webnovel

Chapter 53 : His Reasons

Touch down, Philippines!! Hooooh! I missed you! Wala ka pa ring pinagbago, hindi pa rin fresh ang hanging binibigay mo.

"Ate Love!"

"MIRACLEEE!" agad akong napayakap sa kanya, "I miss you!"

"I miss you, too, Ate Love," nakangiting sabi niya.

"I miss you, Mon," yumakap na rin sa akin si Kuya Mayvee.

"I miss you, too, Kuya Mayvee, Kuya Messle," sabi ko.

"How about me, guys? Didn't you miss me?" biglang sumingit si Spade.

"Don't mind my Bodyguard," pagbibiro ko pa.

"Since when did I become your Bodyguard, ha?" tanong niya.

"Shhh, hindi kinakausap nang ganyan ng isang Bodyguard ang amo niya," sabi ko at ayon ang lokong Spade nag walk out habang lukot ang mukha. Lahat tuloy kami ay natawa lang sa kanya.

"So, how should we address you now? Is it still Maundy or Gemini?" tanong ni Kuya Messle.

"Maundy pa rin, pang forever!" sagot ko at napangiti naman sila. "Tara? Gutom na ako," dagdag ko. "Kaninong kotse 'yong sasakyan natin? Sa'yo, Kuya Mayvee?" tanong ko habang naglalakad kami palabas.

"Nope," sagot niya.

"Eh? Sa'yo, Kuya Messle?" umiling din siya, "baka sa'yo, Miracle? May kotse ka na?"

"Ate Love, stop joking around," aniya.

"So, saan tayo sasakay? Mag ta-taxi? Sayang pera."

"Mayaman ka na, hindi na importate kung ilang pera ang nagagasta mo. Libre mo kami, ha," nakangisi pang sabi ni Kuya Messle.

"Sila lang ang mayaman, 'no," sagot ko.

"Sus, forever humble, Monang," sumingit naman si Spade.

"Bawal sumabat ang Bodyguard," pagbibiro ko pa.

"Stop that! I hate you!" parang bata pang sabi niya. HAHAHAHA!

"You hate me? First crush mo nga ako, eh," sabi ko kaya ayan natahimik na siya. Naalala ko no'ng itanong ko sa kanya kung sino ang first crush niya, tapos ayaw niyang sabihin dahil nahihiya raw siya, at nang sabihin kong alam ko kung sino, ayon biglang tumakbo, hindi ko pa nga nasasabi 'yong pangalan ko. Tawang-tawa talaga ako no'n.

***

Paglabas namin ay may isang itim na kotse ang nakaabang. Baka sundo ito ni Spade, makiki-avail na lang kami—

Napatigil ako nang bumaba ang nasa loob ng sasakyan. Huta! Ito na naman, nangangabayo na naman ang puso ko!

"Puntahan mo na," said Spade.

Gusto ko sana, pero parang ayoko rin. Gusto kong magdrama ngayon.

"Mon—"

"So, you're alive?" nakangiting tanong ko. They all looked at me, confused and curious.

"I'm sorry," nakayukong sabi niya.

Walang emosyong makikita sa mukha ko sabay sabing, "for all those days that you've gone, have you ever thought of me? Have you ever thought of my feelings? Didn't you know you were so insensitive? I was so worried to hell whenever I am thinking where on Earth are you! And then now, you're gonna show yourself as simple as this? Come on, you think I'll be happy?" natawa pa ako sa dulo.

He was muted for a moment tsaka siya ngumiti, "I guess it's better that I didn't show you myself, siguro dapat nagtago na lang ako habang buhay," aniya. Huta! Nabiyak 'yong puso ko nang tumulo 'yong luha niya.

"Chal Raed," tumulo na talaga 'yong mga luha ko! Huta! Ba' ko pa kasi naisip magdrama? "Joke lang," dugtong ko pa, pero hindi siya kumibo kaya niyakap ko na siya. "Sorry," bulong ko.

"I was so hella scared, Mon," aniya.

"Kaya nga sorry na," sabi ko naman.

"Nice drama, Monang, muntik na akong maniwala," sabi naman ni Spade.

Kumalas siya sa pagkakayap sa'kin at hinawi ang buhok kong nagsipuntahan sa mukha ko. "How are you?" tanong niya.

"M-Magsalita ka pa nga," sabi ko na agad niyang ikinangiti.

Ngumiti siya at bahagyang hinaplos ang mukha ko,"I miss your smile, I miss your touch, I miss your voice, I miss your laughs, I miss your hugs, I miss your corny jokes, I miss everything about you, and I love you so much kahit jinoketime mo ko," hinatak ko siya agad at muling niyakap.

"I miss you, too. I miss you every second, minute, hour, days, even months, and I love you more than you do," bulong ko sa kanya.

"This is so cheesy," bulong pa ni Spade, pero rinig naman ng lahat. "I thought you're hungry?" tanong niya.

"Come on, let's eat, marami pa akong dapat sabihin sa'yo," aniya kaya agad akong kumalas sa pagkakayap sa kanya.

"Detailed ha, simula umpisa hanggang sa pagtawag mo, pwede ring ngayon," sabi ko at nakangiti siyang tumango.

Akmang mauuna nang sumakay si Spade sa likuran ng sasakyan ni Chal Raed, pero agad siyang pinigilan ni Kuya Mayvee, "sa kabila tayo, Mr. Bodyguard," nakangising sabi ni Kuya at agad nang hinila si Spade na aayaw pa sana, pero wala ring nagawa sa huli.

"Let's go?" pag-aya ni Chal Raed at pinagbuksan ako ng pinto.

Buong byahe ay wala akong ginawa kun'di ang titigan siya. Hindi naman siya pumayat o tumaba, same old Chal Raed, pero pormadong-pormado na. May kahabaan na 'yong buhok niya—hindi naman mukhang babae—pero bagay naman sa kanya. Naka white V-neck shirt lang naman, pero bagay na bagay sa kanya. Tsaka feel ko nga nagpatuloy pa rin siya sa pag g-gym dahil ang sarap—este pormado pa rin ang biceps niya.

Haaay. Naalala ko lang hindi ko man lang siya natanong kung kamusta na siya—nagdrama pa kasi, Maundy, ayan—tsaka kung bakit biglaan ang pagpapakita niya, wala man lang signal, buti pa 'yong bagyo. Actually, he's the reason bakit bumalik ako agad ng Pinas, after knowing na bumalik na siya sa bahay nila—sinabi ni Spade—agad ko 'yong sinabi sa mga Powers at sila rin ang nag suhestyon na bumalik na muna ako ng Pinas at susunod na lang sila.

Sobrang saya ko talaga na ang bait-bait ng mga taong nakapalibot sa'kin at suportadong-suportado nila ako.

***

Matapos kumain ay ipinagpaalam na ako ni Chal Raed kina Kuya na hihiramin niya raw muna ako—laruan lang? Sige, barbie doll, over sa gandang barbie doll to be exact.

"Sit down," nakangiti niyang sabi at tinapik ang tabi niya. Pareho na kaming nakaupo rito sa lilim ng kahoy na hindi ko alam kung saan ba 'to, basta bigla na lang siyang huminto banda rito at naupo sa ilalim ng kahoy.

"Chal Raed," napatingin siya sa'kin, "kamusta ka na?" tanong ko.

"I'm super good, especially that I've finally seen you," sagot naman niya. "I'm happy na hindi mo 'ko pinalitan, sabi mo pa naman maraming gwapo ro'n." Naikwento ko nga pala sa kaniya 'yan kanina sa sasakyan. Hehe.

"Hindi ko nga kasi kayang ipagpalit ka," sagot ko naman at todo ngiti lang siya. "So, where have you been this whole five months?" tanong ko.

"I really am not used with your accent," aniya. "Kung siguro nanatili ka pa ro'n ng ilang taon hindi ka na magtatagalog," dugtong pa nito.

"Tss. Huwag mo ngang pansinin. Malay ko ba kasing english spokening sila ro'n, dagdag mo pang andoon si Spade, edi mahahawaan ka talaga."

"Now I know."

"Pero, Chal Raed, sorry talaga kanina, ha."

"It's okay, but seriously, I thought you were being serious kaya nga naiyak ako, eh."

Loka ka talaga, Maundy!!

"Sorry talaga," muli ko na naman siyang niyakap. Naramdaman ko 'yong paghalik niya sa buhok ko. Nakakamiss din pala! "So, ayon na nga, asan ka for the whole 5 months?"

"Pabalik-balik ako sa Pinas at  Australia," aniya. Kaya pala sabi ng investigator, nasa Pilipinas siya, bukas naman nasa ibang bansa, tapos after a week, Pinas ulit, pabalik-balik pala siya sa dalawang bansa, at bakit? "I find a way on how to solve Kuya Mico's case," dagdag pa niya na agad kong ikinagulat. "Sorry kung hindi ko sinabi sa'yo, pero gusto ko kasing gawin nang mag-isa, ayoko nang isali ka o kayo. Matapos akong hindi payagan ni Mommy na puntahan ka, or even talk to your brother, naglayas ako. Then, I locked up myself in a place somewhere for a whole week, thinking of what might be the step I'll do to easily solve this case. Hindi ko kinaya na ako lang mag-isa, so after this guy extended his hand to help me, I immediately accepted it."

"Sino?" I interfere.

"It's Harris Sycip, Mom's adopted child," nagulat talaga ako! So, 'yong nag adopt pala sa kanya ay si Miss Chary? Kaloka! "ginawa pala siyang spy ni Mommy para sundan tayo and to destroy the relationship we have, at muntik na siyang magtagumpay, mabuti na lang at mabait itong si Harris at tinulungan ako," sorry, pero walang hiya talaga si Miss Chary! Anong klaseng utak ba meron ang babaeng 'yon?! "The first step we did is pinakwento namin kay Kuya Mico ang nangyari, at 'yong side naman ni Mommy. And, hindi sila tugma. Mom said talagang hinalay siya ni Kuya Mico. Then, Harris remembered na may sinabihan si Mommy tungkol sa nangyari, her best friend. Hinanap namin siya, and luckily we found her, she's currently living in China. Pinakwento namin sa kanya ang nangyari at kapareho ang kwento niya sa kwento ni Kuya Mico, katunayan nga 'yong bestfriend ni Mommy ay willing tumistigo for this upcoming trial. After malaman 'yon nagpunta kami ni Harris sa Australia, kung saan andoon lahat ng pag-aari ni Mommy dahil sa napangasawa niyang Australian. Pagpunta namin ro'n, hinanap ko agad 'yong anak nila ng Kuya mo, his name is Jimmy. He's very pitiful, para siyang hindi anak ng isang mayamang babae. Harris said, mas tinuturing pa siyang anak ni Mommy than his real child, sobra talaga akong nalungkot, Mon," waaaah, kawawa naman 'yon! Pati ba naman bata, dinadamay, "sabi ni Harris ilang beses nang pinagtangkaang patayin ni Mommy si Jimmy, buti at may nakakakita. I really couldn't believe it."

"Mommy mo ba talaga 'yon, Chal Raed?" takang tanong ko.

"Yes. She was just traumatized, but I know it's too much," hindi na lang ako sumagot. Hindi ko yata dapat jinajudge agad 'yong Mommy niya, sobra na nga 'yong ginagawa niya, pero siguro natrauma lang siya. Haaay, ewan, "kinuha ko si Jimmy at pinabantayan ko muna siya habang busy kami ni Harris."

Hala, excited akong makita siya!

"Actually, Mom has been contacting Harris and even blackmailed him, pero hindi na nagpadala si Harris lalo na't alam niyang wala siyang nagawang kasalan, his conscience is clean. Nang mapatunayan naming it wasn't a rape dahil hindi naman pumalag si Mommy, sinabi namin 'yon agad kay Attorney and there's a big possibility na maagang makakalabas ang Kuya mo at makapagpyansa."

"Chal Raed, okay lang ba sa'yong kinakalaban mo 'yong Mommy mo?" tanong ko.

"Hindi ko siya kinakalaban, I am seeking for justice, kasi alam kong mabait na tao ang Kuya mo," sagot niya at napangiti naman ako agad. "Matapos 'yon ay inasikaso ko pa 'yong mga papeles para kunin si Jimmy at ako na ang tatayo niyang parent, pero gusto ni Paps at Miss TS na sila ang gawing legal parents ni Jimmy," haay, ang bait talaga nila! No wonder maraming blessings ang dumadating sa buha nila, "isa rin 'yan sa haharapin namin ni Mommy sa korte if ever hindi niya ibibigay si Jimmy, but knowing what she's done to him, baka ikatuwa pa nga niyang kukunin ko si Jimmy," aniya at ramdam ko talaga ang pait sa boses niya. "Iyon ang dahilan kung bakit sobra kong busy, that's why I'm sorry."

"Naiintindihan ko. Ang akin lang talaga ay kung bakit hindi mo 'ko kinakausap! Minsan naiisip kong baka hindi na 'ko importante sa'yo! Paranoid na kung paranoid, pero masisisi mo ba ako, ha?"

"So, totoo nga 'yong sinabi mo kanina na insensitive ako?"

"A-Ah, slight?" huli ka! Mabuti na lang at natawa lang siya.

"Then, I really am sincerely apologizing."

"Tama na kakasorry, gusto ko lang ilabas 'yong nararamdaman ko," sabi ko.

"Actually, alam ni Paps at Miss TS ang lahat ng plano ko, even si Jazz."

"A-Ano? At hindi man lang nila sinabi sa'kin? Susuportahan din naman kita, ah," nakakaasar 'to, parang walang trust sa'kin!

"I wanted to tell you about it, pero ayokong mahaluan ng negativity ang happiness sa buhay mo. You just found out who you really are and who is your real family, kaya mas minabuti kong itago para makapag focus sa masasayang nangyayari sa buhay mo."

"Masaya ako, but still may isang tao ang hindi kumukompleto nito."

"That's why I'm sorry, hindi ko na 'yon naisip."

"Sabing tama na kakasorry, eh."

"Alright!" bigla niya akong hinawi papalapit sa kanya at saka niya ako niyakap, "at meron pa akong isang ginawa no'ng nawala ako," aniya.

"Ano 'yon?" tanong ko.

"I miss you so much," aniya matapos niyang halikan ang buhok ko.

"Ano nga kasi 'yong isang 'yon?" muli kong tanong.

Dahan-dahan niya akong hinarap sa kanya at hinawakan ang dalawa kong kamay saka niya ako biglaang hinalikan. Huta! Ang lambot talaga ng labi nito! Lasang cherry pa, nag lipbalm ata 'to—joke! "I love you," nakangiting sabi niya.

"I love you, too. Pero, ano muna 'yong isa?" tanong ko na naman. Nyeta, curious na curious na ang Lola niyo, oh!

"Secret," nakangisi niyang sabi. "Let's go, sabik na silang makita ako sa bahay."

Tumayo na siya at agad ko naman siyang hinabol, "oy, ano 'yon?"

"Sec—ret," natatawang sabi niya.

Kinulit ko pa siya nang kinulit, pero ayaw talagang sabihin! Huhuhu, wala akong ideya! Kaasar! Hindi ako makakatulog nito hagga't hindi ko nalalaman, eh!!

Siguiente capítulo