webnovel

Chapter 25 : Misunderstanding

Nagpunta kami sa isang kubo at dalawang minuto na kaming nagtititigan dito. Ewan ko ba ba't pinasunod kami rito ni Chal Raed tapos wala naman palang may planong magsalita, at ayoko naman na magexplain, 'no, gusto ko munang maring mula sa tatlo kung kinakailangan ba nila ng explanation.

"Anong nangyari sa paa mo?" tanong ni Chal Raed. Ito na ang umpisa ng oral recitation mo, Maundy.

Good luck sa mga explanation mo, Self.

"Kasi 'yong tangang bato natisod do'n 'yong paa ko kaya nagkasugat," sagot ko naman.

"Bakit ba kasi naglakad-lakad ka pa kahit gabi na?" seryoso ngunit may bahid ng inis na tanong na naman ni Chal Raed. Hindi ko na lang ipinahalata na nagulat ako sa paraan ng pagtatanong niya. Tsk!

"Kasi ito na 'yong huling gabi natin dito at gusto ko 'yong i-savor, mali ba 'yon?" tanong ko naman sa kanya.

"Then, why are you with him?" tanong na naman niya na itinuro pa si Jazz. Nahawaan ko na yata siya ng dugong pagiging tsismosa. Haaay!

"Nakita ko siyang mag-isa kaya lumapit ako sa kanya, nag-usap kami, tapos may tinanong ako sa kanya na akala ko ay hindi niya sasagutin at tatakbuhan niya ako dahil tumayo siya, pero hindi pala. After that, naglakad-lakad na kami, 'yon na 'yon," pagsabi ko pa sa katotohanan.

Haaay! Why do I need to explain, Mother Earth? Responsibilidad ko bang mag explain?

Napatango siya at biglang ngumisi, "ganyan ka pala kung mag savor ng moment kailangan may kasamang iba," bulong pa niya, pero narinig naman ng lahat.

Napatingin ako kay Jazz at Spade nang sabay silang napailing. Si Third naman ay nagpapalit-palit ang tingin sa amin ng Kuya niya. Ang weird naman kasi nitong si Baklush, parang galit siya na ewan.

"Kuya," biglang usal ni Third. "I guess everything's becoming nonsense. We don't need to know what happened to the both of them. I think they didn't do anything wrong," dagdad pa niya, pero parang 'di man lang siya narinig ni Chal Raed. Ano bang nangyayari sa kanya?!

"Tapos may payakap pa," muli na naman niyang usal.

Haay! Malapit na akong maasar, pero kaya panaman. So, laban lang!

"Hindi ba pwedeng pasalamat ko na 'yon dahil tinulungan ako ni Jazz na linisin 'yong sugat ko?" tanong ko sa kanya. Napatingin naman siya sa'kin at sandaling napatango. Hindi ko talaga gusto ang pag ngisi-ngisi niya ngayon, parang may mali talaga.

"Is that how you say thank you? Amazing," alright, take note the sarcasm!

Ano bang mahirap intindihin sa sinabi ko at parang ayaw niyang paniwalaan? Maloloka na 'ko, Mother Earth!

"Sabihin niyo na lang if there's something going on between the two of you. Hindi 'yong ganyan 'yong sinasabi mo," dagdag pa niya at promise, naguluhan ako ng sobra!

"Ano bang pinagsasabi mo?" kunot-noong tanong ko.

"I noticed your sudden closeness, tapos makikita ko kayong magkayakap sa dilim? So, what's the meaning of it, purely nothing?" hindi ako sumagot at nananatili akong seryosong nakatingin sa kanya. Leshe! Nauuror na talaga 'to, eh, "I know you guys are leveling up your friendship into something romantic," dagdag niya at tuluyan nang napaawang ang bibig ko.

Anong magic ba ang pinagsasabi nito?!

"Chal Raed, stop it," sa wakas ay nakapagsalita rin si Jazz, "it's not what you think," dagdag pa niya.

"Then, what do you expect me to think, Jazz?!" parang galit niyang tanong. Tsk! Ano bang ikinakagalit niya?! "At the end of the day you're still a man and she's a woman, kahit bakla ka mahuhulog ka pa rin sa babae. Ganyan din naman ang nangyari noon, 'di ba?" tanong na naman niya.

Mighad, Mother Earth! Naloloka na ako! Bakit ba ganyan ang mga tanong niya? Anong samaligno ang sumapi sa kanya?! Huta!!

"Maundy had said it already, Chal Raed, nag-usap lang kami. And that hug was just a thank you hug, is that hard to understand?" galit na rin na tanong ni Jazz. Jusko, ang iinit na ng ulo nila! "And please, stop thinking too much!" dagdag niya.

"YOU CAN'T BLAME ME, JAZZ!" inis na sigaw ni Chal Raed na talagang ikinagulat naming lahat.

Ang intense na!!

"Why? Because—" napatigil si Jazz sa pagsasalita nang sumingit na naman si Third.

"Kuya, I think that's the real story behind that hug, no need to argue about it," aniya.

"Third's right," sabi naman ni Spade at saka siya lumapit sa'kin, "Monang, I'll accompany you through your room, you need to take a rest," inalalayan niya na nga akong tumayo at paika-ika naman akong naglakad dahil medyo kumikirot pa rin 'yong sugat ko. Ayoko sanang umalis, pero ang sakit na ng ulo ko dahil sa mga nangyayari.

Bago kami tuluyang umalis nilingon ko muna saglit si Chal Raed na agad umirap sa'kin. Tss, siya na 'tong super weird, siya pa ang may ganang magtaray!

Nahagip ko naman si Jazz na agad ngumiti sa'kin kaya ngumiti na rin ako pabalik.

Si Third naman ay nag-umpisa na ring naglakad papalayo roon sa kubo.

"Monang, I'm sorry for Kuya Chal Raed's attitude you've just seen. You know he just care for you, it's not because you're his secretary, but because you're his special friend," sabi ni Spade nang makarating kami sa kwarto ko.

"Okay lang, Spade, hindi mo kailangang humingi ng sorry. Tsaka alam ko naman 'yon, eh,  masyado lang talagang nakakaloka 'yong reaction niya, pero hindi naman ako galit, medyo naiinis lang, magkaiba naman 'yon, 'di ba?" tanong ko. Tsaka iniisip ko rin kasi na baka may PMS ang Lola ninyong si Chal Raed kaya gano'n-gano'n na lang kung mag react, todo-todo talaga. May pa 'leveling up the friendship into something romantic' pa siyang nalalaman, kaloka!

"Yep. And maybe, I think he's jealous."

"Iyan din 'yong iniisip ko, eh, baka nagseselos siyang magakasama kami ni Jazz at nakita niya pang magkayakap kami."

Sus! Kung 'yan lang naman pala ang concern niya, edi sana dineretso niya na ako. Hindi ko naman aagawin 'yang si Jazz niya, 'no, kanya na 'yan, tago niya sa mamahalin niyang panty nang 'di maagaw ng iba!

"Hmm, I think so," natatawa pang sabi ni Spade. "Oh, sige, Monang, go inside and have a rest," aniya.

"Salamat sa paghatid," nakangiting sabi ko.

"Don't mention it, and don't think too much of what happened tonight, okay?" tumango na lang ako at tuluyan nang isinara ang pinto.

Humiga ako agad sa kama at napatingin sa kawalan sabay napabuntong-hininga.

Ang weird mo, Baklush. First time kong nakita 'yong gano'n mong side. Naiinis ako dahil wagas na 'yong judgement mo sa yakapan namin Jazz, pero walang maidudulot 'yong inis ko.

Ginulo ko tuloy bigla 'yong buhok dahil sa inis. "Ay, oo nga pala sabi ni Spade huwag ko na 'yong isipin. Kaya, Maundy, itulog mo na lang 'yan, hindi magbabago ang mga nangyari kahit paulit-ulit mo 'yong isipin," sabi ko sa sarili ko saka ko napagpasyahang matulog na.

***

Nagpeprepare na ang lahat para sa pag-alis namin. Walang may alam sa nangyari kagabi bukod sa aming lima, mabuti na lang talaga at ang mga nilalang na 'to ay hindi nahawaan ng pagiging tsismosa ni Rosas.

Habang busy ako sa pagpupunas ng mesa ay biglang lumapit sa'kin si Third. "How's your foot?" tanong niya.

"Okay na, medyo naghihilom na 'yong sugat," sagot ko naman.

"Galit ka ba kay Kuya?" tanong na naman niya habang tinutulungan ako sa ginagawa kong trabaho.

"Hindi, 'no."

"Then,why does it seems like you guys are avoiding each others presence?"

Actually, hindi naman talaga kami nag-iiwasan, hinihintay ko lang na pansinin niya ako. Mamaya niyan nagseselos pa rin pala siya at sariwa pa rin sa isip niya 'yong nasaksihan kagabi, tapos biglang mag ha-hi ako, edi maiichapwera lang ang beauty ko, 'di ba? Tsk.

"Hindi naman," nakangiting sagot ko. "Huwag ka ngang tsismoso riyan, Third. Tulungan mo  'kong itupi 'tong tarpaulin," sabi ko sa kanya na napapailing na sinunod 'yong utos ko.

"Baby Bro, I'll do it," biglang sabi ni Chal Raed na lumitaw na lamang sa kung saan. "Tulungan mo na lang si Clarice sa pag a-ayos ng mga upuan kasi kukunin na 'yan ng pinagrentahan ni Hero," dagdag pa niya.

"Okay, Kuya," aniya saka tumingin sa'kin, "so, Maundy, si Kuya na lang tutulong sa'yo," tumango nalang ako at umalis na rin si Third.

Tahimik lang naming itinutupi 'yong tarpaulin, pero panay ang tingin niya sa'kin. I feel so awkward kahit 'di naman dapat.

"S-Sis," nauutal pa niyang tawag sa'kin. Tumingin naman ako sak kan'ya.  "About what happened last night...I'm sorry," dagdag pa niya.

Ngumiti ako sabay sabi ng, "okay lang 'yon, kalimutan na nalang natin 'yong nangyari."

"But, Sis, I know I made a mistake, so I really am sorry. Nadala lang ako sa emosyon ko, kasi...kasi—"

"Kasi nagseselos ka," natatawang sabi ko.

"HUH?" gulat niya talagang tanong. Charot, napaka O.A nito.

"Nagseselos ka kasi Jazz is your property tapos nag trespass ako," sabi ko. "Naiintindihan ko 'yon. Naiintindihan ko 'yong nararamdaman mo, kaya sorry rin," dagdag ko pa. Nagtaka naman ako agad nang mapatitig siya sa'kin. May mali yata sa sinabi ko, saang parte ba ro'n nang maiedit ko.

"O-oo nga, gano'n na nga," aniya matapos ang ilang segundong pananahimik at pagtitig sa'kin. "Ituloy na natin 'to," dagdag niya.

"Sige," nakangiting sabi ko.

Ilang sandali lang ay tinawag niya na naman ako. "The unexpected things are nearer to happen," aniya.

Napakunot naman agad ang kilay ko, ayan na naman kasi 'yang weird niyang mga salita. Tsk!

"Are you ready?" tanong pa niya.

Readier than Girls scout ako, pero bakit parang sa unexpected things na sinasabi niya ay 'di ako handa? Haaay! Ewan, ayoko na sa storyang 'to.

Charot!

Siguiente capítulo