habang naglalakad sa red carpet, medyo nailang ako kasi sobrang dami ng taong nanonood. Pinapanood yata nila ang lahat ng pumapasok. Nakarinig ako ng tilian habang sinisigaw ang pangalan ni Johan.
Tumawa si Johan ng mahina at yumuko na parang nahihiya. Ang cute niya talaga.
Dahil si Johan ang date ko, siya ang naging first dance ko. Sinayaw rin ako ng iba kong classmates na lalaki. Even Afred. In fairness sa kanya, wala siyang suot na makapal na salamin. Naka-contact lense siya. Biruin niyo, ang gwapo niya rin pala. Para siyang prince charming na nagtatago sa katauhang beast.
At syempre, hinding-hindi mawawala sa listahan ang best of all friends kong si Angelo. Napakagwapo niya ngayon. Lalaking-lalaki. Wag lang talaga siyang magsasalita. Sa katunayan nga ang daming babae ang nagpupumilit na isayaw siya. Kahit si Cristhia pati na rin ang mga classmates kong babae. Gwapo naman kasi talaga siya. Tingnan niyo nga o, kahit alam nilang beki itong si Angelo, nilalandi pa rin nila. Ang daming babae ang halos umiyak maisayaw niya lang kaso ang bruhilda iniirapan pa ang mga ito. Hindi daw siya nakikipagsayaw sa kapwa niya babae. Maliban sa'kin na best of all friends din niya.
Sinayaw ulit ako ni Johan. After the song, hinila na siya ng mga babaeng kanina pa nakaabang na matapos ang sayaw namin. Pinagkaguluhan nila ang date ko at nag-aaway-away sa pwesto.
Napailing nalaang ako. Ano pa kaya kung nandito ang pantasya ng lahat, si Keyr Demoneir Fuentalez. Sigurado akong mas marami ang mga babaeng maiiyak maisayaw niya lang at magkandarapa. Ang hindi lang nila magagawa ay ang pagkaguluhan ito. Yung bang nagigitgit na nila si Demon dahil sa pag-aagawan gaya ng ginagawa nila kay Johan. Kilala niyo naman siguro si Demon.
Speaking of him, pang-ilang beses ko na bang sasabihin na miss na miss ko na siya?
"What's with the face, Sistar?" Biglang sulpot ni Angelo sa gilid ko.
Nagdi-dip ako ng mallows sa chocolate fountain. Habang ang isang kamay ay puno ng chocolate cookies at kung anu-anong chocolate biscuits.
Umiling lang ako at kinain ang pagkain ko.
"Alam mo, tara." Hinawakan niya ko sa pulso at hinila.
Nagpatinaod naman ako at nagawa pang ubusin ang pagkain habang hinihila niya ako. Chocolate 'to e.
"Bawal dito ang nakasimangot, OK?" Pumaywang siya.
Sagwa. Gwapo na e. Mala-Baekhyun ng EXO na naka-tuxedo na ang dating niya. Pumaywang pa at yung arte ng pananalita niya... NVM.
"Nakasimangot ba ko?" Alam kong naka-pout ako.
"Ay, hindeh!" Giniya niya ako patalikod. Nakaharap ako ngayon sa sliding glass door patungong garden. Binuksan niya ang pinto pagkatapos tinulak ako palabas. "Dyan ka! Dyan ka mag-emo!"
"H-hoy, Angel!" Natataranta akong lumapit sa pinto. Huli na dahil naisara na niya ito. Ni-lock pa ata kasi hindi ko mabuksan. Kinatok-katok ko ang pinto.
Nag-bleh lang siya sa'kin saka umalis na kumekembot-kembot.
Sinilip ko ang loob ng malawak na Ball Room. Kapag may napatingin sa'kin, ang balak ko ay tatawagin ko at hihingi ng tulong para pagbuksan ako. Kaso lahat sila busy at enjoy na enjoy sa party. May waiter na dumaan sa mismong harap ko. Kinatok ko ang pinto na napansin naman niya. Nabunutan ako ng tinik. Nag-gesture ako na pagbuksan niya ako. Hindi niya ata naintindihan kasi pangiti-ngiti pa siya tapos nag-Hi habang kumakaway bago umalis. Ang ganda. Hmp!
Pumihit ako at pinagmasdan ang garden. Medyo madilim kasi iilang lamp lang ang nakabukas. May mga puno na namumunga ng bulaklak. Ang ganda. May stone path pa.
Naglakad ako papunta sa wooden bench na katabi ng mga pandak na puno. Nagmumuni-muni ako hanggang sa may babaeng lumapit sa'kin. Familiar ang mukha niya kasi madalas ko siyang nakikita sa Fuentalez High.
"Hi, Soyu!" bati niya sa'kin.
Nag-Hi ako sa kanya habang nakangiti. Hindi ko kasi alam ang pangalan niya.
"Andoon si Keyr." Lumingon siya sa may likuran niya upang ituro ang lalaking nakaupo, nasa may kalayuan ito. Naka-tuxedo rin ang nasabing lalaki. Nakatalikod ito. Hindi ko mawari kung si Demon nga ba talaga iyon kasi madalim sa parteng iyon.
"Papasok na ako sa loob." Nagbalik ako ng tingin sa babae. Pinilit kong ngumiti sa kanya kahit panay ang sulyap ko sa lalaking tinuro niya.
Nilingon ko ang babae. Papasok na siya sa loob ng Ball Room. Tumaas ang isa kong kilay nang makitang nabuksan niya ang pinto. Hindi pala iyon naka-lock. Sadyang mali lang ang way ko ng pagbukas kanina. Poor me.
I decided na huwag ng pumasok sa loob. Tama si Angelo. Hindi ako pwede doon lalo na't nakasimangot ako. Mapipigilan ko ba ang sarili ko? E sa may namimiss akong tao e.
Tumuon ang atensyon ko doon sa lalaki. And without knowing it, nakatayo na ako at naglalakad papunta doon. Habang papalapit sa kanya, ang daming pumapasok sa isip ko. Gusto kong maniwala na siya 'yon, kaso masyadong loyal ang pag-iisip ko. Imposible. Napaka-imposibleng siya 'yon. Nasa Paris siya. Isa pa, wala ang sparks. Hindi ako kinakabahan. Hindi nanghihina ang tuhod ko. Walang naglalaro sa loob ng tiyan ko.
Bago ko pa man makalabit ang lalaking iyon, tumayo ito. Dire-diretso siya sa paglalakad habang may kausap sa phone. Tama nga ako. Hindi siya si Demon. Nakumpirma ko iyon nang medyo tinagilid niya ang kanyang mukha. Nakita ko ang side view niya.
Bumuntong hininga ako. "Kailan ba kita ulit kita makikita, Demon?" Iniingatan ko ang sarili kong wag magalusan, para kapag nagkita muli tayo, hindi mo ko aawayin. Lahat ng bilin mo sinusunod ko, wag mo lang sunugin ang buhok ko at wag ka lang magalit sa'kin. Pero hanggang kailan ko naman 'yon gagawin? Anim na araw palang na hindi ka nagpapakita, nagpaparamdam, ang hirap hirap na. Ikaw kasi e! Sinanay mo ko masyado sa mga asaran, kulitan, lambingan. Nasanay ako sa presence mong binubulahaw ang umaga, tanghali at gabi ko. Hinahanap hanap ko ang pagiging korni mo na hihiritan ng pang-aasar, at yung pagiging over-protective mo na itinatago sa pang-iinsulto.
"I want my Demon back." Hindi ko alam kung paano lumabas ang mga salitang 'yan sa bibig ko. Sobrang miss ko na talaga siya.
Pinunasan ko ang luha ko. Nagpasiya akong bumalik na sa loob. Yung mga chocolates nalang ang pupuntiryahin ko.
Natigilan ako sa paglalakad nang mag-brown out. Namatay ang mga lamp garden. Napakadilim ng lugar. Naalala ko yung napanood ko noon sa movie. Ganito yung eksena bago may wolf na tumalon mula sa kung saan tapos manglalapa. Waaah! Lalapain ako ng buhay? NO!
Tumili ako at tumakbo. Muntikan pa kong masubsob nang may humila sa'kin.
"Where do you think you're going, huh?" That voice.
Parang tumigil ang mundo ko. Nawala ang takot ko tungkol sa wolf subalit bumilis ang tibok ng puso ko. Kinakabahan ako. Nanghihina ang mga tuhod ko. At parang may kumikiliti sa tiyan ko─ang kakaibang feeling na nararamdaman ko kapag sobrang lapit ko kay...
Madilim pero naaninag ko kahit papaano ang mukha niya. His scent, everything of him. Sigurado akong si Demon ito. At hindi ako makapaniwalang nasa harapan ko siya ngayon. Napakalapit namin sa isa't-isa. Hawak hawak pa niya ako sa bewang.
Excitement. Gladness. Confused. Ang iba hindi ko na alam kung anong tawag. Basta ang alam ko lang, halo halo ang nararamdaman ko.
Tinulak ko siya. Gusto kong umalis. Hindi ako mapakali na ewan.
Dahil nga siya si Demon, hindi siya nagpatinag. Lalo niya lang hinihigpitan ang pagkakayakap sa bewang ko. Kaya ang ginawa ko, sinipa ko na siya sa tuhod.
"Argh!" daing niya na sinundan ng ilang bad words.
Hindi na ako nag-atubili, tumalikod ako at nagsimula ng umalis. Kaso naabutan niya ko. Hinila niya ang gown ko papunta sa kanya. Hindi iyon dahan-dahan kaya feeling ko matutumba ako.
Sinalo niya ako ng braso niya. Sa posisyon namin para kaming kakatapos lang magsayaw. Naka-bend ako habang salo-salo niya ako gamit ang braso.
Tinulak ko ulit siya. Hindi pa man ako ganap na nakakatayo ng maayos, hinila na naman niya ako. Bumunggo ako sa matigas niyang dibdib.
Tumindig ang balahibo ko ng hablusin niya ang buhok ko at nang may binulong sa tenga ko, "Hinding-hindi ka na makakatakas sa'kin."
Sandali akong natigilan. Ganitong ganito rin ang sinabi niya saakin noong araw na hinabol niya ako dahil paparusahan niya ako: bago niya ako ginawang alalay (taga bitbit ng pizza and drinks).
Ginabayan niya ang aking baba gamit ang index finger na tumingala para makita ko siya. "At kahit itulak mo 'ko ng ilang beses, hihilahin at hihilahin kita hanggang sa mapagod ka at hayaan ang sarili mo sa piling ko," sabi niya habang hinahaplos ng thumb niya ang pisngi ko.
Binitiwan niya ang bewang ko para hawakan sa mukha. Unti-unti niyang nilalapit ang mukha niya sa'kin kaya naman...
"May babaeng hubo't hubad!" Tumuro ako sa likuran niya. Hindi tulad ng dati na lumilingon agad siya. Ngayon, hindi nabago ang posisyon niya na para bang walang pakialam sa sinabi ko. Sa halip, nasulyapan ko ang ngiti sa labi niya.
"Bakit pa ko lilingon sa babaeng hubo't hubad," Sounds pervert!! "kung nasa harapan ko na ang babaeng mahal na mahal ko."
Hindi ako nakakibo. Walang salitang lumabas mula sa bibig ko. Pero mentally, naghuhurementado ako. Gusto kong tumili at manabunot dahil sa sobrang kilig.
Nagbukasan ang mga ilaw. Hindi 'yung mga simpleng ilaw na nakasindi kanina. Ang mga ito ay ang ginagamit ata nila kapag may special event. Napansin ko rin ang malilit na ilaw na pinalilibutan ang mga puno. Golden white. Para tuloy akong nasa fairytale. Kaya siguro kaunting lamp garden lang ang nakabukas kanina ay para maitago ang mga dekorasyon. Surprising!
Let's talk on instagram: @_callmejenniee and @girlinblackpink_stories
Keep safe everyone! Isang chapter nalang plus epilogue tapos na ang story. Please leave a comment. Malay nyo, ma-motivate akong i-update agad ang last chapters bwahahahahaahahahahahaha