~Umaga~
"Malayo-layo ba rito sa emporium union ung hotel ng best friend mo?"
Tanong ni Jervin kay Yvonne habang sinusundan nito ang dalaga at magkahawak sila ng kamay. Napatigil sa paglalakad ang dalaga at saka hinarap na ang binata habang nakanguso ito, napahinto na rin ang binata at saka takang tinignan ang dalaga.
"Ayun lang ung hotel nila, oh."
Sagot ni Yvonne sa tanong ni Jervin sakaniya habang nakaturo na sa isang mataas na gusali sa bandang kaliwa niya. Nilingon naman ng binata ang itinurong gusali ng dalaga at saka nanlaki ang mga mata nito.
"Ayun lang pala! Ba't lalayo pa tayo dun?!"
Tanong muli ni Jervin kay Yvonne habang nakatingin na ito sa dalaga gamit ang kaniyang nanlalaking mga mata. Napabusangot na lamang ang dalaga, tinalikuran na ang binata at saka hinatak na ito.
"May bibilhin pa ako."
Masungit na sagot ni Yvonne sa tanong sakaniya ni Jervin nang hindi nito tinitignan ang binata at patuloy pa rin ito sa pag hila sa binata. Nagdikit ang kilay ng binata habang patuloy pa rin nitong tinitignan ang dalaga at hawak pa rin ang kamay nito.
"Ano?"
Takang tanong ni Jervin kay Yvonne habang tinitignan pa rin nito ang dalaga nang may pagtataka sakaniyang mukha. Hindi pa rin tinignan ng dalaga ang binata at namula na ang kaniyang mukha.
"N-napkin…"
Mahinang sagot ni Yvonne sa tanong sakaniya ni Jervin habang tinatakpan na nito ang kaniyang mukha at namumula pa rin. Binilisan ng binata ang kaniyang paglalakad at saka nilapitan ang dalaga.
"May sinabi ka?"
Tanong muli ni Jervin kay Yvonne habang malapit pa rin ito sa dalaga at patuloy pa rin sila sakanilang paglalakad. Tumigil na sa paglalakad ang dalaga sa tapat ng isang gusali kaya't napatigil muli sa paglalakad ang binata at saka tinignan na ang gusaling hinintuan nilang dalawa.
"Szawrdi nad Chetswi Bkan?"
Pagbabasa ni Jervin sa sign board na nakalagay sa gitnang bahagi ng gusaling iyon. Napabuntong hininga si Yvonne at saka tinignan na ang binata nang mayroong ngiti sakaniyang labi.
"Kuha muna tayo ng pera pambili."
Nakangiting sabi ni Yvonne kay Jervin habang hawak pa rin nito ang kamay ng binata. Mabilis na nilingon ng binata ang dalaga at saka tinignan ito gamit ang kaniyang nanlalaking mga mata.
"May account ka rito?"
Hindi makapaniwalang tanong ni Jervin kay Yvonne habang nakatingin pa rin ito sa dalaga. Tumango lamang ang dalaga bilang tugon sa tanong sakaniya ng binata habang nakangiti at saka hinila na ito papasok ng gusaling iyon.
"Ginawan ako ni Mama Beatrice nung sinabi ko sakaniya na mag-iipon ako ng malaking pera."
Sagot ni Yvonne sa tanong sakaniya ni Jervin habang patuloy pa rin nito hinahatak ang binata patungo sa isang Mangkukulam na nakaupo sa lamesa na naka lugar sa gitnang bahagi ng silid na iyon. Nang makatayo na ang dalawa sa harapan ng Mangkukulam ay tinignan lamang sila nito.
"Vonn Alquiza conucta."
Nakangiting sabi ni Yvonne sa Mangkukulam na nakaupo sa lamesa na naka lugar sa gitnang bahagi ng silid na kanilang kinaroroonan. Kumunot ang noo ni Jervin nang marinig ang apelyidong sinabi ng dalaga at saka tinignan na ito nang mayroong pagtataka sakaniyang mukha.
"Ba't un ung pangalan ng account mo?"
Takang tanong ni Jervin kay Yvonne habang nakatingin pa rin ito sa dalaga at nakakunot pa rin ang kaniyang noo. Napabuntong hininga ang dalaga at saka tinignan na ang Mangkukulam na lumapit sakanila.
"Flowlo em."
Sabi ng Mangkukulam kay Yvonne at saka naglakad na ito papalayo sa dalaga at kay Jervin. Tinignan ng binata ang Mangkukulam at saka ibinalik nang muli sa dalaga ang tingin nito.
"Sundan daw natin siya."
Sabi ni Yvonne kay Jervin habang hawak pa rin nito ang kamay ng binata at saka nagsimula nang maglakad upang sundan na ang Mangkukulam. Naglakad na rin ang binata at saka sumunod na sa dalaga habang iniikot na nito ang kaniyang paligid sa lugar.
"Si Mama Beatrice ang nagpangalan sa account ko. Kaya raw ginamit niya ung apelyidong un ay para hindi malaman nila Mama."
Sagot ni Yvonne sa tanong sakaniya ni Jervin kanina nang hindi nito tinitignan ang binata. Malungkot na tinignan ng binata ang dalaga habang patuloy pa rin ito sa pag sunod sa dalaga.
"Can you change it into Canadian Dollars?"
Tanong ni Yvonne sa Mangkukulam na ginabayan sila patungo sa vault na kinalalagyan ng kaniyang naupong pera. Tumango ang Mangkukulam, may sinambit sa harapan ng pintuan ng vault at saka binuksan na ito. Nang makita ni Jervin ang loob ng vault na pagmamay-ari ng dalaga'y nanlaking muli ang kaniyang mata at saka bumuka ng bahagya ang kaniyang bibig.
"I'll just take a small amount of money, thank you."
Nakangiting sabi ni Yvonne sa Mangkukulam habang hawak pa rin nito ang kamay ng binata. Tumango lamang ang Mangkukulam at saka gumilid na upang makapasok na sa loob ang dalaga at ang binata.
"Tara na."
Nakangiting sabi ni Yvonne kay Jervin habang nakatingin na ito sa binata. Nang maglalakad na papasok ang dalaga ay bigla itong nahatak pabalik, sapagkat hindi na nagpahila ito sa dalaga.
"Dito na lang ako sa labas."
Sabi ni Jervin kay Yvonne habang nakatingin pa rin sa loob ng vault ng dalaga. Napabusangot na lamang ang dalaga, binitawan na ang kamay ng binata at saka pumasok na sakaniyang vault upang kumuha ng pera.
"H-how much does she earned in there?"
Tanong ni Jervin sa Mangkukulam na kaniyang kasama ngayon sa labas ng vault ni Yvonne habang nakatingin na ito rito.
"About XXXXXXXX Philippine Peso."
Sagot ng Mangkukulam sa tanong sakaniya ni Jervin habang nakatingin sa binata. Tumaas ang parehong kilay ng binata dahil sa sinabi ng Mangkukulam sakaniya.
"But the half of it was from her Grandmother."
Dagdag pa ng Mangkukulam sakaniyang sinagot sa tanong sakaniya ng binata. Tumango na lamang ang binata bilang tugon sa Mangkukulam at saka tinignan na si Yvonne na naglalakad na papalabas ng kaniyang vault habang may dala na itong pera.
"This will be it."
Sabi ni Yvonne sa Mangkukulam sabay bigay na ng pera na kaniyang kinuha rito at saka nilapitan na si Jervin.
"Mayaman ba kayo?"
Tanong ni Jervin kay Yvonne habang nakatingin pa rin ito sa dalaga. Ngumiti ang dalaga sa binata at saka hinawakan nang muli ang kamay nito.
"Nadala lang un sa ipon."
"Pero ano bibilhin mo bago tayo magpunta dun sa hotel ni Lyka ba un?"
"Napkin."
"H-huh?"
"Sh*#!"
Hello po~!! Please vote, rate and support my story!! Maraming Salamat po sa pagbabasa ng story ko.
Kung nagustuhan niyo po ang story ko, may iba pa po akong ginawang story.
"Love Yourself: Wonder” po ang title ng finished story ko. Please read, vote, rate and support my other story!! BTS Fan-Fic po siya~ Sana po magustuhan niyo!!
Always wash your hands, stay at home and stay healthy po para maiwasan ang COVID-19~!!