webnovel

Chapter 51

My Demon [Ch. 51]

 

Pinanagutan ko ang sinabi ko kay Demon na ipagluluto ko siya. Sinigang na baboy ang niluluto ko hindi dahil sa ayun ang ni-request niya, kundi dahil ayun ang gusto ko. Kakain ulit ako. Hehe. Bigla akong nagutom eh.

Siya daw muna ang magbabantay ng tindahan habang nagluluto ako sa kusina. Natawa pa nga ako nung kinwento niya kanina na dahil daw na-bore siya sa kakahintay sa'kin, nagbantay nalang siya ng sari-sari store namin.

Sana lang hindi niya nasungitan yung mga bumili.

"Wow." Oh! Speaking of Demon. "Amoy palang nakakatakam na. Ang asim-asim . . . ng nagluluto." Inamoy-amoy niya ang leeg ko na ikinabigla ko.

Halos maipukpok ko na sakanya yung hawak kong sandok. "Demon naman eh!"

Tumawa lang siya. Kahit kelan talaga siya grr!

Alam ko naman na simula kanina hindi pa ako nakakapagpalit ng damit. Opo, naka-uniform pa rin ako hanggang ngayon habang nagluluto. Hindi na niya kailangan pang ipamukha na . . . waaah! Hindi naman ako maasim eh!

"Naka-pout ka na naman. Niloloko lang kita."

"Tse! Hindi ko sasarapan 'to."

"Okay lang. Kakainin ko pa din."

Weh? Talaga lang, ha? Ang arte-arte mo kaya! Kung kaya lang talaga kitang sapakin . . . naku!

Tinalikuran ko na siya at nag-focus na sa niluluto ko.

"Kulot, tingin ka sa'kin," utos niya.

"Ayoko nga. Nagluluto ako dito."

"Lilingon ka lang, mahirap ba yun? Dali!"

"Bakit ba kasi?" tugon ko tapos lumingon.

Click!

 

"Hahaha! Nice!" aniya at kumaripas ng takbo.

Argh! Kunan daw ba ko ng snap shot? Naman eh! Baka nakanganga ako dun. Huhu! May ipangba-blackmail na naman sa'kin yun. Pero mukhang mas gagamitin niya yun pang-bully kaysa pang-blackmail.

***

"Burahin mo yun ah? Ha?" pang-ilang beses na sabi ko sa kanya. Halos nagmamakaawa na ko sa kanya pero mukhang walang talab.

"Kumain ka na nga lang diyan."

"Sige na, Demon." Binaba ko ang kutsara't tinidor na hawak ko at pinagdaop ang mga palad ko na parang nagdadasal, pinakinang ang aking mga mata, at higit sa lahat, nag-pout. "Puhlease?"

Malapit na sa bibig niya ang kutsara ng matigilan siya. Yehey! Effective ang paawa yet pa-cute effect ko.

Nang makabawi ay nagsalita siya. "Di mo ko madadaan diyan." Kinuha niya ang pitsel at iniharang sa pagitan namin tapos yumuko siya habang kumakain para di niya makita ang mukha ko.

"Demon naman ih!" Humawak ako sa pitsel at aalisin sana iyon kaso mabilis niya rin iyong nahablot upang pigilan ako.

Ilang beses pa kong nagpumilit na may kasamang pagpapa-cute na burahin niya yung snap shot ko kaso ayaw niya talagang mapakiusapan kaya tumigil nalang ako at binigyang atensyon ang pagkain ko.

Bakit nga ba ako nabo-bother e picture lang yun? Snap shot nga lang. Ang saklap! Pero kaysa sa magdrama, magpapakabusog nalang ako.

"Pinakain ka ba talaga nung Johan na yun?"

Tumingin ako kay Demon habang ngumunguya. Wala na yung pitsel na nakaharang sa pagitan namin.

Lumunok muna ako bago sumagot, "Favorite ko kasi 'to."

"Talaga?"

I nodded.

"Favorite ko na rin pala 'to," aniya at ngumiti. A cooky smile.

Dahil nga sa gentleman siya, ako ang pinaghugas niya ng pinggan. Ang bait-bait, 'no? Habang ako nagliligpit ng pinagkainan namin, siya ayun! Ang sarap ng nood sa TV.

Matapos kong maghugas ng pinggan, dumiretso ako sa kwarto para magpalit ng damit. Masyado ko ng minahal itong uniform ko ngayong araw.

Saktong pagtapos kong magbihis, nagakarinig ako ng malakas na kalabog.

"SOYU! PUMUNTA KA DITO!"

Naalarma ako nang sumigaw si Demon.

"AAAHHH! SOYU!!"

Tumakbo ako palabas ng kwarto sa takot na baka kung ano ang nangyayari kay Demon.

Pagpunta ko sa sala, naabutan ko siyang nakasampa doon sa ibabaw ng aparador at mukhang takot na takot.

"Hoy, anong ginagawa mo diyan?" tanong ko sa kanya. Di pa rin makapaniwala sa nakikita ko. Ngayon ko lang kasi siya nakitang natatakot.

"Yung ano, Soyu! Yung ano! Argh! Pakshet patayin mo yan!" halong taranta, takot at nerbyos na sabi niya. May tinuturo pa siya sa sahig.

Langya kung makautos! Gagawin pa kong mamamatay.

Tiningnan ko yung tinuturo niya, at halos mabilaukan ako sa biglang hagalpak ng tawa. Kasi naman . . .

"HAHAHAHAHA! Really, Demon? Ang laki-laki mong tao, ang siga-siga, at ang angas-angas tapos isang maliit na ipis lang pala ang katapat mo?" Tumawa ako ng mas malakas.

"Ano ba! Wag mo nga kong pagtawanan diyan! I'll give you five seconds to kill that fuckin' filthy cockroach!"

"E pa'no kung ayoko? Forever ka nang nandyan?"

"Isa!" Sa kabila ng nerbyos niya sa ipis (Hahaha!), nagagawa pa rin niyang mag-threat.

"Dalawa!"

"Oo na po," wika ko. Naghanap ako ng tsinelas at pinatay yung ipis. Isang palo lang naman.

Tumalon si Demon mula sa ibabaw ng cabinet pababa.

Pinanood ko siyang magpagpag ng kamay. Bigla kong naalala yung itsura niya kanina nung nakasampa pa siya sa cabinet. Takot na takot. Ngayon ko na nga lang siya nakitang natatakot, ipis pa ang dahilan. Grabe, napakababaw niya.

Hindi nga siya natatakot sa mga barakong lalaki at kayang-kaya niyang labanan ang mga ito, tumitiklop naman pagdating sa ipis! Wahahaha~ Laftrip talaga!

Dahil sa thought na takot si Demon (na may Bad Boy image) sa ipis, bigla akong nakaisip ng isang bright idea. Ganti ko na rin 'to sa lahat ng pangbubully na ginawa niya sa'kin. Kala niya, huh! Araw ko ngayon! Este, gabi ko ngayon!

Inaayos niya pa rin ang sarili niya ngayon. Artiiii!

Hinawakan ko yung antena ng ipis gamit ang dalawang daliri ko at pinulot ito. Pagkatapos, naglakad ako papunta kay Demon na hanggang ngayon ay wala pa ring kaalam-alam sa kalokohan na gagawin ko.

"Demon," tawag ko sa pangalan niya.

Pag-angat niya ng ulo, tumingin siya sa mukha ko pababa sa hawak-hawak ko.

Natawa ako ng malakas sa biglang pamumutla ng mukha niya. Nagmura siya ng malakas at tumakbo papunta sa ibang direksyon.

"Damn it, Soyu! Subukan mong ilapit sa'kin yan!" banta niya pero di ako natinag.

"Haluh, Demon. Ayan na si ipis," pang-aasar ko sa kanya habang naglalakad papunta sa kanya bitbit yung maliit na insektong kinatatakutan niya ng lubos.

Sumigaw na naman siya with bad words habang nagtatatakbo. Tawa ako ng tawa habang hinahabol siya. Edi naging duwag din siya once. Wahahaha~ Kapag bubullyhin niya ulit ako alam ko na kung ano ang ipanglalaban ko.

Naikot na namin ang buong bahay dahil sa kakahabulan. Noon ako ang tumatakbo dahil sa takot ko sa kanya, ngayon siya naman. Bwahahaha! Ang saya-saya!

"Soyu, tigilan mo na yan!" galit na wika niya.

Nasa corner siya at pilit na isinisiksik ang sarili.

Hindi ko na napigilan ang emosyon ko. Nilabas ko na lahat ng tawa na pwedeng mailabas. Naiiyak at sumasakit na yung tiyan ko pero hindi ko makontrol ang pagtawa ko ng malakas.

"H-hoy, ano ba!" Sa sobrang tawa ko hindi ko napansin na nilapitan na pala ako ni Demon.

Hinawakan niya yung braso ko (yung part kung saan hawak ko yung ipis) tapos hinila ako. Pagpunta namin sa pinto, tinulak niya ng malakas ang braso ko kaya humagis mula sa kamay ko yung ipis at tumilapon sa kung saan.

"Bakit mo ginawa yun?!" Nagpapadyak ako.

"Hindi ka ba nandidiri, ha?" Hinawakan niya ulit ako sa braso at hinila na naman. Ang higpit pa ng hawak niya. Halatang galit siya sa ginawa ko.

Binuksan niya yung gripo sa sink at tinapat ang kamay ko dun. Hinugasan niya ang magkabilang kamay ko. Sinabon pa niya iyon ng husto at paulit-ulit. Pagkatapos niyang banlawan yung kamay ko, hinilamos ko sa mukha niya yung kamay ko dahilan para mabasa yung mukha niya.

Napapikit siya. Ilang segundo bago niya ito ulit idilat. At bago pa siya makapag-react, tumakbo na ako palayo.

I even heard him shout my name, "SOYU!!"

Siguiente capítulo