webnovel

♥ CHAPTER 23 ♥

▨ Icah's POV▨

Nasa cafeteria kami ngayon at nag-uusap pero si Syden lang ang wala at kasama din namin si Julez. Alam naming may nangyayari sa kanya sa Phantom Sinners dahil nag-iba ang kilos niya nitong mga nakaraang araw pero hindi niya lang sinasabi sa amin. Kaya minabuti naming itanong kay Raven kung ano ba talagang lagay niya sa Phantom Sinners.

Noong una, ayaw niyang sabihin, pero sa bandang huli ikinwento niya sa amin na pinapahirapan pala siya ni Clyde para hindi ibunyag ni Sy ang sikreto ng mga Phantoms.

"Raven, alam mo ba kung anong sikreto 'yon?" tanong ko habang umiinom.  Pero mahina lang kaming nag-uusap dahil iniiwasan naming may makarinig.

Umupo kami sa pinakasulok dahil ayaw naming may makarinig ng usapan namin.

Lahat kami kumakain pero si Julez habang kumakain, nagbabasa siya.

"Hindi. Ayaw sabihin ni Sy, mas delikado raw kung sasabihin niya sa akin" umiling siya at tinuloy niya lang ang pagkain. Pero alam naming nag-aalala siya sa kambal niya.

"Bakit hindi niya sinabi sa atin ang totoo, na pinapahirapan pala siya doon?" dissappointed na tanong ni Maureen.

"Ayaw niya daw kasing madamay tayo. Kaya nanahimik siya at nagtiis sa mga kamay ng Phantom Sinners" sambit ni Raven.

"Mas mabuti pang mapahamak tayong lahat kaysa siya lang ang mahirapan" malungkot na sabi ni Hadlee habang kumakain ng pasta.

"May plano ba siya para makaalis sa grupong 'yon?" tanong ko.

"Sabi niya huwag na lang daw akong makisali sa plano niya. Siya na raw ang bahala" saad ni Raven habang nakatingin sa malayo.

"Paano kaya kung humingi tayo ng tulong sa Blood Rebels?" biglang sabi ni Hadlee.

Nagulat kami sa kanya dahil nasigaw niya 'yon kaya nagtinginan silang lahat sa amin. Magsasalita pa sana siya pero tinakpan ko ang bunganga niya para pigilan siya.

Tumingin kami sa paligid at nakita naming nakatingin din sa amin ang mga Blood Rebels kaya kinabahan kami.

"Hadlee! Ang ingay mo kasi eh. Tignan mo ang ginawa mo!" galit kong bulong sa kanya.

Napatigil kaming lahat sa pagkain dahil sa nangyari at nakayuko lang kaming lahat pero si Julez busy pa rin sa nagbabasa.

"Kung pag-uusapan niyo sila, siguraduhin niyong hindi nila maririnig. Once na marinig nila ang pangalan nila, iisipin nilang binabastos sila at may sinasabi kayo tungkol sa kanila" napatingin kami kay Julez habang inaayos niya ang salamin niya at busy pa rin siya sa pagbabasa.

"Anong gagawin natin?" bulong ko sa kanila.

"Mas mabuti pang bumalik na tayo sa dorm natin. Hindi na safe na mag-stay dito lalo na't narinig ng Blood Rebels ang pangalan nila" saad ni Maureen.

Nagtinginan muna kami para siguraduhin na talagang aalis na kami. Dahan-dahan kaming tumayo para lumabas na sa cafeteria.

Bago pa man kami makalabas ng pintuan, may humarang sa amin kaya napatingin kami sa kanila.

"Saan kayo pupunta?" matapang nilang tanong.

"Blood Rebels" mahinang sambit ni Hadlee sa akin.

Nanginig kami at kinabahan dahil alam na namin kung anong mangyayari. Kinaladkad nila kami papunta sa pwesto nila at itinulak kami ng malakas kaya nasubsob kami.

Nakayuko lang lahat kami at tanging ang mga sapatos lang nila ang nakikita namin.

"We just heard Blood Rebels' name coming out of your mouth" isang nakakatakot na boses ang narinig namin kaya lalo pa kaming nanginig sa takot.

Dahan-dahan kong itinaas ang ulo ko at lalong nanghina ang paa ko ng makita ko ang leader nila.

"May dapat ba kaming malaman tungkol sa pinag-uusapan niyo?" seryoso niyang tanong.

Napatingin kaming lahat sa kanya at nagtitinginan lang kami.

"Feel free to speak out" sambit ni Carson.

Hindi kami kumikibo at nakatingin lang lahat ng tao sa amin. Ang iba nagsi-alisan dahil natakot.

"You need to explain dahil kung hindi, iisipin naming binabastos niyo ang Blood Rebels" sarcastic niyang sabi.

Tumingin ako kay Hadlee na nasa tabi ko lang at parang may gusto siyang sabihin.

"Sabihin na kaya natin?" bulong niya.

Kumunot ang noo ko at umiling,

"Huwag! Ano ba?! Kailangan muna nating kausapin si Syden" galit kong bulong sa kanya.

"Yes you?" napatingin kaming dalawa kay Carson at nakaturo siya kay Hadlee.

"Baka may gusto kang i-explain kung bakit mo nasabi ang name na Blood Rebels?" nakaupo lang siya at naghihintay sa sasabihin namin.

Tumingin sa akin si Hadlee at umiiling ako para sabihin sa kanya na huwag niyang ituloy ang binabalak niya.

Sana naman this time, pakinggan niya ako.

"Magsasalita ba kayo o hindi? Para naman hindi kami naghihintay dito? Bakit niyo kami pinag-uusapan?" tanong niya.

"H-hindi naman namin kayo pinag-uusapan" takot na sabi ni Hadlee.

"Then?" tumayo si Carson mula sa upuan niya at lumapit sa amin habang kami naman nakatingin lang sa kanya.

"Bakit namin narinig ang Blood Rebels na nabanggit niyo?" sarcastic niyang tanong.

"Ibig sabihin may pinag-uusapan kayo tungkol sa amin. Now, tell me" seryoso lang siyang nakatingin sa amin.

"Napag-usapan namin kayo dahil pinag-uusapan namin ang Chained School" napatingin kami kay Julez na normal lang na tinitignan si Carson habang inaayos niya ang salamin niya. Nakaluhod lahat kami habang nakatingin sa mga Blood Rebels.

"Ano naman ang napag-usapan niyo tungkol sa amin?" tanong niya kay Julez.

"Na malakas kayo at nakakatakot, mula noon hanggang ngayon. Kahit gustuhin naming tumayo ngayon, hindi namin magawa dahil hanggang ngayon nakakatakot pa rin kayo" seryoso niyang sabi.

"That's good" umupo siya ulit at nakahinga na kami ng malalim.

"But I don't think that's the real reason" sambit niya.

Nagkatinginan nanaman lahat kami.

Matalino siya at mahirap bolahin kaya mahirap silang kalaban.

"Kung walang magsasabi ng totoo sa inyo. Then, huwag na nating patagalin 'to" sambit niya.

Nanlaki ang mga mata namin dahil sinenyasan niya ang mga member niya at hinawakan nila kami. Hinila nila kami at wala kaming magawa kundi sumunod na lang sa kanila.

"Maniwala kayo, totoo ang sinasabi namin" pagpupumilit ni Hadlee sa kanila habang hinihila nila kami sa hallway. Pero hindi nila pinansin ang sinabi niya.

Tumatabi lahat ng nakakasalubong namin dahil takot din sila. Kahit ayaw naming sumama, madami sila kaya malayong makatakas kami.

Ipinasok nila kami sa isang kwarto. Tinali nila kami sa upuan ng sobrang higpit kaya hindi kami makagalaw.

"Anong gagawin niyo sa amin?" matapang kong tanong sa kanila.

"Hindi niyo sinasabi ang totoo kung bakit pinag-uusapan niyo kami. That's why we're assuming na may sinasabi kayo tungkol sa amin na hindi maganda" sambit ni Carson habang nakangiti.

Naglakad-lakad siya sa harapan namin habang tinitignan niya kami isa isa.

"I'll give you one last chance para sabihin sa akin ang totoo" tumgil siya sa paglalakad at tinignan niya kaming lahat habang kami naman, nagtitinginan.

"Sinabi ko naman ang totoo d'ba?" sagot ni Julez sa kanya.

Tinignan siya ni Carson at ngumiti ito.

"Huwag niyo akong lokohin. Alam kong isang kasinungalingan ang sinabi mo kanina" sarcastic niyang sabi.

"I will tell you the real reason" seryosong sabi ni Hadlee. Napatingin kami sa kanya dahil nabigla kami pero nakayuko lang siya.

Lumapit sa kanya si Carson kaya tumingala si Hadlee.

"Then, speak" sabi niya kay Hadlee.

"Hadlee! Ano ba?!" sigaw ko sa kanya.

"Huwag mong ituloy ang binabalak mo!" sambit ni Raven sa kanya.

Tumingin lang sa amin si Hadlee pero hindi niya kami pinansin.

"Gusto naming tulungan ang kaibigan namin na member ng Phantom Sinners"

mahina niyang sabi habang si Carson nakatayo sa harapan niya at nakikinig kay Hadlee.

"Because she's a Phantom Sinners' member, I asked my friends na humingi ng tulong sa inyo. Dahil alam kong kayo lang ang may kayang tumalo sa kanila" mahina niyang sabi.

Hindi ako makapaniwala na sinasabi niya ang lahat ng 'to. Napag-usapan pa lang kanina na kami lang ang dapat makaalam ng lagay ni Syden sa Phantom Sinners at ngayon parang hindi na niya tinupad ang pangako niya.

"Do you think tutulungan namin kayo?" sarcastic na tanong niya sa amin. Lumuhod siya sa harapan ni Hadlee.

"Hindi namin tinutulungan ang sinumang member ni Clyde. Tell me, who's that friend of yours na gusto niyong tulungan?" tanong niya kay Hadlee.

Tumingin muna sa amin si Hadlee bago niya hinarapan si Carson.

"Syden" seryoso niyang sabi.

Biglang nag-iba ang ekspresyon ni Carson at tumingin siya sa isa niyang member na may band-aid sa noo.

Kilala ba nila si Sy kaya bigla silang natahimik?

"Tell me. Bakit gusto niyo siyang tulungan?" seryosong tanong ni Carson.

"Pinilit lang siyang mag-join sa Phantom Sinners. No choice ang kapatid ko kundi sumali sa kanila dahil ginamit nila kami para matakot si Syden kay Clyde" galit na sabi ni Raven.

"At bakit siya pinilit na mag-join sa mga Phantoms?" lumapit si Carson kay Raven at seryoso lang ang tingin nila sa isa't-isa.

"May nalaman ang kapatid ko tungkol kay Clyde. Kaya ayaw ni Clyde na ipagsabi niya sa ibang tao, that's why he forced my sister to join his group" pahayag niya.

"May nasabi ba siya sa 'yo tungkol sa sikretong 'yon?" lumapit siya ulit kay Raven at pabulong niyang sinabi 'yon pero dahil magkatabi kami ni Raven, narinig ko.

Umiling si Raven,

"Wala. Ayaw niyang sabihin sa akin dahil kung sinuman daw ang makaalam, siguradong mapapahamak" sambit niya.

Tumayo si Carson at lumapit siya sa member niya at nag-usap sila habang kaming lahat, pinagpapawisan na sa kinauupuan namin.

Pero pagkatapos nilang mag-usap, lumapit sa amin ang mga member niya at tinanggal ang pagkakatali sa amin kaya gumaan ang pakiramdam namin. Tumayo na kami para lumabas pero hinarangan niya kami.

"Tandaan niyo, lahat ng nangyari at napag-usapan natin dito sa kwartong ito. Hindi na dapat pang lumabas. Kaya itikom niyo ang bibig niyo" sambit niya gamit ang matapang niyang boses.

Binuksan ng member niya ang pinto at umalis na silang lahat kaya nakahinga na kami ng maluwag.

❖❖❖❖❖❖❖❖❖❖❖❖❖❖❖❖❖❖❖❖❖❖❖❖

▨ Carson's POV ▨

Pagkatapos naming pakawalan ang mga bihag namin kanina, dumiretso kami agad ni  Dustin sa tambayan namin ng mga kaibigan ko. Buti na lang nandoon rin si Dave kaya makakapag-usap nanaman kaming tatlo.

"Mukhang pagod kayo ah? Saan ba kayo galing?" tanong sa amin ni Dave.

Umupo kami ni Dustin sa sa tabi niya.

"Tama ang hinala natin tungkol sa babaeng 'yon" sambit ko sa kanila.

Tumingin sa akin si Dave at nginitian ko siya sarcastically.

"Her friends and her brother told me that Clyde forced her to join the Phantoms dahil may nalaman siya tungkol kay Clyde. At ayaw ni Clyde na malaman 'yon ng iba, that's why kinokontrol niya si Syden" masaya kong sabi habang nakangiti ako.

"Buti naman nakausap mo sila?" tanong ni Dave.

"Para namang hindi mo ako kilala" sambit ko kay Dave habang nakangiti.

"Teka nga. Bakit ba tuwang-tuwa ka dahil sa nalaman mo?" nagtataka niyang tanong.

Kahit sino naman matutuwa kung malalaman niyang tama ang hinala niya.

"At least ngayon...alam ko na, na effective ang plano natin" seryoso kong sabi.

"Kung talagang matalino si Clyde. Maiisip niya na hindi naman ganoon kadaling mahuli si Dustin at maiisip niyang pinlano talaga nating ipahuli si Dustin sa mga Phantoms. Then, maniniwala na ako na kaya tayong talunin ng Phantom Sinners" seryoso kong sabi habang nakatingin ako sa board.

"Pero may napapansin ka ba sa mga kasama natin?" tanong ni Dave kaya napatingin ako sa kanya.

"Nababawasan tayo at nababalitaan ko, lumilipat sila sa Phantom Sinners" nagtatakang sambit ni Dave habang si Dustin naman , nakikinig lang sa amin.

"So what kung gusto nila don? Kahit tayo na lang ang matira, okay lang. Hindi pa rin naman nila tayo kayang talunin" normal kong sabi sa kanya.

"Pero boss. Itutuloy pa rin ba ang plano? D'ba ayaw ni Roxanne sa babaeng 'yon? Siguradong magagalit siya" nag-aalalang sabi ni Dustin.

Tumingin ako sa may bintana,

"Alam ko" saad ko. Tumayo ako at nagikut-ikot sa buong kwarto.

"So anong gagawin natin?" tanong niya.

Tumingin ako sa kanya at ngumiti ng masama,

"For once, hindi ko muna tutuparin ang pangako ko sa kanya" saad ko.

"Baka naman makipag-break siya sa'yo dahil sa gagawin mo?" sarcastic na sabi ni Dave kaya napatingin ako sa kanya.

"Hindi niya magagawa 'yon. Subukan lang niyang makipag-break sa akin, makikita niya ang dating Blood Rebels when this was still Chained School" tinignan ko ang kamay ko gamit ang nakakatakot kong tingin.

"What if, mapalitan ang Prison School at ibalik ng council ang dating rule, na pwedeng pumatay at tanggalin nila ang Carnival game punishment?" tanong ni Dave.

Umupo ulit ako sa tabi nila at tumingin ako sa kanila ng masama.

"That's the time na gagantihan ko ang Phantom Sinners at lahat ng malalaman kong nagtataksil sa akin. And also, those members na lumipat sa Phantom Sinners. Kapag may kaaway sila, pinapahirapan ko ang kaaway nila, pagkatapos tatalikuran nila tayo. That's absurd" nakatingin sila sa akin at alam kong natakot ko sila.

Binago ko ang sarili ko para kay Roxanne. Binigay ko lahat sa kanya kahit nawawalan ako ng kapangyarihan. Pero ibabalik ko ang dating Blood Rebels kapag dumating na ang tamang oras.

"We'll join you again for the second time kapag ibinalik ng council ang Chained School" sambit ni Dave.

"Sure. The two of you will always be my friend. If ever na may kaaway kayo, don't hesitate to tell me kahit balaan nila kayo" pahayag ko sa kanila.

"Noong mga araw na akala namin ni Dave mamamatay na kami, you saved us. That's why nandito kami as your member" saad ni Dustin.

Ngumiti ako at tumingin sila sa akin,

"You're not just a member to me, kaibigan ko kayo and you shouldn't treat me as a leader dahil sa atin ang Blood Rebels. You are also a leader" pahayag ko sa kanila.

Yes, I have all and I had all. I thought dahil nakuha ko na si Roxanne, ang Blood  Rebels at may matapat akong kaibigan, akala ko makukumpleto na ang buong pagkatao ko. But I still feel a few pieces that is missing.

Hindi pa rin ako masaya kahit nasa akin ang lahat. Bago ko pinagtapat kay Roxanne ang feelings ko, I thought siya ang kukumpleto sa akin, pero hindi. But I love her. Pero bakit parang kulang?

To be continued...

Siguiente capítulo