Ilang araw na ngunit hindi pa din tumatawag si kaithleen sa binata kung kaya hinayaan na lamang muna ito ni Nathaniel at baka masama pa rin ang loob nito sa kanya.Araw iyon ng byernes kung kaya medyo traffic at dahil sa pamamagitan lamang ng computer nakikipag comunicate si Nathaniel sa mga negosyo niya sa States ay hindi na niya kailangan pumasok araw araw upang maging maayos ang kanyang negosyo doon.Kaya tinawagan niya ang pinsan niyang si melvin na pupunta sila ng bar upang uminom dahil gusto niyang ibuhos ang inis niya sa malditang nobya.Iyon nga lang ay napakahaba ng traffic kung kaya nagbago ang isip niya.Isa kasi iyon sa ayaw niya ang ma stock sa mahabang traffic Kung kaya hindi niya namalayang nasa harapan na siya ng Restaurant kung saan nagtatrabaho si Arriane Santañez.Hindi niya mawari ang kanyang nararamdaman kung bakit gusto niyang pumunta roon gayung hindi naman sila close ng babae.Nag aalinlangan siyang pumasok sa loob ng restaurant dahil hindi lamang sa napakarami ng kumakain kundi dahil hindi niya talaga alam ang dahilan kung bakit siya naroon.Restaurant iyon at hindi inuman, isa pa hindi naman siya nagugutom.
Akmang tatalikod na sana siya at babalik na lamang sa kanyang sasakyan ng biglang bumukas ang salaming pintuan ng kainan at mabilis na tumakbo ang batang lalake, kasunod si arriane.
si arriane.'Tama si arriane nga iyon, ngunit bakit ganun na lamang ang nararamdaman niya bakit kinakabahan siya nang makita ito.
"Hey, anak be careful please!"narinig niyang tawag nito sa bibong bata.Saka lamang din niya naalala na ito din pala ang batang lalake na tinulungan niya noon ng nadapa ito dahil nadulas ito sa natapong tubig.Tuloy tuloy lamang ang bata sa pagtakbo hanggang sa parking area kung kaya hindi siya napansin ng mga ito.Napakasaya ng bata habang sinusundan ng ina, nagkaroon tuloy siya ng kunting inggit dahil sa isiping mabuti pa ito dahil may anak na, samantalang siya lalagpas na sa kalendaryo ay hindi pa niya sigurado kung magkakaanak pa sila ni kaithleen dahil hindi pa ito handa at galit pa din ito sa kanya ngayon.
"Wait anak,, may nakalimutan ako"Narinig niyang sabi ni arriane sa anak nito kung kaya bumalik ito sa loob ng restaurant.Ngunit bago pa man ito tuluyang makapasok sa loob ay nahagip siya nito ng paningin, ngunit sa halip na ngumiti ay tumaas pa ang kilay nito.."
"Hhhi'"alangan niyang bati` rito.
'Hi, Mr. Cruz!pormal nitong bati sa kanya na mas napatunayan niyang hindi na nga ito ang dating arriane na kilala niya, ngunit bakit parang mas gusto niya ang dating arriane keysa arriane ngayon na kaharap niya na masyadong pormal lalo na sa pagtawag sa kanya.Sabagay, hindi naman kasi siya naging mabuti rito kung kaya ano nga ba ang aasahan niya.
"Naligaw ka yata Mr. Cruz!?muli ay parang nahiya siya sa napakapormal at aroganteng tawag nito sa kanya.
"uhm, yeah,papasok sana ako sa Resto niyo..alangan niyang sagot.
Napansin niyang umiikot ang paningin nito na tila ba may hinahanap.
"wala yata ang nobya mo sir!"wika nito na hindi niya alam kung nananadya ba o talagang galit lang.
"uh.. yeah.. anyway iyan talaga sana ang pinunta ko dito, to say sorry about what happened last time..kaya lang hindi ako makapasok ng resto niyo cause you have a lot of costumers.."ngumiti pa siya ng bahagya dahil nanatili pa ring seryuso ang mukha nito.
"well, Mr. Cruz hindi mo kailangan mag sorry saakin dahil hindi naman ako ang napahiya kundi ang tauhan ko mismo,isa pa hindi naman ikaw ang namahiya kundi ang nobya mong over acting,!! pasensiya kana at sasabihin ko ngayon ang sama ng loob ko.. Although hindi naman ikaw ang namahiya pero hindi mo man lang nasaway ang war freak mong girlfriend!"Maigting ang mga katagang binitawan nito na tila ba naroon ang nobya niya.
"Im really sorry".tanging nasabi na lamang niya dahil totoo naman talaga ang sinasabi nito, wala siyang ginawa noong pinapahiya ni kaithleen ang tauhan nito.
"mommy!'who is he?!"biglang lumapit ang bata sa kanila dahil nainip ito sa kakahintay sa babae.
"oh my..!! sorry baby.. I will get something".pagdaka'y wika nito.
"You did not answer me."!nakabusangot na wika ng bata habang nakatingin sa kanya.
"uh.. yeah.. baby.. he is someone that I know.!"Sa bata ito nakaharap ngunit sa kanya naman nakatingin habang nagpapaliwanag sa anak.Ngunit sa sinabi nitong "someone that I know, ay bakit parang may hindi maganda siyang naramdaman, bakit iba yata ang gusto niyang marinig.?Kung sabagay totoo naman talaga ang sinabi nito sa anak,kakilala lang naman siya nito dahil hindi naman sila naging friend at hindi naman naging sila.. pero...
Iwinaksi niya sa kanyang utak ang isiping iyon, ayaw niyang maalala ang naging pagkakamali niya rito lalo na at masaya na ito sa buhay nito ngayon.
"Excuse us Mr. Cruz."maya maya'y wika ni arriane saka inaya ang anak papasok ng restaurant at naiwan na lamang siyang nakatingin sa mag ina.Hindi niya maipaliwanag kung bakit ganun na lamang ang kanyang panghihinayang habang nanatiling nakatanaw sa mag ina kahit tuluyan na itong makapasok sa loob ng kainan.
Mabuti na lamang ay tumunog ang kanyang cellphone kaya nalipat ang kanyang atensiyon sa tumatawag.Ang pinsan niyang si Melvin ang tumatawag at tinatanong nito kung nasaan na siya.
Samantala,Nakapasok na nang kanyang opisina si arriane kasama si Niel ang kanyang anak ngunit nanatili parin sa kanyang isipan ang mukha ni Nathaniel, pakiramdam niya ay nag iinit ang kanyang pisngi simula pa kanina nang makita ito,oo,masama ang kanyang loob dahil sa mga binintang nito sa kanya ngunit hindi niya mawari ang kanyang sarili kung bakit ganun na lamang ang kaba niya kanina.Kulang na nga lang ay yakapin niya ito ngunit mas nanatili siya sa kanyang sarili.Kailangan niyang manindigan upang maipakita rito na hindi na siya ang dating arriane na kilala nito noon.Napakasakit lamang isipin na ang ama ng kanyang anak ay may mahal na, na iyong kunting pag asa na natitira para sa kanyang sarili ay wala na.. Gusto niya man ipagsigawan sa lalake ang katotohanan ay hindi maaari dahil may nobya na ito.Gusto nga niyang sabihin sa anak na ito ang tatay mo ngunit mas pinili niyang manahimik dahil ayaw niyang makasira ng relasyon kahit pa sabihin niyang napakapangit ng ugali ng nobya nito.
"mommy are you crying.?"Napapitlag siya ng mapagtantong umiiyak na pala siya at nakita iyon ni Niel..
"no, baby..nakagat kasi ng ants yung mata ko kaya naluluha."palusot niya sa anak.
"eh, bakit two eyes yung namumula?"pangungulit nito.Minsan nahihirapan siya sumagot sa mga tanong ng kanyang anak dahil mahirap itong lusutan kagaya ngayon.
"uhm, baby anak yung eyes ko kasi kung naluluha yung isa eh sinasabayan ng isa.."
"It means, kinakampihan ng isang eyes yung isa pa."?
"parang ganun na nga anak."natatawang sagot niya dahil kahit papaano ay nalusutan niya ang anak.
"o siya, lets go...pupunta pa tayo ng mall diba para mabili na natin yung things mo.."inaya na niya ang anak palabas upang hindi na ito magtanong nang kung anu ano lalo na at mahirap talaga itong sagutin.
"Yehheeyy..masayang bulalas nito.Hindi nila kasama si manang Coreng dahil nasa pangasinan ito ngayon dahil binisita nito ang pamilya roon kung kaya silang mag ina ang magkasama maghapon, wala ding pasok ito ngayon dahil bakasyon na ng mga ito kung kaya lagi silang magkasama araw araw,Ang ate monica niya kasi ay busy din sa mga negosyo nito at kagaya nga din ngayon ay nasa ibang bansa na naman ito upang dumalo sa isang business seminar.Madalang na nga silang magkita ng ate niya dahil nagbukod na siya ng bahay,samantalang ang ate niya ay nasa condo nito nakatira sa parañaque at siya naman ay nasa malapit lang sa kanyang trabaho sa makati upang hindi na siya magbiyahe pa ng ganun kahaba lalo na at napakatraffic ng maynila.
Nasa sasakyan na silang mag ina ng tumawag sa kanya si Mat, Nanliligaw ito sa kanya ngunit iwan ba niya kung bakit kahit napakagwapo nito ay tila ba hindi ito magustuhan ng kanyang puso, mabait naman ito pero iwan, hanggang kaibigan lang ang kaya niyang ibigay sa binata.
"kasi si Nathaniel ang gusto mo..Sigaw ng kanyang isipan kaya napahampas siya sa manibela ng kanyang kotse.
"nooooo!"bulalas niya na ikinagulat ng kanyang anak.
"mommy, what happened.?"
napabaling siya sa anak na nakatitig sa kanya.
"uhm, nagulat lang ako sa car anak, masyado kasing traffic."palusot niya na hindi naman na pinansin ni Niel dahil sa labas ito nakatingin.Mga ilang minuto pa ay nakarating na sila sa SM megamall kung saan doon gusto ng kanyang anak pumunta, pinagbigyan niya si Niel dahil minsan lang naman nila magawang mag ina iyon.Alam niyang napakasaya ng kanyang anak lalo na at sa toy house sila pumunta, kahit pa man napapagod siya dahil na rin sa kakaasikaso niya sa restaurant ngunit kaya pa naman niya kahit papaano dahil kasama niya ang kanyang anak,Kumain din sila sa paborito nitong fastfood pagkatapos nitong magsawa sa toy house.Ngunit palabas na sila ng fastfood nang biglang may mahagip ang kanyang paningin,Si kaithleen iyon na nobya ni Nathaniel,ngunit mas nanlaki ang kanyang mga mata ng makita kung sino ang kasama nito.Si Mat,tama nga si mat nga iyon!! at napakasweet ng dalawa sa isa't isa.Hindi siya ang tipo ng taong judgemental ngunit sa pagkakataong iyon hindi niya lubos maisip na ang kagaya ni Nathaniel ay niluluko lamang ng babae.Mas lalong naging tama ang hinala niya ng maghalikan ang dalawa.Smack kiss lamang iyon pero hindi maikakailang magnobya nga ang mga ito.At ang nakakapagtaka lang bakit pa tumatawag sa kanya si Mat at nanliligaw gayung nobya nito si kaithleen.Nagholding hands pa ang dalawa habang palabas na ng naturang mall.Balak niya nga sanang kuhanan ng litrato ang dalawa ngunit ano naman ang pakialam niya sa mga ito.Isa pa kagaya nga ng sinabi niya ay hindi naman sila friend ni Nathaniel,isa pa napakababa nga ng tingin nito sa kanya.At kung magsusumbong man siya rito ay ano naman kaya ang sasabihin nito sa kanya?Na naninira siya ng relasyon ng mga ito? para ano pa.. at baka kagaya ng nakaraan ay magiging ganun na naman ang paningin nito sa kanya.
"mommy, let's go!!ayun si Bee oh..'Iwinasiwas pa ni Niel ang kanyang kamay na nakahawak sa anak ng makita nito ang isang mascot na lumabas mula sa isang fastfood chain..
"okay let's go.."pinuntahan nila ang naturang bee at nagpapicture silang mag ina.
Ngunit kahit iwaglit man niya ang mga naiisip at nakita ay hindi niya maiwasang maawa kay Nathaniel.Hindi man ito naging mabuti sa kanya ngunit hindi ibig sabihin noon na pababayaan na lamang niya ang tungkol sa nakita.Kung nagkataon pala na sinagot niya si mat ay malamang isa na siya sa mga babae na niluluko nito ngayon..
"Mommy, im tired na."reklamo ni Niel sa kanya kaya minabuti na niyang umuwi na sila.
Sabagay kanina pa nga siya napapagod at gusto na magpahinga kaya lang naiisip niya na nag eenjoy ang pa kanyang anak kaya sinabayan na lamang niya ang hilig nito.
"oh ano, next time ulit.?nakangiting tanong niya sa kanyang anak.
"opo mommy."bagamat pagod na ay masigla pa rin itong sumagot sa kanya.kaya lumabas na sila ng megamall at umuwi dahil bukas ay sasabak naman na siya sa kanyang mga kailangan asikasuhin sa kanyang restaurant.
.