~Umaga~
"Ian, anak! Buksan mo nga ung pinto! Naghuhugas ako ng pinggan dito!"
Sigaw ni Isabelle kay Iris nang makarinig ng pag katok sa pintuan ng kanilang bahay habang naghuhugas ito ng pinggan. Dali-daling bumaba ang batang lalake mula sa kanilang hagdan at saka tumakbo na tungo sakanilang pintuan upang pagbuksan ang kumatok doon.
"Nasaan ang inyong ina?"
Tanong ni Aneska kay Ian habang nakatingin na ito sa batang lalake. Nginitian lamang ng bata ang Diwata na mayroong asul na buhok at saka nagtungo na sa kinaroroonan ng kaniyang ina na si Isabelle.
"Ma~ hinahanap ka po ni Tita Aneska."
Sabi ni Ian kay Isabelle habang nakatingin na ito sakaniyang ina na nagpupunas na ng kamay sapagkat tapos na itong maghugas ng mga pinggan. Nginitian ng babae ang kaniyang anak at saka hinaplos ang buhok nito.
"Salamat nak."
Pagpapasalamat ni Isabelle kay Ian habang nakangiti pa rin ito sakaniyang anak at hinahaplos pa rin ang buhok nito. Seryoso nang tinignan ng batang lalake ang kaniyang ina habang hinahayaan pa rin itong haplusin ang kaniyang buhok.
"Sasabihin mo na po ba ung mga napanaginipan ko kay Tita Aneska?"
Tanong ni Ian kay Isabelle habang patuloy pa rin nitong tinitignan ang kaniyang ina na tumigil na sa paghaplos ng kaniyang buhok. Nginitian ng babae ang kaniyang anak at saka hinawakan na ang balikat nito.
"Gusto mo bang ikaw magsabi kay Tita Aneska mo?"
Nakangiting tanong pabalik ni Isabelle kay Ian habang hawak pa rin nito ang balikat ng kaniyang bunsong anak. Dahan-dahang tinignan ng batang lalaki si Aneska na nakaupo na sa pang isahang upuan sakanilang salas at saka ibinalik nang muli sakaniyang ina ang kaniyang tingin.
"Okay lang po ba sakaniya?"
Nagdadalawang isip na tanong ni Ian kay Isabelle habang patuloy pa rin nitong tinitignan ang kaniyang ina na nakatingin din sakaniya. Tumango na lamang ang babae bilang tugon nito sa tanong sakaniya ng kaniyang bunsong anak. Nagsimula na silang maglakad tungo sa sofa at magka tabing naupo roon habang nginingitian na si Aneska na seryoso lamang silang tinignan.
"Kamusta ka na po, Madam Aneska?"
Kinakabahang tanong ni Isabelle kay Aneska habang nanginginig na ang kaniyang bibig at patuloy pa ring tinitignan ang Diwata na nakaupo sakaniyang gilid. Napabuntong hininga na lamang ang Diwata at saka iniwas ang kaniyang tingin sa babae.
"Nananakit ang aking ulo sapagkat mayroong mga angkan ng mga mangkukulam at salamangkero ang naghahanap kila Yvonne at Jervin."
Sagot ni Aneska sa tanong sakaniya ni Isabelle habang hindi pa rin nito tinitignan ang babae at si Ian. Takang tinignan lamang ng batang lalake ang Diwata, habang ang ina naman nito'y nanlalaki na ang mga mata habang nakatingin pa rin ito sa Diwata.
"S-s-sino-sino ang mga naghahanap sakanila!? B-bakit nila hinahanap sila Yvonne at Jervin!?"
Pautal-utal at nag-aalalang tanong ni Isabelle kay Aneska habang patuloy pa rin nitong tinitignan ang Diwata gamit ang kaniyang nanlalaking mga mata. Tinignan na ng Diwata ang babae nang mayroong pag-aalala na rin sakaniyang mga mata.
"Ang mga Sebastian, Balderas at De Gracia."
Sagot ni Aneska sa tanong sakaniya ni Isabelle sabay iwas nang muli ng kaniyang tingin sa babae. Mabilis na nagdikit ang kilay ng babae nang marinig ang mga apelyido na binanggit ng Diwata.
"Tita Aneska, sino po si Yvonne at tsaka po bakit may mga naghahanap sakanilang dalawa ni kuya Jervin?"
Walang kalam-alam na tanong ni Ian kay Aneska habang patuloy pa rin nitong tinitignan ang Diwata na mabilis na tinignan siya pabalik.
"Si Yvonne ay kababata ng iyong kuya Jervin at hinahanap sila ng mga masasamang tao sapagkat isa sakanilang dalawa ang may hawak ng bagay na gusto ng mga iyon."
Sagot ni Aneska sa tanong sakaniya ni Ian habang patuloy pa rin nitong tinitignan ang batang lalake. Napakunot bigla ng noo ang batang lalake dahil sa sinagot sakaniya ng Diwata.
���Pero sabi mo po kanina ung mga naghahanap kila kuya Jervin at ate Yvonne ay mga 'salamangkero' at 'mangkukulam', ano po ibig sabihin mo nun?"
Tanong muli ni Ian kay Aneska habang nakakunot pa rin ang noo nito at patuloy pa ring tinitignan ang Diwata. Nagulantang si Isabelle sa itinanong ng kaniyang anak sa Diwata kaya't mabilis niya itong nilingon at pinanlakihan ng mga mata.
"I-Ian… a-ang ano… uhh… a-ang ibig sabihin ng Tita Aneska mo ay… n-nagko costume ung mga masasamang tao na naghahanap sa kuya Jervin mo at kay Yvonne bilang wizards at witch. Un."
Mabilis na sagot ni Isabelle sa tanong ni Ian kay Aneska habang hawak na nito ang kamay ng kaniyang anak at patuloy pa rin itong tinitignan.
"Ahh…"
Tanging tugon ni Ian kay Isabelle habang nakatingin na ito sakaniyang ina at tumatango-tango na ito.
"Ay. Tita Aneska, nitong mga nakaraan po may mga napapanaginipan po ako patungkol kila kuya Jervin, ate Yvonne at sa isa pong pamilya na di ko kilala."
Biglang sabi ni Ian kay Aneska habang nakatingin muli ito sa Diwata. Agad na napataas ng parehong kilay ang Diwata nang marinig ang sinabi ng batang lalake sakaniya.
"Ano iyon, hijo?"
Tanong ni Aneska kay Ian habang patuloy pa rin nitong tinitignan ang batang lalake na nakaupo sa tabi ni Isabelle.
"Ung una ko pong napanaginipan, andun daw po sila kuya Jervin, ate Yvonne at may dalawa pa po silang kasama, babae tsaka po lalake, dun sa isang bangin. Nakahiga raw po si ate Yvonne habang nakaluhod naman po si kuya, umiiyak at yakap siya."
Sagot ni Ian sa tanong sakaniya ni Aneska habang patuloy pa rin nitong tinitignan ang Diwata na nakatingin din sakaniya. Nagdikit ang kilay ni Isabelle nang marinig ang sinabi ng kaniyang anak sa Diwata at pinanlakihan ito ng mga mata.
"Bakit ngayon ko lang narinig yan? Kelan mo napanaginipan yan?"
Gulat na tanong ni Isabelle kay Ian habang patuloy pa rin nitong tinitignan ang kaniyang bunsong anak gamit ang kaniyang nanlalaking mga mata. Takang tinignan na ng batang lalake ang kaniyang ina at saka hinawakan na ang kamay nito.
"Kasama ka po namin nun nung sinabi ko po un kay kuya Jervin. Kumakain po kaming tatlo nila ate Iris ng almusal."
Sagot ni Ian sa tanong ni Isabelle sakaniya habang patuloy pa rin nitong tinitignan ang kaniyang ina nang mayroon pa ring pagtataka sakaniyang mukha.
"Ano pa ang iba mong napanaginipan, Ian hijo?"
~ Age is just a number; maturity is what differs. ~
Hello po~!! Please vote, rate and support my story!! Maraming Salamat po sa pagbabasa ng story ko. Kung nagustuhan niyo po ang story ko, may iba pa po akong ginawang story. "Love Yourself: Wonder” po ang title ng finished story ko. Please read, vote, rate and support my other story!! BTS Fan-Fic po siya~ Sana po magustuhan niyo!!
Always wash your hands, stay at home and stay healthy po para maiwasan ang COVID-19~!!
Sorry po kung hindi na araw-araw paga-update ko kasi pinagiisipan ko pa po talaga ung ending T-T Btw love you all~!