Excited at kulang na nga lang ay paliparin ni Nathaniel ang mga sasakyan na halos magkakadikit dikit dahil sa matinding traffic.Kakalapag lamang ng eroplano na kanyang sinakyan pabalik dito sa pilipinas kung kaya hindi na siya nag aksaya ng kanyang panahon at sumakay na lamang siya ng grab ngunit napakatindi pala ng traffic.Ang excitement na kanina'y nararamdaman niya ay napalitan ng inis.Isang oras na siyang natraffic lalo na at sabado iyon
"Okay ka lang sir?"Tiningnan muna siya ng driver ng grab sa salamin saka ito nagtanong.Kanina pa siguro marahil nito napansin ang pagiging iritable niya.
"Im not." maiksing tugon niya.
"pasensiya na sir at talagang matraffic talaga ngayon eh lalo na at walang coding ngayon dahil sabado."hinging paumanhin nito.
"That's fine manong, wala naman tayong magagawa kaya pasensiyahan na lamang natin".Nakangiting wika niya sa matanda.
"mukhang excited ka na makita ang pamilya mo sir ah."muli ay sabi nito.
"hindi lamang excited manong.. sobrang excited.."bakas sa mukha niya ang kanyang sinabi kung kaya napangiti na lamang din ang matanda.Nagpatuloy sila sa pagkukuwentuhan hanggang sa hindi na niya namalayang nasa harap na sila ng restaurant nia Arriane.Doon na lamang siya dumiretso dahil alam niyang naroon ito ngayon.Subalit matapos niyang matanong si jane,ang assistant ni arriane ay para siyang basang sisiw na laylay ang balikat na lumabas ng kainan.Sinabi ni jane sa kanya na ilang araw nang hindi pumapasok si arriane at iniwan lamang sa kanila ang pangangalaga ng restaurant nito dahil nagbakasyon raw ito at hindi pa alam kung kaylan makakabalik.Hindi naman alam ni jane kung saan ito pumunta kung kaya hindi niya alam kung saan ang mga ito pupuntahan.Nanlulumo siya habang pabalik ng kanyang condo.Ang sayang kanyang naramdaman kanina ay biglaang naging panghihinayang.Sobrang namiss niya si arriane dahil hindi naman talaga siya nagpaalam rito lalo na at wala rin siyang oras na magkontak dito dahil nagkaroon ng problema ang kanyang negosyo sa US kung saan ibinenta niya rin ang mga iyon at maging ang kanyang mga business share dahil mas gusto na niyang dito na sa pinas manirahan.Iyon ang dahilan kung bakit nagmadali siyang makabalik ng US at hindi na nagpaalam pa sa dalaga.Ngunit umaasa siyang sana ay matanggap siya muli ni arriane at kung hindi naman ay magtitiis siya at hihintayin niya ang kapatawaran nito.Basta buo na ang kanyang desisyon, hindi niya susukuan ang kanyang mag ina.
Habang nag aabang ng sasakyan pabalik ng kanyang condo ay siya namang pagtigil ng isang brand new White Honda city sa kanyang harapan.Hindi niya napansin ang sakay nito at hindi rin tinapunan ng tingin ang babaeng bumaba mula rito.
"Manong.. Hintayin mo nalang ako sa parking area at may kukunin lang ako sa office ni arriane."Sa narinig niyang pagbanggit ng babae sa pangalan ni arriane ay bigla siyang napatingin sa rito at halos lumundag ang puso niya sa saya ng makita si Monica, ang kapatid ni arriane hindi dahil sa May gusto siya rito kundi dahil may tao na siyang mapagtanungan kung nasaan si arriane.
"Monica?"Hindi makapaniwalang bulalas niya.
"and who----napatigil ang dalaga ng makilala siya.
"Nathaniel!!"hindi saya ang nakita niya sa mukha nito kundi galit at naiintindihan niya iyon.
"Ang kapal din pala talaga ng mukha mo at para magpakita kapa sakin sa kabila ng ginawa mo!!""bigla siya nitong sinugod at hindi niya napaghandaan ang magkaparehong sampal na dumapo sa mukha niya.
"wait monica!!"nasalag niya ang isa pa sanang sampal sa kanya.Nahawakan niya rin ito sa braso.
"let go off me!!at talagang dudurugin ko iyang mukha mo.. matatanggap ko pa sana iyong panahong nag take advantage ka sa kapatid ko dahil aminado siyang siya ang may kasalanan,, ngunit iyong ginawa mo at ipamukha mo sa kanya na isa siyang malandi.. kerida at kung ano ano pa na hindi naman totoo.. talagang ako ang makakalaban mo!!"mahabang litanya nito.
"wait..pakinggan mo naman ako... please.."pakiusap niya rito bagamat hindi niya parin binibitawan ang dalawang kamay nito.
"Let go off me!!"sinusubakan nitong kumawala ngunit mas malakas siya rito.
"bibitawan lamang kita monica kung pakikinggan mo ako.. please."
"and then what!!" huh?:"mataray nitong sagot.
"andito ako para makipag ayos kay Arriane.. Mahal ko ang kapatid mo Monica.. ngunit hindi ko lamang iyon maamin sa sarili ko noon dahil napakabata pa ni arriane.. pero hindi ko rin alam na nagbunga pala ang nangyari saamin ng gabing iyon. Kaya ko rin nagawa na paimbestigahan siya dahil sa kagustuhan kong mailayo siya sa ganung sitwasyon dahil mahal ko ang kapatid mo."Lumuluhang paliwanag niya rito.Nakita niya ang unti unting pagbabago ng ekpresyon nito kung kaya binitawan narin niya ang dalawang kamay nito.
"At sa tingin mo ganun lang ako maniniwala."!diskumpyadong wika nito.
"ano paba ang pwede kong gawin para maniwala ka.. monica."?
"eh nasaktan mo na ang kapatid ko.. alam mo bang simula ng iniwan mo siya!! simula noong nagbuntis siya kay Niel.. Napakalaki ng pinagbago niya.. naging malungkutin na siya at halos di ko na alam kung papaano ko maibabalik yung dating arriane na laging masaya.. laging nakangiti..dahil sayo.. dahil kahit iniwan mo siya..ikaw pari iyong lagi niyang pinapangarap.. ikaw iyong lagi niyang ihinahambing sa mga lalakeng nanliligaw sa kanya.Ikaw ang dahilan kung bakit naging successful siya dahil gusto niyang pag nakita ka niya ay ipagmamalaki mo siya!! pero mali.. dahil sa huli tanging sakit lamang ang idinulot mo sa kanya."Hindi na nito napigilan ang mga luhang kanina pa nito pinipigil.
"That's why Im here Monica..Gusto ko makausap si arriane.. gusto ko makabawi...pero hindi ko alam kung nasaan sila ngayon.. kaya nakikiusap ako sayo.. sabihin mo naman saakin kung saan ko pwede puntahan ang mag ina ko."pakiusap niya sa dalaga.Bumuntong hininga ito..
"Gusto kong maging masaya ang kapatid ko..at kung ikaw lang ang dahilan para bumalik ang dating arriane na kilala ko...sige pagbibigyan kita."Ipinaliwanag ng dalaga sa kanya kung saan pumunta si arriane.. at ayon dito ay kailangan na niyang magmadali dahil sinabi rito ni arriane na kapag nakabalik na ito ng manila ay sasagutin na nito ang matandang manliligaw kahit hindi naman talaga nito iyon gusto.Hindi narin siya nag aksaya ng panahon, lalo na at sa lahat ng nalaman niya mula kay monica ay mas lalo pang umusbong ang kanyang pagnanais na makita uli si arriane.Napakalaki niya palang tanga upang pagdudahan ang pagmamahal sa kanya ni arriane,, lalo na at wala naman pala itong ibang minahal kundi tanging siya lang sa loob ng limang taon.Mas lalo siyang napahanga ni arriane.. Napakalayo nga ni arriane sa inaakala niya.
Dahil narin sa pakiusap niya kay Monica ay pumayag itong pasamahan siya sa Driver nito patungong pangasinan dahil baka raw maligaw siya at isa pa wala pa siyang sasakyan sa ngayon at hindi niya alam ang pasikot sikot sa pangasinan dahil gabinna marahil sila makakarating doon.
Nangako din siyang hindi pagsisisihan ng mga ito na muli siyang tanggapin bilang parte ng pamilya ng mga ito.
Samantala..magdidilim na nang makabalik sina arriane at manang Coreng galing sa bukid ng mga ito.. Napakasaya niya at talagang naibsan ang kanyang problema kahit panandalian lang.Sumama kasi siya sa matanda kanina upang mamitas ng gulay na maluluto nila.Ang anak naman niyang si Niel ay nag eenjoy din na makalaro ang mga apo ng matanda.. ilang araw na silang narito sa pangasinan at parang ayaw pa nga yata niyang umuwi kahit pa walang signal roon.
"Mommy.. ang sarap naman niyan!"bulalas ni Niel ng matapos niyang maluto ang native na manok na hinuli nila kanina.."Naku talagang masarap yan Niel.. at baka pag iyan lagi ang pagkain dito.. naku baka hindi mo na gugustuhing umuwi".pagbibiro ng matanda kay Niel..
"Kahit nga din ako manang parang ayaw ko narin umuwi.. nakakarelax talaga dito.. at parang walang problema.. hindi gaya sa maynila."Seryusong wika niya saka inihanda ang pagkain.
"Iyan nga kasi ang sabi ko sayo.. kaya tama lamang na nakapagbakasyon kayo ni Niel.. sayang nga at hindi nakasama ang kapatid mo.. mag eenjoy din iyon."
"Kaya nga po manang.. Kaya salamat talaga."taos pusong pasasalamat niya rito.
"oh siya.. huwag ka nang magdrama at baka kung saan na naman mapunta iyan.. "huwag mong isipin ang problema mo rito.. dahil kailangan mo mag relax..
"oo nga po mommy!! di ba pupunta nga tayo sa falls na sinasabi ni yaya Coreng!!"masiglang sabat ni Niel.
"Ay oo nga pala ano.'"excited niyang sagot dahil alam niyang napakaganda talaga ng falls na tinutukoy ni Niel dahil napuntahan na niya iyong noong nagbubuntis pa lamang siya rito.
"oh.. siya huwag nang maraming daldal.. kumain na tayo.."anang matanda saka nilagyan pa siya ng pagkain sa kanyang plato.Kahit si Niel ay nag enjoy din sa kanilang hapunan kung kaya matapos silang kumain ay inantok na ito at nag aya nang matulog.Bagamat hindi pa siya inaantok ay tinabihan na lamang niya si Niel at muling lumabas sa munting sala ng matanda nang makatulog na ang kanyang anak.Wala namang telebisyon dahil nasa kalagitnaan ng palayan ang munting bahay ni manang coreng.Bagamat maliit iyon ngunit napakaganda naman ng pagkakayari kaya talagang nag eenjoy silang mag ina.Nakasandal siya sa pader ng terrace kung saan tanaw ang buong paligid na hindi naman nakikita dahil madilim na.Habang nag iisip ng kung ano anong bagay.. Kahit pa iwasan niyang hindi masagi sa isip niya ang binata ay hindi parin niya nagagawa. kagaya ngayon.. mukha ni Nathaniel ang kanyang nakikita.. Kinusot kusot niya ang kanyang mga mata saka dumilat.Ngunit sa pagdilat niya ay ganun parin ang kanyang nakikita.. ang seryusong mukha ni Nathaniel na nakatunghay sa kanya at puno iyon ng pagmamahal.Muli ay ipinikit niya ang kanyang mga mata at sinubukang iwaglit iyon ngunit ganun parin ang nangyayari.
"Nananaginip ba ako!"hindi napigilang tanong niya sa sarili dahil medyo madilim nga doon sa parteng iyon ng terrace.
"palagay ko hindi."sagot nito sa kanya na ikinagulat niya.Papaanong magsasalita ang isang imahinasyon?"!"
"arriane"..tawag ng pamilyar na tinig sa kanya.
"Nath!?"hindi makapaniwalang bulalas niya ng mapagtantong hindi nga isang panaginip ang kanyang nakikita.
"yes.. it me sweetheart.."
"no!!this is not true.."imposibleng....hindi na natuloy pa ang anumang sasabihin niya ng bigla na lamang sakupin ng mga labi nito ang labi niya.. mapusok at puno ng pagmamahal iyon at halos nagtagal din iyon ng ilang minuto at habol ang hiningang naitulak niya ang binata.
"Papaanong nakapunta ka dito?"hindi parin makapaniwalang tanong niya.
"kailangan ko pa ba kailangan sabihin iyan?"namumungay ang mga matang tanong nito sa kanya.
"oo.. kailangan ko malaman kung ano ang ginagawa mo rito.. dahil kung panaginip lamang ito.. ay kailangan ko na magising dahil ayuko umasa.."tuluyan nang pumatak ang kanyang mga luha.Ngunit hindi nga talaga iyon panaginip dahil bigla na lamang siya nitong niyakap ng mahigpit.
"Im really sorry sweetheart!" hindi ko alam na marami kang hindi magandang napagdaanan nang dahil saakin.""wika nito habang nakayakap parin sa kanya.
"Sana mapatawad mo ako sa kabila ng hindi magandang nagawa ko saiyo."pagsusumamo nito.
"Totoo ba iyong sinabi mo sa sulat?"tanong niya na ang tinutukoy ay ang pag amin nito na mahal siya.Ngunit hindi sumagot ang binata at sa halip ay hinawakan nito ang kanyang mukha at sinakop muli ang kanyang mga labi.
"Hindi lang mahal arriane.. mahal na mahal.. Napakatanga ko lang dahil hindi ko tinanggap sa sarili ko na mahal kita..dahil masyado ka pa ngang bata noon at ang kagaya mong bata ay marami pang makikita."pag amin nito.
"eh bakit ka parin umalis."parang batang tanong niya.
"ssshhhhh...pinigil nito ang kanyang mga labi..
"kailangan kong gawin iyon dahil ibenenta ko na ang mga ari arian ko sa america dahil mas gusto ko kayong makasa ng anak natin..Ayuko nang mag aksaya ng panahon arriane. pero isa lang ang gusto ko malaman..
"ano iyon?"kunot noong tanong niya."
"mapapatawad mo pa ba ako.. ,"malungkot nitong tanong sa kanya."alam kung hindi ganun kadali na patawarin ang isang katulad ko lalo na sa ginawa ko sayo."
Marahan niya itong hinawakan."matagal na kitang pinatawad Nath.. dahil hindi ko kayang magalit ng matagal sa taong mahal ko."sa sinabi niya ay mas humigpit pa ang pagkakayakap nito sa kanya.
"I love you arriane"bulalas ng binata.
"I love you more."sagot niya at yumakap narin nang mahigpit rito.Parang lumulutang siya sa hangin ng mga oras na iyon lalo na at nagkaroon na nang katuparan ang lahat nang pinangarap niya lalo na ang lalakeng nasa kanyang harapan.Hindi niya lubos maisip na magiging masaya din pala siya..Naramdaman niyang kumalas ang binata sa kanya.
"Ibig ba sabihin nito.. tatanggapin mo ang alok ko na magpakasal na tayo."?maya maya'y tanong nito sa kanya.Bagamat nabigla siya ngunit hindi maikakaila na masaya siya sa tanong nito.
"Hindi kaba nabibigla?"tanong niya rito.
"Bakit naman ako mabibigla..Hindi mo ba alam na kahit wala pa akong tulog ay iyon ang talagang inisip ko kanina.. Natatawang wika nito..
"pero teka nga.. papaano mo nalaman na nandito kami ni Niel?"takang tanong niya.Tumawa ang binata bago sumagot.
"Mabuti nalang maawa ang ate mo saakin kahit pa nakatikim Ako ng mag asawang sampal..
"what!!:bulalas niya.
"relax.. atleast okay narin kami ng ate mo.. siya pa nga ang tumulong saakin na makapunta dito.. kaya kailangan bago tayo makabalik ng maynila ay masundan na natin si Niel.."sa sinabi nito ay natawa siya..
"aba ang bilis mo naman yata..
"talagang ganun
. kailangan ko bumawi eh..pagbibiro nito..
"oiii.. mahiya ka nga kay manang coreng.. ang liit ng bahay na ito.. baka masira pa ito.. wika niya saka sabay silang nagtawanan.
Tawa na puno ng tagumpay at pagmamahal.Dahil kahit nagkamali man siya ng desisyon sa kanyang buhay ngunit sinubukan niya parin iyon ayusin.Masyado man siyang nagmadali ngunit nakita naman niya ang naging kinalabasan.Nagpapasalamat siya sa Diyos na kahit pa hindi siya naging mabuting kapatid ay ibinigay parin nito ang lalakeng mahal niya na kahit sa panaginip ay hindi niya inakala.Ang pagmamahal nga naman, minsan masaya ngunit mas madalas ang masaktan ka.. ngunit nasa sainyo parin iyon kung papaano niyo ihahandle ang inyong pagmamahal.Dahil ang pagmamahal ay walang pinipiling edad at hitsura.. dahil ang pagmamahal ay hindi maipaliwanag.Dahil ang mahalaga ay kumpleto na ang kanyang pamilya...masaya na uli si Niel lalo na nang malaman nitong ama nito si Nathaniel..
THE END
"