webnovel

Chapter 10.(maling akala sa muling pagkikita)

Habang talaga namang enjoy ang lahat habang pinapanood ang mga nag gagandahang mga models ay nasa isang tabi lamang si arriane at umiinom ng kape.Samantalang ang ate Monica niya ay talagang lumapit pa sa stage kung saan naroon ang mga models at fashion designer.Talagang parang bata ito na panay papicture sa mga nakikitang mga models.At siya naman upang hindi makasira sa happy mood ng kapatid ay nagpaiwan na lamang sa isang tabi.Hindi lang naman siya ang naroon kundi marami din sila dahil hindi naman lahat makalapit sa stage dahil punuan na.Hindinna nila isinama pa ang kanyang anak dahil gabi na at hindi naman iyon para sa mga bata kaya ito tuloy boring siya dahil wala siyang kakulitan.Ngunit may isang gwapong lalake ang lumapit at tumabi sa kanya.

Samantala;Dahil naiipit si Nathaniel sa unahan malapit sa stage kung saan naroon ang mga models ay naisipan niyang lumabas doon. Napakainit kasi kahit pa open field iyon kung kaya lumayo siya ng kunti at lumipat sa pinakalikod kung saan unti na lamang ang naroon.Hindi na siya nagpaalam pa sa nobya niya dahil hindi rin siya napapansin dahil abala ito sa gjnagawa.

Nag order siya ng kape upang mabawasan ang hilo na nararamdaman niya.Hindi niya alam kung nahihilo ba siya dahil sa dami ng tao o dahil sa gutom dahil naalala niyang hindi pa pala siya nakakain dahil hindi man niya nagalaw ang pagkain niya kanina.Habang naghahanap siya ng mauupuan ay napabaling ang kanyang tingin sa dalawang tao sa may dulong bahagi ng upuan.NapAtaas ang kanyang kilay ng mapagtanto kung sino iyon.Si arriane iyon at mas lalong nag ngitngit siya ng makitang iba na namang lalake ang kasama nito.Nag uusap ang mga ito at nagtatawanan na para bang sila lamang ang taong naroon.

Hindi nito kasama ang anak at asawa kung kaya malaya itong makipaglandian sa iba.Napapailing siya ng mapagtanto niyang wala paring pinagbago ito.Maharot parin.Sa sobrang inis niya ay hindi sinasadyang napiga niya ang hawak na cup na may lamang^ maiinit na kape kung kaya napaso siya.Mabuti na lamang at hindi iyon tumapon sa damit niya.

"ang harot talaga!"wala sa sariling bulalas niya habang nakatingin sa babaeng ang saya saya namang nakikipag usap sa kasamang lalake.

"piling dalaga"naku kung aki naging asawa mo ay talaga namang itatali kita at nang hindi kana maglandi pa".talagang nag ngingit siya na nakatingin sa mga ito.Ilang saglit pa ay tumayo ang lalake at nagpaalam rito na halata namang ayaw pa umalis at naiwan mag isa si arriane.Iyon ang pagkakataon niyang lapitan ito at dahil talagang badtrip siya sa inaasta nito pa parang walang asawa.

"Hi miss".bati niya kay arriane nang makalapit siya dito.Talagang hindi siya nakapagpigil sa sarili na lapitan ito at nawala na yata iyong guilt na matagal rin niyang dinala simula ng patulan niya ito noon. nakita niyang Uminon ito ng kape saka bago siya tiningnan at halos manlaki ang mga mata nito ng makita siya.

"I..ikaw!?"halos hindi makapaniwalang bulalas ni arriane nang mapagsino ang buma sa kanya.Akala nga niya ay bumalik iyong lalakeng nakausap niya kanina ngunit hindi naman nagpakilala ng pangalan bagkus ay nakipagkwentuhan lamang sa kanya.Ngunit iba ito ngayon at halos hindi siya makapaniwalang nasa harapan niya ang lalakeng sumira ng pagkatao niya.Si Nathaniel santañez iyon at ang nakapagtataka lang ay bakit ganun na lamang kadilim ang mukha nito habang nakatunghay sa kanya.

"h..hi.."alangan niyang bati rito ngunit hindi man lamang ito ngumingiti..

"ayus din ano,`Pag wala ang asawa iba naman ang hinaharot, akala ko ba naman makikita kitang matino at maayos na iyon pala nagkamali ako dahil kapag maharot talaga ay hindi pala mapipermi sa isang lugar na walang lalake.'"seryusong turan nito na nagpaangat ng kanyang dugo at hindi niya napigilan ang pag igkas ng kanyang kamay sa pisngi ng binata dahil sa sobrang galit.

"How dare you to say that!"nanginginig ang boses na sabi niya dahil hindi siya makapaniwalang sa ganung pagkikita nila ng lalake ay iinsultuhin siya at ganun parin kababaw ang tingin nito sa kanya kagaya ng dalagita siya.

Hindi man lamang natinag ang binata matapos niya itong sampalin at tela ba nagulat din ito sa ginawa niya.Wala siyang pakialam kung nasaktan man niya ito ngunit mas masakit sa kanya ang pagsabihang maharot gayung nananahimik siya sa isang tabi.Bigla ay nagflashback sa isipan niya ang sinabi nitong "kahit may asawa" at talagang napaisip siyang saan naman kaya ito kumuha ng ganung balita na may asawa siya.Ngunit hindi na siya nag aksaya ng minuto pa, matapos niya itong sampalin dahil sa masakit na paratang nito sa kanya ay agad niya itong iniwan at bumalik na lamang siya sa kanilang cottage habang nagpupuyos ng kanyang galit.Tinext na lamang niya ang ate niya na bumalik na siya sa cottage nila dahil sumama^ Ang kanyang pakiramdam.

Samantalang si Nathaniel naman ay hindi makapaniwala sa mga nasabi sa dalaga, hindi niya kasi napigilan ang sarili kanina kung kaya sa halip na magandang pagbati ang kanyang ibungad rito ay isang napakasakit na insulto sa dalaga.Saka niya lamang narealize mali ang kanyang ginawa ng masampal nito at iniwan siya.Gustuhin man niyang humingi ng paumanhin rito ngunit hulo na dahil agad itong nakalayo."

"gago ka kasi"!!pinagalitan niya ang sarili habang nakaupo sa upuan at hinimas himas ang ang kanyang pisngi na hanggang ngayon ay mahapdi parin dahil sa malakas na pagkakasampal ng dalaga.Ano ba kasi ang pakialam niya dito kung ilang lalake pa ang harutin nito, isa pa may asawa naman itong dapat magdesiplina rito at hindi siya.

"tama,, pakialamero ka kasi."sigaw ng isang bahagi ng kanyang utak.Napabuntonghininga na lamang siya dahil sa naisip na pagkakamali.Nawalan narin naman siya ng ganang kainin ang inorder niyang pagkain kung kaya dinala na lamang niya iyon sa cottage nila at mamaya ay kakainin na lamang niya iyon.Tawagan na lamang niya si kaithleen at sabihing bumalik na siya ng cottage dahil sumakit ang kanyang ulo.

Si arriane naman habang nasa loob na kanilang cottage na mag ina ay hindi parin mapigil ang kanyang mga luha sa pag uunahan, Masaya na sana siya na nakita niya uli ang binata matapos ang limang taon at dito lamang niya ito makikita sa pinuntahan nilang resort ngunit sa ganun pang sitwasyon.Kung kaya galit ang kanyang nararamdaman para rito.Pakiramdam niya ay hanggang ngayon ay mababa talaga siyang babae para dito dahil lamang sa nagawa niyang maling desisyon noon dahil sa kanyang kapusukan.Ngunit matagal na iyon at kahit anu man ang gawin niya ay hindi na mababago ang lamat ng pagkatao niya.Kung kaya nga lahat ay ginawa niya para lamang mapakita sa kapatid niya ang pagbabago niya ngunit wala pa lang silbi iyon.Mas lalo lamang siyang naging mas malungkot sa buhay.

Kinabukasan ay maaga siyang nagising upang maglakad lakad sa dalampasigan dahil mas masarap maglakad lakad mag isa.Tiningnan niya ang natutulog niyang anak kung kaya marahan siyang lumabas ng cottage upang hindi ito magising.Mamayang hapon ay babalik na sila ng maynila at muli ay negosyo na naman niya ang kanyang haharapin kaya susulitin niya iyon bagamat wala siyang maayos na tulog kagabi.Sakto at papalabas pa lamang ang araw kung kaya hindi pa iyon masakit sa balat.Naupo siya sa buhanginan saka tumanaw sa malayo upang magmuni muni dahil narin sa nangyaring saguapaan nila ni Nathaniel kagabi.Kahit bakas sa mukha ng binata ang pagiging masungit ngunit mas lumabas lamang ang kagwapuhan nito.

"Shittt!!"napapiksi siya sa isiping iyon dahil alam niyang hindi na maari.TAma na ang pag iinsulto nito sa kanyang pagkatao.

"Hi gudmorning... sabi ko na nga ba at ikaw iyon."mula sa likuran niya ay nagsalita ang isang lalake kaya bahagya siyang lumingon.

"oh hi.."goodmorning matt."nakangiting bati niya sa binata na nakilala nila ng anak niya kagabi.Napakagwapo nito at napaka pormal kausap kung kaya natutuwa siya sa pakikipagkaibigan nito sa kanya.

"maaari bang makatabi sa pag upo".maya maya ay tanong nito na tanging tango lamang ang isinagot niya.Agad naman itong naupo sa tabi niya habang pinapanood ang papalabas na araw.

"ang ganda dito nuh.. minsan nakakawala ng problema."kapagdaka'y wika nito.

"oo nga eh.pakiramdam ko lahat ng problema ko ay inaanod sa dagat."malungkot niyang sambit saka dumakot ng buhangin at pinaglaruan iyon sa kanyang kamay.

Maya maya pa ay may dumaan sa kanilang harapan na magkahawak ang mga kamay.Hindi niya iyon pinansin dahil abala siya sa pakikipag usap sa binata ngunit talaga namang nananadya yata ang pagkakataon dahil nakilala niya ang mga dumaan.Si Nathaniel iyon at may kasama itong napakaseksing babae at talaga naman napaka sweet ng mga ito.

Gusto man niyang dedmahin ang dalawa ngunit bakit may bahagi ng kanyang pagkatao ang nasasaktan.Mas nasaktan siya ng makita itong naghahalikan kahit pa nasa katanmbi lamang sila.tila ba nang iinggit pa, alangan naman gawin niya iyon kay matt eh samantalang bagong magkakilala lamang sila.

Sa kabilang banda, Nakita ni Nathaniel ang dalawa na nakaupo sa buhanginan habang nag uusap ang mga ito, napakasweet ng pag uusap ng mga ito kung kaya sinadya niya talagang dumaan sa harapan ng dalawa.Hindi naman sana niya ang mga ito makikita kung hindi lamang nagpilit si kaithleen na maglakad lakad sila sa Dalampasigan kung kaya sinamahan niya ito.Ngunit nakita na niya sila arriane at ang asawa nito na nag uusap habang pinapanood ang pag sikat ng araw.Ngali ngali nga niya sanang batukan ang lalake upang magising ito sa katotohang iniiputan ito ni arriane sa ulo.Napakagwapo naman sana ng lalake ngunit bakit nagagawa ito ni arriane sa lalake.

Napapailing siya habang napauntong hininga,

"are you okay sweet?"kunot noong napatingin sa kanya ang nobya kung kaya bahagya pa siyang nagulat.

"uh..huh Im fine.."alangan niyang sagot.

"eh parang bigla ka naman yatang naging tahimik diyan".nagtatakang wika nito.

" Im sorry sweetheart, medyo marami lang akong iniisip."

"yup!!kagaya noong nasa likuran niyo!!"sigaw ng isang bahagi ng kanyang isipan.

Mabuti na lamang at hindi na iyon napansin ni kaithleen ang bahagya niyang pagpiksi ngunit hindi niya talaga maiwasang lumingon sa kinaroroonan ng dalawang lovebird,mabuti na lamang at wala na ang mga ito.

Inaya na lamang niya ang nobya na bumalik ng cottage nila upang magpahinga na lamang uli sila dahil wala pa naman talaga silang maayos na pahinga simula kagabi.Late na kasi natapos ang events at samantalang siya hindi na rin masyado nakatulog dahil sa inis niya sa dalaga.Siguro kaya siya nagagalit ay dahil ayaw lamang niyang naluluko ang kanyang kabaro.Pero ano nga ba ang pakialam niya sa problema ng mga ito gayung may sarili din naman siyang problema.

.

Siguiente capítulo