Syden's POV
"Good luck sa atin" masayang sambit ni Icah bago kami naghiwa-hiwalay para hanapin ang class number namin.
Umalis na sina Icah, Maureen at Hadlee. Pero si Icah lang ang hihiwalay sa kanila dahil pareho ng class number sina Maureen at Hadlee. Pero bago umalis si Icah, tumalikod siya para humarap sa amin at kumaway, kaya kinawayan din namin siya.
Kami naman ni Raven, sabay din naming hahanapin ang class number namin dahil baka magkasunod lang kami ng classroom, kaya hindi namin kailangang maghiwalay ng daanan.
Kumpara sa normal day, ang day na ito ang mas magulo, mas maingay at mas marumi. Dahil siguro lahat, busy sa paghahanap ng kani-kanilang class number, magulo at medyo siksikan din sa hallway.
Habang naglalakad kami ni Raven, may nagyayakapan na parang sampung taon silang hindi nagkita, may nagsusuntukan, may nagsisigawan, may naghahagis ng papel kung saan-saan at higit sa lahat may nag-aaway, lahat sila busy sa kalagitnaan ng hallway. Hindi na namin pinansin ni Raven basta't ang mahalaga, makadaan kami ng safe habang nag-aaway ang mga estudyante.
Napag-usapan kasi namin na iiwas muna kami sa kahit na anong gulo dahil hindi naman namin alam kung sinu-sino ang makakasalamuha namin sa loob ng two weeks.
Sa pagdaan namin sa bawat classroom, may nakalagay na class number sa pintuan. Unang nakita namin, Class A to Class J kaya sinubukan naming mag-iba ng way.
Ibang way na ang dinadaanan namin para mahanap na namin ang classroom namin, tuluy-tuloy kami sa paglalakad kahit siksikan pa rin.
Sa pakikipagsiksikan namin, nakita ko ang Class no. 4. Nadaanan din namin ang room ng Redblades...Class no. 6 sila at wala ni isa sa aming lima ang nakakuha noon.
Pero sabi nga ni Icah, naka-shuffle daw ang mga numbers kaya hindi sila sunud-sunod so kailangan talagang hanapin.
Papunta na kami ni Raven sa dulo dahil hindi pa rin namin nahahanap ang class number namin. Napansin namin na sa bandang dulo wala gaanong tao at tahimik. Papalapit kami sa dulo ng hallway, may naghagis ng upuan palabas ng classroom kaya napaatras kami. Nang tignan namin ni Raven ang class number.
Nagkatinginan kami dahil ang magulong classroom na ito ang papasukan niya.
Class no. 9
"Kaya mo ba?" pag-aalala ko sa kanya.
Tumingin muna siya sa loob bago ako tinignan at ngumiti siya ,
"I don't have choice. Kaya ko, don't worry" sambit niya.
Ngumiti ako at tinignan ko siya para i-cheer up siya,
"Kayanin mo. Stand like a real man"
Tinignan niya ako with his cold eyes,
"Ano bang tingin mo sa akin, bakla?!" sigaw niya pero tinawanan ko lang siya.
Tumingin siya sa next room pero Class no. 1 ang nakalagay at siguradong ang classroom sa pinakadulo ang Class no. 10 dahil iyon na lang ang hindi namin napuntahan.
"Ikaw ba kaya mo?" seryoso siyang tumingin sa akin.
"Ako pa? Lahat naman kaya ko d'ba?" sambit ko sa kanya.
Pinitik niya ng malakas ang ulo ko kaya napahawak ako,
"Aray!" sinimangutan ko siya pero nginitian niya lang ako.
"Pumasok ka na nga!" sambit ko sa kanya. Tinulak ko siya papasok sa room niya at tinalikuran ko na siya para maglakad.
Nasa tapat na ako ng Class number 1 at kinakabahan akong makita ang classroom ko dahil wala akong naririnig na kahit na anong ingay.
Tumingin ako sa likod at nandoon pa rin si Raven, nakangisi siya habang pinapanood ako. Sinenyasan ko siya na pumasok na sa classroom niya kaya pumasok na siya.
Dahan-dahan akong lumapit sa may pintuan ng pinakadulong room at sarado ito. Nakita ko Class no. 10
Ito na nga. Pero kinakabahan talaga ako kung anong daratnan ko sa loob.
Hahawakan ko sana ang doorknob pero naisip kong tignan muna kung sino ang nakatambay sa room na ito. Baka may nakasulat sa taas. Normal lang akong tumingin sa taas. Pero pagkatingin ko, nanlaki ang mga mata ko at nanginig nanaman ako. Nanlamig din ang palad ko.
Nakasulat sa taas ang word na,
Blood Rebels..
Dugo ang ginamit na pansulat kaya talagang nakakakilabot. Tumingin ako sa mga nadaanan kong classrooms pero walang nakasulat.
Hindi ko alam kung papasok ba ako or hindi.
Ilang minuto na rin akong nakatayo dahil kinakabahan ako, kapag nalaman ni Clyde 'to. Siguradong magagalit nanaman siya.
Nag-ring na ang bell kaya tumahimik na ang hallway at ako na lang ang naiwan na nakatayo sa labas.
Ayaw ko talagang pumasok.
Kahit ayaw ko, napagpasyahan kong dapat akong pumasok at lakasan ang loob ko dahil wala naman mangyayaring hindi maganda basta't manatili lang akong kalmado kahit anong mangyari.
Hinawakan ko na ang door knob at binuksan ito ng dahan-dahan. Sumilip ako sa loob at tahimik lang silang nakaupo. Pagkapasok ko, lahat sila nakatingin sa akin. Naghanap ako ng mauupuan dahil lahat ata may pwesto na maliban sa akin.
May tinuro silang bakanteng upuan sa bandang gitna, second to the last. Ang nasa pinakalast na seat naman after ko ay isang lalaki, pero nakayuko siya kaya hindi ko makita ang itsura. Lmapit ako doon para umupo. Bago ako umupo, nakita ko ang itsura niya dahil tinaas na niya ang ulo niya at ngumiti sa akin, isang nakakatakot na ngiti. Nanigas ako sa kinatatayuan ko dahil hindi ko expect na makakasama ko siya at sa likuran ko pa siya.
It was Clyde.
"Bakit hindi ka umupo?" sabi niya sa akin.
Tinignan ko lang ang upuan ko at umupo na ako na dahan-dahan. Hindi ako makahinga ng malalim at kinakabahan pa rin ako.
Tumingin ako sa paligid pero iniiwasan kong tignan si Clyde dahil alam kong nakatingin siya sa akin.
Mahihimatay na ako sa kaba kasi may nakita nanaman akong nakakatakot. Sa tapat ni Clyde, another row...magkatabi si Roxanne at Carson. Nakatingin lahat sila sa akin ng sobrang sama. Kaya humarap na ako para makita pa ang iba kong kasama.
Halos lahat ng kasama ko sa room na'to naka-full black sila...ang iba naman naka-red so it means Redblades sila. May mga kasama din naman ako na hindi naka-black o red, so ibig sabihin iilan lang kaming inosente ang nasa room na'to.
Kahit nahihirapan akong huminga dahil sa mga nakikita ko, pinilit ko paring kumalma.
Pero hindi ko alam kung bakit tahimik. Siguro dahil nandito ang mga grupong magkakalaban kaya ganito kainit ang temperatura kahit tahimik. Ang tatalas ng mga tingin nila sa isa't-isa.
Nag-umpisa silang magsitayuan para bumuo ng grupo. Ang mga Redblades pumunta sa likod. Ang mga naka-black naman, nahati sa dalawang grupo, ang isang grupo nasa left side at ang isa naman nasa may bandang bintana sa right side. Dahil dalawang grupo ang mga naka-black, it means ang isang grupo ay Phantom Sinners at ang isa naman ay Blood Rebels pero hindi naman sila madami.
Si Clyde, Carson at Roxanne naman nakaupo lang din katulad ko.
Ang tagal pa ng oras, before breaktime.
2 and a half hours pa.
Napagpasyahan kong umidlip muna dahil naiinip ako, wala naman kasing magawa dito at makausap kaya humiga ako sa desk ko.
Naramdaman kong natatamaan ako ng malalaking crumpled papers habang nakahiga ako. Kung magbabatuhan sila, huwag naman sana nila akong tamaan.
Pero natatamaan pa rin ako kaya may napansin na ako.
Parang may mali na. Sinasadya na 'to dahil palaki na ng palaki ang binabato nila sa akin.
Bumangon ako sa pagkakahiga ko kasi naiinis na ako. Pero tinitiis ko pa rin dahil papel lang naman 'to. Ilang segundo rin ang lumipas pero hindi pa rin sila tumitigil.
Pero biglang may bumato sa akin ng kung ano, kaya napahawak ako sa ulo ko. Pagkakita ko kung ano ang binato sa akin, isang pencil case.
Kaya pala masakit.
Kahit gustung-gusto kong gumanti, pinilit kong tiisin para lang hindi magkagulo. Tumingin ako sa likuran para alamin kung sino ang bumabato sa akin. Mga Redblades sa likuran. Si Clyde, Carson at Roxanne naman nakatingin lang sila sa akin. Inisnob ko lahat sila dahil sa pagkainis ko pero nakahawak pa rin ako sa ulo. Umupo ako ng maayos dahil nagpipigil talaga ako baka makasakit ako.
Ilang segundo nanaman ang lumipas, sunud-sunod na pencil case ang bumabato sa akin, and I knew na Redblades ang may gawa nito.
Titiisin ko pa. Pencil case lang 'yan. Hindi ako mamamatay sa pencil case.
Sabi ko sa sarili ko habang tinitiis ko ang sakit. Lahat sila walang ginawa para pigilan ang Redblades. Walang tutulong sa akin kung hindi ang sarili ko lalo na't wala akong kakampi sa room na ito.
Pero nakaramdam ako ng sobrang sakit at nahilo din ako dahil sa binato nila sa akin. Isang malaki at matigas na bagay. Pagkakita ko kung ano 'yon. Bola ng basketball.
Natahimik lahat sila at nakatingin lang sila sa akin.
Kaya hindi na ako nakapagtimpi dahil sobra na. Kaya tumayo ako at kinuha ang bola ng basketball na binato nila sa akin. Hinarapan ko ang mga Redblades sa likuran at alam ko kung sino ang bumato sa akin. Nakikita ko sa mga mata nila.
Kumuha ako ng lakas at binato ko ng sobrang lakas papunta sa kanila.
Nice shot!
Tumama sa ulo niya kaya naumpog siya sa wall at natumba siya. Dumugo ang ulo niya. Nabigla sila sa ginawa ko at nakita iyon ng leader nila, si Roxanne.
Napatayo si Roxanne dahil nakita niyang duguan ang ulo ng member niya habang si Carson at Clyde, nakatingin pa rin sa akin ng seryoso.
"How dare you!" tumayo siya para sampalin sana ako pero hinawakan ko ang kamay niya gamit ang kanang kamay ko. Galit na galit siya sa ginawa ko.
Alam ko na ang style ni Roxanne, mahilig siyang manampal. Kaya inuunahan ko siya lagi.
"Sila ang nauna. Wala kang ginawa para pigilan ang members mo. Kaya wala kang karapatan na sumbatan ako" seryoso kong sabi sa kanya.
Halatang nainis siya sa sinabi ko.
Pero bigla akong nadaplusan sa kamay ng kutsilyo kaya nabitawan ko ang kamay niya. Pagkatingin namin, isa sa mga member niya ang may gawa noon. Hinagis niya papunta sa akin kaya nasugat ako.
Dumugo ang kamay ko dahil medyo malalim ang sugat kaya medyo mahapdi rin. Tinakpan ko ito gamit ang kaliwang kamay ko para pigilan ang tuluyang pagdurugo.
Tahimik lahat na nakatingin sa amin. Si Roxanne naman nasiyahan sa ginawa ng member niya. Kaya tinalikuran na niya ako para puntahan ang duguan niyang member.
Pero hindi ako magpapatalo.
Kinuha ko ang kutsilyong ginamit nila kanina na nasa sahig. At hinabol ko siya para sugatan din.
Pero may pumigil sa kamay ko at hinawakan ito ng sobrang higpit, kaya nabitawan ko yung kutsilyo.
It was Clyde.
Nabigla ako sa ginawa niya. Kaya nanigas din ako sa kinatatayuan ko. Si Carson naman, nakaupo pa rin at nakatingin lang sa amin. At alam kong nagtataka siya kung bakit ginawa ni Clyde 'yon.
"Pasensya na kung hindi ko madisiplina ang member ko. Don't worry, I'll give her a lesson" tumingin siya sa kanilang lahat at tinignan ako ng masama.
Papahirapan nanaman niya ako. Masama bang ipagtanggol ko ang sarili ko kahit minsan lang?
Tinignan niya ako ng masama at tumingin siya sa mga member niya na nasa likuran.
Alam ko na ang mangyayari.
Nag-umpisa na silang maglakad papunta sa akin kaya pumiglas ako sa pagkakahawak sa akin ni Clyde. Nakatakbo ako pero may sumabat sa harapan ko. Hinawakan nila ako at hinila palabas ng classroom.
"N-niligtas ko lang naman ang sarili ko!" sigaw ko. Nagbabaka-sakaling pakawalan nila ako pero wala pa ring ginawa si Clyde, nanatili lang siyang nakatayo at nakatingin sa akin.
Kahit gusto ko silang takbuhan hindi ako nakalaban dahil nahihilo pa rin ako sa pagkakabato sa akin kanina ng bola. Dalawa ang kumakaladkad sa akin sa hallway habang ang dalawa naman, nasa likuran ko at ang isa naman nasa harapan.
May binuksan silang isang classroom na walang gumagamit at tinulak ako sa loob kaya nasubsob ako sa flooring.
Pumasok sila at sinara ang pinto. Pinalibutan nila ako habang nasa flooring pa rin ako at tinitignan ko sila. Nakangisi lahat sila kaya natakot ako. Hindi ko maimulat ng maayos ang mata ko dahil nahihilo ako.
Kumuha ang isa sa kanila ng sigarilyo mula sa bulsa niya at sinindihan 'yon gamit ang lighter.
"Anong gagawin natin sa kanya?" tanong ng isa sa kanila.
Ngumiti ang lalaki sa harapan ko at tinignan niya ang sigarilyong hawak niya. Tumingin siya sa mga kasama niya at nakita ko ang nakakatakot nilang ngiti.
Hinawakan ako ng dalawa sa likuran ko at sapilitan akong itinayo.
"A-anong gagawin niyo sa akin?!" takot kong tanong.
Lumapit sa akin ang isa sa kanila habang nagsisigarilyo siya at binugahan ako ng usok kaya napapapikit ako.
Tinanggal niya ang sigarilyo sa bibig niya habang ako tinitignan ko lang siya habang pinagpapawisan ako sa kaba.
Bigla akong napasigaw ng malakas dahil bigla niyang dinikit sa braso ko ang sigarilyong hawak niya. Pinakadiin niya pa ito kaya lalo akong sumigaw habang sila naman tuwang tuwa sa ginagawa nila.
Kailangan kong makatakas.
"Tapos na ba kayo?" sambit ko habang nanghihina ang mga paa ko dahil tumigil sila sa pamamaso sa akin.
Hinawakan ng lalaki ang pisngi ko at tinignan ako sa mata. May kinuha siya sa bulsa niya at pinakita 'yon sa akin. Kaya ginalaw ko ang katawan ko dahil natakot na talaga 'ko. Binuksan niya ang lighter sa harapan ko at unti-unti niya itong nilalapit sa akin kaya napapikit ako.
Wala na ba talaga akong kakampi?
Habang lumalapit sa akin ang lighter na hawak niya, naluluha ako dahil nararamdaman ko ang init.
"T-tama na" pakiusap ko sa kanila habang umiiyak ako.
Pero hindi pa rin nila ako pinakinggan.
Kahit gaano kahirap, titiisin ko.
Pero hanggang kailan ko ba makakayanan?
Sunud-sunod ang pumasok sa isip ko, noong oras na 'yon.
Kaya ko pa ba talagang tiisin o pinipilit ko lang ang sarili ko? Paano ako lalaban kung wala naman akong kakampi? Lagi kong sinasabi, okay lang. Matatapos din 'to. Pero matatapos ba talaga? Matatapos ko pa ba?
Bakit parang ako lang mag-isa?
Kasabay ng pagpatak ng bawat luha ko, ipinikit ko na lang ang mga mata ko.
To be continued...