webnovel

Jurry couple (4)

"Hay naku ewan ko sayo"- nasabi ko na lang sa kanya baka bumagyo pa eh dahil sa kahanginan niya

Natigil kami sa asaran ng may

"Ehemm"- sabi ni daddy

Kaya napatingin kaming dalawa ni Vince sa kanya.

At ang sama ng tingin ni daddy samin, or should i say kay Vince lang.

At ang sama rin ng tingin ni Vince sa kanya. Ano bang nangyayari sa dalawang to

Nakita kong nakakuyom na yung kamay ni daddy kaya nilapitan ko na siya, baka makasuntok pa ng wala sa oras eh

Hinawakan ko na lang yung kamay niya, at naramdaman ko namang inalis na niya yung pagkakakuyom ng kamay niya.

"Sino siya Eun kyung?"- tanong ni Vince sakin

"Uhm Vince si Justine b-" di natapos yung sasabihin ko dahil sumingit si daddy

"Justine pare BOYFRIEND niya"- sabi ni daddy at talagang pinagdiinan yung salitang boyfriend

"Ah ganun ba, Vince pare bestfriend ni Eun Kyung"- pagpapakilala ni Vince

"Anong ginagawa mo pala dito Vince?"- tanong ko sa kanya

Kasi mahigit 3 years na kaming di nagkikita eh, nagmigrate kasi sila kaya yun. Simula nun wala na kaming communication sa isa't isa.

"Nagbabakasyon lang, stress na ko sa work eh"- sabi niya, na halatang stress na stress na nga siya.

Pano ko nalaman? Well may eyebags kasi siya na medyo malaki so yun.

"Magpahinga ka rin naman kasi, hindi yung subsob ka sa trabaho"- sermon ko sa kanya.

"Eh kailangan eh, at tsaka ayaw mo kasi akong samahan dun eh"- sumbat niya sakin

Grabe ha ako pa talaga sinisi eh noh, kasalanan ko bang ayokong maging CEO ng company namin.

"At bakit ka naman niya kailangang samahan dun?"- biglang tanong ni daddy kay vince

"Kasi dapat magkasama kami sa Korea na nagtratrabaho"- maikling sagot ni vince

"Korea? Trabaho?"- tanong ni daddy sa kanya, sabay tingin sakin

Patay di ko alam gagawin ko, di ko pa kasi nababanggit sa kanya yung tungkol dun.

Tiningnan ko ng masama si vince,

"What?"- tanong niya sakin

"Da- "- di ko natapos yung sasabihin ko kasi biglang naglakad paalis si daddy,

"Arghh mag-uusap tau mamaya"- inis kong sabi kay vince, saka sinundan si daddy

"Daddy!!!"- sigaw kong tawag ko kay daddy, ang bilis niya maglakad eh.

Pagod na nga ko sa kakahabol sa kanya, hingal na hingal na ko kaya napaupo na ko.

Haisst nakakainis naman eh, kung sinabi ko na sana noon pa edi sana hindi nagkakaganito.

"Miss bakit ba hindi kita matiis?"- rinig kong tanong ng nasa nakatayo sa harap ko

Pagtingin ko,

"Malay ko sau"- sabi ko sa kanya, nakakainis siya pinagod niya ko kaya bahala siya.

Inabot niya yung kamay niya sakin, pero di ko tinanggap

Kaya naupo siya sa tabi ko,

"Ok ka lang?"- tanong niya sakin, halatang halata na nag-aalala siya.

"Ok lang ako"- sagot ko sa kanya.

"Hindi ako naniniwala"- sabi niya sakin

"Edi wag"- sabi ko sa kaniya

Siguiente capítulo