webnovel

Chapter 49

My Demon [Ch. 49]

 

Monday na ngayon, means may pasok sa school. After kong maligo, nag-breakfast na ko. Pagkatapos kong hugasan ang pinagkainan ko at magtoothbrush, sinilip ko yung apartment ni Demon.

Anong oras na pero mukhang naghihilik pa siya. Nasa labas kasi si Sam at yung family chef nila. Hindi sila makapasok sa loob kahit na katiwala sila ng parents ni Demon dahil natatakot silang masinghalan.

Lumabas ako ng bahay at nilapitan sila.

"Gising na po ba si Demon?" tanong ko kahit na alam ko naman ang sagot.

"Hindi pa eh. Tanghali talaga magising yun si Sir Keyr kahit doon palang sa bahay nila," si Sam ang sumagot.

Nginitian ako ni Kuyang Chef. I smiled back.

"Pwede bang ikaw na ang gumising sa amo ko? Straight naman ang buhok mo ngayon e," paghingi ng pabor ni Sam na sinamahan pa ng biro.

"Ah, sige."

"Iba talaga ang treatment sa'yo ng amo kong palaging mainit ang ulo."

"Anong iba? Kung alam mo lang po ang pinagdadaanan ko sa lalaking yun. Immune na po kasi ako sa kasungitan nun kaya ganun."

Tumango siya pero binibigyan ako ng kakaibang ngiti.

Pumasok na ko sa apartment ni Demon, diretso sa kwarto.

Aba, ang lolo niyo ang sarap pa rin ng tulog. No wonder kung bakit late comer siya sa school. He's not a morning person, I see.

Iniwan kong nakabukas ang pinto at pumasok sa loob ng kwarto. Paglapit ko sa kanya, di ko na naman maiwasang ngumiti. Ang sarap niyang pagmasdan matulog. Mukha siyang anghel. Napakainosente. Di tulad kapag gising niya. Akala mo kung sinong nasa menopausal stage na mabilis mag-init ang ulo. Ang sungit sungit!

I ran my hand through his soft hair. "Demon, gising. Tanghali na."

"Hmm."

"Demon, gising na nga! Bahala ka kapag na-late ka," banta ko sa kanya. Sinimulan ko na siyang tapik-tapikin sa pisngi.

Umungol siya ulit ng mahina.

"Demon, gising na!"

Di na ko nakatiis, hinawakan ko na siya sa magkabilang balikat at niyugyog siya. "Gising, gising!"

Nagsalubong ang mga kilay niya habang nakapikit pa rin. Hinawakan ang mga kamay kong nasa balikat niya tapos hinila ako pahiga. Nakatayo ako sa gilid ng kama niya kaya naman nung hinila niya ako, napadagan ang half-body ko sa kanya.

Kasabay ng pagkagulat ko ang pamumula ng aking mga pisngi.

"Ano ba, Demon!" Sinubukan kong tumayo pero niyakap niya ako.

Tumingin ako sa kanya. Nakapikit pa rin ang mga mata niya pero naka-stretch ang mga labi niya; naka-smile.

Hindi pa siya naliligo pero ang bango-bango niya talaga! Ganito na ba talaga ang scent niya? Unfair naman.

Sa bawat subok ko na tumayo, lalo niyang hinihigpitan ang pagkakayakap sa'kin para hindi ako makawala.

Mabuti nalang at hindi pa ko nakakasuot ng uniform kundi magugusot iyon.

"Demon, gising ka na ata eh."

Hindi niya ko pinansin. Gumapang ang kamay niya mula sa likod ko pataas sa ulo ko. Kinilabutan ako na ewan. Parang may electricity ang kamay niya.

Hinaplos niya yung buhok ko.

Biglang kumunot ang noo niya. Napansin niya sigurong hindi kulot ang buhok ko. Basa pa kasi ang buhok ko kaya straight na straight.

Sa wakas dinilat na niya ang mga mata niya. "You straight your hair?" Patuloy pa rin siya sa paghaplos ng buhok ko.

"Di ah. Ganito talaga yung buhok ko kapag basa," sabi ko. Di alintana kahit na masyadong malapit ang mukha ko sa kanya. Kaka-toothbrush ko lang naman kaya malakas ang loob ko. Haha!

"Why so unique, huh?" He smiled.

Napaka-aliwalas ng mukha niya ngayon. Ang ganda ng mood ng loko ah.

"Sabi sa'yo wag na tayong pumasok eh." Nakarinig ako ng bulungan kaya naipaigtad ako ng tayo. Mabuti naman at hinayaan ako ni Demon.

Si Sam at si Chef, nagtatalo ng pabulong. Nagsisisihan.

Nang mapansin nilang dalawa na nakatingin kami ni Demon sa kanila, tumahimik sila sa pagbabangayan at ngumiti saamin.

"Good morning, Sir Keyr. Gagawin na po namin ang trabaho namin," ani Sam.

Nag-bow lang si Chef saamin ni Demon.

Pag-alis ng dalawa, nagkatinginan kami ni Demon.

"Tumayo ka na diyan. Tapos mag-ayos na," utos ko sa kanya like a boss. LOL.

"Later. Dito ka muna." He reached out, grabbed my hand at hinila na naman ako pahiga.

Tinulak ko siya at dali-daling tumayo. "Demon, naman eh! Bahala ka, male-late ka."

"Okay lang. Sanay na sanay na ko. Tara na dali." Umamba siya na aabutin ako at hihilahin na naman kaya umatras na ako.

"Ang landi mo."

"Sa'yo lang." He smirked and bit his lip.

"Wag ka ngang gumanyan sa'kin, Demon! Bata pa ko!"

He chuckled.

"Bumangon ka na diyan!" Gusto kong lumapit sa kanya at hilahin siya patayo kaso ayoko. Delikado eh.

"Okay." Tumayo na siya. Pagsuot niya ng bedroom slippers, nagulat ako ng tumingin siya sa'kin. Hindi lang basta tingin. Yung tinging nang-aakit?

Waaah! Hinding-hindi ko na talaga siya gigisingin!

Naglakad siya papunta sa direksyon ko dala-dala ang posturang mapang-akit. Agad akong nakaramdam ng panic, excitement at kilig.

"H-hoy, anong gagawin mo? Bakit ganyan ka makatingin, ha?" nauutal at kinakabahang tanong ko habang umaatras.

Mabagal lang ang paglapit niya sa'kin na talaga namang nagpadagdag ng kilabot at kaba na nararamdaman ko. Kilabot, in a way na nakakakilig at nakaka-excite. Char! Nahahawa na ko sa kalandian ni Demoneir.

 "Sandali lang 'to," sabi niya sa mapang-akit na tono at binasa ang ibabang parte ng labi niya.

Dahil siguro sa iba't-ibang emosyon na nararamdaman ko, kusa na namang kumilos ang reflex action ko: tumakbo ako palabas.

Bago pa ko tuluyang makalabas ng apartment, narinig ko ang napakalakas na hagalpak ni Demon.

Argh! Lokong yun ah! Naisahan na naman ako.

***

Pinagsisisihan ko na talaga na nag-volunteer ako na gisingin si Demon. Pa'no, dinamay pa ko sa pagiging late niya. Bantaan ba naman ako na kapag hindi ako sumabay sa kanya pumasok sa school, itutuloy niya daw ang "unfinished business" niya. Nakakainis talaga yun!

Kaya naman hayun, natuyo na lahat-lahat ang buhok ko sa kakaantay sa kanya. Late gumising pero ang tagl-tagal naman kumilos. Daig pa ang babae.

Naalala ko tuloy yung araw na naghintay siya n fifteen minutes: the day na pumunta kami sa amusement park. Kung makapagreklamo siya akala mo isang oras naghintay. Wala pa nga siyang half hour nag-antay nun eh.

Samantalang ako, almost two hours nag-antay sa kanya. Ang saya-saya, diba?

"Bakit nakasimangot ang kulot?" pang-aasar ni kilala niyo na.

Nasa kotse kami nakasakay papuntang school. Sa tanang buhay ko ngayon lang ako papasok ng late. Grabe, thirty minutes late na ako and still going. Hindi lang pala ako ang late siya din. Pero ako lang ang affected dito.

"Akin na yung bag mo. Ihahatid na kita sa classroom mo," sabi niya habang naglalakad kami sa hallway.

Super late na kami. Ano pa kayang maabutan namin sa first subject?

He tried to reached for my bag kaya dumistansya ako sa kanya. Instead na ma-guilty dahil naiinis ako dahil sa kagagawan niya, natutuwa pa siya. Goal niya talaga an asarin ako, ano?

Binilisan ko na ang lakad ko.

Lumapit naman siya at sinabayan akong maglakad. "Ngumiti ka nga. Lalong sumasagwa yung mukha mo kapag nakasimagot," natatawang insulto niya.

Bully king!

"Hoy! Pansinin mo nga ako."

Hindi ko siya pinansin. Patuloy lang ako sa paglalakad hanggang sa makarating na kami sa classroom ko.

Sumilip ako sa salamin ng pinto.

"Patay," nasabi ko nalang sa sarili ko.

Ang sama kasi ng aura ng teacher ko sa Araling Panlipunan ngayon. Sa lahat pa naman ng guro ko ngayong taon siya ang pinaka-terror. Nakakatakot tuloy pumasok. Pero mas nakakatakot kung hindi ako makapag-take ng long quiz which was kasalukuyan nilang ginagawa ngayon. Kapag nalaman niya kasi yun, sandamakmak na sermon ang aabutin ko. Okay pa sana kung bibigyan niya ko ng chance na mag-take nun, kaso hindi naman.

Tumalikod ako sa pinto paharap kay Demon nang nakasimangot. "Tara, cutting tayo," yaya ko kay Demon na ikinatawa niya.

"BI ang tutor ko."

Nag-pout ako at lumingon saglit kay Ma'am na pinapagalitan ang isa kong classmate na lalaki.

"Bakit ayaw mo pang pumasok?"

"Natatakot ako eh. Baka pagalitan ako ni Ma'am."

Nag-shift ang tingin niya sa loob ng classroom. "Natatakot ka sa teacher na yun?"

I nodded.

"Ang babaw mo naman."

Hinawakan niya ko sa wrist at hinila palayo sa pinto. Nanlaki ang mga mata ko nang buksan niya ang pinto.

"Good Morning," he greeted glancing at my teacher.

Umaliwalas ng kaunti ang aura ni Ma'am pagkakita kay Demon. Yung mga classmates ko, saakin­─ I mean, saamin ni Demon nakatingin.

Iniiwasan ko ang tumingin kay Angelo dahil alam niyo naman ang ugali ng baklitang yun. Hawak pa naman ni Demon ang wrist ko.

"San ka nakaupo?" tanong niya.

Uh, hindi ba siya aware na pinagtitinginan kami? With meaningful look? Ang cool pa rin niya kasi unlike me na nahihiya.

Tinuro ko ang upuan ko.

Hinila niya ako at sinamahan papunta doon. Inaantay niya muna akong makaupo bago siya lumapit kay Ma'am.

Karamihan sinusundan ng tingin si Demon. Especifically sa mga babae na na-starstruck pa ata sa kanya. Yung iba naman ay nakatingin sa'kin as if di sila makapaniwala na hinatid ako hindi lang sa labas ng classroom kundi hanggang sa mismong upuan ko ni Keyr Demoneir.

Nakaharap ang likod ni Demon sa'kin at hindi ko marinig kung ano ang sinasabi niya sa teacher ko.

Tumingin sa'kin si Ma'am at tinaasan ako ng isang kilay kaya napayuko ako. Nung feeling ko hindi na sa'kin nakatingin si Ma'am, tumingin na ulit ako sa kanila.

Maya-maya lumingon sa'kin si Demon at nginitian ako. Nagtilian ang mga classmates ko. Hindi ko alam kung dahil sa sinusuportahan nila ako or sadyang kinilig lang talaga sila sa makalaglag underwear na smile ni Demon.

Pagkatapos nilang mag-usap, umalis na si Demon. Ni hindi manlang sinara yung pinto. Hello?! Nakabukas po yung aircon.

Nagpalitan ng papel yung mga classmates ko at nag-check. OK, ako lang ang walang chine-check-an at walang ginagawa. Pero mabuti na rin ito. Kaysa naman pagalitan ako ni Ma'am.

Matapos kolektahin ni Ma'am ang mga papel, inayos na niya ang mga gamit niya dahil tapos na ang klase niya sa'min for today.

Lumapit siya sa'kin with her seriou-professional look. Kinabahan ako. Akala ko ligtas na ko sa sermon niya. Hindi pala.

Paglapit niya saakin, binagsak niya sa desk ko yung mga libro at folder na bitbit niya at tinitigan ako.

Napa-straight sit ako. Halos di na ako kumukurap.

"Well done, Miss Sarmiento." Ngumiti pa siya.

Nakahinga man ng maluwag dahil alam kong safe ako, nagtataka pa rin.

"Para saan po?"

"Sa pagiging concern student mo. Kinwento sa'kin kanina ni Mr. Fuentalez na kaya ka raw na-late ay dahil pinigilan mo siyang mag-cutting."

"Po?"

"Wag ka ng mahiya, Miss Sarmiento. Ang mga estudyanteng katulad mo ay dapat na ipinagmamalaki ng ating lipunan. Wala ka man sa katungkulan─" tinutukoy niya ang Student Council "─ay kusang-loob kang tumutulong."

"Ah, eh, wala naman po yun sa posisyon, diba po?"

"Exactly. Kaya mabuhay ka, Miss Sarmiento!"

Masyadong natuwa si Ma'am sa'kin kaya binigyan niya ko ng chance na makapag-take ng long quiz kaya pupunta ako sa Faculty mamaya. Hay, maraming salamat kay Demon.

Isa nalang talaga ang problema ko.

Iyong baklita na kasalukuyang kumekembot palapit sa pwesto ko. Sasakit na naman ata ang panga ko sa pagkwento... at pag-explain.

Siguiente capítulo