Lisa's Pov
Nagising ako sa sinag ng araw. Magiinat sana ako kaso naalala ko may katabi pala ako. Sa kwarto ko natulog si Jennie. Si Jk na nagsabi na dito matulog si Jennie para makapagbonding daw kami. Bumangon ako at naghilamos. Habang ako ay nagsusuklay may naisip akong gawin.
"Good Morning Lisa." bati ni Jennie
"Oh gising ka na pala. Mag ayos ka na para makababa na tayo at makapag almusal. Naisip ko lang na gusto ko makapagpasalamat sa kanila, ano kaya kung magbake tayong dalawa." sabi ko.
"Tama! Sige namimiss ko na magbake kasama ka." sabi ni Jennie.
Narating namin ang kitchen at nadatnan namin si Inay na nagluluto.
"Nay ano po lulutuin nyo?" tanong ko
"Adobong baboy at nag iisip pa ako ng isa pang ulam." sabi ni inay.
"Nay?" takang tanong ni Jennie.
"Oo anak inay o nay ang tawag nya sakin. Gusto ko kasi magkaroon ng anak na babae kaso wala eh. Kaya sabi ko kay Lisa inay na itawag nya sakin." paliwanag ni inay.
"Ako din po pwede ba?" tanong ni Jennie.
"Syempre naman anak." sagot ni inay.
"Nay kami na po ni Jennie ang bahalang magluto. Baka may iba pa po kayong gagawin. Anong oras po nakatulog yung apat?" tanong ko.
"Nagising ako ng alas singko gising pa sila. Sya sige maglalaba muna ako. Kayo nang dalawa bahala sa pagkain natin." sabi ni inay.
"Opo nay." sagot ni Jennie.
Kumain muna kami ni Jennie ng almusal bago magsimulang magluto. Parehas kasi kami ng hilig na magluto.
"Alam ko na Lisa kung bakit ka nawili dito sa lugar na to. Nararamdaman ko napapalapit ka na sa kanila. Pero paano ang trabaho mo? Hindi mo maililihim ang lahat. Lalabas at lalabas sayo ang mga bagay na iyon." sabi ni Jennie.
"Alam ko naman iyon eh kaso ang hirap nila bitawan. Mas lalo lang silang mapapahamak kung malalaman nila." sabi ko.
"Kamusta kayo ni Jk? Ano na nararamdaman mo? Paano pag may nalaman sya sayo?" tanong nya.
"Hindi ko alam Jennie. Basta sinusunod ko lang ang nararamdaman ko. Nung una ko pa lang syang makita nahulog na ako sa kanya." sabi ko.
"Malaking problema ang kinakaharap natin Lisa. Kakayanin ba nating dalawa. I mean meron pa naman sigurong pwedeng tumulong satin." sabi nya.
"Ayoko muna isipin yon. Hindi pa ako makamove on sa nangyari kay Errol. Ganun pa din ang nasa isip ko. Lahat ng nangyari. Pero simula makilala ko ang BTS unti unti akong nakakalimot." paliwanag ko.
"Mabuti pa kalimutan muna natin yun at tapusin ang lutuin. Gawa na rin tayo ng cake." sabi ni Jennie
"Sige ba malamang magugustuhan yun ng lahat." sabi ko.
Natapos kaming magluto ng tanghalian. Sakto pababa na lahat sila Jk.
"Mukhang inumaga kayo ha." tanong ko.
"Medyo, napasarap ng laro, kwentuhan at may inuman pa." sabi ni Jhope. Napansin ko na hinihilot ni Jk ang ulo nya.
"Jk masakit ba ulo mo?" tanong ko at tumango lang si Jk. Kumuha ako ng gamot sa medicine kit.
"Eto ang paracetamol at malamig na juice." sabi ko sabay abot ng gamot at juice.
"Magsi upo na kayo at maghahain na kami ni Lisa. Pwede bang pakitawag si Inay para makasabay sya sa atin." sabi ni Jennie. Tumayo naman si V at tinawag si inay.
Naihain na namin ang lahat ng pagkain sa lamesa. Ginataang alimasag at butter garlic shrimp. Pati na rin cake.

"Wow naman ang sasarap nito. Mapaparami ang kain namin nito." sabi ni Jhope.
"Mga paborito namin to. Sorry na lang sa iba hindi nila matitikman ang luto ni Lisa. Malamang bago sila makapunta dito ubos na to hahaha." sabi ni Jimin.
"Salamat Lisa." sabi ni Jk
"Your welcome, si Jennie nga pala ang nagbake ng cake." sabi ko.
"Talaga? Ang galing mo naman. Mukhang masarap." sabi ni V at ngumiti.
Habang nakain kami nagsalita si Jk.
"Nga pala, habang naglalaro kami kagabi nagbalak kami na mag outing. Pwede ba kayo ni Jennie?" sabi ni Jk.
"Bakit ano meron?" tanong ni Jennie.
"Hindi naman kailangan magkaroon ng dahilan ang paggagala. Minsan kailangan mong magsaya para mawala ang stress." sabi naman ni Jimin.
"Cge Lisa sama na tayo mukhang masaya yun eh. Matagal na ako hindi nakakapaggala. Please." pagpipilit ni Jennie.
"Ok. Ano pa nga bang magagawa ko kundi pumayag." sabi ko.
"Maghanda na kayo ng mga gamit nyo na dadalhin. Mamayang hapon na ang alis natin." sabi ni Jk.