⚚ Syden's POV ⚚
"Bakit mo ginawa 'yon?" tanong ko kay Alvin. Siya lang naman kasi ang malapit sa'kin kaya sigurado akong siya yung kumuha sa pagkain ko.
"Tingin mo ba makakaligtas ka sa punishment ni Sir once na makita niyang kumakain ka sa klasi niya?" bulong niya sa'kin.
Itinuloy na kasi ni Sir yung discussion niya kanina pagkatapos niyang makita na wala akong tinatago. Akala ko nga mahuhuli niya ako eh. Salamat naman dito sa katabi ko at naisalba niya ang buhay ko😇.
"Okay class. I need to leave now, just stay here and wait for your break time" sabay alis si Sir.
Chineck ko yung oras at 10 minutes pa before the break. Ang aga naman umalis ni Sir.
"Hey!" bati ni Alvin sa akin. Wow feeling close ah?
Seryoso ko lang siyang tinignan habang nakatingin naman sila sa akin pati ang mga kaibigan niya, "Hindi ka ba magpapasalamat sa akin? I just saved your life" yabang ha?
Sabagay, bakit ko pa nga siya susungitan? Sige na nga, makikipag-kaibigan na'ko sa kanila as an appreciation sa ginawa niya kanina. Baka sabihin niya pang nag-iinarte ako.
Mataray ko siyang tinignan, "Fine. Thank you pala kanina, Alvin"
Mukha namang natuwa sila sa sinabi ko kaya kitang-kita ko yung ngiti nila, abot ata hanggang langit? "And you are?" inabot niya yung kamay niya sa akin.
"Syden" inabot ko na din yung kamay niya.
"Wow! Cool name!"
Hindi ko na lang sila pinansin after non. Pero nangungulit eh.
Medyo lumapit siya sa akin kaya napatingin ako sa kanya, "You're one of the Phantoms, right?" nanlaki ang mata ko sa binulong niya sa akin. Paano niyang nalaman?!
"Ano bang kailangan mo?" seryoso kong tanong sa kanya.
"Easy girl. Nagtatanong lang naman ako, wala akong ibang balak. Namukhaan lang kita kasi usap-usapan ka sa buong campus after nangyari yung sa cafeteria. If you're one of the Phantoms, then bakit kasama mo ang Blood Rebels?"
Napaisip ako sa sinabi niya. Siguro nga kailangan kong i-explain para di na siya mag-alinlangan sa akin.
Tinignan ko siya ng maayos at kahit gusto kong magtaray, di ko na nagawa, "Aaminin ko. I became one of them for a reason, hindi dahil gusto ko. Kasama ko lang ang Blood Rebels kasi.." tinignan ko muna si Raven na kausap si Dave kaya napatingin din si Alvin sa kanila tapos tinignan ko ulit siya, "Yung lalaki sa dulo, kakambal ko siya kaya napapasama lang ako sa kanila" yun naman kasi talaga yung reason kung bakit napapasama ako sa kanila.
"Ahh ganon naman pala. Akala ko spy ka or something kasi may koneksyon ka sa dalawang grupo eh. The two powerful groups" -A
"At least ngayon alam mo na" mukhang okay naman pala tong si Alvin eh.
"Pero alam mo...mababawi pa kaya ng Blood Rebels ang sikat nilang pangalan? Usap-usapan kasi ang nangyaring kaguluhan between the Phantoms, Redblades and Blood Rebels. Yung...niloko lang daw ni Roxanne si Carson at may relasyon sila ni Clyde"
Nabigla nanaman ako sa sinabi niya. Paano naman kumalat sa campus 'yon?
"Is that true?" -A
Tinignan ko siya at ngumiti na lang ako. Pano kung talagang masira ang grupo ni Carson. Nakuha panaman ni Clyde ang mga members niya.
May mga huminto na grupo ng mga lalaki sa classroom kaya natahimik ang lahat habang nakatingin lang sa kanila. Mukhang pamilyar sa akin. Naka white t-shirt lang sila at mukhang may hinahanap. Yung isa sa kanila, nag-umpisa ng maglakad papasok, nilibot niya yung buong classroom at tinitignan niya kami isa-isa. Ng makita niya ako, parang nagulat siya kaya lalo niya pa akong nilapitan. Ako naman, nanlaki ang mata ko kasi hindi ko alam kung bakit niya ako tinitignan kaya napayuko ako.
Yumuko siya para makita ako ng maayos, "I think...I know you" Hala?! Sino ba siya? Bakit naman kilala niya ko? Habang tinitignan niya ako, nakakatakot yung mga mata niya.
"S-sino ka ba?" -S
"Wait!" nagulat lalo ako sa sinabi niya at tinignan niya pa ako ng maayos, "Ka-group kita right? You're one of the Phantoms"
Hala sh*t! Kilala ko na siya. Yung right hand ni Clyde na isa sa mga nagpahirap sa akin. Tanga naman oh! Bakit di ko siya agad nakilala? Kailangan ko ng umalis.
Tatayo na sana ako pero bigla niyang pinalo ng malakas yung lamesa ko kaya kinabahan ako. Tinignan niya ulit ako ng masama habang nakangisi siya. Lumapit siya sa akin "D'ba dapat patay ka na?" bulong niya sa akin gamit ang nakakatakot niyang boses.
Napalunok ako bago ko siya tinignan, "Hindi na ko kasali sa grupo niyong bulok!" matapang kong sabi sa kanya. Tumayo na ako para umalis pero hinawakan niya yung buhok ko ng mahigpit kaya napaatras ako.
Nakita kong may humawak sa kamay niya ng mahigpit kaya nabitawan niya ako. Hawak ngayon ni Dustin yung kamay niya at halatang nasasaktan siya, "Umalis ka na dito ngayon din. Baka mas mauna ka pang mamatay kay Syden!" galit niyang sabi dun sa lalaki.
Nabigla ako at natulala. Bakit nila ako nililigtas? Noong una si Raven at Dave, tapos kanina sa hallway si Carson, ngayon naman si Dustin. Nililigtas ba nila ako o sadyang nagkakataon lang na naiinis sila sa mga nananakit sa akin kaya nila to ginagawa?
Halata namang natakot sila ng makita nila si Dustin pero agad ding nag-iba ang ekspresyon nila. Tinanggal nung right hand ni Clyde yung pagkakahawak ni Dustin sa kanya at nginitian niya ito ng masama, "Kahit pala nabuwag na ang Blood Rebels matap- " hindi pa man siya natatapos magsalita, biglaan siyang tinapatan ng kutsilyo ni Carson kaya nabigla siya.
Sabi kasing huwag na huwag ng babanggitin ang pangalang Blood Rebels eh! Tsk! Tingin ko yun ang dahilan ni Carson kaya agad siyang nagalit.
"Kung ayaw mong ipakain ko sa'yo tong kutsilyo, umalis na kayo dito, baka mapatay ko pa kayo!" galit niyang sabi sa kanila.Nginitian lang siya ng right hand ni Clyde kaya lalo niya pang inilapit ang kutsilyo, dahilan para dumugo ang leeg nung lalaki, "Isa pang babanggitin mo ang Blood Rebels, matitikman mo ang hinahanap mo!" pagkatapos niyang sabihin 'yon sakto namang nag-ring ang bell kaya umalis na siya.
Ang mga Phabtoms naman natulala. Sumunod na rin sa kanya sina Dave at hinawakan ako ni Raven sa braso tapos hinila niya ako palabas sa classroom. Habang naglalakad kami, serious mode silang apat kaya alam na, nakakatakot sila.
Tatanungin ko sana sila, pero di ko na tinuloy kase nga nakakatalot sila.
Dahil siguro nakita nila ang mga Phantoms?
Pagkapasok namin sa cafeteria, biglang napatingin sa amin ang mga estudyante. Natigilan sila at nag-umpisa ng magbulungan. Dahil siguro sa balita tungkol sa nangyari kung bakit nabuwag ang Blood Rebels. Ang mga kasama ko naman, serious mode pa din sila at wala silang pakielam sa nangyayari.
Papunta kami sa bandang dulo pero may humarang sa daraanan namin. Isang grupo sila na puro lalaki kaya napatingin sila Carson sa kanila. Ako naman, nasa pinakalikod nila. Nakangiti ng masama yung mga lalaki habang tinitignan isa-isa yung mga kasama ko. Buti naman, di nila ako napansin.
"Balita ko...nasira na daw ang grupo niyo?" sarcastic nilang tanong habang nagtatawanan sila.
Nilagpasan lang sila ni Carson kaya syempre sumunod sila Dave, Dustin at Raven. Si Raven naman tinignan ako ng masama na parang sinasabing kapag hindi ko sila sinundan, humanda ako sa kanya. Huhu! Pati siya nakakatakot na din kaya no choice nanaman ako.
Tumabi naman yung mga grupo ng lalaki para makadaan kami pero napansin kong nakangisi pa din sila. Lahat ng tao, nakatingin lang sa direksyon namin. Medyo mahaba yung pila sa kuhanan ng pagkain. Mabilis yung mga kasama ko kaya nahuli ako sa pila. Ng makakuha sila ng pagkain, umupo sila sa bandang dulo, tinignan ako ni Raven kaya tumango ako para sabihing susunod ako. Si Dave naman, tinignan ko at patago siyang ngumiti. Okay lang ba talaga na sumali ako sa kanila? Siguro uupo na lang ako sa tapat ng table nila.
Habang kumukuha ako ng pagkain, nakita kong nakaupo na sila. Hindi pa man sila nakakakain, lumapit ulit yung mga lalaki kanina sa table nila, may hawak din silang plato na puno ng pagkain. Pagkalapit na pagkalapit nila sa tapat ni Carson, yung isa sa kanila, nagkunwaring natisod para itapon kay Carson yung laman ng plato niya tapos nagtawanan sila kaya natahimik nanaman ang buong cafeteria. Sina Dave, masama ang tingin dun sa mga lalaki. Si Carson, halatang nagtitimpi sa galit.
"Oppss...sorry, di ko sinasadya haha!" wika niya sa harap nila Carson habang nagtatawanan silang lahat.
Di ko rin napansin na puno na yung plato ko kaya natigilan ako sa pagkuha. Di naman pwedeng ganituhin lang nila sila Carson, di ako papayag! Babawi pa'ko d'ba?!
Pinuno ko ng ketchup yung buong plato ko, as in puno. Napatingin yung mga kasabay ko. Nagtataka sila kung bakit ko pinuno ng ketchup yung plato ko.
Minabuti kong pumunta na rin sa table nila Raven, saktong aalis sana yung mga lalaki, paglingon ng leader nila, yung nagtapon ng pagkain kay Carson...sinalubong ko siya. Kaya naitapon ko yung laman ng plato ko sa damit niya.
Haha! Punung-puno siya ng ketchup! Syempre, kunwari hindi ko sinasadya.
Halatang nabigla at napahiya siya. Napatingin siya sa damit niya, "What the!" naliligo ng ketchup wahaha!
Napansin ko rin sila Dave, patagong tumatawa.
"S-sorry. Hindi ko sinasadya" wika ko.
"Bro, ang baho mo!" sambit ng kasama niya tapos pinagtawanan nila siya kaya lalo pa siyang napahiya.
Tinignan niya ako ng masama tapos nakita kong papalapit sa akin yung kamay niya, kaya napapikit ako. Pero walang kamay na dumadapo sa mukha ko kaya iminulat ko ang mata ko.
Si Carson, hawak niya yung kamay nung lalaki, "Sa susunod na banggain mo ko...di nako magtitimpi ng galit sa'yo!" pahayag sa kanya ni Carson. Medyo marumi na nga yung damit niya, pero mas marumi yung damit ng kaaway niya.
Pagkatapos non, umalis na siya. Nawalan ata ng gana? Nagugutom pa naman ako. Sumunod sila Raven sa kanya. Wala na'kong balak na sumunod kasi gusto kong kumain. Pero hinila nanaman ako ni Raven kaya yon...nakasunod nanaman ako sa kanila.
Bumalik kami dun sa tambayan nila. Galit pa din siya at halatang na bad-mood. Pagkapasok niya sa loob balak ko na sanang umalis dahil hindi naman talaga ako dito dapat na matulog. Pagkapasok nila Raven, mukhang napansin nila ako na ayaw kong pumasok kaya hinila niya ako papasok sa loob.
Baka magalit yung leader nila sa akin. Nakakatakot pa naman siya, lalo na't na bad mood pa.
Si Carson umupo sa may sulok, sila Dave naman, Dustin at Raven naman umupo sa bandang gitna kung saan maraming upuan. Tinignan nila ako kasi ako na lang mag-isa ang naiwang nakatayo. Kailangan ko rin bang umupo sa tabi nila?! Sinenyasan ako ni Dave na umupo kaya yon. Umupo na din ako. Nakita ko si Dustin na nakangisi tapos nilapitan niya ako habang si Dave at Raven nakangiti. Ano bang meron?!
"Tell me. Sinadya mo yung kanina no?" tanong ni Dustin gamit ang mapanloko niyang ngiti.
D'ba okay naman yung acting ko? Bakit alam nila?
"H-ha?! Hindi noh. Hindi ko sadya yon" sambit ko.
"Weh?!" tanong naman ni Dave.
Nakangiti silang tatlo na parang alam nila na nagsisinungaling ako.
"Bakit ko naman gagawin yon?" -S
Nilapitan ako ni Dave at tinaasan niya ko ng kilay habang makangiti siya ng masama, "Bakit nga ba?" ang kulit ah?!
No sense kahit magsinungaling ako. Mukhang alam naman nila na sinadya ko talaga.
Tinignan ko sila ng masama, "Fine. Oo sinadya ko nga" tipid kong sabi.
Nagtawanan silang tatlo tapos may paapir-apir pa silang nalalaman.
"Yung itsura talaga nung lalaking tinapunan mo kanina. Epic eh hahaha!" -Dustin
"Nainis lang ako okay?" dagdag ko sa kanila habang tumatawa pa din sila.
Bakit parang ang saya pa nila na sinabi kong sinadya ko talaga yon?
Biglang may pumalo ng malakas sa lamesa sa harapan ko kaya natahimik kaming lahat. Kamay pa lang niya kilala ko na, "Sa susunod na gagawa ka ng gulo. Huwag mo kaming idadamay!" nakaupo lang ako at ramdam kong nasa gilid ko siya, "Umalis ka na dito"
Di ko siya matignan kasi sa boses pa lang niya, alam kong galit siya. Tumalikod siya para iwanan kami tapos biglang tumayo si Raven, "Pwede bang dito muna siya? Wala kasi siyang matutulugan eh" tanong niya kay Carson. Napahinto lang si Carson sa paglalakad pero di siya nagsasalita.
Tumayo din si Dave, "Oo nga Carson. Dito muna siya habang wala pa siyang matutulugan" wow concern ba siya? Di ko maintindihan kung bakit nila ginagawa to.
Pumayag man siya o hindi, bahala na si Batman.
Tumingin lang sa gilid si Carson kaya side-view niya lang yung nakita namin, "Bahala kayo. Siguraduhin niyo lang na hindi siya magdadala ng gulo sa grupo natin!" tapos pabagsak niyang isinara ang pintuan.
To be continued...