webnovel

Chapter 35 : First I Love You

Kagabi ay inabangan ko talaga ang lilipad na eroplano, nagbabakasakaling andoon si Jazz para makawayan ko naman siya kahit 'di niya ako makikita. Tatlong eroplano 'yong nakita ko kaya lahat 'yong kinawayan ko para sure. Haaay! Miss ko na agad si Jazz, kung nandito pa siya siguradong nasa harapan ko na siya at nagchichikahan na kami.

"Ay, mighad!" nagulat ako nang bigla na lamang may dalawang malalambot na palad ang naramdaman ko sa magkabila kong pisngi.

"I've been staring at you while you're staring at elsewhere, you okay?" tanong ni Chal Raed na nananatiling nasa pisngi ko 'yong palad niya, at take note, ang lapit lang naman ng mukha niya sa mukha ko, 'yong tipong konting tulak na lang mabubunggo na 'yong labi namin! Mighaaad!! Pakiramdam ko kinakabahan ako!! "Sis," napataas na lamang bigla ang kilay ko at ang kaninang kaba ay napalitan ng pagtataka.

Sis pa rin? Nililigawan niya na ako, pero Sis pa rin? Bakit ganyan?

"Sis?" napakunot naman agad ang noo niya, "tatawagin mo pa rin akong Sis?" tanong ko.

"Bakit? May mali ba?"

"W-Wala naman, parang ang weird lang. Lalaki ka na, medyo lalaki na 'yong boses mo tapos Sis pa rin."

Umalis na siya sa pagkakadungaw sa'kin at bahagyang napaatras. Tuluyan na rin akong nakahinga nang maluwag. Akala ko ay forever na niyang hahawakan ang pisngi ko.

"Alam mo bang there's a special meaning behind that word," bigla na lamang niyang usal.

"Ano naman 'yon?" kyuryos kong tanong. Oha! Biglang tsismosa mode, hahaha!

"S, Someone, I, I want to be with, S, Since I fell for her," aniya. Napaawang bigla ang bibig ko. Ang Sis ay sakit, 'di ba? Charot!   Ate 'yon, 'di ba? At madalas 'yang tawag ng mga bakla sa mga kakilala o kaibigan nilang babae, pero wow naman, may ibang meaning pala sa kanya! "Ibig sabihin, gusto na kitang makasama simula nang araw na ininom mo 'yong tubig ko, nagkatitigan tayo, kinawayan mo 'ko, nag flying ki—"

"Tama na, tama na!" ayoko nang maalala na nag flying kiss ako sa kanya, medyo nakakahiya kaya, kapal kasi ng panga ko no'n, "pero, parang ang weird talaga 'pag Sis pa rin 'yong itatawag mo sa'kin."

"Oh, eh, what do you want? Love, Mine, Babe, Baby, Moo, Sweetie, Sweetheart, Cupcake, or anything else, come on, name it!"

Mighad! Napaka-iwy naman ng tawagan na 'yan! Korni-korni, amp!

"Ayoko niyan, sabi mabilis maghiwalay kapag ganyan 'yong tawagan, kaya eks 'yang mga 'yan," napapailing pang sabi ko. Napaatras ako bigla nang inilapit na naman niya 'yong mukha niya. Huta lang! Kapag 'to 'di lumayo ako na mismo hahatak sa kanya papalapit sa'kin! Huta, maharot na kung maharot, but why do this gay—este man look very handsome, like a thousand times handsome than the usual when we're in this kind of situation?! Pagwapo siya nang pagwapo, walang halong biro!

"So, you want us to stay longer or perhaps, to stay forever?" tanong niya bigla. Shookening! Mother Earth, ano raw?! "I'm waiting for your answer," huta! Tigil-tigilan niya 'yang pag ngiti nang ganyan sa'kin habang gan'to kami kalapit, ipapakulam ko talaga siya kapag na-attract ako sa lesheng ngiti na 'yan na walang kapareha!

"H-Hindi naman 'yon ang ibig kong sabihin."

"Then, what? I can't think of other meaning with what you've just said."

Oo nga! Inintindi ko rin 'yong sinabi ko at parang wala na akong iba pang ibig sabihin no'n. Huta! Hindi ko alam kung paano 'to malulusutan!!

Bigla na lamang siyang lumayo sa'kin at hinawakan 'yong kamay ko, "I know we're both thinking the same meaning with those words you've said," nakangisi pang sabi niya. "Let's go, it's quarter to eleven, let's eat," hinila na niya ako bigla, pero pinigilan ko siya agad.

"L-Libre mo ba?" tanong ko.

"Bakit? Ililibre mo ba ako?"

"Oh, edi kanya-kanya na lang tayong mag lunch," paupo na sana akong muli, pero nahawakan niya 'yong braso ko.

"It's my treat, so let's go," aniya at mabilis pa sa fast akong naunang lumabas ng opisina, ganyan ako kabilis kausap.

Papalabas na sana kami ng kompanya nang biglang tumunog 'yong cell phone niya, "hello, Miss TS," aniya na agad kong ipinagtaka. Miss TS? Sa'n ko nga ba narinig 'yan? "What? Biglaan naman yata...Okay, Miss TS, I'll be there...Huh? Bring who? My Girl?" tapos ay napatingin siya sa'kin! Huta! My Girl daw, Maundy, oh, inangkin ka na. Hahaha, Mighad! Ganda mo, "alright, we'll be there," ibinaba niya na 'yong phone niya at muling tumingin sa'kin. Ganda pala ng mga mata niya, 'no, ngayon ko lang napansin, "wait me here, I'll get my car," aniya at iniwan na ako—ang bilis mang-iwan hindi pa nga kami, charot! Umalis lang siya para kunin 'yong sasakyan niya okay? Pero, wait, sa'n ba punta namin at kailangan ng sasakyan? Hindi na kami riyan sa kalapit na resto kakain?

Nang tumigil 'yong sasakyan niya sa harap ko ay agad siyang bumaba at pinagbuksan ako ng pinto. Wow, gentlegay—este gentleman na pala, kailangan ko nang sanayin 'yong sarili ko na tingnan siya bilang isang lalaki at 'di na bakla kahit na minsan ay nakikita ko pa rin sa galaw niya 'yong pagiging baklush, pero 'yong pananalita, mas manly pa sa manly! Buo 'yong boses niya, pero ang sarap lang sa tenga!

"What's in your mind right now?" biglang tanong niya. Wow, parang si Facebook lang.

"Iniisip kita," bigla na lamang sumibol 'yong ngiti sa labi niya, napangiti rin ako—nang slight, "charot! Iniisip ko kung sa'n tayo papunta, kinilig ka naman agad," pagbibiro ko pa, pero ayaw na talagang mawala ng ngiti niya kaya iniwas ko na 'yong paningin ko.

Hindi na rin kami muling nag-usap pa, pero panay 'yong tingin niya sa'kin. Sumandal ako sa may bintana, pero nasa kanya 'yong paningin ko.

Gwapo si Chal Raed, bulag na lang ang magsasabing hindi. Kung pisikalan lang naman ang labanan ay malamang panalong-panalo na 'to. Sa ugali naman, mabait siya kahit bully, kaya pasadong-pasado! Hindi naman siguro masamang mas kilalanin ko pa siya at hayaang ipakita niya sa'kin 'yong tunay niyang nararamdaman. Wala namang mali sa kanya, bukod sa maarte niyang kuko na kakulay ng buhok ko, violet, at diyan sa pilik-mata niyang naka mascara pa.

"Does staring at me for a long time will make you fall for me, too?" bigla na lamang niyang tanong na 'di maitago sa labi ang ngiti. Sus, kinikilig 'yan, eh! Hahaha!

"Will you catch me then?" tanong ko at nawala bigla 'yong ngiti niya. May mali ba sa tanong ko?

"I-I will," seryoso niya talagang sagot habang nakatitig sa'kin.

"Ops, sa daan ka tumingin," nakangising sabi ko at para naman siyang natarantang napatingin sa daan. Ang cute, sarap tirisin—charot! "Sa'n ba talaga ang punta natin?" tanong ko nang maiba na 'yong topic. Ewan ko ba kasi at ba't naitanong ko bigla 'yong catch-catch chuchu na 'yon. Hindi ko naman makontra 'yong utak ko at talagang 'yon 'yong inuutos niya sa bibig ko kaya nasabi ko 'yon.

"Sa bahay," sagot niya.

"Huh?!" anong gagawin namin sa bahay nila na puro katulong lang yata ang nakatira?!

"Miss TS wants to see you."

"Sino ba si Miss TS?"

"She's Third and Spade's Mom."

"Si Thea Spy Alonzo?!"

"Yep. You know her?"

"Oo, I've met her not too long ago," bakit kaya gusto niya akong makita? Hala! Kinakabahan ako lalo na ngayon na nandito na kami!!

Magtatanong pa sana siya kaya lang ay may kumatok sa bintana ng sasakyan. Binuksan ko 'yon at nakangiting si Spade ang sumalubong sa'kin, "welcome back!" masaya talagang sabi niya. "Let's go, Miss TS has been very excited to meet you," hahawak sana siya sa wrist ko kaya lang ay inalis agad 'yon ni Chal Raed. Seloso siya, 'no? Kaloka! Pero, bakit nakiki-Miss TS si Spade? Akala ko 'yon 'yong tawag ni Chal Raed kasi 'di naman niya tunay na ina si Tita TS. Don't tell me, 'di rin niya anak si Spade? Pero, sabi ni Chal Raed 'di ba, Spade and Third's Mom? Kaya tunay niyang ina si Tita TS. Ay, huta! Ewan ko ba sa pamilya nila. Mas magulo pa sa messy.

"Maundy, hija!" malaki talaga ang ngiti ni Tita TS nang tawagin niya ako at humalik sa pisngi ko, "I'm so glad that I've seen you again."

"Ako rin ho," nakangiti ko namang sagot.

"You're very close, ha," bigla na lamang sumingit si Third at nang mapatingin sa'kin ay agad siyang kumaway.

"Here, sit down," tapos ay iginaya na ako ni Chal Raed sa upuang hinila niya, "how you guys have gotten so close?" oy, tsimoso mode, hahaha.

"Kasi siya nga 'yong tumulong sa'kin when an ugly guy snatched my bag. Grabe, action star talaga si Maundy no'n, if you have seen it, Chal Raed, your eyes will probably turned into heart shaped," sagot naman ni Tita TS. Hay, may pa heart shaped si Tita niyo, Day!

Napatingin naman ako kay Chal Raed na bigla na lamang napayuko. Bakit kaya? "Hmm, Miss TS," biglang usal niya habang nakayuko pa rin. "Who among the two of them had told you about this," dagdag pa niya.

"About what?" tanong ni Tita TS. Tumingin ito kina Third at Spade na agad nagkibit-balikat. Ay! Ang wiweird lang nila. Like, out of place lang naman ako rito, Day!

"A-About me, courting, Maundy," hindi ko alam kung tama ba ako, pero parang may konting awkwardness sa tono ng pananalita ni Chal Raed. Ang weird lang talaga nila, "sinong nagsabi sa'yo tungkol do'n?"

"Oh, boys, should I tell it to him?" tanong niya sa dalawa na agad napailing. "I'm sorry, but I don't know how to lie," bigla na lamang nanlumo si Spade at Third at para bang gusto na nilang tumakbo, "Chal Raed, it's the two of them, kinuwento nila sa'kin."

"Don't try to run, or I'll tickle you to death," seryoso talagang sabi ni Chal Raed, pero ayon ang dalawa nag-unahang tumakbo papuntang salas. "Wait, I'll come back, may kailangan lang akong tirisin," aniya at hinabol ang dalawa, si Tita naman ay tawang-tawa, habang ako ay parang 'di makapaniwala sa ginagawa nila.

"KUYAAAAA!!!" sabay na sigaw pa ng dalawa habang paikot-ikot sila sa salas.

""It was Third's idea!" sabi pa ni Spade.

"Oh, really?" nakangising tanong naman ni Chal Raed.

"You can just...sell my car, Kuya, stop chasing me!" sigaw naman ni Third nang siya na lang ang hinabol-habol ni Chal Raed.

Wow! Sell his car daw oh, iba talaga ang mayayaman, ang sarap nilang sunugin! Charot!

"My sons are so cute," nakangiting usal ni Tita TS. "Let's go back to the kitchen, Maundy," aniya at hinila na nga ako pabalik doon.

"MISS TS!!" napayakap pa ang dalawa sa nanay nila, "we will no longer share our secrets to you, binubuking mo, eh, ayan tuloy ibebenta niya 'yong bago kong Mercedes Benz!" pagrereklamo pa ni Third. So, talagang ibebenta ni Chal Raed? Kaloka!

"You deserve this consequence, Baby Bro. It should be me who will introduce my girl to Miss TS, but you've had stolen my moment," sabi pa ni Chal Raed. Kawawa naman si, Third.

"Okay, then you can just do it now," sabi ni Tita TS nang tuluyang makaupo ang tatlo sa kanina nilang inuupuan. "Who's this woman you've brought here?" tanong ni Miss TS gamit ang kanyang seryosong boses! Huta, kinabahan ako bigla!

Tumingin sa'kin si Chal Raed at binigyan ako ng isang napakatamis na ngiti. So gwapo naman! "Mom," this time na kay Miss TS na 'yong paningin niya, "this is Maundy Maurice. I am courting her and I'm praying that she'll be my...first and last," lunok lang ng laway, Monay, kaya mo 'yan!

Kaya lang parang sinapian kami ni katahimikan at parang wala nang may gustong magsalita. Babanat na sana ako na kakain na kami dahil ginutom ako bigla, pero muling nagsalita si Chal Raed na kanina pa titig na titig sa'kin, gandang-ganda siya sa'kin, yiiiieee!

"Mon..."

"O-Oh?" bakit parang kinakabahan ako sa seryosong boses niya?!

"...in front of my loved ones, I just want you to know that I..." gustong-gusto ko nang ialis 'yong paningin ko, pero huta, hinihigop talaga ako ng mga mata niya, "I..." nyeta, ang tagal, mas lalo akong kinakabahan! Ano ba kasi 'yang I-I na 'yan?!

"Spill it, Kuya, huwag mo kaming binibitin," medyo may halong asar na sabi ni Third, pinaningkitan tuloy siya ni Chal Raed.

He cleared his throat first before he look at me straight to my eyes and uttered, "Maundy, I love you," take note, puno 'yon ng sinsiridad.

Totoo pala talaga 'yong sinasabi nilang tumitigil 'yong paggalaw ng mundo at tanging tibok ng puso mo lang 'yong maririnig mo, and that's exactly what I am experiencing right now! Hooooh! Mighad, maloloka na ako!

Siguiente capítulo