webnovel

Sinagad Nyo Na Ako!

Pagkatapos ng operasyon ni Nelda dumating na rin si Nicole at si Edmund.

Nicole: "Ma.... ma...."

At humagulgol na itong inakap ang ina na wala pang malay.

Nakakunot naman ang noo ni Enzo ng makitang kasama ng anak si Edmund.

Enzo: "E, ikaw ano naman ang ginagawa mo dito?"

Edmund: "Sir, sumama po ako para damayan po ang girlfriend kong si Nicole!"

Enzo: "Girlfriend? Anong girlfriend? Hindi pa ako pumapayag!"

Edmund: "Sir, seryoso po ang intensyon ko sa anak nyo, handa ko po syang pakasalan!"

Enzo: "Anong pinagsasabi mong kasal! Ang bata bata pa ng anak ko!"

Napatigil si Nicole sa sinabi ng ama. Hindi nya inaasahan ito sa Papa nya. Mas inaasahan pa nyang mag react ng ganito ang Mama nya kesa sa Papa nya.

Nicole: Pa!!! Hindi na po ako bata!"

Pero hindi sya pinakinggan ng ama.

Enzo: "Paano ka makakasiguro na seryoso itong mokong na ito sa'yo, e may gusto din sya sa ate mo, hindi ba?

Pano kung panakip butas ka lang pala dahil ni reject sya ni Nadine?"

Naiinis na si Nicole.

Edmund: "Seryoso po talaga ako sa kanya Sir, hindi ko po sya sasaktan!"

Enzo: "Sigurado ka? Baka sinasabi mo lang yan dahil si Nicole ang nakaharap sa'yo? Paano kung dumating si Nadine, ganyan pa rin kaya ang sasabihin mo?"

Naiiyak na si Nicole. Naiinis sya pero may katwiran ang ama. Ito rin ang bagay na laging pumapasok sa isip nya.

'Paano pag dating ni Ate Nadine pansinin pa kaya nya ako?'

Si Issay na abala sa laptop nya walang nagawa kundi sumabad dahil parehong mainit na ang mag ama.

Issay: "Edmund, may katwiran si Enzo, hindi mo sya masisisi kung magduda sya dahil alam nyang may gusto ka Nadine. Bilang ama iniingatan lang nya na masaktan ang dalawang anak nya."

Sabay nito na hindi inaalis ang mata sa ginagawa.

Edmund: "Sir, handa ko pong patunayan ang katapatan ko kay Nicole! Gagawin ko po ang lahat para maniwala kayo sa akin! Pangako, hindi ko po sya pakakasalan hanggat hindi po kayo pumapayag!"

At nagpaalam na ito.

Nicole: "Edmund, sandali! Ihahatid na kita!"

Naiinis na sya sa Papa nya kaya gusto nyang lumayo muna dito.

Enzo: "Nicole bumalik ka agad at may importante akong sasabihin sa'yo!"

Habol nito sa anak.

Enzo: "Salamat!"

Sambit nya kay Issay paglabas ng dalawa sa silid.

Issay: "Bakit ka nagpapasalamat? Akala mo ba sinabi ko yon para tulungan ka! Haha!"

"Sinabi ko yun para palakasin ang loob ni Edmund!"

Enzo: "....."

Sa labas.

Edmund: "Huwag ka ng umiyak ang pula na ng ilong mo!"

Nicole: "Ano ba nangiinis ka pa dyan!"

Edmund: "Pati ba ikaw iniisip mo din na panakip butas lang kita?"

Nicole: "Alam ko na mahal mo ako pero ... ayaw kong magsinungaling sayo .... aaminin kong natatakot ako .... kasi ..... baka pag dating ni Ate ... hindi mo na naman ako pansinin..."

Nangiti si Edmund habang pinagmamasdan ang inaasal nito.

'Ang kyut nya talaga, lalo na ang mga mata nya!'

At inakap na sya ni Edmund.

Edmund: "Mukhang mas kailangan ko munang patunayan sa'yo na ikaw lang ang pagibig ko!"

At muling nawala ang mga agam agam sa puso ni Nicole ng maramdaman ang init ng mga yakap ni Edmund.

Kaya pagbalik nito ng silid, lutang pa ang isipan nya.

"Ehem!"

Nicole: "Pa!"

Nakangiti nitong bati sa ama.

Enzo: "Makinig ka! Dito ka lang bantayan mo ang Mama mo at uuwi ako ng Zurgau!"

Nicole: "Po? Iiwan nyo po sa akin si Mama ng ganyan? Bakit po? Paano kung hanapin ka po nya, ano pong sasabihin ko?"

Enzo: "Pero kailangan kong umalis, Kailangan namin magtuos ng gumawa sa Mama mo nyan!"

Nicole: "Sino po bang pinaghihinalaan nyo? ... Huwag nyong sabihing ..."

Hindi maisatinig ni Nicole ang hula nya dahil hindi sya makapaniwala.

Issay: "Teka Enzo, may itatanong ako sa'yo!

Anong nangyari sa bodyguard ni Nelda at bakit may nagpanggap na bodyguard nya at sino yung nagpanggap!"

Enzo: "Oonga pala pano mo nalaman na hindi yun ang bodyguard ni Nelda?"

Issay: "Dalawang beses kaming lumiko sa one way kaya sigurado kong hindi nya alam ang Maynila.

Hindi ka naman siguro kukuha ng bodyguard na walang alam sa Maynila! Saka parang may punto sya ng katulad ng kay Nelda!"

Enzo: "Anong itsura nya?"

Issay: "Matangkad, malaking tao, matangos ang ilong, medyo maliit ang bibig at may edad na. Medyo may hawig sya ng kaunti kay Nelda!"

Nicole: "Si Tito Eddie?"

Enzo: "Pwede ding si Egay!"

Issay: "???"

Enzo: "Mga kapatid sila ni Nelda, pero sa kwento mo, malamang si Egay yun!"

Issay: "Pwes, kung sino man yun mabuting kausapin mo muna para malaman mo ang totoo bago ka umuwi ng Zurgau!"

******

Sa presinto.

Enzo: "Egay, ipaliwanag mo nga sa akin kung bakit naririto ka sa Maynila!"

Egay: "Bayaw, kamusta si Nelda?"

Nagaalalang tanong nito.

Enzo: "Ligtas na sya pero hindi pa nagkakamalay!"

Tila nakahinga ito ng maluwag ng madinig ang sinabi ng bayaw.

Enzo: "Ngayon, pwede ko na bang malaman kung anong ginagawa mo dito sa Maynila?"

Egay: "Nadinig kong naguusap si Kuya Eddie at si Papang. May plano silang dukutin si Nelda at pwersahan dalhin sa Zurgau para ikulong sa silong!"

Kaya ako napaluwas ng Maynila para balaan si Nelda pero nakita ko ang mga inutusan ni Kuya Eddie kaya nagtago ako at nagpanggap na bodyguard nya!"

Enzo: "Anong ginawa mo sa bodyguard nya?"

Egay: "Pinatulog ko! Huwag mo na ulit kunin na bodyguard yun!"

Enzo: "E, bakit hindi mo ako tinawagan para ipaalam sa akin ang nangyayari?"

Egay: "Dahil .... hindi ko naisip yun! Patawad!"

Nahihiya nitong sambit.

Enzo: "Alam kong iniisip nyo na mahina ako hindi kagaya nyo na malalaki at parang bato ang katawan, pero hindi porketo ganito ang katawan ko hindi ko na kayang protektahan ang pamilya ko!"

"Hindi porket mabait ako sa inyo at sinusunod ko lahat ang gusto nyo e, uto uto na ako!"

At hindi porket tinatanggap ko ang lahat ng panlalait nyo, hindi na ako marunong lumaban!"

Pinili kong gawin yon dahil mahal ko ang asawa ko at nirerespeto ko ang mga mahal nya. Pero hindi ako mahina at sa pagkakataon ito sinagad nyo na ako!"

At sa galit ni Enzo, ng araw din iyon bumili sya ng tiket papuntang Zurgau.

Siguiente capítulo