webnovel

Chapter 14 : My Armor

Nakatulala lang ako habang inaalala ang mga nangyari kahapon. Hanggang ngayon nahihirapan pa rin akong i-sink in sa utak ko na siya nga 'yon. Si Spade 'yong korning bata na pinapadalhan ako ng love letters na may nakasulat na 'Dear Monang, my love so cute'. Monang 'yong tawag niya sa'kin imbis na Monay, kasi 'yon daw 'yong narinig niya, eh ang layo-layo naman. Hinayaan ko na lang, kasi no'ng isang beses na kinorek ko siya, aba, umiyak ba naman. Hindi ko na lang inulit at baka sa susunod isumbong na ako sa Nanay niya.

Pero, sino nga bang mag-aakala na ang batang 'yon ay siyang ex ni Joy at ngayon ay chinachar-charan si Clarice?

Mighad!

Ano ba namang istorya 'to? Ang gulo! Humor 'to 'di ba? Comedy, tapos gan'to? Ang dami-daming pasikot-sikot, ang daming chuchu, dapat puro katatawanan lang 'to, pero ngayon ang dami na naming iniisip, imbis na matawa!

Haaaay!

"Hoy!"

"Ay, butiki!" gulat ko talagang sabi. Jusko naman, babalatan ko talaga 'to. Joke! Baka mawalan ako ng trabaho. "Ano ba, Boss Gorgeous, ginulat mo 'ko," pagrereklamo ko pa. Kita mong nag-iisip 'yong tao, eh, bigla-biglang hahampasin 'yong mesa, edi ayon lumabas sandali 'yong kaluluwa ko.

"Pang 1000 times na siguro kitang binabati, pero hindi mo pinapansin ang beauty ko," aniya. 1000 times niya mukha niya, hindi ko nga siya narinig na nagsalita, eh. Hindi talaga nila ako maloloko. Well! "Ano bang nangyari sa lakad niyo ni Spade kahapon? Sinagot ba siya? Busted? Ano?" sunod-sunod niyang tanong.

Mukhang alam niya yata ang lahat ah. Alam nga niyang may gustong ligawan si Spade, eh. Wait, alam niya rin kaya 'yong nakaraan nila Joy? Eh, mag tigil ka Maundy, ha, huwag mo nang i-open 'yan. What you see, what you hear, leave it there. Gano'n!

"Hindi natuloy 'yong panliligaw niya," sagot ko na agad niyang ikinagulat, 'yong pati ako nagulat nang hampasin niya ulit 'yong mesa. Mighad! Pakiramdam ko gulat ang dahilan nang pagkaka-tsugi ko!

"Eh, bakit ang tagal niyang umuwi kung gayong hindi naman pala natuloy ang panliligaw niya?" tanong niya.

"Hmm, kasi..." hindi ko pwedeng sabihin na nagkita sila ni Joy at nagdrama si Spade kaya medyo ginabi na kami. Think of a palusot, Maundy! Come on! "Kasi nag date kami! Oo, nag date kami, sayang naman 'yong niluto niya 'no kung walang kakain. Kaya pinagsaluhan namin 'yon kaya parang nag date na rin kami, hehehe."

Actually, hindi naman talaga date 'yon na may kakaibang meaning, friendly date lang. Matapos niyang umamin na siya nga 'yong korning bata, eh, hindi man lang ako pinasagot at niyaya niya na akong kumain para nga raw hindi naman masayang 'yong effort niya.

Kaya ayon, pinagsaluhan namin 'yong niluto niyang chicken curry at 'yong natira binigay niya ro'n sa mga pulubi.

Sa totoo lang, sobrang bait ni Spade, kaya nagtataka ako kung ba't siya biglaang iniwan ni Joy. Humanda sa'kin ang alien na 'yon, kapag hindi niya nasagutan lahat ng tanong ko sisipain ko siya pabalik sa planeta niya!

"Ahhh," tatango-tango niyang sabi matapos ang ilang segundong pananahimik. Siguro inintindi niya pa 'yong sinabi ko. Baka hindi pa gumagana 'yong understanding niya, masyado pa naman kasing maaga, tulog pa siguro. "So, 'yan 'yong hindi interesado sa mga Baby bro ko, nakikipag-date sa isa sa kanila," dagdag pa niya.

Huhuhu, I'm doomed! Mali yata na 'yon ang sinagot ko.

"Oh, I'm just joking. Mamaya niyan iiwasan mo na naman ako ha," natatawa pang sabi niya.

Hay! Pinapaalala pa 'yong nakaraan, eh, kinalimutan ko na 'yon! Ang panget ng alaala na 'yon, hindi 'yon maaaring balik-balikan. Naks, mukha na akong makata, ah.

"Hehehe, hindi 'yan. Hindi na 'yon mauulit," sabi ko.

"That's good then," aniya. "Kumain ka na ba? O, baka naman busog ka pa dahil doon sa nilutong chicken curry ni Spade?"

"Grabe ka naman. Baka nailabas ko na kaya gutom na 'ko ulit, 'di ba?" nakangiting sabi ko na agad n'yang inilingan na para bang nadidiri sa sinabi ko.

Heh! Kala mo siya hindi nagbabawas!

"Kaya, for sure, marami ng space 'yong tiyan ko," lalo na ngayon na hindi pa ako kumakain dahil paniguradong manglilibre na naman si Jazz.

"So, let's eat."

"Huh?"

Hindi 'to pwede, si Jazz ang taga libre ng umagahan ko, dapat itong si Chal Raed, lunch naman 'yong kanya.

Hahaha! May pa scehdule. Mapang-abuso ka, Maundy!

"Why? Hindi ba pwedeng kumain tayo, Sis?" takang tanong niya.

Napailing naman ako agad. Hindi ko na nga lang tatanggihan ang grasya. Maiintindihan naman

siguro ni Jazz. Wala, eh, naunahan na siya.

Pero, ililibre ka nga ba talaga ni Jazz, Maundy? Nako! Huwag kang assuming diyan, go ka na riyan sa isang grasya!

"Tara na, Sis! My bulates are angry na, they're super duper hungry! Leshe kasi 'yong ex mo, hindi ako pinakain sa bahay. Nagtatampo pa rin dahil sa mga tinanong ko sa kanya kahapon," aniya na talagang nagpakonsenya sa akin. Nakakarelate kasi ako, naaawa rin kasi ako minsan sa mga babies ko sa tiyan.

"Sige, tara, basta libre mo ha," paniniguro ko pa, mahirap na 'no, wala pa akong sweldo kaya hindi ako makakalibre at kailan nga ba nanglibre ang isang Maundy Marice? HAHAHAHA!

"Sureness, Sis," aniya at hinila na ako palabas ng opisina.

"You're going out?" tanong agad ni Jazz nang makasalubong namin siya sa may elevator.

"We're gonna eat," sagot naman ni Chal Raed.

Ngumiti siya at bahagyang tinapik ang balikat ni Chal Raed. "Ahh, okay. Enjoy your meal," aniya, at lalagpasan na sana kami, pero tinawag ko siya agad.

"Hindi ka ba sasama? Nag breakfast ka na?" tanong ko sa kanya.

"No. I still got lots of work to do, and yes, I have eaten breakfast already," sagot niya at tuluyan na ngang umalis.

Medyo weird yata 'yong ambiance ngayon. Hindi ko alam kung bakit, basta ang weird.

"Let's go, nagsisigawan na 'yong mga alaga ko," biglang usal ni Chal Raed. Nakatakip tuloy ako sa bibig ko habang nakasunod sa kanya.

MGA ALAGA! Hindi ba't isa lang naman ang alaga niya? Mighad! Ilan bang alaga meron siya? Sa pagkakaalam ko kasi isa lang ang alaga ng nga lalaki, 'yan din 'yong sabi ng nga kuya ko, how come sa kanya marami? Mighad, ang weird ng baklang 'to.

"What really happened to Spade?" biglang tanong niya sa gitna ng seryoso talaga naming kainan, halatang gutom, eh. "He went home with a swollen eyes. Did you really have some fun dating and getting to know each other, or he got busted by the girl he likes and perhaps, it's you."

Umagang-umaga, englishan! Kagabi englishan, pati ba naman ngayon? Ano 'to, continuation? Pwedeng last na 'to?

"Ahh...kasi...nanuod kaming movie after naming kumain! Nakakaiyak 'yong movie. Sobrang nagmahal 'yong lalaki tapos sa bandang huli iniwan lang siya no'ng babae. Tapos 'yong lalaki biglang may iba ng mahal, pero nagkita sila ulit no'ng jowa niyang iniwan siya, kaya ayon hindi na alam no'ng lalaki 'yong gagawin niya, kaya na depress siya," pagkikwento ko pa kahit horror naman talaga 'yong pinaunuod namin at hindi tragic love story. Kinwento ko lang talaga 'yong kwento ni Joy at spade, halata ba?

"At namatay 'yong lalaki?" tanong niya.

"Baliw, hindi namatay si Spade 'no—" napatigil ako agad sa pagsasalita dahil sa naisagot ko. Patay! Mamaya nito mahuli na talaga ako!

"Spade?" takang tanong niya.

"Spade? Anong Spade? Sabi ko hindi namatay si Shade, Shade 'yong name no'ng lalaki, hindi Spade. Ginagawa mo pang bida 'yong kapatid mo ha," oh damn, lusot ka riyan, Maundy! Reyna-reynahan! Magaling!

"Sorry naman, I thought, you said Spade, Shade pala," aniya. Salamat naman at naniwala ang bakla! "So, that's the reason why he look so awful when he got home, akala ko binusted mo, Sis, eh," dagdag pa niya.

"Hindi ah."

"What if, Spade will court you, Sis, will that be okay?"

Bakita niya 'yon tinanong? Pakiramdam ko tuloy tinutulak niya ako sa kapatid niya. Oh, don't tell me, boto siya sa'kin para sa kapatid niya? Wow naman.

"Kung magkakafeelings ako sa kanya, then sempre, magpapaligaw ako. Gusto akong ligawan ng taong gusto ko, ba't ko naman hindi papayagan, 'di ba?" sagot ko naman. Napatigil siya sa pagkain at sandali akong tinitigan. May mali yata sa sagot ko.

"I see," nakangiting aniya. "I'm telling you, Sis, it's never hard to fall in love with Spade. He got everything, everything that girls like," seryosong sabi niya.

Halata naman, eh, he's almost perfect!

"If I tell you to distance yourself away from him, will you do it?"

Ano bang klaseng tanong ang itinatanong ng baklang 'to? Nasapian ba 'to? Nakakain ng damo? Mother Earth, sagutin mo nga ako! Ora mismo!

"Don't answer it. It was just a joke," aniya at itinutok na ang sarili sa pagkain. "Let's eat faster, Sis. I forgot, I have a meeting this 9," dugtong niya na agad kong sinunod. Isinantabi ko na muna 'yong joke niyang hindi naman nakakatawa. Haaay!

***

Wala namang masyadong nangyari ngayong araw, bukod sa kinukulit ako ni Chal Raed na sumama sa birthday ng kaibigan nila and at the same time 'yong reunion na rin ng grupo nila. Nalaman na niyang may bonding din kaming magkakaibigan sa araw na 'yon, kaya mas lalo niya akong kinulit, wala raw siyang mapagtitripan kapag hindi ako sumama. Lesheng rason 'yan! Nakakaloka!

Pero, mas nakakaloka 'tong hapon na 'to dahil wala pa ring jeep! Umaambon na at wala akong masisilungan dito! Fever magnet pa naman ako. Hindi maaaring magkasakit ako! Masasabihan na naman ako ng baklang Chal Read na 'yon na wala akong resistenya kaya ako nagkakasakit.

Nah, never! Hindi na ako magpapabully!

Waaaah! Ano ba 'to? May dadaan ngang jeep puno naman! Nakakainis kasi 'yong tricyle na sinakyan ko, este si Manong drayber pala 'yong nakakainis, hindi ako inihatid sa terminal ng jeep, ibinaba lang ako sa kung saan dahil manganganak na raw 'yong girlfriend niya at kinakailangan niyang puntahan sa ospital.

Kita mo 'yon, nauna ang honeymoon kaysa sa kasal, girlfriend pa binuntis na. Hay, ang henerasyon nga naman ngayon.

"Huta!" inis kong sabi nang bigla na lamang bumuhos ang malakas na ulan. Si Kuya Mico kasi, eh, hindi ko tuloy alam na uulan ngayon kakapanuod niya ng k-drama, hindi kasi kami nakapanuod ng balita lalo na sa weather-weather lang ni Kuya Kim, edi sana nakapagdala ako ng payong.

Hay!

Nababasa na ako! Malapit na akong maging basang sisiw. Pero, isang kulay pink na payong na may desinyong puro bulaklak ang sumangga sa ulang nagbabadyang mas lalo akong basain.

"Am I too late?" tanong niya agad.

Mighad! Para kaming nasa isang movie! At mighad, legit itong pagbilis ng pintig ng puso ko!

Pero, Maundy, baka naman nagulat ka lang, 'no, lalo na't hindi mo naman inaasahan ang pagdating niya.

Pero, kasi....

Hay! Ewaaaan!

Ang mahalaga hindi ako uuwing basang sisiw, hindi ako magkakasakit, hindi ako ma co-coma dahil magkakasakit ako, at hindi ako matsu-tsugi. All thanks to him!

Siguiente capítulo