webnovel

♥ CHAPTER 97:1 ♥

🌹💞❤ Syden's POV 🌹💞❤

Lahat kami ay nasa kanya-kanyang kwarto namin para makapag-ayos. Tahimik ang buong campus dahil busy ang lahat at naghahanda para ngayong gabi. It's already 8:13 pm and soon, the event will begin. Katulad ng sinabi ni Nash, lahat ng estudyante ay imbitado kaya walang nangyaring gulo ngayong araw na 'to. We are all required to attend the prom or else we'll die. Well, 'yon ang sabi.

Kasalukuyan akong nakaupo sa harapan ng salamin ngayon habang nagmemake-up. Marunong naman ako sa ganitong bagay dahil tinuruan ako ni mama dati. Pero dahil minsan lang naman mag-prom sa impyernong 'to, ginandahan ko na ang ayos ko pero hindi muna ako naglagay ng lipstick dahil hindi pa ako nakabihis. Pagkatapos kong ayusin ang itsura ko, tumayo na ako para tignan ang gown na nakapatong sa kama ko. Sobrang ganda nito at kumikinang kapag madilim dahil sa disenyo nito. Dahan-dahan kong kinuha 'yon at pinakatignan ng maayos. Muli kong ibinaba 'yon sa kama at sinuklayan ng maigi ang diretso kong buhok bago ko tinanggal ang suot kong damit para makapag-palit na ako. Hindi naman ako nahirapan na magpalit dahil madali lang naman isuot 'yon.

Pagkasuot ko dito ay tinignan ko ang salamin at mas natuwa pa ako kaya medyo umatras ako para makita ng buo ang sarili ko pero parang maluwang ito ng konti sa akin kaya tumalikod ako ng konti at napansin kong may zipper ito sa likod pero hindi ko siya masara dahil hindi ko abot kaya napaisip na lang ako. Kanino ako magpapatulong sa damit na 'to? Ako lang ang babae sa Black House and I can't just ask someone na isara yung zipper ng damit ko because my entire back is shown kaya hawak ko pa ang damit ko dahil baka mahulog ito.

Hindi ko na lang muna inisip 'yon dahil baka maabutan pa kami ng oras. Lumapit ako ulit sa lamesa at kahit nahihirapan ako ay kinuha ko yung red lipstick para mailagay na ito sa labi ko habang hawak pa rin ng isa kong kamay yung damit ko. Tinignan ko ng maayos ang labi ko at bagay naman sa akin kahit pula ito dahil kamatch niya yung damit ko. Isinara ko yung hawak kong lipstick at bahagyang lumapit sa salamin para ayusin ang lipstick sa labi ko.

Napatingin na lang ako sa biglaang pagbukas ng pintuan ng kwarto ko dahil sa pagkakaalam ko, ni-lock ko 'yon. Nabigla na lang ako ng makita ko si Dean na tinitignan ako at pumasok siya kaya humarap ako sa kanya habang hawak ko pa rin ang damit ko. He can't see me like this. Hindi ko pa naisasara yung zipper ng damit ko! Sh*t! Ano ng gagawin ko?!

Tinignan ko na lang siya mula ulo hanggang paa at natulala ako dahil...

Dahil.....

He's so handsome.

He's so d*mn hot!

Sadyang nakakatulala ang gwapo niyang itsura. Araw-araw naman gwapo siya.pero mas gwapo siya ngayon dahil pormal ang suot niya.

He is wearing a black slack, nakaputing panloob na damit at nakablack-coat. His brown eyes and soft lips is driving me crazy right now. I'm crazy in love with him.

Nakita ko na lang na nagtataka siya habang tinitignan ako kaya nagsalita ako, "W-what are you doing here?"

Nakita kong tinignan niya ako mula ulo hanggang paa na parang maayos akong inoobserbahan, "Sweetie..."

"What?" tanong ko dito at kinakabahan na rin ako. Bakit ba kasi nandito siya?!

"You're beautiful. Bagay sa'yo" saad nito na mas nakapag-pakaba pa sa akin.

Napatingin na lang ako sa ibang direksyon at napalunok na lang ako ng mapansin kong naglakad siya papalapit sa akin kaya hindi na ako mapakali. Balak ko sana siyang harapan para hindi niya makita ang likuran ko na hanggang ngayon, hindi ko pa naisasara ang zipper. Pero parang hindi na lang ako makagalaw dahil sa presensya niya hanggang sa makita kong pumunta siya sa likuran ko kaya mas kinabahan pa talaga ako. Naramdaman ko na lang na hinawakan niya ang buhok ko at iniligay ito sa kanang balikat ko.

Nag-umpisa na akong manginig at manlamig ng bumulong ito, "Can I?" tanong nito na nasa likuran ko pa rin at naramdaman kong hinawakan niya ang zipper ng damit ko.

Wala na lang akong nagawa kundi ang tumango habang kinakabahan ako. Dahan-dahan niyang isinara ito pataas at muling inilagay ang buhok ko sa likuran ko. Muli kong nakita sa salamin ang sarili ko at mas namangha ako.

It really fits the curve of my body. It has no sleeves at all at mas nagustuhan ko pa ito because of its mermaid style. Kumikinang ito dahil sa mga glitters na disenyo nito. It's just a simple gown yet elegant.

Kinuha ko na ang jewelry box na nakalagay sa lamesa para suotin na yung mga accessories dahil mukhang ako na lang ang hinihintay nila dahil nandito siya. Napatingin na lang ako sa kanya dahil habang kinukuha ko yung mga accessories sa box ay dahan-dahan niyang kinuha sa akin 'yon. Kinuha niya yung kwintas at ipinatong sa lamesa yung jewelry box. Pumunta siya sa likuran ko at dahan-dahang inilagay yung kwintas sa akin. Napatingin na lang ako sa kanya habang ikinakabit niya sa akin 'yon lalo na't nasa mismong harapan kami ng salamin.

Pagkatapos niyang mailagay 'yon sa akin, kinuha niya ulit yung box para kunin doon yung bracelet at singsing. Kinuha niya yung kamay ko at inilagay ang bracelet na kulay silver sa kamay ko at hindi ko alam kung anong klasing pagka-kaba ang nararamdaman ko dahil sa ginagawa niya. Dahan-dahan niya ring inilagay yung singsing sa daliri ko at pagkatapos noon ay ngumiti siya kaya ganon na rin ang ginawa ko. Humarap ako sa salamin para ayusin ang sarili ko. Natigilan na lang ako ng dahan-dahan niyang ipinalibot ang kamay niya sa baywang ko at niyakap ako.

Pareho kaming nakatingin sa salamin habang tinitignan ang isa't-isa at bumulong ito,  "Remember, whatever happens I'll always be here to protect you. No one can hurt you or take you away from me. You're only mine sweetie. You're my only Queen and I am you're only king. Words are not enough to describe my love for you and what kind of love I can give to you" bumilis na lang ang tibok ng puso ko ng makita at maramdaman kong dahan-dahan niyang hinalikan ang leeg ko habang nasa likuran ko pa rin siya at yakap-yakap niya ako. Tumagal 'yon ng ilang segundo ngunit muli niya akong tinignan.

Hinarapan ko siya kaya nawala ang pagkakayakap nito sa akin. Bahagya akong napasandal sa lamesa at inilagay niya ang mga kamay niya dito para ikulong ako sa mga braso niya, "You're driving me crazy Dean Carson. Why are you acting this way?" tanong ko dito.

Napaatras na lang ako ng ilapit nito ang mukha niya sa akin, "Then be crazy with me sweetie, cause I'm crazy in love with you" nagkatinginan na lang kami at hindi ko na maipaliwanag kung anong nararamdaman ko dahil ang itsura niya ay hindi kagaya ng dati na nakangiti ng masama tuwing nagsasabi siya ng ganitong bagay. Seryoso niyang sinasabi 'yon habang tinitignan ang mga mata ko at minsan ay ang labi ko.

Nakita ko na lang na inialis nito ang kamay niya na nakahawak sa lamesa at tumayo ng maayos. Ako naman ang napahawak sa lamesa habang nakatingin pa rin sa kanya hanggang sa may mahawakan ako kaya napatingin ako dito. Napansin kong nakalagay dito ang neck tie na kulay itim na kasama nung gown ko noon na nakalagay sa box na hindi ko alam kung para saan. Kinuha ko ito at napatingin sa suot niya kaya alam ko na kung para saan 'yon. Nilapitan ko ito na seryoso lang na nakatingin sa akin. Serious or not, he's really driving me crazy.

Dahan-dahan ko itong ikinabit sa suot niyang damit dahil napansin kong wala siyang suot na neck tie o kahit na anong ribbon. Mas lumapit pa ako sa kanya para maikabit 'yon ng maayos at napansin kong nakatingin pa rin ito sa akin kaya itinuloy ko na lang ang pag-aayos sa tie niya. Why is he acting this way?

Habang patuloy pa rin ako sa pag-aayos ay tinignan ko siya. I still want him to look at me this way kahit na makakita siya ng mas maganda mamaya sa gymnasium kaya hindi ko na napigilan ang sarili ko. Pagkalagay na pagkalagay ko sa neck tie niya ay bigla ko itong hinila kaya sadyang napakalapit ng mukha namin sa isa't-isa. Nabigla siya sa ginawa ko pero hindi rin nagtagal ay muli niya akong tinignan, "Siguraduhin mo lang ngayong gabi na hindi ka titingin sa iba" masamang sabi ko dito.

Akala ko, siya lang ang magugulat sa ginawa kong paghila sa kanya pero mas nagulat ako ng muli niyang hawakan ang baywang ko at mas inilapit pa ako sa kanya na ramdam na namin ang paghinga ng bawat isa, "Paano ako titingin sa iba kung ikaw lang ang nakikita ko?" saad nito kaya hindi na ako nakasagot lalo na't tinignan nito ang labi ko kaya unti-unti ko ring nabitawan ang neck tie niya na hawak ko. Dahan-dahan na rin niya akong binitawan at inilahad nito ang kanyang braso na parang sinasabing hawakan ko ito, "Sweetie, let's enjoy this night together...without fear or hesitance" saad nito kaya tinignan ko muna siya at ngumiti bago ko hinawakan ang braso niya. Nag-umpisa na kaming maglakad papalabas pero natigilan na lang ako kaya napatingin siya sa akin, "What is it?" tanong nito.

Napatingin ako sa paanan ko at dahil sa nangyari kanina, nakalimutan kong isuot ang sandals ko. Mukhang napansin niya rin 'yon kaya nagsalita siya, "Where is it?" tanong nito, "Nasa ilalim ng kama ko" sambit ko naman at hindi ko alam kung bakit parang nahiya pa akong sabihin sa kanya. Hinawakan niya ang kamay ko at ibinaba 'yon bago niya kinuha yung sandals ko sa ilalim ng kama. Kinuha niya 'yon sa loob ng box nito at lumuhod sa harapan ko. Hiyang-hiya na ako sa kanya pero napansin kong hinihintay niya ako kaya isinuot ko na rin yung sandals ko na hawak niya.

Nang maisuot na niya sa akin yung sandals ko ay tumayo ito at muling inilahad ang braso niya kaya hinawakan ko ito para makalabas na kami sa kwarto. Pagkalabas namin ay nadatnan namin ang members na hinihintay kami kaya napatingin sila sa amin at tinignan nila ako mula ulo hanggang paa na ipinagtaka ko.

"So beautiful my sister" saad ni Raven kaya napatingin ako sa kanya at napangiti ako.

"Wow! I can't believe this..." nilapitan na lang ako ni Dustin at inikutan ako habang tinitignan ko naman siya, "So gorgeous. I know you're the most beautiful girl tonight" saad nito kaya napangiti na lang ulit ako at tinignan ko sila isa-isa....

Raven..

Dave..

Dustin..

Nash..

Stephen..

Caleb...

Oliver...

And lastly, to him.

They are all handsome kaya imposibleng walang magkakagusto sa kanila. Siguradong pagtitilian sila ng lahat. Well that's okay except him. Not him or else tatanggalin ko ang mga mata nila. No doubt na kumukulo ang dugo ng mga estudyante dito sa akin dahil sa kanya.

"Black Vipers, you are all handsome. Imposibleng walang magkakagusto sa inyo" masaya kong sabi sa mga ito.

"We know...but not all handsome are good people" saad ni Dave at nagkatinginan silang lahat habang nakangiti. For me, they are not actually bad people.

"You should give yourself a chance tonight and take this opportunity" saad ko sa kanila. I want someone to love them as much as I love him. Yung taong kaya silang tanggapin at mahalin kung ano talaga sila.

"Alam mo namang ayaw namin dba? Just because we are Vipers. Everything about us is dangerous at ayaw naming may madamay pa na iba" sambit ni Dave at nagsalita naman si Oliver, "We will just give ourselves a chance to love again kung katulad ka nila" napatingin silang lahat sa akin kaya nagtaka ako, "Ha? Nagbibiro ka ba? Bakit naman katulad ko pa?" tanong ko dito habang natatawa pero seryoso sila.

"The one who will accept what's worst not what is good about us at ganon ka, kaya nga kumpara sa kanila, ikaw ang tinatrato namin ng iba" pahayag naman ni Dustin.

"There are students who are better than me. I'm sure you can all find your partners and spend your life protecting one another in this hell" saad ko sa mga ito at mas napangiti ako.

"Let's see. Let's just enjoy this night" sagot nito at inayos nila ang mga damit nila. Naglakad sila papalabas kaya nagkatinginan kaming dalawa at muli akong ngumiti, "Sweetie, can I ask you something?" tanong nito, "What is it?"

"Stay beside me tonight at huwag na huwag kang lalayo sa akin" saad nito kaya natawa ako, "Ano ka ba? Bakit naman ako lalayo sa'yo, eh ikaw nga yung partner ko hindi ba, not just tonight but for the rest of my life" pahayag ko dito kaya napangiti siya. Hinawakan niya ang kamay ko na nakahawak sa braso niya at sumunod na rin kami sa kanila.

Pagkalabas namin ng Black House ay may mga nakasabay rin kaming estudyante na papunta sa gymnasium. Lahat naman required na pumunta kaya siguradong maraming tao sa gym. Pero habang naglalakad kami ay napapatingin ako kay Nash dahil napansin kong palagi niya kaming tinitignan ni Dean. Naalala ko yung plano ko at hindi pwedeng masira 'yon. Just like what he asked me to do, hindi ako aalis sa tabi niya dahil hindi ko hahayaang mapahamak siya. Gusto ko lang talagang alamin kung sino ang nagbabalak na patayin siya ngayong gabi kaya itinago ko ang lahat sa grupo. Wala ring alam si Nash sa plano ko pero alam kong nakabantay siya sa aming dalawa. Well, hindi naman kasi ganoon kalaki ang plano ko...ang plano ko lang naman, ay ang protektahan siya.dahil mahal ko siya.

Natanaw na lang namin ang gymnasium dahil sa mga ilaw nito sa loob na kulay pula. Madilim ang buong paligid at tanging gym lang ang maliwanag. Napansin kong kami na lang ang nasa labas ng gymnasium at nasa loob na ang lahat. Sabay-sabay kaming pumasok sa loob at ang maingay na gym ay bigla na lang natahimik at napatingin sa direksyon namin. Habang naglalakad kami ay naririnig namin ang pagbubulungan nilang lahat habang tinitignan ako at ang grupo. Nang makadaan kami sa kanila ay napansin kong nagtitilian ang mga babaeng estudyante habang nakatingin sa mga kasama ko habang ang mga lalaki naman ay nakatingin sa akin kaya napahigpit ako ng hawak sa braso niya at hindi na lang tinignan ang paligid. Nakita ko rin na masama akong tinitignan ng ibang babae dahil nakahawak ako sa braso niya. Nadaanan rin namin sina Clyde at Roxanne na masamang nakangiti habang nakatingin sa aming dalawa.

Pagkarating namin sa gitna kung saan may mga bakanteng seats pa ay hinila na lang ni Dean ang upuan sa harapan ko para makaupo na ako kaya nginitian ko siya bago siya umupo sa tabi ko at ganoon na rin ang ginawa ng ibang members. Nasa iisang table lang kami at medyo malaki naman 'yon kaya nagkasya kaming lahat. Tinignan ko ang paligid at mukhang malapit ng mag-umpisa dahil namatay ang ilang mga ilaw kaya medyo tumahimik.

"Syden?!" napatingin na lang ako sa likuran ko ng marinig kong may nagsalita.

"Icah?!" natuwa ako at napatayo ng dahil doon para mas malapitan ko pa siya. Niyakap ko na lang ito ng mahigpit dahil hindi na talaga kami nakakapag-usap.

"I'm glad you're okay now!" saad nito kaya naalala ko yung ginawa ko sa kanila noon na tinutukan ko sila ng kutsilyo kaya nawala ang ngiti ko, "S-sorry sa nagawa ko noon sa inyo, hindi ko sinasadya" saad ko dito.

"Ano ka ba? It's fine, ang mahalaga okay ka na ngayon. Huwag munang isipin ang nangyari dati. Let's just enjoy this night!" pahayag niya kaya ngumiti na lang ako at napatingin sa kanya mula ulo hanggang paa, "Ang ganda mo! Sigurado akong may lalapit sa'yo para makasayaw ka" saad ko dito at parang hindi naman siya makapaniwala.

"Syden?!" napatingin ako sa tabi niya ng makita ko sina Maureen at Hadlee na napakaganda rin ng suot nila at bagay na bagay sa kanila. Nakita kong nagulat ang mga ito ng makita ako pero ngumiti rin sila, "Kamusta na kayo?" tanong ko.

"Okay lang kami as you can see maganda pa rin" sagot ni Maureen kaya natawa ako sa kanya. She looks matured dahil sa ayos niya na nakalugay ang buhok. Sa tuwing nakikita ko siya, palagi siyang nakatwo-sided ponytail habang kumakain ng lollipop kaya mukha siyang bata, but she's cute. Kahit matagal ko na silang hindi nakakasama ay napansin kong may nagbago sa itsura nila ngunit sa ugali at pagkakaibigan namin ay walang pagbabago kaya natutuwa ako.

"But you know what..." napatingin kami kay Hadlee ng magsalita siya habang tinitignan ako mula ulo hanggang paa, "Hindi na ako magtataka kung bakit kumukulo ang dugo sa'yo ng mga estudyante ngayon dito. First of all, kalat na sa campus na nakatira ka sa Black House kung nasaan ang Vipers, second is that they are protecting you and lastly, dahil boyfriend mo si Dean Carson kaya naiinggit sila. Just be ready girl, marami kang makakabangga ngayong gabi" pahayag niya kaya nagkibit-balikat ako.

"I know but it's none of their business anymore. Isa pa, I'm always ready to face them kaya huwag kayong mag-alala" sagot ko sa kanila.

"You're a brave girl Syden. Since you became one of them, napansin kong naging matapang ka na rin. The way you look at your enemy, the way you walk with Vipers, the way you stand and fight...kagayang-kagaya ng Black Vipers" saad ni Icah kaya napangiti ako.

"Minsan talaga, hindi solusyon ang pananahimik para tigilan ka nila sa pananakit sa'yo. Because in my case, the more na nananahimik ako, mas ginugulo nila ako. There are times that you need to be silent, pero dapat alam mo rin ang tamang oras para lumaban"

"We'll keep that in mind" sagot ni Icah kaya nagkatinginan kaming apat at ngumiti na lang.

Biglang namatay lahat ng ilaw kaya natahimik kami at napatingin na lang sa harapan ng itutok doon ang kaisa-isang spotlight. Nakita namin ang isang medyo matandang babae na may hawak na mic sa stage ngunit maganda pa rin ito kahit mukhang may edad na. Nagtaka kami dahil hindi naman siya pamilyar sa amin at ngayon lang namin siya nakita, "Good evening our dear students. Our most awaited event will start soon and it's our pleasure to see you all here. Councils staffs had just checked the whole campus and it's good to hear that everyone is here so no one should be punished tonight. And I know that I am not familiar to all of you or my name so before we start let me introduce myself to you. I am Ms. Henrietta Nicholas Freud, one of the new council staffs. I may be kind tonight but after this, not anymore. So enjoy this night with your loved ones, friends and classmates. You're free from danger tonight unless kayo mismo ang gagawa ng gulo" inikot nito ang kanyang tingin habang nanatiling tahimik ang buong gymnasium. 

"I may now ask you to please proceed to your seats and we will start this event with a very delicious dinner" bumalik kami sa mga pwesto namin at nakitang may inilalagay na pagkain sa mga platong nasa harapan namin ang mga lalaking nakawhite-coat, "Those men serving you your dinner are new staffs from Heaven's Ward High. They are now serving you first-class foods and don't worry dahil wala kaming inilagay na kahit ano sa mga pagkain at inumin niyo. All is safe and everything will go smoothly tonight. Eat well and have a very wonderful night" pagkatapos ay muling namatay ang spotlight na nakatutok kay Ms. Freud. Sumindi ang mga ilaw habang nilalagyan naman ng wine ang mga baso namin.

Next...

Siguiente capítulo