~Madaling araw~
"Tulong? Sa tingin mo ba ay tutulungan ka ng dalagang iyon kapag nalaman na niya kung ano ang ginawa mo kay Yvonne!?"
Galit na tanong ng nilalang na umatake kay Daisy habang nakaupo na ito sa tiyan ng nakahigang dalaga at sina sakal na ito. Pilit na inaalis ng dalaga ang mga kamay ng nilalang na umatake sakaniya at tinitignan na si Lyka na nakatayo lamang mula sa di kalayuan, hawak ang posas ni Paulina at hindi gumagalaw.
"Tu… long…"
Paghingi ng tulong ni Daisy kay Lyka habang patuloy pa rin nitong tinitignan ang Bampira at sinusubukan pa ring alisin ang mga kamay ng nilalang na inatake siya. Nginisian na lamang nito ang dalagang kaniyang patuloy pa ring inatake, habang ang Bampira nama'y hindi pa rin gumagalaw, nakatayo pa rin sakaniyang kinaroroonan at hawak pa rin ang posas ni Paulina.
"Lyka. Ako to, si Kimberly Poblete. Alam mo ba kung ano ang ginawa ni Daisy kay Yvonne?"
Nakangising tanong ni Kimberly kay Lyka habang patuloy pa rin nitong tinitignan at sina sakal si Daisy. Hindi kumibo ang Bampira at hindi rin nito sinagot ang tanong sakaniya ng babae. Naiiyak nang tinignan ng dalaga ang Bampira at desperadong hingan ito ng tulong.
"Pinatay niya si Yvonne! Kaya dapat lang na mamatay rin siya!"
Sigaw ni Kimberly sabay higpit na ng kaniyang pagkakahawak sa leeg ni Daisy habang nanggagalaiti na ito sa galit. Nanlaki ang mga mata ni Lyka nang marinig ang sigaw ng babae, hinarap na ang dalawa, isinabit na ang posas ni Paulina sakaniyang braso at saka mabilis na nilapitan ang dalawa upang pigilan ang babae na patayin ang dalaga.
"Madam Kimberly! Huwag niyo pong patayin si Daisy!"
Sigaw na ni Lyka habang hawak na nito ang magkabilang braso ni Kimberly at pilit itong ni lalayo kay Daisy. Hindi nagpatinag ang babae at pilit pa rin nitong sina sakal ang dalaga.
"Pinatay niya si Yvonne! Kaya dapat lang na mamatay rin siya!"
Sigaw pabalik ni Kimberly kay Lyka habang patuloy pa rin nitong tinitignan at sina sakal si Daisy na namumula na ang mukha sapagkat hindi na ito nakaka hinga pa ng maayos. Nagdikit ang kilay ng Bampira nang mapagtanto na inulit lamang ng babae ang kaniyang isinigaw kanina, kaya't sinubukan na nitong ilayong muli ang babae mula sa dalaga at nagtagumpay ito. Nanlaki ang mga mata ng babae nang makatayo na ito at makalayo na sa dalaga na dumapa at umuubo na.
"Pinatay niya si Yvonne! Kaya dapat lang na mamatay rin siya!"
Sigaw muli ni Kimberly habang sinusubukan na nitong kumawala sa pagkakahawak sakaniya ni Lyka. Mabilis nang hinarap ng Bampira ang babae at saka sinampal ito habang nakasabit pa rin sakaniyang braso ang posas ni Paulina na patuloy pa ring natutulog at lumulutang sa ere. Pinanlakihan na ng mga mata ng babae ang dalaga at saka hinawakan na ang kaniyang pisngi na sinampal ng Bampira.
"Bumalik ka nga sa katinuan mo, Madam Kimberly! Ano bang pumasok diyan sa utak mo para patayin si Daisy! Kung andito lang ngayon sila Jay at Yvonne ay sigurado ako na hindi ka nila hahayaang pumatay ng kahit na sino at kahit na anong nilalang! Please lang, Madam Kimberly… labanan mo ang galit mo kay Daisy. Hindi para sakaniya… kundi para kay Jay… kay Yvonne… at para sa mga taong mahalaga sayo."
Sabi ni Lyka kay Kimberly habang umiiyak na ito nang hawak pa rin ang magkabilang braso ng babae at tinitignan na ang mga nanlalaki at namumulang mga mata nito. Sinamaan na ng tingin ni Daisy ang babaeng kausap ng Bampira habang patuloy pa rin ito sakaniyang pag-ubo at pag habol ng kaniyang hininga.
"Hindi… hindi sagabal si Lyka… hindi. Hindi! Tigilan niyo na ako! Gusto niyo ng isa pang angkan na makukuha diba!? Bukas! Bukas dadalhin ko kayo sakanila! Ibalik niyo lang ang katinuan ko!"
Sigaw ni Kimberly habang nakapikit na itong umiiyak at tinatakpan na ang kaniyang magkabilang tenga. Nagulantang ang dalaga nang makita ang reaksyon ng babae sakaniya, dahilan upang alisin na ang kaniyang pagkakahawak dito, layuan ito at saka panlakihan na ng mga mata.
"Ngayon na? Sige."
Sabi ni Daisy sakaniyang sarili habang patuloy pa rin nitong sinasamaan ng tingin si Kimberly at nakatayo na sa likuran nito. Iniangat na rin ng dalaga ang kaniyang kaliwang kamay at itinapat na sa babae nang mayroong ngisi sakaniyang mga labi. Noong akma na sana nitong aatakihin si Kimberly ay bigla na siyang tumalsik papalayo, dahilan upang tumama ang kaniyang ulo sa isang puno at mawalan na ng malay. Nang masilayan iyon ni Lyka ay mabilis niyang inikot ang kaniyang paningin sakanilang paligid at nakita na niya si Jacqueline na nakatingin na sa babae nang mayroong pag-aalala sakaniyang mukha. Mabilis na nilapitan at niyakap ng matandang babae ang kaniyang kaibigan at saka hinaplos na ang buhok ng babae upang pakalmahin ito.
"Naririto na ako Kimberly. Naririto na ako. Wala ka nang dapat pang ibang pakinggan maliban saaking boses, ha. Pakinggan mo lamang ang aking boses at wala nang iba."
Sabi ni Jacqueline kay Kimberly habang patuloy pa rin nitong hinahaplos ang buhok ng babae at nagsimula nang kumanta. Nagdikit na lamang ang kilay ni Lyka matapos marinig ang sinabi ng matandang babae sa kaibigan nito at saka dahan-dahan na silang nilapitan. Tumayo ang Bampira sa tabi ng matandang babae, dahilan upang mapatingin na ito sakaniya at senyasan siya nito na manahimik lamang. Nagpatuloy lamang sa pag kanta ang matandang babae hanggang sa bumalik nang muli sa katinuan ang kaniyang kaibigan.
"Salamat Jacqueline."
Pagpapasalamat ni Kimberly kay Jacqueline habang kumakawala na ito sa yakap ng matandang babae at tinitignan na ito gamit ang kaniyang namumulang mga mata. Nginitian lamang ng matandang babae ang kaniyang kaibigan at saka inalis na ang kaniyang hawak rito.
"Ano nanaman ang mga sinasabi nila sayo?"
Nag-aalalang tanong ni Jacqueline kay Kimberly habang patuloy pa rin nitong tinitignan ang kaniyang kaibigan. Napayuko na ang babae at saka dahan-dahan nang tinignan si Lyka. Palipat-lipat lamang ang tingin ng Bampira sa matandang babae at sa kaibigan nito habang iniintay na ang isa sakanila ay mag paliwanag ng mga nangyari.
"Sagabal daw si Lyka sa plano ko at dapat daw siyang mawala."
Sagot ni Kimberly sa tanong sakaniya ni Jacqueline habang patuloy pa rin nitong tinitignan si Lyka nang mayroong pagsisisi sakaniyang mga mata. Pinanlakihan lamang siya ng mga mata ng Bampira at saka lumayo nanaman sakaniya habang hawak nang muli ang posas ni Paulina na natutulog at lumulutang pa rin sa ere.
~ Fight the demons inside you, the voices that tells you to give up. Fight for your happiness. Fight for your life. ~
Hello po~!! Please vote, rate and support my story!! Maraming Salamat po sa pagbabasa ng story ko. Kung nagustuhan niyo po ang story ko, may iba pa po akong ginawang story. "Love Yourself: Wonder” po ang title ng finished story ko. Please read, vote, rate and support my other story!! BTS Fan-Fic po siya~ Sana po magustuhan niyo!!
Always wash your hands, stay at home and stay healthy po para maiwasan ang COVID-19~!!