webnovel

SSTGB 3 : CURIOSITY

Kaniya-kaniyang batian kami nang makarating kami kina Chandra. Hindi naman kami na-inform na andito 'yong buong angkan nila. My gosh! Ang daming gwapo tsaka magaganda! Iyong tipong kada lingon mo makakatanggap ka kaagad ng vitamin see.

"Hi, Ara, it's been a long time," nakangiting bati sa'kin ni Greg, isa sa mga gwapong pinsan ni Chandra. Medyo kulot 'yong buhok niya, tapos pormado 'yong kilay—nahiya naman 'yong akin na kung saan-saan ang direksyon ng ibang hibla ng kilay ko—tapos 'yong eyelashes niya, hoy, so wow! No need to curl! Matangos ang ilong niya, medyo makapal 'yong labi, pero red na red! Hoy, basta, ang gwapo!

Todo ngiti talaga ako nang binati ko siya pabalik. "Kamusta na?" nakangiti ko pa ring tanong.

"I'm fine and I've totally moved on," mas lalo akong napangiti. Mukhang konti na lang aabot na sa tenga ko. Uwu! Gwapo kasi talaga siya kaya lang binasted ko 'to dahil mahal ko talaga si Marcus. Kahit lamang talaga si Greg sa kilay at pulang labi, si Marcus pa rin talaga.

"Masaya ako para sa'yo, Greg," super sincere talaga ako sa sinabi ko, promise! "So, may bago ka na bang napupusuan?" tanong ko.

"Yes. I love to share the words of God," kumunot 'yong noo sa sagot niya. Naintindihan ko naman, pero hindi 'yon ang inaasahan kong isasagot niya, "Ara, magpapari ako. Pumasok ako ng semenaryo sa States," napaawang talaga 'yong bibig ko! Sayang 'to. "I just came back here in the Philippines kasi I'm in a vacation for the mean time," muling usal niya.

"D-Desidido ka na ba talaga riyan, Greg?" malay natin, 'di ba, may pag-asa pa. Sayang kasi talaga 'yong lahi niya!

"Yes, Ara," halata talaga sa ngiti niya na gustong-gusto niyang magpari!

"Eh, Greg, iiyak talaga si Anika kapag nalaman niya 'to," malungkot kong sabi.

"Ang alin?" wow! Ang laki ng tenga ng babaeng 'to at narinig niyang binanggit ko 'yong pangalan niya. Biglang sulpot, eh.

"Hi, Anika," bati niya rito, pero hindi sumagot ang Loka, pumupuso na 'yong mga mata niya. Sige nga, tingnan natin kung 'di 'to iiyak kapag nalaman niyang magpapari na 'yong ultimate crush niya.

"Magpapari siya, Niks," agad niya 'kong nilingon na nanlalaki talaga 'yong mga mata tapos tiningnan niya si Greg na agad tumango.

Hoy! Mukhang may iiyak talaga!

"B-bakit?" naluluha niya ng tanong.

"I just suddenly want to become a Priest, Anika, nararamdaman ko kasi na tinatawag ako ng Diyos," sagot naman niya. Ang lumanay ng boses niya! Mukhang bagay nga sa kaniyang mag pari, so sorry na lang kay Anika.

"Baka naman mamamatay ka na?" wala sa sariling tanong niya. Gag* 'to, sa lahat ng pwedeng sabihin 'yan pa. Mabuti na lang at natawa lang si Greg. "Joke lang," muling usal niya. Oy, first time niyang mag joke, wala pang kwenta. "Sige, enjoy sa pagpapari," tapos tumalikod na siya at naglakad papunta sa mga inuming alkohol. Alam na!

"Sundan ko lang, soon-to-be Priest Greg," nakangiti kong sabi na talagang ikinatuwa niya. Tsk! Sayang talaga siya! "Hoy!" pinalo ko 'yong kamay niya nang akmang iinom na siya ng alak, "ano? Maglalasing agad?" tanong ko.

"Alam mo, Arabells, gusto kong magpakalasing para kapag nalasing na ako pwede ko na siyang hawakan," tapos tinungga nga niya ang isang basong alak.

"Hawakan ang ano?" kunot-noong tanong ko at agad siyang natawa. Naloloka na 'to! Hindi na 'to si Anika mga Par!

"Ang birdie niya—"

"Ano?! Gag* ka ba?" nababaliw na 'to!! My gosh, hindi pa siya lasing, pero gano'n na ang naiisip niya.

"Kasi, Arabells, kapag ginawa ko 'yon malalaman ko kung gusto niya ba talagang magpari," aniya, pero mas lalo lang akong naguluhan. Anong konek, 'di ba? "Kapag tumayo, ibig sabihin keri pa! May pag-asa, magkakagusto pa 'yon sa babae, pero kapag nanatiling walang buhay, edi wala na, magpapari na talaga siya," pinalo ko siyang muli kaya agad niya akong sinamaan ng tingin.

"Para kang sira. Pinapairal mo lang talaga 'yang kabastusan mo," sabi ko at sininghalan niya ako agad. Mature mag-isip si Anika, pero minsan bastos!!

"Ang ganda kaya ng ideya ko," saad pa niya na todo kung makangiti.

Napailing na lang ako saka ko siya iniwan do'n. Bahala siyang magpakalasing diyan. Pero, ba't 'di niya naisip na mag Madre na lang? Tapos kapag nasa iisang simbahan na sila saka siya umawra. Kapag pinatulan siya, edi may pag-asa, pero 'pag hindi pinansin, edi condolence, Anika, rest in peace heart and soul. 'Di ba, ang galing ko? Sh*t! Ma-suggest 'yan mamaya.

But, for now, tatahimik muna tayo dahil andito na 'yong Kuya ni Chandra!! Ang lahat ay napahinto talaga at inabangan ang pagbaba niya sa hagdanan. May pa usok-usok effect pa parang tanga. Joke!

Pero, sandali! Pesteng usok-usok 'yan ang tagal mawala, hindi tuloy makita-kita agad ang buo niyang itsura! Basta ang nakikita ko lang mahaba ang suot niya at kulay pula ito. Ang weird!

"Ang tagal!" reklamo naman ni Clara. Hindi ko man lang napansin na andito na pala siya sa tabi ko, pati na rin si Anika na may bitbit pang bote ng wine. Grabe! Bote na talaga 'yong dinala niya!!

"Ladies and Gentlemen, our son, Charles Fuentes!" masayang sabi talaga ni Tita Chelsea at kaming tatlo ay napanganga!

"Son?" sabay talaga kaming napatanong niyan saka kami nagkatinginan at muling napatingin sa 'SON' nila na ngayon ay nakangiti sa lahat.

Wow! Son! Mahaba ang buhok, wagas ang make-up, ang haba ng heels, naka long gown, tapos son? Sh*t, ang hirap naman ng logic ni Tita.

"Hi, everyone!"

"Bakla?" sabay na naman kaming tatlo na nagtanong nang magsalita siya. Sh*t! Ano ba 'tong nangyayari? Bakit ang dami-daming Adan na naging Eba?

"Ang Mudra maka-son, eh kita mo namang Girlie Rodis na aketch," aniya habang bahagyang pinapalo ang braso ni Tita Chelsea.

Mabuti na lang talaga at may Tito akong bakla kaya naintindhan ko 'yong sinabi niya. Ang Mudra ay Mama, ang Girlie Rodis ay babae, at ang Aketch ay ako. Kaya ang sabi niya 'ang Mama talaga maka-son, eh kitang babae na ako.' Thank me later.

"Grabe ang ganda niya," rinig ko pang usal ni Anika. Totoo talaga, ang ganda niya! Sa nakikita ko ngayon mukha talaga siyang manika. Tapos ang payat niya, pero hindi naman panget tingnan hindi kagaya kay Alex na parang tikling. May hubog din 'yong katawan niya! Mas maganda pa 'yong kurba niya kaysa sa'kin! Pero, halatang bra lang 'yong sa may dibdib niya kaya malaki tingnan, so okay, lamang pa rin ako dahil pagdating diyan ay blessed talaga ako, sobra.

"Everyone, noselift ko na na Tom Jones na kayo, so lafang na ang all!" masaya niya talagang sabi.

"Ano raw?" tanong naman ni Clara.

"Knows niya na raw na gutom na ang lahat kaya kainan na," sagot ko naman.

"Paano mo nalaman 'yon?" hindi ko sinagot ang tanong ni Anika at agad ko na silang hinila pabalik sa mesa namin at agad kumain. Tom Jones—este, gutom na talaga ako, eh.

Habang kumakain kami ay panay chika 'tong dalawa tungkol sa Baklitang Kuya ni Chandra. Panay sabi rin sila na sayang siya.

Sobra!!

Ngayon nga habang sinusundan ko siya ng tingin na kanina pa kung saan-saang mesa napapadpad ay napapahanga pa rin ako sa taglay niyang ganda, siya ang gusto ng mga prends ko at 'di ko alam pati peyrents ko. Charot! Pero seryoso, ang ganda-ganda niya sadyang 'di ko lang ma-i-alis sa isipan ko ang panghihinayang na nauwi lang siya bilang isang bakla. Pero, mukhang proud naman 'yong mga magulang niya sa kaniya kaya dedma na, ang importante, eh masaya siya.

Nang mapatingin sa'min si Chandra ay bahagya siyang kumaway at hinila ang Kuya niya papalapit sa'min. "These are my best friends, Kuya," isa-isa niya rin kaming ipinakilala at nang kami na 'yong mag-shi-shake hands ay todo ngiti talaga ako. Sh*t kasi ang ganda niya lalo sa malapitan at ang lambot ng kamay niya, hindi maugat akala mo talaga hindi nagriritwal, eh!

"Totoo ba 'yong buhok mo?" hindi ko man lang namalayan na natanong ko 'yan kaya bahagya siyang natawa. Sh*t ulit, mas mahinhin pa 'yong tawa niya kaysa sa'kin!

"Yes, Sisteret!" sagot niya pa. "Oh, sige, ha. Babalikan ko kayo ulit, kailangan ko munang kamustahin 'yong mga pinsan ko," tumango naman kami agad, "ay, ano nga ulit pangalan mo?" tanong niya sa'kin.

"Ah..." sh*t, ano nga ba ang pangalan ko? Ay, tanga!! "...Ara Cee," sabi ko nang matandaan ko sa wakas 'yong pangalan ko.

"Hmm. You were that girl," bulong niya, pero dahil magkalapit kami ay rinig na rinig ko talaga. Ako 'yon babaeng, ano? Hala, my gosh! Curious na ako agad-agad! "Sige, I'll be back, Girls," tuluyan na nga siyang umalis at 'yong dalawa ay hindi magkanda-humayaw kakatanong kung ba't ang ganda niya, pero ako curios na curious sa sinabi niya.

Tsk, kung pwede ko lang hilain 'yong mataas niyang buhok pabalik dito ginawa ko na, maitanong ko lang kung ano ba 'yong ibig niyang sabihin sa sinabi niya kanina.

Waaaah! Ano ba kasi 'yon? Baka ako 'yong magnanakaw? Ano namang ninakaw ko, lipstick niya? Lip balm lang sa'kin sapat na, eh. Blush on niya? No need, I am blessed to have natural rosy cheeks. Eye-shadow? For what? Hindi naman ako marunong maglagay niyan. Eyeliner? Eye—ano?! Ayoko niyan!! Kapag naalala ko 'yan humahapdi ang mata ko. Walang'ya! Nakakatrauma rin pala. Kaya, I end up with my conclusion that I didn't steal anything. I'm innocent! That's it.

Siguiente capítulo