webnovel

Matatanggap Mo Pa Ba Ako?

Tama ang hinala nya, nakita nga ni Anthon na akap akap siya ni Miguel!

Issay: "Si Miguel ang una kong naging nobyo at ngayon lang ulit kami nagkita!"

Sabay alis at tumakbo paakyat para hanapin ang kasintahan.

Pagbukas ng silid kung saan naroon si Anthon, sumalubong na agad sa ilong nya ang mabahong amoy.

Naghahalong suka at alkohol ang paligid, kaya nagtungo sya sa banyo at kumuha ng tubig at bimpo.

Pinunasan nya si Anthon para mawala ang kalasingan at hinubad ang damit nito na amoy suka at saka binanlawan ng kaunti para mawala ang amoy.

Nang matapos, nahiga na rin sya sa tabi ng nobyo.

Nakakaramdam na rin sya ng pagod sa nangyari sa buong mag hapon, nais na nyang magpahinga. Nakita na nya si Anthon at wala syang balak na mawala ulit ito sa paningin nya kaya nya ito tinabihan.

Sa baba, dahil hindi na magawang tanungin pa ni Gene si Issay, binalingan nya ang dalawang kaibigan nito.

Iniwan sila ni Belen kaya si Vanessa nagsimulang magkuwento.

Vanessa: "Hindi ko alam na may nakaraan pala sila Capt. Miguel Saavedra at Issay, ngayon ko lang din nalaman!"

"Kaya pala nung minsan, nasa isang coffee shop kami ni Issay, nakita ko si Capt. Miguel.

Nung nadinig ni Issay na tinawag ko ang pangalan ni Capt. biglang tumayo si friendship at kumaripas ng alis papuntang banyo!"

Joel: "Capt. Miguel Saavedra?"

Nagtatakang tanong niya.

"Kasama ko sa surfing yun ah! At ako ang nagimbita sa kanya, pero hindi ko alam na kilala sya ni Ate Issay at Kuya Anthon!"

Vanessa: "Honey babe, pareho silang piloto ni Anthon kaya natural lang na magkakakilala sila lalo na ang pamilya Saavedra ang may ari ng isa sa pinaka malaking airline company dito sa bansa!"

Alam ito ni Vanessa dahil dito sya nagtrabaho bago mag retiro.

Napanganga naman si Joel, hindi nya akalain na ganuon pala kayaman ang pamilya ni Miguel, ni hindi nga ito naniniwalang piloto ito kung hindi ipinakita ng huli ang ID nya.

Belen: "Mukhang bitin kayo!"

Biglang sulpot niya na may dalang dalawang bote ng wine at pulutan.

Kung meron man nakakaalam sa relasyon ni Issay at Miguel, si Belen yun.

Kaya naglabas sya ng maiinom at tyak nyang mahaba habang kwentuhan ito.

Sa silid, nagising si Anthon ng makaramdam ito ng pamumuno ng pantog. Sinubukan nyang bumangon pero tila may nakadantay sa dibdib nya.

Nang idilat nya ang mga mata, may kamay ng babae na naka akap sa kanya at ng sundan kung kaninong kamay ito, nagulat sya ng makita ang mukha ni Issay ng malapitan.

Malungkot ito at tila may luha pang nakadungaw sa isa sa mga mata.

"Mas maganda ka palang pagmasdan ng malapitan!"

'Pero anong ginagawa nya dito? Ang huling naalala nya iniwan nya silang dalawa ni Miguel sa resort kaya pano sya napunta sa tabi ko?'

Habang pinagmamasdan ang natutulog na kasintahan, banayad nitong hinalikan ang mata ni Issay na may luha.

At nagulat na lang sya ng bigla itong magmulat at tinitigan din sya.

Babangon na sana sya pero pinigilan sya ni Issay. Inakap sya nito sa leeg at idinagan na rin ang binti nya upang hindi ito tumayo.

Issay: "Kailangan natin magusap!"

Hindi na nya muling pakakawalan pa si Anthon.

Ramdam ni Issay na hupa na ang kalasingan nito kaya humiga sya sa ibabaw ng katawan ni Anthon para hindi ito makaalis.

Kinabahan si Anthon, ngayon nya lang nakitang ganito si Issay.

Anthon: "Ano ba yun? Pwede bang mamaya na lang!"

Pinilit nitong tumayo dahil naalala nyang kailangan nyang mag banyo.

Issay: "Hindi!"

"Hindi ako papayag na umalis ka ulit, pagkatapos mo akong pagurin sa paghahanap sa'yo!"

"Maguusap tayo at gusto kong makita ang magiging reaksyon mo sa sasabihin ko!"

Sabay bangon at naupo sa may tiyan ni Anthon na nagpakislot sa huli.

'Jusko naman! Bat dyan pa sya naupo?'

Anthon: "Okey!"

Sabay habang kagat kagat ang labi.

Wala syang magawa kundi pagbigyan si Issay.

At tinitigan ni Issay ang mukha ni Anthon saka nagsalita.

Issay: "Si Miguel ang una kong pag ibig! Siya ang unang nagbigay sa akin ng saya nuon pero siya din ang unang nagdulot sa akin ng sakit!"

"Kalilibing lang ni Nanang nuon ng iwan nya ako na walang paalam at tanging sulat lang ang iniwan sa akin!"

Huminto ito at humingang malalim na tila kumukuha ng lakas.

Kailangan na ni Anthon malaman ang lahat.

"Magtatatlong buwan akong buntis nuon sa baby namin at dahil sa wala na akong malalapitan, nagdesisyon akong umalis at iwan ang bayang ito!"

Hindi ko ikinahihiya ang pagbubuntis ko pero hindi ko makakayanan ang makadinig ng panghuhusga sa iba nung panahon na iyon!"

Huminto ulit ito, halatang nasasaktan pa rin sa nangyari.

Hindi madaling kalimutan ang panahong iyon na sabay sabay na dumating ang trahedya sa buhay at wala syang magawa dahil magisa lang sya.

"Pero sa bandang huli nawala din bata, nakunan ako dahil sa kapabayaan ko!"

"Madalas kasi akong nagpapalipas ng gutom at sobrang pagod dahil sa pagtatrabaho kaya hindi na nakayanan ng katawan ko, nagkasakit ako at tuluyang nawala ang baby ko!"

"Hanggang ngayon sinisisi ko parin ang sarili ko sa pagkawala ng baby ko at simula nuon pakiramdam ko nabubuhay na lang ako para pagbayaran ang kapabayaan ko sa kanya!"

Naluluha na ito.

"Pero naiba nung dumating ka!" "Muli mong dinugtungan ang buhay ko! Muling umikot ang mundo ko at muli akong nagkaroon ng dahilan para mangarap!"

"Aaminin kong natatakot ako na baka kamuhian mo ako pagnalaman mo pero ....

mas hindi ko kakayanin na masaktan ka ng dahil sa nakaraan ko!"

Huminto ulit si Issay at tinitigan si Anthon ng buong pagmamahal.

"Ngayon nasabi ko ng lahat, gusto kong malaman, matatanggap mo pa ba ako ..... bilang girlfriend mo?"

Pinagmasdan ni Issay ang reaksyon ng kasintahan, hindi nya ito maintindihan kung bakit tila may pinagdadaanan syang hirap at butil butil na ang pawis nya.

'Juskolord gusto ko syang akapin at sabihin okey lang pero hindi ko na talaga kayang pigilin pa!'

Anthon: "Mahal, pasensya na pero sandali lang!"

Sabay biglang bangon nito at tumakbo papasok ng banyo.

Issay: "Huh???"

Nagtataka si Issay sa biglaang bangon ni Anthon hindi kaagad sya naka kilos.

"Bakit hindi man lang nya sinagot ang tanong ko?"

Siguiente capítulo