webnovel

Mall 4

~Tanghali~

"Jervin~!"

Nasasabik na tawag ni Yvonne kay Jervin habang papunta na ito sa kinaroroonan ng binata sa loob ng McDee. Agad na nilingon ng binata ang dalaga na nakasuot ng maluwag na puting t-shirt na naka tuck-in sakaniyang itim na skinny jeans at nakasuot ng itim na wedge. Kinawayan iyon ng binata upang batiin ang dalaga na papalapit na sa kinauupuan niya.

"Nagtanghalian ka na ba?"

Tanong nu Yvonne kay Jervin nang tumigil na siya sa harapan ng binata, hingal na hingal habang nakangiti. Nginitian pabalik ng binata ang dalaga na nakatayo pa rin sakaniyang harapan.

"Hindi pa, e. Ikaw ba?"

Sagot at tanong ni Jervin kay Yvonne habang nakatingin at nakangiti pa rin ito sa dalaga. Yumuko ang dalaga upang tignan ang kaniyang tiyan, hinawakan niya ito, ibinalik ang kaniyang tingin sa binata at saka ngumiti ng bahagya habang nakakunot ang kaniyang noo dahil sa hiya.

"Ako na bibili, ano gusto mo?"

Tanong ni Jervin kay Yvonne nang akma na siyang tatayo sakaniyang kinauupuan.

"Teka lang!"

Pagpipigil ni Yvonne kay Jervin. Agad na tinignan ng binata ang dalaga ng may pagtataka sakaniyang mukha. Napatingin ang dalaga sakanilang paligid at nakita ang mga tao na nakatingin sakaniya. Inayos niya bigla ang kaniyang sarili at saka tumayo ng maayos.

"Bakit?"

Takang tanong ni Jervin kay Yvonne habang naka tingala ito sa dalaga dahil hindi siya nakatayo kanina.

"Yvonne!"

Tawag ng isang lalaki kay Yvonne mula sa pasukan ng McDee na kainan. Nagsi tinginan ang mga tao sa kainan na iyon sa lalaking tumawag sa dalaga. Nanlaki ang mga mata ng dalaga saka mabilis na tumingin sa lalaking tumawag sakaniya.

"Hendric!"

Masayang tawag ni Yvonne sa lalaking tumawag sakaniya kanina na nagngangalang, Hendric. Nginitian ng dalaga ang kaibigan at saka hinintay na makalapit ito sa kinaroroonan nila ni Jervin.

"Siya na ba si Jervien?"

Tanong ni Hendric kay Yvonne habang nakaturo ito kay Jervin. Pinanlakihan ng mga mata ng dalaga ang kaibigan dahil sa gulat. Tumayo bigla ang binata at hinarap ang kaibigan ng dalaga.

"Jervin. Jervin Anonuevo."

Sabi ni Jervin kay Hendric habang iniabot nito ang kaniyang kamay para makipagkamay sa kaibigan ng dalaga. Nginitian ng kaibigan ni Yvonne ang binata at nakipagkamay na ito sa binata.

"Hendric Acosta, at your service."

Nakangiting pagpapakilala ni Hendric kay Jervin habang nagkakamayan pa rin silang dalawa.

"Jervin pangalan niya, ha. Jervin. J-E-R-V-I-N. Hindi 'Jervien'. San niyo ba nakukuha ni Anna ung pangalan na 'Jervien'?"

Sabi ni Yvonne kay Hendric sabay cross-arms ng dalaga at tingin sa ibang direction.

"Sabagay. Maganda naman ung pangalang 'Jervien'."

Nakangiting sabi ni Yvonne sakaniyang sarili sabay tingin kay Jervin na nakatingin na sakaniya. Nagunlantang ng bahagya ang dalaga at saka biglang inayos nanaman ang kaniyang sarili.

"Maupo ka na nga bunso. Gutom lang yan. Sagot ko na."

Sabi ni Hendric kay Yvonne habang pinapaupo na ang dalaga sa tabi ng binata. Biglang nagliwanag ang mga mata ng dalaga ng marinig na sagot na ng kaniyang kaibigan ang kanilang tanghalian.

"Ala Queen with fries and hot fudge na chocolate saken~!"

Masayang sabi ni Yvonne kay Hendric habang papaupo na siya sa tabi ni Jervin. Akma na sanang kukunin ng binata ang kaniyang wallet sakaniyang bulsa kaso pinigilan siya ng kaibigan ng dalaga.

"Sagot ko na, pre. Ano sayo?"

Tanong ni Hendric kay Jervin habang nakangiti. Naupo na lamang ang binata sa tabi ni Yvonne at nag-isip kung ano ang kaniyang kakainin.

"Ala Queen na lang din sakin with fries."

Nakangiting sagot ni Jervin kay Hendric. Ngumiti lamang ang kaibigan ng dalaga sakanilang dalawa at saka naglakad na patungo sa cashier.

"Okay lang ba un kay Hendric?"

Nag-aalalang tanong ni Jervin kay Yvonne. Hinawakan bigla ng dalaga ang balikat ng binata at nginitian ito.

"Okay lang un~! Siya pa nga nagprisinta na sagot niya, e. Pabayaan mo na lang un. Kung san siya masaya dun ako."

Nakangiting sagot ni Yvonne kay Jervin habang hawak pa rin nito ang balikat ng binata.

"Bakit tinawag ka niyang 'bunso'?"

Tanong muli ni Jervin kay Yvonne sabay tingin ng binata sa dalaga. Tinignan lamang ng dalaga ang binata, nginitian ito at saka tinignan na ang kaniyang kaibigan na umo-order ng kanilang tanghalian. Biglang nanamlay ang binata nang may pumasok sakaniyang isipan.

"May... gusto ka ba kay Hendric?"

Tanong muli ni Jervin kay Yvonne habang nakatingin pa rin ito sa dalaga. Biglang tinignan ng dalaga ang binata at pinanlakihan ito ng mga mata.

"Seryoso ka ba?"

Natatawang tanong ni Yvonne kay Jervin. Nagtakang bigla ang binata sa naging reaksyon ng dalaga sa tanong niya rito.

"Hindi ko gusto si Hendric, noh. Kaibigan lang ang tingin ko sakaniya. At isa pa, may iba na akong gusto. I mean hindi gusto kase crush ko pa lang naman, pero hindi ako sigurado kung lalala pa ung pagkakaron ko sakaniya ng crush o hindi. A-ano ba 'ting pinagsasasabi ko? Ahahaha. Sorry, sorry."

Sagot ni Yvonne sa tanong sakaniya ni Jervin kanina. Lalu pang nagtaka ang binata sa sinabi at inasta ng dalaga sakaniyang harapan, tinitigan niya lamang ang dalaga ng may halong pagtataka sakaniyang mukha habang ang dalaga nama'y kinakausap na ang kaniyang sarili.

"Ano ba yan Ibon! Ano bang pinagsasasabi mo dyan sa harap ni Jervin? Aish! Nakakainis ka Ibon!"

Bulong ni Yvonne sakaniyang sarili habang nakayuko ito at tinatakpan ang kaniyang mukha. Natawa na lamang ng bahagya ang binata dahil sa dalaga.

"Eto na ang pagkain~!"

Masayang sabi ni Hendric kela Yvonne at Jervin habang may isang staff ng kainan ang nakabuntot sa kaibigan ng dalaga na may dala-dala ring tray ng pagkain tulad ng kaibigan ng dalaga. Nagningning ang mga mata ng dalaga dahil sa pagkaing inilapag sakanilang lamesa.

"Salamat po~"

Pagpapasalamat ni Hendric sa staff na tumulong sakaniya na buhatin ang kaniyang inorder.

"Eeek! Maraming salamat, Dric~!"

Masayang pasasalamat ni Yvonne kay Hendric sabay kuha na ng kaniyang pagkain. Tinignan lamang ni Jervin ang dalaga habang may nakaguhit na ngiti sakaniyang mga labi. Nakita iyon ng kaibigan ng dalaga ngunit mas pinili na lamang nitong manahimik at saka kinuha na niya ang kaniyang pagkain habang nakangiti.

"Mm? Hindi ka pa kakain Jervin?"

Tanong ni Yvonne kay Jervin ng mapansin niya ang binata na hindi pa nito ginagalaw ang kaniyang pagkain. Natauhan bigla ang binata kaya't kinuha na niya ang kaniyang pagkain, at nung akmang susubo na siya ay biglang kumalam ang tiyan nito. Napatingin pareho ang dalaga at ang kaibigan nito sa binata habang nanlalaki pareho ang kanilang mga mata.

"S-salamat sa pagkain, Hendric."

Nahihiyang pagpapasalamat ni Jervin kay Hendric sabay subo na ng kaniyang pagkain. Natawa na lamang ng bahagya si Yvonne at ang kaibigan nito sa binata.

"Maliit na bagay."

Hello po~!! Please vote, rate and support my story!! Maraming Salamat po sa pagbabasa ng story ko.

Kung nagustuhan niyo po ang story ko, may iba pa po akong ginawang story.

"Love Yourself: Wonder” po ang title ng finished story ko. Please read, vote, rate and support my other story!! BTS Fan-Fic po siya~ Sana po magustuhan niyo!!

Always wash your hands, stay at home and stay healthy po para maiwasan ang COVID-19~!!

iboni007creators' thoughts
Siguiente capítulo