webnovel

SAKA NA YUNG BUKAS, YUNG NGAYON MUNA

Napakalakas ng Ulan.

Anupa't kalahating araw na ang lumipas ay patuloy pa rin sa pagsusungit ang panahon.

Baha na sa kalsada. Kaya naman si Yen ay hindi na nakapasok sa trabaho.

Imposible na kase makapasok pa nang hindi ka nababasa.

Hanggang bewang na din ang tubig baha sa kalsada.

Mabuti na lamang at mataas ang lugar nila Yen. Kaya naman hindi sila inaabot ng tubig.

Malapit ang compound nila Madam Lucille sa ilog.

Kaya naman tuwinang uulan ay nagbabaha dito.

Kaya nga nagbabalak na si Yen umalis dito. Dahil kapag umuulan ay apektado ang kanyang trabaho. Gusto niyang lumipat sana. Kaya lang konting panahon na lamang ay tapos naman na ang pinirmahan niyang kontrata. Matatapos ang ang training niya at babalik na siyang muli sa probinsiya at maghihintay na lamang ng graduation.

Gayunpaman iniisip niya ang ilang buwan niyang ititigil sa bahay para maghintay ng graduation kaya ang plano niya ay mag a-apply muna siya ng trabaho pagkatapos ng training para kumita pa rin siya habang naghihintay.

Hanggang Setyembre na lamang ang trabaho niya. Ibig sabihin ay mula Setyembre hanggang Abril ay bakante siya. Kaya plano niya na magtrabaho muna. Marami naman siguro siyang pwedeng aplayang trabaho. Habang naghihintay. Sa ganoong paraan ay tuloy pa din ang sustento niya sa kanyang pamilya.

Tanghali na at hindi pa rin tumitigil ang patak ng ulan.

Tumunog nanaman ang kanyang Cellphone na maliit.

Isa nanamang bagong number.

[ Hi..Si Jason 'to remember last night? ]

Pano ba niya makakalimutan yon?

Nagkaroon ng birthday celebration sina Albert at Angeline. Magkasabay sila ng birthday. Para tipid ay nag ambagan daw ito para sa isang munting salo salo. At nag imbita ito ng ilan sa kanilang mga katrabaho, kabilang dito si Jason.

Ipinakilala sa kanya ni Jonathan si Jason. Kagabi ay halos ito lang ang kausap niya. Unang pagkikita nila pero hindi sila naubusan ng kwento. Napakahaba ng gabi pero hindi sila nauubusan ng pag uusapan. Makwento ito at tingin ni Yen ay may sense ito kausap. Naaliw siyang kasama ito at dahil sa naputol ang kwentuhan ay nakuha pa nito ang cellphone number niya bago sila maghiwa-hiwalay.

Ngayon nagti-text na ito.

[ Ui ikaw pala. Anong balita? ]

Maayos naman kausap si Jason. Likas na malambing ito at talagang mabilis mong makagaanan ng loob. Hindi alam ni Yen pero talagang magaan ang loob niya dito.

[ Ah kase si Shawn...] sagot nito.

[ Bakit? ]

Si Shawn ay kasama din nila kagabi. Tahimik lang ito at panay ang tingin kay Yen.

[ Ay kase crush ka daw ni Shawn. Eh sabi niya baka pwede daw hingiin ang number mo ibibigay ko ba? ]

Sagot nito.

[ Shawn the Sheep?? ] si Yen

[ Ahahaha! ano? ok lang ba sayo? ] tanong ulit nito.

[ Ikaw kung ok lang saiyong ibenta ako ikaw bahala. ]

sagot niya naman.

[ Ahahaha grabe. Cge bibigay ko ah. ]

Hindi niya na ito sinagot.

Sumapit ang gabi ay tumila na din ang ulan.

Maaga silang nagpahinga dahil bukod sa malamig ay maaga ang gising nila kinabukasan. Hindi na siya pwede umabsent.

Pero simula nang araw na iyon, ay araw araw na niya itong katext. Maghapon, magdamag. Anupa't tuwing mababakante sila ng oras ay palagi silang magkatext. Daig pa nila ang mag jowa.

Hindi yon nalingid sa kaalaman nina Jonathan.

Sa tuwinang magkakatipon tipon sila ay nagbabalita si Simoun at nagkukwento tungkol kay Jason. Sabi nito ay mabait daw si Jason de Chavez. Araw araw daw nitong kinukumusta sa kanila si Yen.

" Jason de Chavez ang pangalan non. Taga Cavite yon. Dasmariñas. Mabait yon Yen. Palagi ka nga non tinatanong sa amin." kwento nito.

Hindi naman kumikibo si Yen.

Si Marlon naman, kaklase ni Yen na doon na-assign magtraining kasama nila Jonathan ay nag kukwento din tungkol dito. Si Marlon na seryoso at hindi palakibo ay kinakausap siya para ibalita na araw araw daw siyang kinukulit ni Jason para magkwento tungkol sa kanya.

" At anu naman ang kinukwento mo? " tanong ni Yen

" Wala, kung ano lang ginagawa mo. Mga ganon. " sagot nito.

Ewan ni Yen pero natutuwa siya sa mga naririnig niya. Talagang naaliw siya at gumagaan ang araw niya tuwinang mababasa na may message ito at nag a-update kung ano ang ginagawa niya. May mga panahon na hindi ito makakapag text sa maghapon. At hindi naman si Yen nagtatanong. Pero bago matapos ang araw ay mag so-sorry ito at magpapaliwanag kung bakit wala siyang text maghapon.

Napapangiti si Yen sa ginagawi nito. Hindi naman niya ito boyfriend pero tinalo pa nito ang boyfriend kung mag- alala at mag update.

Pa-fall?

Isa nanamang bagong magpapa asa?

Lalandiin ka tapos iiwan ka sa huli ganon?

Naku, naku, naku Yen.

Maiiwan ka nanamang tanga sa huli.

Mag-a-assume ka na mahal ka, tapos sa huli kawawa ka nanaman.

Magtigil na.

Hindi naman siya nanliligaw...wala namang malisya yung kwentuhan namen araw-araw...

Anu ba naman yan? kung di ka ba naman nuknukan ng T. A. N. G. A! Bakit naman yan mag aaksaya ng load at panahon? Magpupuyat at mag a-update oras-oras kung walang pakay? Sermon ng kanyang konsensiya.

Pero masaya naman siya. Bahala na nga.

Saka na yung bukas.... yung ngayon muna.

" Huy! anong ginagawa mo? " halos mapatalon si Yen sa gulat nang biglang nagsalita si Cath sa kanyang likuran.

" Kinakausap ko ang konsensiya ko" sagot ni Yen dito.

" Iniisip mo si Jason? " tanong nito.

Hindi siya sumagot.

" Mukha namang mabait yung tao. Pero ingat ka pa rin. Sabi naman ni Ana, kakilala niya daw yon."

Lahat ng tao ay mabait. Pero hindi lahat ng mabait ay mapagkakatiwalaan. Naisip ni Yen. Pero wala talaga siyang nararamdamang kahit katiting na doubt. Siguro ay talagang nakuha ni Jason ang tiwala niya. Kaya naman hinayaan niya na lamang na ganon. Una sa lahat wala naman silang tinatawag na relasyon. Nag titext sila everyday, masaya siya don. At ganon lang yon. Bakit naman siya mag a-assume na may future sila eh hindi naman nagtatapat ang Jason.

Bahagyang nahiya si Yen sa sarili.

Papano nga naman mangyayari ang ganoon? Eh kakagaling lang nito sa break up? Ang sabi nito ay bigla nalang daw nagbago ang babae simula nung magtrabaho ito. Ang dating simple nitong pamumuhay ay biglang nag evolve. nagsimula nitong kahiligan ang night life at halos gabi gabi raw ay nasa bar ito at gumigimik. Hindi naman daw niya ito pinagbawalan dahil karapatan naman daw nito na mag enjoy sa buhay. Ang rason niya ay hindi pa naman niya ito asawa kaya hahayaan niya na mag enjoy muna. Pagkalipas daw ng ilang buwan ay tumabang na ito sa kanya. Sa tuwinang dadalawin niya daw ito ay itinataboy siya nito. Hanggang isang araw ay nabalitaan niya na nanood ito ng sine at may kasamang ibang lalaki. Hindi siya naniwala pero nung kinausap niya ito ay kusa itong umamin. Nag update din ito ng status sa FB na in a relationship with.. pero hindi siya ang nakapangalan doon.

Parang mauupos daw siya sa sakit.

Hindi niya daw mapigil ang galit. Nagwala siya at ilang araw na naglasing. Pinilit niya din itong kausapin pero hindi siya nito magawang harapin. Sobra daw siyang nasaktan. Paulit-ulit niya daw itong kinukulit at tinatawagan. Pero ayaw na nito sa kanya.

Ang pinaka masakit pa ay pinagpalit daw siya nito sa mukhang paa. Natawa si Yen sa bahaging ito at naipakita pa nga sa kanya ni Jason ang picture ng lalaking kasalukuyan nitong karelasyon. Matured ito at puno ng tattoo ang katawan.

Yung idea palang na may iba siyang karelasyon habang kayo ay ang sakit sakit na. Iyon pang umamin mismo sa harapan niya. Yung makompirma niya na totoo nga.

Ilang gabi siyang hindi pinatulog. Ilang araw daw siya tulala. Hanggang isang araw ay gumising siya na ok na siya.

May palagay si Yen na hindi pa rin ito nakaka get over. Pakiramdam niya ay umaasa pa rin ito na magkaka ayos sila. Inaaliw lamang nito ang kanyang sarili.

Yung babae ang may atraso, siya ang may kasalanan oo... pero kung mapapatawad niya ito ay posibleng maayos pa nila ang gusot. Posibleng may happy ending pa rin sila. Yan ay point of view niya lamang. Kaya bakit ba siya aasa??

Bakit nga ba kase siya nauugnay lagi sa mga broken hearted?

Hay! sana all may jowa.

Akala mo ba si Sam na?

Akala ko din ee.

Salamat sa boto. ♥

nicolycahcreators' thoughts
Siguiente capítulo