webnovel

Anonuevo's Residence 5

~Hapon~

"S-seryoso ba siya?"

Nauutal na tanong ni Jervin sakaniyang sarili habang nakatingin at hawak niya ang kaniyang phone pati ang apat na biskuwit sakaniyang isa pang kamay. Dali-daling umakyat ang binata pabalik sakaniyang kwarto bago pa man may makakita sakaniya. Pagka pasok niya sakaniyang kwarto ay agad nilang ni-lock ang pintuan nito at saka naupo na sa kama. Walang maisip na irereply ang binata kaya't tinawagan nito ang number ni Yvonne at agad na inilapat ang kaniyang phone sakaniyang tainga.

"Jervin? Bakit mo ko tinawagan?"

Tanong ni Yvonne kay Jervin mula sa kabilang linya. Nanlaki ang mga mata ng binata nang mapagtanto nito na sinagot kaagad ng dalaga ang kaniyang tawag rito.

"H-huh? Ahh... ano… kase…"

"Baket? Hindi ka makapaniwala sa sinabi ko sayo o hindi mo na alam ang irereply mo?"

Natatawang tanong ni Yvonne kay Jervin kaya't napataas ng parehong kilay ang binata dahil sa tinanong sakaniya ng dalaga.

"G-gusto lang kitang kamustahin ng maayos. Hindi ba pwede un?"

Tanong pabalik ni Jervin kay Yvonne sabay tayo mula sakaniyang pagkakaupo sa kama. Natawa na lamang ang dalaga mula sa kabilang linya.

"Sabi pala sakin ni kuya Josh nung pagka gising ko… ano… ginamitan mo raw ako ng simpleng spell kagabi para pagalingin agad ako?"

Tanong ni Yvonne kay Jervin, napaupong muli ang binata sakaniyang kama nang mapanatag ang loob nito.

"Ahh… oo. Ginawa ko nga un. Baket?"

Sagot at tanong ni Jervin kay Yvonne sabay layo ng kaniyang phone mula sakaniyang tainga saka pinindot nito ang 'loudspeaker' at inilapag ito sakaniyang kama upang buksan ang isa sa mga biskuwit upang makakain na ito.

"Salamat. Kasi kung hindi dahil sayo… baka mamayang gabi o kaya kinabukasan pa ako magkaron ng malay."

Taimtim na pagpapasalamat ni Yvonne kay Jervin. Napatigil ang binata sakaniyang ginagawa at saka napatitig ang binata sakaniyang phone at saka ngumiti ito.

"Wala un. Teka… akala ko ba ano… gusto mo na mamatay?"

Tanong ni Jervin kay Yvonne sabay lapag ng kaniyang biskuwit sa kama at saka hinarap ang kaniyang phone na tila ba parang kasama lang niya ang dalaga sakaniyang kwarto.

"May dahilan na ako para mabuhay ulit."

Sagot ni Yvonne sa tanong sakaniya ni Jervin. Hindi alam ng binata kung ano ang nararamdaman niya Ngayon nang marinig niya ang sagot ng dalaga.

"Ano ung dahilan mo?"

Tanong muli ni Jervin kay Yvonne habang bigla itong nanamlay.

"Tsaka ko na lang siguro sabihin sayo."

"Sino yan Yvonne?"

"Si Jervin, kuya Josh."

"Di nga?!"

"Oo nga."

"Jervin! Jervin! Akin na phone mo! Kakausapin ko siya!"

"Gusto ka raw kausapin ni kuya Josh."

Sabi ni Yvonne kay Jervin. Biglang natauhan ang binata at saka kinuhang muli ang kaniyang biskuwit para makakain na siya.

"Jervin!"

Naiiyak na tawag ni Josh kay Jervin.

"Baket kuya Josh?"

Tanong ni Jervin kay Josh sabay kani nito sa isang piraso ng biskuwit.

"Salamat… maraming salamat… kung hindi dahil sayo… baka hindi pa nagising kanina si Yvonne. Salamat… kasi sinubukan mo siyang pagalingin kagabi… maraming maraming maraming salamat…"

Paulit-ulit na pasasalamat ni Josh kay Jervin habang umiiyak na ito mula sa kabilang linya.

"Wag ka nga masyadong madrama dyan kuya Josh, para naman akong mamamatay."

"Un na nga, e! Kaya ayaw na ayaw kong umuulan kasi ang laging kinakalabasan nun ay nawawalan ka ng malay matapos mong magpa ulan! Alalang-alala kami sayo nila Felip, Justin, Paolo, Vester at Madam Hongganda! Kami pa ata unang mamamatay dahil sayo, e! Nakakainis ka!"

Sigaw ni Josh kay Yvonne habang patuloy pa rin itong umiiyak mula sa kabilang linya. Natigil sa pagkain ang binata at saka nilunok ang kaniyang nginunguyang pagkain kanina.

"Kuya Josh naman, e… kita ngang ayokong umiiyak kapag may tao o kahit na anong nilalang sa harap ko… pinapaiyak mo naman ako! Ikaw ang nakakainis dyan!"

Sabi ni Yvonne kay Josh habang nanginginig ang boses nito. Inilapag nanamang muli ni Jervin ang kaniyang biswukit at saka kinuha ang kaniyang phone.

"Pwede mo namang ipakita sakin ang kahinaan mo, Yvonne."

Sabi ni Jervin kay Yvonne habang nakangiti ito ng bahagya sakaniyang phone.

"Ayoko… ayokong ipakita sa iba na mahina ako… ayokong manliit ulit… ayoko na… tama na…"

Mahinang sabi ni Yvonne mula sa kabilang linya. Nakaramdam ng pananakit ng dibdib si Jervin nang marinig niya ang mga salitang binitawan ng dalaga. Hindi namalayan ng binata ay may luhang tumulo mula sakaniyang kanang mata.

"Y-Yvonne… Yvonne… hindi na Yvonne… hindi na… walang makakakita ng kahinaan mo."

Pagpapakalma ni Josh kay Yvonne. Ang isang patak ng luha na galing sa kanang mata ni Jervin ay nagtuloy-tuloy na dahil sakaniyang narinig. Agad niyang pinutol ang tawag sa pagitan nila ng dalaga at saka inilayo ang kaniyang phone sakaniya habang tuloy-tuloy pa rin ang kaniyang pag-iyak.

"Nahanap ko na rin kung saan ka nakatira, Jervin hijo!"

Masayang pahayag ng isang pamilyar na boses mula sa bukas na bintana ng kwarto ni Jervin. Mabilis na nilingon ito ng binata at nasilayan si Madam Hongganda na nakatingin sakaniya mula sa bintana.

"M-Madam Hong."

Banggit ni Jervin sa pangalan ni Madam Hongganda habang pinupunasan na nito ang kaniyang luha at pinipigilan ang kaniyang sarili na maiyak muli. Napabuntong hininga ang matandang babae sabay pasok na sa kwarto at saka nilapitan na ang binata.

"Bakit ka umiiyak, hijo?"

Malungkot na tanong ni Madam Hongganda kay Jervin habang papaupo na ito sa tabi ng binata. Umiling ang binata bilang sagot sa matandang babae sabay tingin nito rito at ngiti.

"Okay lang ako Madam Hong. Bakit po pala kayo napunta rito?"

Sabi ni Jervin kay Madam Hongganda habang nakatingin pa rin ito sa matandang babae at nakangiti. Biglang hinimas ng matandang babae ang likuran ng binata, dahilan upang umiyak naman ito.

"Ayos lang yan, hijo. Ayos lang yan."

Pagpapagaan ni Madam Hongganda sa loob ni Jervin habang patuloy pa rin nitong hinihimas ang likuran ng binata. Nanatiling ganuon ang sitwasyon ng matandang babae at ng binata sa loob ng mahigit limang minuto nang tumigil na sa pag-iyak ang binata.

"Hindi ko alam na iyakin ka rin pala tulad ni Ibon, hijo."

Nakangiting sabi ni Madam Hongganda kay Jervin nang itinigil na niya ang paghimas sa likuran ng binata. Umayos na ng upo ang binata habang pinupunasan ang kaniyang mga luha at saka hinarap na ang matandang babae.

"Bakit ka napunta rito Madam Hong?"

Tanong ni Jervin kay Madam Hongganda habang seryoso nitong tinitignan ang matandang babae. Nginitian ng matandang babae ang binata.

"Para turuan ka ng iba pang salamangka."

Hello po~!! Please vote, rate and support my story!! Maraming Salamat po sa pagbabasa ng story ko.

Kung nagustuhan niyo po ang story ko, may iba pa po akong ginawang story.

"Love Yourself: Wonder” po ang title ng finished story ko. Please read, vote, rate and support my other story!! BTS Fan-Fic po siya~ Sana po magustuhan niyo!!

Always wash your hands, stay at home and stay healthy po para maiwasan ang COVID-19~!!

iboni007creators' thoughts
Siguiente capítulo