|Normal POV|
"Why do we need to settle this investigate if she's still alive? We've known that she's already under the six feet of ground."
"She is right. Your suggestion is only time wasting."
"But, yes, we all known that she is dead but we didn't recover her body after the masacred, right? What if is someone saved her from death huh? And she's planning to get back here?"
Lahat ay pawang may kumpormisyong opinyon sa kanilang usapan. Nagtalo ang dalawang kampo sa parehas na subdyeko.
"If she wanted to get back here, why not before? Ealier? She's already spending seventeen years uphold revenge, huh. And the time she wasted for getting back all her strenght and even power are enough to kill one of us. Now, don't scare. Dont fear. Don't talk. Don't think. About. Her." Pinaleng turan ng hari. Wala siyang balak na pag akyasahan ang taong alam nyang matagal na yang niligpit at kita pa mismo ng dalawa nyang mata. Maraming bagay ang dapat pag aksayahan ng oras kaysa mag isip pa ng walang katuturan.
Walang nagawa ang lahat ng tapusin ng hari ang kanilang diskusyunan. Ngunit may isang tao na tikom ang bibig sa katotohanan. Ngumiti lang siya at napailing ng tinignan ang hari kapwa kasamahan nya.
Sa kabilang panig ng mundo, magulo na masyado ang underworld simula ng pamunuan to ng Theirs Mafia. Palagi nalang dumadanak ang dugo sa bawat parte ng mundo. Wala ng katahimikan ang dating tahimik at maayos na pagpapatakbo sa mundong ito. Dumami lalo ang mga rebelde.
"Clear the weaks."
"Areglado, Miss Miyu."
Napangiti ang babae matapos umalis ang kanyang mga tauhan dala ang Name of Blacklist.
Hinarap niya ang laptop at nagtype ng link sa new tab. Napangiti siya ng makita kung gaano karaming pera na ang pumasok sa accounts niya.
|Dyena|
"Happy monthsarry, Bi." Biglang sulpot ni Warren sa gilid ko habang may hawak na isang boquet ng roses matching luhod with gitara slash with his boys sa likod.
"Anong pakulo na naman to, Fuentez?" Tanong ko at nagtaas pa ng kilay. Tinanggap ko ang boquet kasi maganda ako at panget si Warren.
"Thankyou for another month of love, bi. Kahit panget ako sa paningin mo hindi mo pa rin ako iniwan dahil inintindi kita kahit napakabrutal mong magmahal at napakapogi ko sa paningin nila." May pinaparating tong mga sinabi niya e. Parang ako pa dapat magpasalamat na minahal niya ako ah. Upakan ko tong isang to e.
"Di naman tayo tatagal kung panget ako e. Kaya nga tayo tumagal kasi panget ka at maganda ako. Sa pag ibig ngayon panahon, required ang isang panget at maganda sa relasyon para astig tignan. Bida bida. Kaya swerte ka sa akin. Mahiya ka sa balat mo pag nambabae ka hoy. Sa panget mong yan, maghahanap ka pa ng kasing panget mo? ayos diba." Lumapit ako sa kanya at medyo tinapik siya sa pisngi "Manghaharana ka pa? Wag na. Sawa na ako sa boses mo uy." Lagi ko nalang kasi naririnig ang boses niya sa cellphone ko. Madalas pang tumawag. Nirecord yung boses niya at ginagawang ringtone ko. Kafal ng mukha di ba. Ayos.
"kafal ng mukha mo bi. Manghaharana ka dyan, hoy asa. Bahala ka na nga dyan!" Sabay walk out niya. Sinungaling. Tampo agad? Akala naman niya aamuin ko siya. Bakit, gwapo ba siya?
"Bessss! Kung gaganunin mo lang si Warren, bigay mo nalang siya-"
Agad ko siyang tinampal ng bahagya sa pisngi "Depende kung gusto mong banatan kita?"
"Hehehe joke lang Dyena. Loyal kayo di ba? Akala nyo may forever ha. Maghihiwalay din kayo!" Di yon mangyayari.
"Yeah Bes, pag naghiwalay kami katapusan na rin ng buhay mo. Ang saya nun after we broke up di ba? Dalawa paglalamayan. Buhay mo at relasyon namin namatay na." Ngumisi pa ako at iniwan na siya don. Masyado na kasi kaming pinapanuod ng ibang istudyante. Nakakita kasi ng maganda.
Tumatagal na rin pala kami ni Warren. Ni hindi ko manlang namamalayan ang panahon. Di ko akalain yon ha. Tumagal ako sa panget niyang mukha. Hay nako. Nakakapanibago. Sa panget nyang yon nakatiis ako? Walang duda, maganda talaga ako hahaha.
"Ang saya mo yata, Miss Dyena?"
"Kaya wag mong sisirain baka lalo pa akong sumaya pag pinatulan kita." Ngiting sagot ko kay Amethys Reid. Di ko talaga maintindihan kung bakit ang init ng ulo nito sa akin e. Laging galit pag nakikita ako. Galit ba siya sa mas maganda sa kanya? Aminado naman akong maganda siya e, pero mas maganda ako.
"Yeah, enjoy your day." sabi niya at binangga pa ang balikat ko paalis. Laki talaga ng problema sa akin nito e.
Ni hindi ko naman siya inano. Hays. Bahala na nga siya sa buhay niya.
Pumasok nalang ako sa room habang dala ang boquet. At dahil may dala akong boquet na halata kung kanino galing, tinukso na naman nila ako kay Warren.
Ganito ba talaga kasikat ang relasyon namin ni Warren na kahit di ko naman kilala tinutukso ako kay Warren? Dahil ba maganda ako o sikat na Basketball player slash varsity captain si Warren? Siguro parehas lang.
**
Nandito ako ngayon sa gym since tapos na ang klase. Kanina kasi habang nagkaklase at nagcecellphone lang ako sa sulok ay nagtext si panget. Sabi niya sa text hintayin ko siya sa gym kaya ginawa ko naman. May practice daw sila at gusto niyang naroon ako kesyo para sa akin daw lahat ng ishoshoot niya. Ajujuju ang corny niyang nilalang. Malapit na akong lamggamin sa ginagawa niya e.
Tinignan ko ang kabilang bleachers at nakita ko siya roon na nakatingin sa akin habang nakangiti. Kumaway pa siya at nagflying kiss pa. Sa halip na saluhin ko yon ay inirapan ko lang siya at sumimangot pa. Nakita yon ng kateam mate niya kaya tinawanan siya ng mga to. Si Warren naman parang gusto na akong sakalin dahil napahiya siya. Para makabawi, lumakad ako papalapit sa kanya kaya napunta sa akin ang atensyon nila.
"Oy Dyena babyyy!"
"Dito na si Mahal hahaha!"
"Hashtag, Loyal si Bi!"
Medyo napangiti ako dahil sa katyawan nila. Tinignan ko si Warren na hindi ko malaman kung kinikilig o ewan e. Nakayuko si panget. Nahiya siguro dahil panget siya.
"Hoy panget, dalian mo lang magdedate pa tayo di ba?" Sabi ko "Baka nakakalimutan mo niyaya mo ko." kahit di naman talaga niya ako niyaya. Bwisit to e. Wala yata akong balak ilabas.
"Kailan ko sinabi-"
"Uupakan kita dito!" banta ko dahil balak pa niya yata akong ilaglag at ipahiya.
"Tss. Oo na. Pasalamat ka mahal kita."
Punyeta kinilig pa yata ako doon ha.
"Pero ihahagis muna kita doon sa ring" dagdag pa niya kaya napasimangot ako "tapos sasaluhin kita pag pahulog ka na kasi mahal kita at hindi ko hahayaan na masaktan ka at makuha ng iba."
"TAMIS MAGMAHAL!"
"BOSS WARREN MAPAGMAHAL!"
"KAYA IDOL KA NAMIN CAPTAIN EH!"
"ANO AKALA NYO TALAGA MAY FOREVER E NO?"
"Hahahahahahaha ako ang kinikilig dito e."
This. I'm very lucky to have him. Ngayon ko lang talaga narealize na hindi ko dapat siya pakawalan kasi ang swerte niya sa akin. Ang ganda ko kaya. Maraming relasyon ang hindi perpekto, tulad ng relasyon namin ni Warren, pero hindi sapat na dahilan yon para saktan ang partner. I know, Warren loves is deepiest than Pacific ocean. Dama ko yon. He doesn't want to lose me or leave me. Kahit napakabrutal niya magmahal, kahit lagi siyang ganun, kahit napakapanget niya, mahal niya ako. Pero isa lang talaga ang sigurado, walang forever. Pero may together.
Napailang nalang ako sa kanya dahil wala akong masabi. Nag umpisa na rin ang practice nila kaya naupo na ako at pinanuod siya kung gaano siya kasaya sa araw na ito.
**
"Ano ba! Ang corny mong panget ka ha. Ayoko dyan!"
"Tumigil ka ha, kakaladkarin talaga kita!"
"Baka sipain kita?"
Kanina pa kami pinagtitignan ng tao dito sa loob ng mall dahil kay Warren na pilit akong hinihila papasok ng isang shop na ang sakit sa mata pag nakita ang pangalan ng shop. Mamamatay ata ako kapag pumasok ako doon e. Juicekooo! Pasukin ko na lahat ng gulo, wag lang doon.
"Tara na Dyena. Di na ako natutuwa."
"Bakit sinabi ko bang matuwa ka ha?" Aba. Ako nga di natutuwa sa kanya di ko sinasabi e. Tapos ngayong magrereklamo siya. Boset to.
"Ano ba problema Dyena? It just a shop for couples. Kakainin ka ba nyan?"
"Yun nga e, Couples. Duhhh! Wala tayong gagawin-waaaah bitawww! Warreeen!"
Pinaghahampas ko na ang likod niya para ibaba lang ko pero ang tigas niya talaga. Ayaw nya akong ibaba kaya lalo kaming nakaagaw ng atensyon. Yung iba nagbubulungan na. Waaah! Para akong sako ng bigas na binubuhat ng kargador.
"Good Evening Sir" sa wakas binaba na ako ni Warren... sa harap niya. Bwisit insert poker face here. Shemay. "And Dyena." Narinig ko pa ang mahina niyang tawa kaya sinamaan ko siya ng tingin.
"Ah. You know her, Dyena?" Tanong ni Warren at tumingin pa kay May. Buti hindi si April ang nandito sa shop ngayon. Aasarin na naman ako non.
"Friend niya ako since childhood. I'm May. And you are?"
"Warren Fuentez. Dyena's husband."
"Ah. Finally, nice to meet you Mr Fuentez."
Sige. Sila na nagsheshake hand. Bakit ba kasi nagdate pa kami ngayon. Eh ayaw ko ngang iharap tong lalaking to kay May e. Mamaya lait laitin pa nila. Hays. Mapanglait pa naman mga to.
"Okay. Dyena, dito ka lang, wag kang tatakas. Isasako kita pag tumakas ka, sige ka. Miss, please accompany her. Mahal ko yan."
"Oo naman sir. Enjoy our shop."
Umalis na si Warren at nag ikot dito sa loob. Naiwan naman akong kasama ni May na nakatingin sa akin ng kakaiba. Mukhang mangangain pa yata to e?
"Kayo pala yung agaw atensyon sa labas ng shop. Arte mo talaga no? Ayaw mong pumasok dito kasi alam mong nandito ang isa amin ni April no? Don't worry, di ko siya lalaitin. He's definitely handsome."
" -ma ng mukha? Tss."
"Haha gago. Swerte mo ha? Gwapo at brutal magmahal. Perfect package. Alam kong di ka marunong humawak ng relasyon Dyena, but do it all just to handle your relationshi right, minsan lang sa buhay na may dumating sa buhay mo na kaya kang tiisin. And you're lucky dahil naging first boyfriend mo ang katulad nya." Tinapik niya ang balikat ko at ngumiti habang naiiling.
Ganun ba talaga ako kaswerte sa paningin nila dahil na sa akin si Warren?
Habang tinitignan ko ang likod ni Warren, napapaisip ako. What if may dumating na mas hihigit sa akin? Na mas hihigit sa kanya? Para sa amin dalawa? Makakaya kaya namin na pagtibayin ang relasyon namin? For sure, isa ang sobrang masasaktan sa amin dalawa. Kung sino ang mas nagmamahal ng sobra.
Lumapit siya akin dala ang isang ring of box. "Tara na." Di na ako nag usisa pa kung para kanino yon dahil di naman niya binigay sa akin. Siguro pinabili sa kanya.
"May, we'll go ahead." Sabi ko at ngumiti pa ganun din si Warren at hinila na ang kamay ko.
"Ingat." Yun lang at tuluyan na kaming lumabas ng shop. Madilim na nung lumabas kami ng mall para puntahan ang sasakyan niya sa parking area. Medyo malayo yon kaya lumakad pa kami ng ilang minuto bago makarating sa sasakyan.
Pinagbuksan niya ako ng pinto kaya agad akong sumakay. Nang maisara niya yon ay umikot siya sa harap at sumakay sa driver's seat.
Tahimik ang byahe. Ni hindi siya umimik kaya di na rin ako nagtangkang magsalita pa.
This is our nine'th monthsarry. I don't know how we end to this relationship, and we still on counting. How many hours? Minutes? Seconds? And days we are together? Di ko namalayan.
Maya maya huminto ang kotse sa harap ng isang simbahan. Tinanggal niya ang seatbelt kaya ganun din ako. Pinagbuksan niya ako ng pinto ng kotse pagkalabas niya.
"May misa ba? Ikukumpisal mo na ba ang panget mong mukha?"
"Tss. Ihaharap ko lang sa simbahan yung babaeng mahal na mahal ko. Yung dahilan kung bakit lagi akong napapangiti even I don't want to."
Napatitig ako sa kanya. This time. Alam kong namumula na ako sa kilig. Bakit ba lahat ng bibitawan nyang salita parang pakiramdam ko ang swerte ko talaga? Ha? Bat ganooon!
Hindi sana dumating yung panahon na magsawa siyang intindihan ako. Yung ugaling meron ako.
Hinigit na niya ako sa kamay at pumasok sa loob ng church. Wala ng masyadong tao pero may ilan pa rin naman akong nakikita.
Sa gitna ng aisle, tahimik namin binaybay yon habang nakahawak kamay na dumeretso sa harapan na akala mo may pareng naghihintay roon. Yumuko siya kaya ginaya ko siya. Hinila niya ako sa upuan at panandalian akong sinulyapan bago lumuhod at nagdasal.
Nakatingin lang ako sa kanya. Isa. Dalawa. Tatlo. Dumaan ang mahabang minuto ng buhay ko na nakatingin lang sa kanya. Sinusuri ang bawat galaw niya. Alam kong dama niya ang titig ko sa kanya.
Ito yung unang pagkakataon na dinala niya ako sa simbahan. Yung unang beses nyang maghaharap ng babae sa diyos.
Tumingin siya sa akin. Ngumiti. Napailing. Napapikit. Napangiti muli. Hinaplos niya ang palad ko at pinisil ng marahan. Nilabas nya yung box na binili niya at binuksan. Sa loob nun, may two couple ring. Yung mas malaking ring, may bark na padlock habang yung maliit ng kaunti ay key naman.
Sinuot niya sa akin yung singsing at inabot ang isa pang pares, "suot mo sa akin" utos niya
Di na ako pumalag at sinuot na. Ngumiti siya at hinalikan ako sa noo. Not a first kiss. "Kapag isa na sa atin ang di na mahal ang ang isa, we can remove the ring. Sign that we fall out of love."
Intense! Ang lalim ng nararating ng mga sinasabi ng mokong na to. Matured enough.
"Baka pahubad ko palang ng singsing na to, nahubad mo na yung sayo." Sabi ko at tinignan pa yung singsing na nasa daliri ko.
"It won't never happen. I assured you." That's it. All I want to hear. Ngumiti lang ako at niyakap siya.
|Eythan|
"What's wrong with you Justin?"
Inabot ko ang coke in can at binuksan. Muli kong binalik ang atensyon ko kay tito Ashton na pinapagalitan ang unico hijo nila.
"Stop being Jerk, man!" Tito Ashton hissed and he almost punched his son's face.
"I can't dad but, I will try." Walang ganang tinignan ni Justin ang ama niya.
Jerk will be always Jerk. Psycology.
"Do it, don't try." Sumingit na si Tita Camille sa sa usapan. Di siguro makatiis na pagalitan din ang anak.
Sa bagay kung magkakaanak din ako ng playboy, baka makarate ko lang. Walang alam kundi magpaiyak ng babae, almost. At hindi na natutuwa sila tito Ashton sa mga nangyayari even tita Camille. I don't know how will Justin feels when tito's did to tita what he does to the girls he broke ups. Baka doon nya lang maintindihan ang lahat.
**
"We still searching for good result." Nailing si Hannah habang hawak ang baril.
"Two years na natin hawak ang case about Haivara Maxwell but we still on pause. Wala ba tayong gagawin na aksyon?" Zoe's intervened after viewing the files of new news about Black Organization.
"Guys, what do you think, if she still breathing?" Alliah's questioning.
We gave her a deadly looked. "Chill, I'm just asking lang naman guys."
Haivara Maxwell.
Ito yung task na binigay sa amin ni tito Ervin. As new team of their group. Sabi ni tito Ervin, kaibigan daw ni Alys si tita Haivara. Alys promised to her na ilalayo niya ito from the other member of Black Organization. Malaki ang kasalanan ni tita Haivara co'z she betrayed the organization. A sinner also. Nang mamatay (sa paniniwala nila) si Alys , dumating ang Triumgle. The strongest three main leader of Black Organization ay agad hinanting si Haivara Maxwell at kinuha sa amin. And after that, our group even daddy's group are still searching for Haivara.
"Why do we need to find her? She betrayed her organization. Malayong hindi gawin sa atin oras na bumalik siya sa side natin." Cha's commented. He's right.
"Sa tagal ng paghahanap natin sa kanya, ngayon mo lang naisip na itanong yan?" Alliah questioning his question, huh.
"Wala naman tayong mapapala sa kanya." Cha answered.
Napailing ako. They're totally opposite thinker. "What can you say, boss?" bumaling sa akin si Zoe na nakatingin sa dalawang nagtatalo.
"First mission." I answered.
Tumingin sa akin si Cha at Alliah. Parehas na natahimik. "I don't want to dissapoint them, at the first place." Tumayo na ako at lumabas sa conference room.
Mula sa labas ay sumalubong sa akin si Dylan. "I found her."
Her.
"Saan?"
"Sasabihin mo ba kay tito Ezekiel?"
"Depende."
"West wing."
Our enemies area.
"How she is?"
"I don't know."
Atleast I know where she is.
"Oras na bumalik siya, the war will continue."
ah. That war. Seventeen years ago.
Debts.
|Amethys|
"Ayaw ko na."
Napatingin ako sa babaeng pumasok dito sa loob ng kwarto ko at napasimangot ako ng makita ko ang ekspresyon ng mukha niya.
"Bastos ka talaga no? Don't you have manners, huh? Tss."
"Ayoko naaaa!"
Tss. Why is she so madrama? Ano ba problema nito at dito pa naisipan magdrama?
"Nang alin?"
Tinignan ko ulit ang hawak kong folder.
Sub-sided group? Hindi ko alam na may ganoon pala. Sa dami ng myembro ng isang organisasyon/gangs ay nahati to sa iba't ibang destrict. Parang ang Sislyn Mafia. Nahati sa tatlong district; Black Organization, White Organization and Red Organization.
"Si Justin." At that playboy, again. Psh. Walang bago.
"So, why are you here?"
"I'm going to kill that womanizer."
"Yeah. Kill him now." As if she can. Alam naman nya na playboy ang pinakamamahal niyang si Justin, pinatulan pa. What a stupid brat. "Anyway, dalawa ang ibig sabihin ng salitang ayaw mo na. It's either pagod ka na or nakahanap ka na ng iba." Nabasa ko lang sa post.
"Do you think that I have new pet, huh?"
Wala akong inisip even may sinabi. Tss.
"Brat." Yun lang ang sinabi ko. "We all known na isa sa malaking kalaban ng mafia ay ang Commission, World Government at Eight Division. I don't think so kung kasama ang Eight Division since isa sa myembro si tita Alys nun. Sa Commission, do you think na may sub-sided group sila?"
I have already heard many times about that war seventeen years ago na kung bakit namatay si tita Zenia, kung paano nasira ang Christian Day ni Eythan and how tita Alys's car na nahulog sa bangin at sumabog. They don't actually seen the car incident, by the way. They have many traces kung sino may gawa nun at ang Commission ang iniisip nilang primary suspect sa pagkamatay ni tita.
"Uhm, I don't still think if commission had a sub-sided group e. Sa lawak ng Commission at lakas ng kapit sa Government, baka hindi na kailanganin na hati-hatiin sila by district. The leader of a powerful group can lead and handle his or her man. Why you wasting your time about that? It's not interesting at the first place. Even na may sub-sided group ang commission, they are still commission. Enemy will be enemy. So stop thinking, Amethys."
Sislyn Mafia. They are one of the four strongest guild around the world kaya bakit sila na hati sa tatlong destrict?
"You have point. Sana ganun ka rin kay Justin. Playboy will be always playboy."
Nawala ang ngiti niya at napairap pa bago lumabas ng kwarto ko.
~~