Jazmine
"Nagmahal kana ba? Kung oo, masaya ka ba? O naging masaya ka ba?" Kanina pa ako paikot-ikot sa higaan ko ngunit hindi parin ako dinadalaw ng antok.
"Hays!"
Walang nagawang napabangon ako at napatingin sa orasan sa may bed side table ng kwarto ko. Eleven forty five na ng gabi at maghahating gabi na pero heto parin ako, hindi man lamang dinadalaw ng antok samantalang kanina pa naghihilik 'yung taong nasa isipan ko, panigurado.
"Nagmahal kana ba? Kung oo, masaya ka ba? Naging masaya ka ba? " Walangya talaga 'yung lalaking 'yun.
"Pwede ba patulugin mo naman ako?!!" Medyo pasigaw at iritang sabi ko kahit na wala naman akong kasama o kausap na kung sino.
Muli akong nahiga at tinakpan ng unan ang aking mukha. Anong akala niya sakin? Hindi pa nagmahal sa tanang buhay ko? Ha! Hindi naman ako alien o robot ano? Tao ako tao!!
"Jazmine, matulog kana please lang parang awa mo na." Panungumbinsi ko sa aking sarili.
Pinilit kong ipikit muli ang aking mga mata at nag concentrate sa aking pagtulog. Hanggang sa hindi ko na rin namalayan na dinalaw na ako ng antok at tuluyan na ngang nakatulog..
---
Iinat inat akong nagising at bumangon sa aking higaan. Alam kong tanghali na dahil bukod sa kita ko rito sa side table ko kung anong oras na eh, natatanaw ko rin dito mula sa bintana ng kwarto ko ang may medyo kataasan ng sikat ng araw.
Mabuti nalang kahit kulang ako sa tulog eh maganda naman ang gising ko. Pagmamalaki ko sa aking sarili.
Sana lang wala munang sisira nito. Hay naku! Isa pa naman ito sa mga gusto ko ang gumising ng maaliwalas ang pakiramdam at malayo sa stress at sama ng loob.
Saglit akong sumilip sa aking cellphone at nag check kung anong balita. Ngunit mukhang wala naman yata kahit isa sa kanila ang nag-aalala para sa akin. Napabutong hininga ako at kaagad rin naman na ipinilig ang ulo. Ang ganda ng mood ko eh sisirain ko lang. Hmp!
Sandali rin akong sumilip sa social media accounts ko ngunit wala rin namang bago. Tumayo na ako at tuluyan ng umalis sa mula sa ibabaw ng kama. Dahil kung hindi ko iyon gagawin ay tatamarin na naman ako at matutulog lang sa buong araw.
Hindi naman masama eh, isa pa wala naman akong gagawin. Ang kaso nga lang alam ko sasarili kong mabobored lang ako.
Ilalapag ko na sana ang cellphone ko sa may table nang siyang may mapansing nagnotify galing sa messenger ko. Mabilis ko itong tinignan kung sino at napanganga ako sa nakita.
Hindi pa ako nakontento dahil tinitigan ko pa ang mukha nito at kinumpirma kung siya nga iyon.
"Uy! Friends pala tayo sa facebook! Hehe." Saka pa ito nagsend ng nakangusong picture sa akin. Naka sando lamang ito at panay rin pawis ang mukha. Halatang kagagaling lamang mula sa pag workout.
Wow! Hindi ko alam na friends ko pala siya sa facebook.
"So? Ano ngayon? Ang sabihin mo stalker kita! Tse!" Pagsusungit sungitan ko sa kanya bilang reply ko sa chat nito.
Wala pang ilang segundo nang magreply ito. Ang bilis ah!
"Sungit. Kagigising mo lang no? Alas onse na ng umaga. O baka naman may dalaw ka lang?" Pang-aasar pa nito.
Aba't talaga namang sinusubukan na kaagad ang pasensya ko. Kalma ka lang self, may araw din yang ulupong na yan. Nagsend lang ako ng sticker sa kanya bilang reply.
Makaligo na nga. Dahil naiinip na ako rito.
"Hi!"
"Ay anak ng tokwa! Ano ba? Ano ba kasing ginagawa mo rito?!" Pambihira itong taong 'to. Gulatin ba naman ko. Tss! Atsaka bakit ba kasi siya nandito? Aba namumuro na 'to sakin ha. Nginitian lang ako ng nakakaloko atsaka ako hinawakan sa braso at kinakaladkad sa kung saan na naman.
"At talagang pinaninindigan mo na yang pagiging stalker mo sakin?" Inis na sambit ko rito pero joke lang. Syempre kinikilig ako, sino ba naman ang hindi kikiligin minsan lang ata siya maging ganito ka good mood.
"Hoy! Ano ba! Saan mo ba ako dadalhin? Kanina ka pa ha! Unang unang bakit nandoon ka sa labas ng tinutuluyan ko? Pangalawa bakit mo ba ako hinihila? Ha? Saan mo ba ako dadalhin? At pangatlo bakit hindi mo ako sinasagot?!" Napahinto ito sandali sa paghakbang at inis na humarap sakin.
"Pwede ba itikom mo muna 'yang bunganga mo. Ang ingay ingay mo eh!" Reklamo nito sakin. Pero papatinag ba ako? Of course not! Taas noo rin akong humarap sa kanya at nameywang pa.
"Alam mo ikaw? Panira ka talaga ng araw eh, 'no? Ang ganda ganda ng gising ko kanina tapos sisirain m--Hoy kinakausap pa kita 'wag kang bastos!" Talikuran ba naman ako. Argh!
Jusko po, bakit mo naman hinayaang masira kaagad ang araw ko ngayon?
"Hindi ka manlang ba magpapasalamat sakin?" Simula nito.
Susubo na sana ako ng pagkain, muntik tuloy akong mabulunan. Napahinga ako ng malalim sabay irap sa kanya. "Thank you po." Sabay ngiti ng peke rito at tuluyan nang isinubo ang naudlot kong pagkain.
Iiling iling at walang nagawa na lamang din siyang humigop ng kape niya. Dapat lang, no? Bumawi siya sa paninira niya ng araw ko. Kaya niya lang naman daw kasi ako sinundo kanina sa Backpackers na tinutuluyan ko eh dahil wala siyang kasabay kumain.
Kaya heto, nauwi siya sa paglibre sakin. Ang ingay ingay ko raw kasi. Hehehe.
Tapos na kaming kumain at magbayad ng bills ng mga kinain namin. Ngunit hanggang ngayon ay hindi parin siya kumikibo na para bang pinag iisipan pa kung magsasalita at kung kakausapin ba ako o hindi.
"May gusto ka bang sabihin o pag-usapan?" Marunong naman akong sumeryoso syempre. Lalo na ngayon sa mga pagkakataong ganito. Ngumiti ito ng pilit sa akin at napailing lamang bilang sagot.
"Come on! You want to talk about it? Let's talk about it." Pangungumbinsi ko pa at nag cross arms sa harap niya. Huminga siya ng malalim at tinitigan ako ng seryoso sa aking mukha.
"Hindi mo ba sila namimiss?" Nagtatakang napatingin ako ng diretso sa kanya, kasabay ng pagturo ko sa aking sarili gamit ang kanang kamay ko.
Pinagsasabi nito?
"Ako? Sila?" Tanong ko pa rito. Medyo nagulat lang ako sa itinanong niya. Tatango tango lang naman ito.
"Your family. Your friends. And your...fiance? Hindi mo ba siya namimiss? Mukhang may balak ka pa atang magtagal rito eh." Dagdag pa niya, sabay nguso nito sa kaliwang kamay ko.
Awtomatikong napatingin rin ako sa kamay ko atsaka napangiwi nang muling ibinalik ang aking mga mata sa kanyang mukha. Inaamin kong nagulat ako, pero kaagad ko naman itong naitago.
"Ahhh..hehe. Yeah right." Hindi ko nga pala nahubad 'to mula sa mga daliri ko simula ng dumating ako rito. Bagay na hindi ko na maitanggi o maitago pa sa kanya. Dahil sa mga oras na ito, gusto ko ng magpalamon sa lupa. Sobrang nadidismaya ako sa aking sarili.
Natawa na lamang ako ng may pagkaalanganin dahil para bang naging awkward ang paligid habang ipinapaypay ko ang aking kamay sa ere. Ngunit seryoso parin itong nakatigtig sakin.
Kinakabahang napaisip ako kung sasabihin ko ba sa kanya o hindi na kailangan pa.
"Mahabang kwento." Sabay iwas ko ng tingin mula sa mga mata niya. "Hindi mo maiintindihan. At hindi mo mararamdaman ang nararamdaman ko. Madami ka pang hindi alam, Chris. So let's leave it there."
"Just let me, Jaz." Simula nito.
"Just let me know who you really are. Hayaan mong intindihin ko, hayaan mong maramdaman ko ang nararadaman mo. Okay ba 'yun?" Naluluha ang mga matang napatingin akong muli sa kanya.
"Ano ka ba, hindi naman na kailangan. Atsaka ayokong makaabala pa ako sayo at pati personal na buhay ko eh idadamay pa kita. Kaya ko na." Pagtanggi ko. Dahil 'yun naman talaga ang dapat. "Atsaka, nandito tayo para magsaya ano? I-enjoy ang magandang paraisong ito. Kaya pwede ba?"
"How could you say you can? Kung mag-isa ka lang na hinaharap ang mga 'yan? Yeah, like what you have you said, marami pa akong hindi alam, pero sa tingin ko kasi...hindi mo kakayanin ang isang laban na mag-isa ka lang."
Tama siya. May point siya. Pero ayokong subukan. Natatakot ako sa pwedeng kahinatnan kapag hinayaan kong mangyari. Maraming pwedeng maapektuhan. Lalo na at...teka nga. Bakit ang kulit yata at ang daldal ng lalaking ito ngayon? Daig pa niya si Boy Abunda kung magtanong.
"At wag kang matakot. Hindi mo kailangang matakot sa mga bagay na alam mong makakapag pasaya sayo." Putol nito sa iniisip ko na para bang nababasa niya ang lahat.
Mataman ko siyang tinitigan sa mukha at muling napangiti rito ng matamis. Hindi pwedeng papasukin ko siya sa buhay ko ng ganun ganun lang. Ayoko na may isa pang buhay ng tao ang madadamay dahil lang sa hindi ko magets ang sarili ko.
Kung ano man yung bagay na gusto kong mahanap ngayon bago pa man ako maikasal, masaya na akong isa si Chris ang makakasama ko sa pagtuklas 'non.
"Just leave it Chris. Please." Matigas na bigkas ko pagkatapos ay tuluyan nang napatayo at dirediretsong lumabas ng restaurant na iyon.
Ewan ko rin. Bakit parang kung tignan niya ako eh kilalang kilala na niya ako. Tss! Dati ko ba siyang aso na nabuhay ulit bilang tao?
Tsk. Hindi ko magets!
Ah, ewan! Napapanguso na wika ko habang nakikipagtalo sa aking sarili.