Nash's POV
Pumasok na ako ulit para puntahan ang kaibigan ko dahil siguradong naghihintay na siya. Binuksan ko ang pintuan at naroon nga siya, nakaupo at nagbibisyo nanaman.
Pagkapasok ko pa lang, naamoy ko na ang sigarilyo sa buong kwarto.
"Nash!" salubong niya habang nagsasalin siya ng alak.
Mabisyo na talaga siya.
"Hey!" umupo ako sa tabi niya at hindi pinansin ang alak at sigarilyo sa harapan ko.
"Mukha atang napapadalas na ang bisyo mo?" tanong ko habang umiinom siya kaya napatingin siya sa akin.
"Oo nga. Pero okay lang. Sanay na naman ako" sambit niya.
"Kasalanan ko ata kung bakit naging ganyan ka ngayon?" pahayag ko sa kanya.
Umiling siya at ngumiti,
"No. Wala kang kasalanan. I'm happy the way I am right now" sambit niya.
"Sige, sabi mo eh" maikli kong sagot.
Uminom muna siya ng alak at tumingin ulit sa akin.
"Ano ng balita?" tanong niya.
Tumayo ako at nagikut-ikot sa kwarto para tignan ang mga gamit habang siya sinusundan ako gamit ang mata niya.
"I just saved her. A member of Phantom Sinners" habang hinahawakan ko ang isa sa mga display tumingin ako sa kanya at ngumiti.
"Do you regret it?" tanong niya.
Kumuha ako ulit ng ibang display,
"No. Definitely no" maikli kong sagot.
Ibinalik ko na ang hawak ko sa tamang pwesto at umupo ako sa harapan niya.
"How about Phantom Sinners?" napatingin ako sa tanong niya at halatang iniinis niya ako.
"I still hate them. Every one of them. All members, especially their leader. All of them" seryoso kong sabi.
Ngumisi siya at tinuro ako habang nasa kamay niya ang basong may alak,
"Iba ka talaga Nash" tumingin lang ako sa kanya at ngumiti.
Ininom niya ng diretso ang hawak niyang alak at inilapag ito sa lamesa na wala ng laman.
"You're known as the Silent Killer. Tahimik lang at inosente pero sa kabaligtaran, pumapatay ka in the most silent way, right?" nakangisi niyang tanong sa akin.
"Tell me" lumapit siya sa akin at bumulong matapos niyang masindihan ang sigarilyong hawak niya.
"You were the one who invented those poison's right?" sambit niya.
Ngumiti ulit ako at tumingin sa kanya,
"Yes. To kill silently" saad ko.
"Are you perhaps trying to kill someone?"
tanong niya.
Tumayo ako ulit at kumuha ng dart, tinira ko 'yon at napunta sa pinakagitna.
"Yes" sambit ko.
Kumuha ulit ako ng isa at tinira 'yon.
"But not now" tumingin ako ulit sa kanya at naging seryoso ang mga mata ko.
"I spent many months para magawa ang mga poison na 'yon. Many of your members used it to kill noong mga araw na pwede pang pumatay dito. But it was stopped. Simula nung naging Prison School 'to" pahayag ko sa kanya.
"Then...how are you going to kill your enemy kung bawal na palang pumatay?" tanong niya.
I sat down infront of him at nag-relax.
"I am the Silent Killer. Pwede ko naman siyang patayin ngayon dahil malayong pagbintangan nila ako. But I'm just waiting for the right time" tumingin ako sa kanya.
"Kailan naman kaya ang right time na 'yan?" sarcastic niyang tanong.
"When this Prison becomes higher again for the second time. That time pwede ng pumatay ulit. Hindi ba mas masayang pumatay kapag legal?" pahayag ko.
Bago ako umalis, uminom muna ako ng isang basong alak.
❖❖❖❖❖❖❖❖❖❖❖❖❖❖❖❖❖❖❖❖❖❖❖❖
Raven's POV
Nagising ako sa isang madilim at tahimik na kwarto. Tanging ang tunog ng kadena ang naririnig ko sa bawat paggalaw ko. Pagtingin ko sa harapan ko, nakita ko rin si Syden, nakatali at walang malay.
"Sy" mahina kong sabi.
Pero hindi pa siya nagigising.
"Sy" medyo nilakasan ko ang boses ko.
Hindi pa rin siya nagigising.
"Sy. Gumising ka" sambit ko.
Gumalaw siya at unti-unti niyang binuksan ang mata niya. Nakita niyang nakatali kami sa kadena kaya nag-panic siya.
"Nasaan tayo?!" tanong niya habang tumitingin siya sa paligid.
"Mukhang nasa isang classroom tayo na hindi na ginagamit" sambit ko sa kanya.
Sinubukan niyang abutin ang pinto pero hindi niya maabot.
"Bakit nila tayo dinala dito? Wala naman tayong ginagawang masama. At sino naman ang gagawa nito sa atin?" umupo ako ng maayos at napatingin siya sa akin.
"Iisa lang ang alam kong gagawa nito sa akin!" galit niyang sabi. Umupo rin siya ng maayos at makikita ko sa mga mata niya na talagang galit siya.
"Sino?" tanong ko.
Tumingin siya sa akin ng diretso,
"Si Clyde" saad niya.
"Bakit naman? Member ka niya d'ba?" tanong ko.
Tumingin siya sa mga kadenang nakatali sa kanya at naging seryoso nanaman ang mukha niya.
"Oo. Dahil sa ginawa ng Blood Rebels kanina" pahayag niya.
"Kasalanan ba ng Blood Rebels kung bakit nandito tayo ngayon?"
"Hindi. Wala silang kasalanan. Inosente sila" sambit niya.
Bumukas ang pinto kaya napatingin kaming dalawa. It was him. With his members. Nakangisi siyang tinitignan kami habang lumalapit siya. Tinitignan namin siya ng sobrang sama.
"Clyde?! Ano nanaman ba 'to?!" galit na tanong sa kanya ni Sy.
Tinignan siya ni Clyde at nilapitan niya ito.
"D'ba sinabi ko naman sa'yo huwag kang lalapit sa Blood Rebels?....Were you planning na sabihin ang lahat kay Carson kaya hinayaan mo siyang paupuin ka sa tabi niya?" sarcastic na tanong ni Clyde.
"Pinilit niya ako! Wala akong magawa dahil nakabantay sila sa akin!!" sigaw ni Sy at halatang gusto na niyang labanan si Clyde.
"Mas sinunod mo siya kaysa sa akin!" sigaw ni Clyde pabalik sa kanya.
"Hindi ko siya sinunod! Pinilit nila ako!" sigaw ni Sy.
"Pero hinayaan mo?!" galit na tanong ni Clyde.
Halatang naiinis na si Sy dahil namumula na siya at hinawakan niya ang ulo niya na parang nababaliw na siya.
"Anong magagawa ko para iwasan sila?!" sigaw niya.
"Kung gusto mo, may magagawa ka!" sambit ni Clyde.
"Anong magagawa ko if I was just threatened by them like what you did to me!" mas isinigaw niya pa 'yon ng malakas habang tumutulo ang luha niya, pero galit pa rin ang mukha niya.
Natahimik lahat habang nakatingin kay Syden. Halatang lalong nagalit naman si Clyde sa sinabi niya.
Tinalikuran niya si Sy at parang nagpipigil siyang ilabas ang galit niya.
"Huwag mo kaming itulad sa kanila!" hinarapan niya si Syden at aktong sasampalin niya pero pinigilan ko.
"Sige! Subukan mo siyang saktan. Ako ang makakalaban mo!" sigaw ko.
Hindi na niya naituloy dahil sa sinabi ko.
Humarap siya sa akin at nagkatinginan kaming dalawa habang nag-iinit ang mga mata namin.
"Sige. Ikaw na lang ang papahirapan ko" sarcastic niyang sabi.
"Clyde! Huwag mo siyang isali dito. Wala siyang alam!" sigaw ni Sy.
"Itigil muna 'to!" dagdag pa niya.
"Titigil lang ako kapag natuto ka na" sabi ni Clyde.
"D'ba tinatanong mo kung paano mo iiwasan ang Phantom Sinners?" sambit niya.
Si Syden naman napatingin bigla kay Clyde.
"Sabi ko, you don't need to be one of us" tumingin siya kay Syden with his cold eyes.
"Then, being one of us is the only way para maiwasan mo sila" seryoso niyang sabi.
"W-what do you mean?" nakatingin si Syden kay Clyde na parang ayaw niya ang isasagot ni Clyde.
"Nakikita mo ba ang mga kasama ko ngayon?" tanong ni Clyde.
Tumingin kami sa pintuan at nandoon ang mga member niya. Tinignan din ni Clyde ang mga member niya.
"You will be one of them, once you exit this classroom" seryoso niyang sabi.
Nabigla si Sy at halatang hindi siya nakahinga ng maayos dahil sa narinig niya.
"N-noo!... I can't!" sambit niya.
Nilapitan siya ni Clyde at tinapatan niya ito.
"You can and you will" saad ni Clyde.
Tinignan lang siya ng masama ni Syden at nagkatinginan lang silang dalawa.
Pagkatapos noon, umalis na sila at naiwan kaming dalawa sa loob.
"Clyde! Pakawalan mo kami dito!" sigaw niya.
Pero mukhang makukulong kami dito. Sumigaw ng ilang beses si Sy pero parang wala silang balak na pakawalan kami dito.
"Sy? Tama na. Kung papakawalan nila tayo dapat kanina pa d'ba?" tumingin ako sa paligid, nagbabaka-sakaling makahanap ng paraan para tumakas pero wala akong nakita.
"Bakit pa ba tayo nandito sa walang kwentang eskwelang 'to" mahina niyang sabi.
Tumingin ako sa kanya at ngumiti,
"Isipin na lang natin, na matatapos din 'to. D'ba sabi mo sa akin kailangan lakasan natin ang loob natin para makalabas tayo?" pahayag ko.
"Makakalabas pa ba tayo?" pag-aalinlangan niya.
"Oo makakalabas tayo ng sabay. Pareho tayong lalaban" sagot ko.
"Pasensya ka na Raven. Ako lang dapat ang nandito sa Prison School at ako lang dapat ang nasa room na ito pero nadamay ka pa" malungkot niyang sabi.
"Ano ka ba? Kambal tayo. Kung nasaan ka nandoon din dapat ako. Hindi ako nagsisisi sa mga nangyayari dahil magkasama naman tayo. Sabay tayong pumasok dito at sabay din tayong lalabas. Kaya kailangan nating magpakatatag at lalaban tayo ng sabay" pahayag ko sa kanya.
"Sabi mo sa akin, okay ka lang sa Phantom Sinners. Bakit kanina muntik ka na niyang masaktan?" dagdag ko.
Hanggang ngayon, natatandaan ko pa ang mga sinasabi niya na hindi nila siya sinasaktan, pero ano yung nakita ko kanina?
Nagbuntong-hininga siya at tumingin sa akin.
"Aaminin ko sa'yo. Oo, sinasaktan niya pa rin ako" sambit niya.
"Bakit kailangan mo pang itago sa akin ang totoo?" seryoso kong tanong.
"Ayaw ko kasing mag-alala kayo sa akin" saad niya.
Dati ko pa alam na may mali sa kanya pero ngayon ko lang nalaman na sinasaktan pa rin siya.
"Lahat ba ng sugat at pasa mo galing sa kanila?" tinignan ko ang braso niya kaya napatingin din siya dito.
"Oo" maikli niyang sagot.
"Wala ka bang balak na umalis sa grupo niya?" tanong ko.
"Gusto ko. Gustung-gusto" tumingin siya sa akin at lumuha siya.
"Pero hindi ko alam kung paano" sambit niya.
"Pwede mo namang sabihin sa akin kung bakit hindi ka makaalis sa grupo niya" saad ko.
Pinaglaruan niya ang kadenang nakatali sa kanya kaya naririnig namin ang tunog nito.
"Alam ko ang sikreto niya. Ayaw niyang malaman ng iba kaya ayaw niya akong paalisin sa grupo niya dahil sa ganoong paraan makokontrol niya na itikom ko ang bibig ko at idadamay niya kayo kapag sapilitan akong umalis. Kaya tinitiis ko dahil ayaw kong idamay niya kayo" seryoso niyang sabi.
"Masyado bang komplikado ang sikretong 'yan?" tanong ko.
"It's a secret involving Blood Rebels pero wala silang alam. Na-corner ako ng Blood Rebels kanina kaya no choice ako kung hindi umupo sa tabi ng leader nila. Inakala ni Clyde na binabalak kong ipagsabi ang sikreto niya kaya ngayon napaparusahan ako at nadamay ka pa" pahayag niya.
"So ibig mo bang sabihin ayaw niyang nakikitang may koneksyon ka sa Blood Rebels kahit sa maliliit lang na bagay?"
Tumango lang siya at pinikit niya ang mata niya.
"Pero may balak ka bang sabihin sa Blood Rebels ang sikreto ni Clyde?" tanong ko.
Binuksan niya ng dahan-dahan ang mata niya at tumingin sa akin.
"Naaawa kasi ako sa kanya. Hindi ko alam kung sasabihin ko or hindi. Hindi ko na talaga alam kung anong gagawin ko" pahayag niya.
"Hindi mo malapitan ang Blood Rebels dahil laging nakabantay ang Phantom Sinners. Gusto mo tulungan kita?" tumingin siya sa akin at naging seryoso ang mukha namin.
"P-paano?" kumunot ang noo niya.
"I will tell the secret to them" diretso kong sabi.
Nabigla siya at medyo lumapit sa akin.
"Huwag na huwag mong gagawin 'yan!" galit niyang sabi.
"Gano'n din naman d'ba? Sabihin mo man or hindi yung sikreto niya nadadamay pa rin kami. What's the point para itago mo pa ang katotohanan?" inis kong sabi sa kanya.
Nasasaktan na siya pero wala pa rin siyang ginagawa para iligtas ang sarili niya.
"Tingin mo magiging ayos ang lahat kapag lumabas ang sikreto niya. Tayo ang una niyang papatayin kapag lumabas ang sikreto niya" galit niyang sabi.
"So ano? Magtitiis ka na lang ganon?" sarcastic kong tanong sa kanya.
"Sa ngayon. Oo" tinignan niya ako ng masama at alam kong seryoso siya sa sasabihin niya.
"Basta ipangako mo sa akin na wala kang gagawin na ikapapahamak mo?" sabi niya.
Tumango ako para mangako at magtiwala sa kanya.
"Hahanap ako ng timing. At ako mismo ang magsasabi sa Blood Rebels ng sikreto ni Clyde" pahayag niya.
That time kinabahan na ako sa kapatid ko. Nag-iba ang tono ng pananalita niya at halatang galit na galit na siya. Pero ipinapanalangin ko pa rin na sana hindi siya kainin ng kademonyohan niya dahil baka tumulad siya sa ibang grupo.
Okay lang sa kanya kahit ilang beses siyang masaktan basta ang mahalaga , walang madadamay na malapit sa kanya.
❖❖❖❖❖❖❖❖❖❖❖❖❖❖❖❖❖❖❖❖❖❖❖❖
Syden's POV
Gabi na kaya malayong may makarinig sa amin kahit sumigaw kami. Kaninang hapon , nag-uusap lang kami ni Raven sa kwarto ko at pagkagising namin, nandito na kami. Gabi na, kaya napagpasyahan na lang namin ni Raven na magpahinga. Nagugutom na rin kami pero wala kaming magawa kundi magtiis. Nakatulog kami pero nagising din ako kaagad.
Hanggang kailan ko ba kayang pagtiisan si Clyde? Kahit wala akong kasalanan , pinaparusahan niya ako.
Lahat ng sinabi niya ginawa ko kahit labag sa loob ko. Lahat ng pagpapahirap niya tiniis ko kahit wala naman akong kasalanan. Sinusunod ko naman lahat pero bakit ako palagi ang may mali.
Hindi ko na sana sila pinakinggan ni Roxanne noong araw na iyon. Hindi na sana ako nagpakita noong oras na iyon.
Higit sa lahat hindi na sana ako napunta dito.
Kaya kong tiisin lahat basta huwag lang madaday ang mga taong malapit sa akin.
Magsalita man ako o hindi, pinaparusahan ako. Tama nga si Raven. What's the point na itago ko pa ang sikreto nila.
Gagawa ako ng paraan para ilabas ang bulok ni Clyde at Roxanne. Wala akong pakielam kung anong mangyari dito sa Prison School. Sa ngayon magtitiis muna ako, pero balang araw, lilitaw din ang katotohanan.
To be continued...