My Demon [Ch. 69]
Naglalakad ako sa hallway sa building ng seniors sa fifth floor. Kasi naman mga dalawang linggo ko ng hindi nakikita si Demon. Gusto ko siyang makita. Miss na miss ko na siya. Yung mga asaran, kulitan at maging yung mga awayan namin. Lahat yun namimiss ko na.
Gaya ng madalas, kapag may gagawing importante si Angelo sa Student Council Office, naglilibot-libot ako habang hinihintay siya.
At ngayon, pabalik-balik ako dito sa fifth floor kasi nagbabakasakali ako na makikita ko siya. Bakit ba kasi hindi ko siya nakikita dito sa campus ng ilang araw? Hindi ba siya pumapasok? O baka naman ayaw niya lang magpakita sa'kin.
Tuwing nasa Cafeteria kami, palagi akong tumitingin sa pwesto nila ni Ployj. Pero palagi siyang wala, si Ployj lang ang kumakain doon mag-isa. Naman eh! Nagpapamiss na naman ba ang lalaking yun? If so, it's working. Really working.
"AAAH!" Napatili ako nang mapatid ako. Nadapa ako sa floor.
"Serves you right!" sabi ng babaeng pumatid sa'kin.
Kahit masakit ang tuhod ko pinilit kong tumayo para harapin siya.
"Jia, may problema ka ba sa'kin?"
Yes, si Jia ang babaeng pumatid sa'kin. Hindi ko alam kung ano ang ginagawa niya rito e mukhang hindi naman pumasok si Demon ngayon. At hindi ko rin maintindihan kung bakit inis siya sa'kin.
"Problem?" she uttered, brow arching. "You are fortunate Keyr likes you, but he's unfortunate for liking you. And that's the problem."
My vexation melt. Tama siya. Swerte ako kay Demon, pero hindi siya swerte sa'kin. Alam ko na yun. Kaya nga iniiwasan ko siya. Kasi magiging he's fortunate ang phrase kapag kay Jia siya napunta.
"Bakit kasi ikaw pa ang nagustuhan niya?" demand pa niya. "Hindi ka maganda para sa kanya! Alam mo ba kung anong ginawa mo sa kanya? Hindi na siya pumapasok sa school. And you know what's worst? Natuto siyang uminom, manigarilyo at tumambay sa bar!"
Nagkaroon ng awang sa labi ko. Shock, worried and guilt. Kaya pala nung isang beses na pumunta si Tita Juliet sa bahay at seryosong nakipag-usap kay Mama, narinig ko siyang umiyak. Nasa kwarto ako nun habang sila ay nasa sala. Ganun pa man, hindi ako sinumbatan at pinagalitan ng mag-asawa.
Oo, mahilig siyang magkipag-away. Pero alam ko naman na hindi siya ang nauuna. Tinatanggap niya lang ang mga naghahamon sa kanya ng away. Unless, may ginawa ka na hindi niya nagustuhan.
Subalit ang uminom at manigarilyo? Never ko pa siyang nakitang gumawa nun, and I can't imagine him doing that bad habbits.
"Ikaw ang mas gusto niya," ang lumabas sa bibig ko.
"Sana nga," aniya. "How I wish na hanggang ngayon ako pa rin ang gusto niya." Tinitigan niya muna ako ng ilang segundo bago ako iniwang nakatulala at malalim na nag-iisip.
***
"Wag mo ng isipin yun. Mahal ka nun," ani Angelo. "Babush, Sistar!"
Nag-bye ako sa kanya tapos nagbeso-beso. After that bumaba na ako ng kotse niya. Hinintay ko muna na makaalis yung sasakyan ni Angelo bago tumalikod para pumasok na sa bahay.
Nakahawak na ko sa knob nang makarinig ako ng busina ng sasakyan. Beep! Beep! Beep!"
Paglingon ko, nanlaki ang mga mata ko. Ang taong hinding-hindi (as in never) kong inasahan na pupunta dito ay─wait a minute, PAANO NIYA NAMAN NALAMAN ANG ADDRESS NG BAHAY NAMIN, ABER?!
Hindi tinted ang kotse niya kaya nakikita ko siya. Nakatigin lang siya sa'kin. Maya-maya, bumaba yung bintana sa side niya. Nakatingin pa rin siya sa'kin. Enebeyen. Wala manlang bang Hi sabay smile dyan?
Lumapit ako sa kanya.
"Naligaw ka ata?" pabirong sabi ko sa kanya.
Hindi naman siya tumawa o kahit ngumiti manlang. Nakatingin lang siya sa'kin. Hanep! Prince charming without tounge yan eh.
"Gusto mong makita si Keyr?" ang tanging sinabi niya.
Nag-lighten up ang mukha ko at parang bumalik ang ka-hyper-an ko sa katawan.
"Yes, sir!" sabi ko sa kanya na todo tango.
At sa wakas, may ngiting sumilay sa mga labi niya. He cocked his head to the side saying Hop in. Umikot ako tapos sumakay sa sasakyan, sa tabi niya.
Buong biyahe ang tahimik namin. Ay siya lang pala. Ako kasi daldal ng daldal. Kasalanan ko bang maging excited dahil makikita ko na naman ang Demon ko? Si Ployj naman, kahit anong daldal ko walang imik. Ni hindi nga tumitingin sa'kin e. Parang nagbibingi-bingihan as if wala siyang cute na katabi. Ang saya niya kausap, swear! Ang dami nga naming mga napag-usapan e. Mmmm.
Gabi na. Naka-uniform pa rin ako. Nagtext ako kay Mama na may pupuntahan lang ako. Nagreply naman siya na Wag kang magpapagabi. Ingat.
Wag magpapagabi e gabi na nga. Baka wag magpapaabot ng hating gabi. Tch. Yung Mama ko talaga.
Nasa tapat na ako ng isang bar. Makukulay na ilaw ang nasa labas na talagang kumukuha ng atensyon. Tapos yung dalawang bouncer . . . waah! Natakakatakot yung mga katawan nila! Naka-black sando sila na fit na fit sa malaki nilang katawan. Pareho silang may tattoo sa braso, yung braso nilang bato-bato. Haluh, ang laki nilang mama!
Ganyan siguro ang right definition ng macho. Akala ko kapag may abs macho na. Katulad kay Demon, may abs siya pero hindi ganyan kalaki yung katawan niya. He's sexy and hot! LOL. Si Demon na naman ang naiisip ko.
Demon. I pouted. Gustong-gusto na kitang makita, Sexily Handsome!
Napansin kong wala si Ployj sa tabi ko. Tumalikod ako para humarap sa kotse. Langya! Nasa loob pa rin si Ployj. Naglalaro sa phone niya? Ay, hindi. Baka may katext.
Kinatok ko ang bintana sa gilid niya. Narinig niya naman yun at agad na binaba yung window. Tinaasan niya ako ng isang kilay. Bakit? ang ibig sabihin nun, alam ko.
"Ba't hindi ka pa bumababa?"
Don't tell me na hindi niya ako sasamahan. Wala kasi siyang balak na bumaba ng kotse. Tignan niyo nga o, hindi nagbago ang posisyon niya.
"Strict parents ko," maikling sagot niya. Nakipagtitigan siya sa'kin hanggang sa umandar na yung kotse.
Bigla akong nataranta kaya sinigaw ko yung pangalan niya. Alam kong narinig niya yun pero binalewala niya lang hanggang sa tuluyan nang nawala sa paningin ko yung sasakyan.
Grabe! Sumbong ko yun kay Demon. Dinala ako dito tapos iiwan ako basta-basta? Magaling. Hindi ko pa naman alam kung nasaan kami, este ako nalang pala. Ang alam ko lang may Bar dito sa likuran ko tapos hotel naman ang sa harap─HOTEL??
Bar sa likod then Hotel sa harap. Noooo! Shinake-shake ko ang ulo ko. Hindi ganun si Demon. Wag kang mag-isip ng kung anu-ano, Soyu cute!
Humarap na ulit ako sa bar. Sigurado akong nandyan si Demon. Dito ako dinala ni Ployj e. And besides, nabanggit ni Jia kanina na nagiging tambay na daw si Demon ng bar.
Bigla akong nakaramdam ng lungkot nang maalala kung ano ang kalagayan ni Demon ngayon. He's kinda rebelling. At . . . ako pa daw ang may dahilan ayon kay Jia. Speaking of Jia, di ba siya ang may dahilan kung bakit tumino noon si Demon? E bakit ngayon . . .
Pichi! Ang dami kong satsat. Makapasok na nga lang sa bar. Toinks! Parang ang dali naman gawin nun. Partida ang lalaki ng katawan ng dalawang bouncer. Nakakatakot.
Bahala na nga. Gusto kong makita si Demon e. Paki ba ng dalawang yan? Pagbuhulin ko silang dalawa e. Char! Parang ang laki ko naman. Hihi!
Naglakad na ako papunta sa bar. Tatakbo nalang ako palayo kung sakali mang sitahin nila ako. Teka, may entrance fee ba? Baka may humarang sa'kin dyan sa loob at hingan ako ng pera. Again, bahala na.
Naka-cross arms ang dalawang bouncer habang nakatingin ng diretso. Salitan ko silang tinitingnan habang marahan na naglalakad. Malapit na ko pero mukhang hindi pa rin nila ako napapansin. Mga todo chin up kasi.
At dahil nga wagas sila kung makataas-noo, nakalusot ako. Eto na, mga tatlong hakbang nalang makakapasok na ko sa loob.
Yumuko ako para makasigurong hindi nila ako mapapansin. Kasi kung magkataon, malamang ihahagis nila ako pabalik sa pinanggalingan ko. Naka-uniform pa nga kasi ako atsaka baka mapagkamalan akong bata. Hmp.
Laking panic ko nang magtinginan ang dalawang bouncer. Nasa gitna kaya nila ako. Waaah! Panic, panic!
Salamat talaga sa aking reflexes na talagang maaasahan. Despite of being startled, nakatakbo ako ng mabilis habang nakayuko. And right there, success! Nakapasok ako sa loob ng bar. For the very first time.
Ang lakas ng music, nakakahilo yung colorful lights na tila sumasabay sa pagsayaw ng mga tao. Dumagdag pa ang usok ng sigarilyo at yung mga taong amoy alak na nadadaanan ko. Ang daming nakakabunggo sa'kin pero ni isa walang nagsosorry. Masyado silang nag-eenjoy sa pagsasayaw at . . . haluh, bakit may nakikita akong nagki-kiss? Ang dami pa namang nanonood sa kanila tapos nagsisigawan ng "Whooo~!"
Demon! Anong klaseng lugar itong pinupuntahan mo?
Patuloy ako sa paglalakad habang palinga-linga sa paligid.
"Aray ko!" napasigaw ako nang may makaapak sa'kin. Bumaon ang patulis na heels nung babaeng naka-fitted black dress sa sapatos ko.
Hang sakit! Hindi manlang nag-sorry. Sayaw pa siya ng sayaw.
Nagpunta ako sa gilid. Dito mas safe ako. Walang makakabunggo sa'kin at walang heels na tutusok sa paa ko. Huhu! Ang sakit talaga.
Mula dito sa kinatatayuan ko, tumuon ang atensyon ko sa stool bar. Nakakaaliw kasi yung ginagawang paghagis at pag-ikot ng bote nung Bartender.
My gaze suddenly shifted on someone's head, who was sitting on one of the stool.
Naglakad ako ng pagilid until matanaw ko ang side view ng lalaking iyon. Hindi nga ako nagkakamali. Siya si Demon.
Hi! There's ashfall happening because of Taal's erruption. Keep safe everyone! Let's pray.