webnovel

After party!

Dumating si Trina kasama ang mga kaibigan sa venue. Tanging mga managers pa lamang ang nanduon at wala pa din si Sir Leo. Medyo na lungkot ng slight si Trina kasi inaasahan nya na magkikita nya eto doon sa venue pag dating. Mag aalas nuebe na ay wala pa din eto. Hay naku nakatulog na siguro yon si Leo lasing na yun kanina sa resort pa lang! Sabi ni Boss John. Habang nag kakasiyahan ang lahat dumating si Leo. Abah akala namen hindi kana magigising pre ah! sabay tawa ng lahat sa sinabi ni Boss John.. Hahahah medyo naka tulog nga ako eh buti nalang at may nag miss call sa phone ko! Sagot ni Sir Leo.

Picture.. Picture..

Sabi ng isang kasamahan ko at bigla na lang may nag flash. Trina.. Sir.. smile

Wow may picture na kami together.

Sabi ni Trina sa sarili..

Anyway wala naman mangyayari dito kasi una Manager sya ako supervisor lang

home-based ako nasa office sya

hay cannot be talaga kami

yan ang mga sinasabi ni Trina sa sarili habang naka tingin sa bote ng San Mig na hawak nya. Natapus ang gabi na puno ng tawanan at kasiyahan ang bawat Isa.. masarap din pala kung minsan minsan eh lumalabas ka at sumasama sa mga ka opisina mo.

Uwian na.. nag paalam na sila Trina sa mga kasamahan dahil bukas ay maaga pa ang flight nila pabalik sa kanya-kanyang lugar..

Sir una na po kami.. See you next time. thank you po ulet. Sabi ni Trina kay Sir Leo. Ok sige ingat kayo.. I will message you pag nag Bacolod ako. sagot naman ni Sir Leo.

Pag uwi ng hotel, nag kanya kanya na silang lahat. Habang naka higa sa kama at nag pifacebook ay sinubukan nyang hanapin si Sir Leo..

Leo Galvez..

Bingo! nakita nya si Leo Sison Galvez

Add friend

After nya ma add si Leo ay nag shower si Trina para mag handa na matulog dahil bukas ay dapat maaga sya magising at babalik na sya ng Bacolod.

Pag labas ng CR..

dinampot nya ang cellphone at may notification

you are now friends with Leo Sison Galvez

hindi naman sya maka sigaw at baka magising nya si Liza sa kabilang kama .

Isa pa hindi nya sinabi na crush nya etong si Sir Leo nila!

Naging maganda ang tulog ni Trina nung gabing yun.. ang dami daming nangyari..

Sarap pala ng feeling na kinikilig ka nanaman..

Kinabukasan...

Ate.. mauna na ako sayo ha. ginising sya ni Liza at mas maaga ang flight nya pabalik sa CDO. Sige ingat ka ha. maya Maya na ako at 1pm pa naman ang flight ko pabalik.

Umalis na si Liza at si Trina naman ay bumalik sa pagtulog.

8:30 nag alarm na ang phone ni Trina.

Nag simula na syang gumayak at para maka pag breakfast muna bago pumunta ng airport.

1 message received (messenger)

Leo - Hi Trina morning.. ingat sa pagbalik sa Bacolod..

Trina - Hi po.. morning, thank you po.

Leo - what time flight mo?

Trina - ayy later pa po 1pm

Leo - i see sige. Ingat I'll message you pag punta ko ng Bacolod ha.

Trina - sure po anytime :) ikaw din ingat sa

pagbalik sa Manila

Leo - thank you :)

it was short but sweet.. kinilig nanaman wag bigyan ng meaning! kastigo ni Trina sa sarili.

Mactan International Airport

Bacolod ---- 1:20 pm ---- Cancelled

OMG! baket cancelled, anong gagawin ko?

karga karga ang gamit nya eh nag punta sa Trina sa ticket booth ng Cebu Pacific para itanung kung bakit na cancel ang flight nya.. Pinayuhan sya na pumunta sa counter para bigyan ng instruction at details regarding sa flight na sasakyan nya. Paglabas ng booth may sumalubong sa kanya at dahil badtrip eh hindi nya eto napansin. Oyy Trinz ok ka lang? Si Sir Leo.

Ay Sir ikaw pala.. cancelled ang flight ko! kailngan ko pang pumunta dun sa counter kasi mag tatanung ako kung anong mabibigay nilang solution. Kayo po.. actually 2 dapat ang flight ko but may changes din daw so I have to wait until 6pm later..lika samahan kita sa counter. Nag lakad sila papuntang counter ng Cebu Pac at sinabi na she can be accommodated on the next flight and it will be later at 6:15pm..

Ano pa nga ba magagawa ko but to accept the complimentary ticket at ang pa burger and coke ng airlines. Alam mo Sir kung ako lg magisa sarap na lang mag wild buti nalang at may kasama ako..heheh thank you ani Trina..

Well wala na tayong magagawa magtaka nalang tayo if on time ang mga flights naten.. sagot naman ni Leo..

Kain tayo nagugutom ako Trinz, ok sige sangayon naman nya.

Naging masaya ang kwantuhan nilang dalawa at hindi na nila namalayan ang oras. naging kamapante ang loob nila sa isa't Isa na para bang tagal na nilang magkakilala.

Attention to all passengers of Cebu Pacific flight 5J 474 bound for Manila..

Boarding mo na.. sabay silang tumayo ni Leo at nag beso pa eto sa kanya. Sige ingat ha una na ako. ani Leo

ok sige ikaw din ingat. Thank you for keeping me company..

Nag hug pa sila bago sila nag hiwalay.

After a couple of minutes nag announced na rin ng boarding para kay Trina.

Siguiente capítulo