Heaven. This is the feeling I have right now after na malaman na okay na okay ako kay Tita. Mabuti na lang at sumunod ako sa puso ko atlast. Masaya ngang magmahal...napakasarap.
"Ang ganda ata ng ngiti ng Baby ko ah. Bakit?" Pansin sa akin ni Jimmy. Tumingin ako rito na hindi naaalis ang pagkakangiti. Siguro mukha akong timang pero keri lang, inlove e. Hehe.
"Hulaan mo?" Sagot ko rito.
"Ahmm.. Alam ko na. Siguro naguguwapuhan ka sa boyfriend mo, ano?" Sabi nito sabay kindat sa akin. Susko, gwapo nga talaga ng boyfriend ko. Kakagatin ko ito e.
"Nyek, sino guwapo? Nasaan?" Tudyo ko rito habang palinga-linga. Nakita kong umangat ang labi nito tanda na alam nitong inaasar ko lang ito.
Humarap ito sa akin at tinitigan ako sa mata. Napalunok naman ako. Kung anu-ano na ang naiisip ko. Mula sa kagatin ito hanggang sa halikan ito ay naglalaro na sa isip ko. I am starting to become a pervert, I thought.
"Huwag mo akong tingnan ng ganyan, Baby. Baka isipin ko gusto mo akong kainin..." sabi nito sa akin at biglang kinagat ang pang-ibabang labi.
Namula ako sa sinabi nito. Iba kasi ang dating sa akin ng sinabi at inakto nito. Kainin? Kagat-labi? Oh Lord, forgive me for I have sinned. Konti na lang kasi ay baka magawa ko na talaga ang sinasabi nito.
"Hahahahaha!" Nawala ang iniisip ko ng marinig ko ang tawa nito.
"Bakit? Anong tinatawa-tawa mo?" Tanong ko rito habang nakasimangot. Camouflage sa nararamdaman ko ngayon.
"You should see your face, Baby. Sobrang pula ng mukha mo lalong lalo na nung sabihin ko yung word na, 'kainin'. I wonder, what are you imagining? Are you imagining, eating me?" Sabi nito sa akin sa paraang parang nang-aakit. My gosh, hindi ko alam kung mainit lang ba talaga ngayon pero sobrang init ng pakiramdam ko!
Pinalo ko ito sa braso, "Ano ba pinagsasasabi mo? Bakit ang landi mo? Saka anong kakainin? Baka may makarinig na ibang tao, iba ang isipin! Sira ulo ka!"
Narinig kong tumawa ito ng malakas. "Alam mo Baby sa inaakto mo, iisipin kong guilty ka sa sinasabi ko! Inaasar lang kita, ano ka ba! Hahhaha!"
Natahimik ako. Hindi talaga ako marunong pa sa mga ganitong bagay. Huli agad ako e!
"Ewan ko sa'yo. Pinaglalaruan mo ako ha. Okay lang, break na tayo." Sabi ko rito, pambawi sa kahihiyan ko. Haha.
Naramdaman kong niyakap ako nito ng mahigpit. "Ito namang Baby ko oh, napakaimpulsive. Napakamatampuhin. Niloloko lang e makikipagbreak agad? Di pwede yun, Baby." Sabi nito sabay halik sa noo ko. "Ang ganda talaga ng girlfriend ko oh. Pakiss nga sabay hug!"
Nanlaki ang mata ko. Did I heard it right?
"A-a-anong sabi mo?!" Nauutal kong tanong rito.
"Pakiss sabay hug. Wait, don't tell me..." sabi nito sabay tingin sa aking nanunudyo.
"Hindi ah! Mali yang naiisip mo!" Sagot ko di pa man tapos ang sinasabi nito.
"Wala pa naman ako sinasabi ah. Uy, si girlfriend ko, guilty. Iba ang iniisip. Hahaha!"
Akmang papaluin ko ito ng maramdaman kong nagvibrate ang cellphone ko.
"Wait lang, Baby." Kinuha ko ang phone ko at nakita kong si Bernard ang tumatawag sa akin. Tinignan ko ang oras, it's almost midnight na pala. Ngayon lang nangyari na tumawag ito sa akin ng ganitong oras.
Pinindot ko ang accept button pero wala akong narinig na nagsasalita sa kabilang linya.
"Hello, Bern?" Wala pa rin. "Bernard, bakit ka napatawag?" Patuloy kong salita sa telepono kahit wala namang sumasagot dito. Akma ko ng papatayin ang tawag ng marinig kong nagsalita na ito.
"Jonnie..."
"Oh Bern, bakit ka napatawag?"
"Jonnie..." patuloy lang na pagtawag nito sa pangalan ko.
"Huy Bern, ano ba! Tawag ka lang ng tawag sa pangalan ko e. Umayos ka nga. Wait, lasing ka ba?" Tanong ko rito.
"O-o-oo." Mahina nitong sagot.
Nagtaka ako sa sinabi nito. Alam kong umiinom ito pero napakadalang lang uminom nito. Saka umiinom lang ito kapag may problema ito.
"Bakit ka umiinom? Nasaan ka?" Tanong ko.
"Nandito sa Club 360. I need to refresh my mind and... my heart." Nangunot ang noo ko sa sagot nito. Refresh his mind and heart? Anong problema nito? Nakaramdam tuloy ako ng guilt sa sinabi nito. Mula kasi nung maging maayos kami ni Jimmy ay hindi ko na masyadong nacontact ito. Anong klaseng bestfriend ako?
"Okay Jimmy, stay there ha. Puntahan kita diyan and please, don't do anything stupid. Wait for me. Get it?"
"O-o-kay." Sagot nito. Inend ko na ang call at nagmamadaling ipinasok ulit ang cellphone ko sa bulsa ko.
"Saan ka pupunta?" Tanong ni Jimmy sa akin.
"Sa Club 360. Pupuntahan ko lang si Bernard. Lasing e. Mauna na ako ha. Pasensya na." Sagot ko rito sabay abot ng shoulder bag kong nakapatong sa sofa nina Jimmy.
"You are not going alone. I'll come with you."
"No, wag na. Kaya ko na ito. Wag ka ng mag-abala pa."
"Anong abala? Sa tingin mo ba papayag akong pumunta ka sa club ng mag-isa? No way."
"Pero --"
"Wala ng pero pero. Com'on, halika na." Tumango na lang ako. Seryoso kasi ang mukha nito at di siya sanay sa ganitong aura nito. Maganda na nga rin siguro na dalawa kaming pupunta para kung sakaling bagsak na si Bernard ay may makakatulong siyang magbuhat rito.
"Bakit daw siya naglalasing?" Tanong sa akin ni Jimmy habang nagmamaneho ito. He has that serious look at his face na nakatuon lang sa kalsada.
"Hindi niya sinabi e. Tawag lang ng tawag sa pangalan ko."
"Baka naman ikaw ang dahilan kaya naglalasing." Sabi nito.
Napatingin ako rito. "Huh? Ako? Bakit ako? Alam mo Baby, malihim yang si Bernard e. Siguro may niligawan na naman yun tapos binasted kaya nag-iinom."
"You think so? Baby, lalaki din ako. I know kung may gusto ang isang lalaki sa isang babae and from the way he looks at you, for sure, gusto ka nun."
Natahimik ako sa sinabi nito. Si Bernard, may gusto sa akin? No way! Mag bestfriend lang kami.
"Alam mo Jimmy, hindi pwede yang sinasabi mo. Magkaibigan lang kami. Nothing more, nothing less."
Time naman nito para tumahimik. Maya maya'y, "Okay, sabi mo e." At ibinalik na nitong muli ang focus sa pagmamaneho.
-----
"Hello, Bern. Nandito na ako sa -- wait, di kita masyadong marinig! Ang ingay!" Nandito na kami ngayon ni Jimmy sa labas ng Club 360. Napakalaking bar nito na tambayan ng mga yuppies. Actually, first time kong makapunta rito. Hindi naman kasi ako mahilig sa party life.
"Anong sabi?" Si Jimmy.
"Hindi ko maintindihan e. Ang ingay!"
"Gusto mo ba pumasok na tayo? Baka di na makatayo yun."
"Sige. Kawawa naman yun kung sakali." Pumasok na kaming dalawa sa loob ng bar at halos di ako makahinga sa loob. Punong-puno ito ng usok, siguro mula sa pinaghalong usok ng vape at sigarilyo. Maharot din ang tunog sa loob nito. Inadjust ko ang mata ko sa dilim at doon ay nakita ko ang iba't ibang uri ng tao. Hehe. Nanlaki ang mata ko kasi may nakita akong nagme-make out. Inilayo ko na lang ang mata ko sa mga ito. My gulay.
"Baby, nakita mo na ba si Bernard?" Tanong ko kay Jimmy.
"Ahm, hindi pa. Wait, ayun ata siya." Sabi nito sabay turo sa isang taong nakadukdok sa may harap ng bartender. Nilapitan namin ito para icheck kung si Bernard nga ito.
"Bernard?" Tawag ko rito habang ginigising ito. Umangat ang ulo nito sabay tingin sa mukha ko. Nagulat ako ng hinawakan nito ang mukha ko at bigla akong niyakap. I was taken aback.
"Jonnie. Ikaw nga yan, Jonnie!" Sabi nito na paulit-ulit. Hinayaan ko muna ito sa sinasabi nito at pati sa pagyakap nito sa akin. Tinignan ko si Jimmy at hiningi buong pang-unawa nito. Tumango lang ito.
"Bakit ka ba nandito? Bakit ka ba naglasing?" Tanong ko kay Bernard.
"Hindi ko na kaya, Jonnie..." sagot nito sa mahinang boses.
Hinawakan ko ang mukha nito. "Ano ba ang problema, Bern?"
"Jonnie, bakit hindi ako?" Tanong nito sa akin.
Nangunot ang noo ko. "Ano ba ang sinasabi mo, Bernard?"
"Bakit hindi ako Jonnie! Bakit hindi mo makalimutan ang lintik na lalaking yan! Bakit!" Galit na sabi nito sabay hagis sa bote ng alak na katabi nito. Nagulat ako sa inakto nito dahil first time kong nakita ito sa ganitong itsura.
Naramdaman kong may humila sa akin--si Jimmy. Itinago niya ako sa likod niya at ito ang humarap kay Bernard.
"Alam mo pare, tigilan mo na yan. Lasing ka na e." Sabi nito.
"Pwede ba, huwag mo kong pakialaman! Alam mo badtrip ka e! Okay na kami ni Jonnie! Bakit bumalik balik ka pa!" Sabi nito sabay suntok kay Jimmy. Napasigaw ako sa nangyayari sa harapan ko.
"Tama na yan! Jimmy! Bernard!" Sigaw ko sa mga ito habang walang tigil sa pagsusuntukan sa bawat isa. Nagsilapitan na rin ang ibang mga nasa bar at pati na rin mga bouncers. Pinaghiwalay ng mga ito sina Bernard at Jimmy na ayaw pa rin magpaawat. Parehong may tama ang mga mukha ng mga ito.
"Tigilan na nga ninyo yan! Ano bang nangyayari!" Sigaw ko. Lumapit sa akin si Bernard at muli akong niyakap, "Jonnie, ako na lang. Di ba sinaktan ka niya? Sasaktan at sasaktan ka lang niya! Di ka niya mahal! Ginagamit ka lang niya! Ako! Ako ang nasa tabi mo mula noon. Ako ang nandito. Ako na lang ang piliin mo." Sabi nito sa akin sabay hagulhol.
Naguguluhan ako sa sinasabi nito. All this time ang alam ko kaibigan lang ang turing nito sa akin. Hindi ko alam na higit pa roon ang tingin nito sa akin. Pero mahal ko si Jimmy at all this time, si Jimmy lang talaga.
"I am sorry, Bernard. Pero di ko kayang tumbasan yang pagmamahal na yan. Tama na okay? Halika na, uwi na tayo. Lasing ka lang." Sabi niya habang hinihila ang kamay nito palabas ng bar. Nakita kong kasunod naman namin si Jimmy habang hinahawakan ang mga tama nito sa mukha.
Nang makalabas na kami at sasakay ma sa kotse ay binitiwan ni Bernard ang mga kamay ko. "Mauna na kayo, Jonnie. Kaya kong umuwi mag-isa."
"Pero--"
"Please, Jonnie. Gusto ko mapag-isa. Hayaan mong mag-isip ako." Sagot nito.
"O-o-kay. Sure ka ba? Paano yang mga sugat mo?"
Natawa ito. "Hmp, itong mga sugat na ito? Wala lang ito. Mas masakit ito." Sabi nito sabay turo sa tapat ng dibdib nito. Naawa ako sa sinabi at itsura nito ngayon.
Hindi ko kayang tignan ito sa sitwasyon nito ngayon.
"Baby, halika na." Tawag sa akin ni Jimmy.
"But..."
"Kailangan niyang mapag-isa. Malaki na yan. Kaya niya sarili niya. Halika na."
Tinignan kong muli si Bernard at iminuwestra nitong umalis na sila. Kitang-kita ko ang luhang bumagsak sa mga mata nito habang tinitignan ko ito sa palayo naming sasakyan.
"I am sorry, Bern. I am sorry if I can't love you the way you want me to. May nagmamay-ari na sa puso ko at hindi ikaw iyon." Sabi ko sa isip ko sabay tingin sa lalaking nagmamaneho ng kotseng kinasasakyan ko.
---