webnovel

Chapter 25: Sitwasyon Ni Shane

Lumipad si Farrah kasama si Andrea papunta sa taas. Itinaas ni Farrah ang palad nya at nagkaroon ng malaking butas sa taas nila at pumasok sila doon.

Paglabas nila sa butas, nakabalik na sila sa totoong mundo nila. Ang butas naman na ginawa ni Farrah ay biglang naglaho. "Wait lang Lola Andrea, wag kang gumalaw." Iniharap ni Farrah ang palad nya kay Andrea at lahat ng anino na nasa baba ni Andrea ay tumaas at binalotan sya. "Yan tapos na." Sabi ni Andrea habang tinitignan ang anino na nakapalibot kay Andrea.

"Uyy Farrah ano ito? Bakit mo tinakpan ang boong katawan ko nito?" Tanong ni Andrea. "Lola Andrea proteksyon lang yan. Alam mo kasi noong unang pagpunta ko dito ay parang nadetect ako ng kung anong bagay at biglang nalaman ng mga Elves na nandito ako. Pero ngayon naka handa na ako, gamit yang mga anino na yan sure ako hinde na nila tayo madedetect plus, pag may Elf pwede tayong mag blend sa anino para makapag tago." Sabi ni Farrah habang binabalotan rin ang sarili ng anino.

"Tara hanapin na natin kung saan nakatira ang mga Elves. Lola Farrah dumapa ka lang at magigi ka na nyang anino. Basta sumonud kanalang sakin ha." Dumapa si Farrah at bigla syang nawala at naging anino na lamang sa lupa. Si Andrea naman ay ginaya si Farrah at naging anino rin sya.

Umabante si Farrah at sumunod rin si Andrea. Noong una nahihirapan pa si Andrea na kontrolin ang galaw nya habang naka anyong anino pero habang tumatagal ay nakukuha nya na rin kung pano ito kontrolin ng maayos at nakakasabay na rin sya kay Farrah. Napaka bilis ng galaw nila, sa sobrang bilis hinde mo man lang sila makikita na dumaan sa harapan mo.

"Farrah, ang alam ko doon sila sa bundok na yun nakatira." Lumapit si Andrea kay Farrah at sinabi habang tinutoro ang isang bundok na napaka taas na halos umaabot na ito sa mga ulap. "Huh? Doon ba? Sige tara bilisan na natin, excited na akong makita ulit si Shane." Sabi ni Farrah at mas binilisan nya pa ang pag galaw nya.

Habang papunta sila dalawa doon sa bundok ay biglang napaisip isip si Andrea. Ang alam nya kasi lahat na nahuhuli ng mga Elf na tao na nasa loob ng Elves' Forest ay hinuhuli nila at pinapatay, pero si Farrah ay nakaalis ng ligtas mula dito sa lugar na ito at sabi nya pa tinulungan sya ng isang Elf. Hinde mapigilan ni Andrea na mapa isip kung totoo ba talaga ang sinabi ni Farrah.

Lahat ng Elf galit na galit sa tao. Nagmula na ito sa kanilang mga ninuno kaya nagtataka si Andrea kung bakit hinayaan lang na umalis si Farrah dito nung Elf na ang pangalan ay Shane ayun kay Farrah at saka tinulungan nya pa daw sya na makaalis dito gamit ang isang portal na ginawa ni Shane. Hinde man alam ni Andrea ang totoo alam nya naman na kahit anong mangyari magiging ligtas parin sila kasi sa lakas ng kapangyarihan ni Farrah, walang wala ang mga Elf kaya napangiti nalang si Andrea at kinalimutan nya na ang iniisip nya at mas binilisan nya nalang ang bilis nya.

Habang palapit sila nang palapit doon sa bundok ay may mga nakikita na silang mga Elves na ginagawa ang mga pang araw nilang gawain. May mga naglalakad lakad at may mga naglalaro rin na mga batang Elves at yung iba ay nagsasanay sa pakikipag laban. Base sa nakikita ni Farrah, ang pamumuhay nila ay napaka mapayapa.

Ilang saglit lang ay nakita na nila ang tirahan ng mga Elves. Unang pagkakita palang nila dito ay napanganga na agad sila. Para silang napunta sa ibang mundo.

Hinde ito tulad ng Juperia, at kung ekukumpara ang dalawa ay talagang walang wala ang Juperia sa tirahan ng mga Elves. Makabago ang itchura ng tirahan ng mga Elves, meron silang mga sinasakyan na parang kotche mula sa pinagmulan ni Farrah pero ang kotche ng mga Elves ay lumilipad sa langit. May mga matataas rin na mga gusali na parang yung mga gusali sa mundo na pinagmulan ni Farrah.

Kung hinde nya lang alam na nasa ibang mundo sya, aakalain na ni Farrah na ito ang mundo nya. Napaka ganda talaga ng tirahan ng mga Elves, isama mo pa ang mga lumilipad na ilaw sa langit na nagbibigay liwanag sa mga Elves.

"Hinde ako makapaniwalang ganito na pala ka advance ang mga Elves pag dating sa teknolohiya." Manghang mangha na sinabi ni Farrah. "Noong unang beses na nakapasok ako dito ay nakaabot lang ako doon sa gubat pero hinde dito. Grabi ang ganda nga talaga, kung papipiliin ako kung saan ko gustong tumira dito o doon sa labas, mas pipiliin kopa na dito nalang." Kahit si Andrea manghang mangha rin sa mga nakikita nya.

"Tara mag libot libot muna tayo habang hinahanap si Shane." Sabi ni Farrah kay Andrea. Hinde naman sila makikita ng mga Elves lalo pa't naka anyong anino sila kaya hinde talaga sila makikita ng mga Elves kahit na pumunta sila Farrah sa harap ng isang Elf, aakalain lang nila ay anino lang nila sila Farrah kaya hinde talaga nag aalala si Farrah.

"Oo sige tara. Gusto ko rin libutin ang lugar na ito. Maganda mag sight seeing dito sigurado ako." Pagkasabi nito ni Andrea ay inunahan nya na si Farrah sa pag galaw papunta sa tirahan ng mga Elves. "Uyy Lola Andrea hintay, daya mo naman." Dali dali namang hinabol ni Farrah si Andrea at nag habolan na sila habang tinitignan ang magagandang gusali at ang mga ginagawa ng mga Elves.

Noong una ang balak lang nila ay pasalamatan si Shane dahil sa pag tulong nya noon kay Farrah pero ngayon naisipan na nila na mag pakasaya muna at libotin ang boong lugar na ito.

Habang naglilibot sila ay may nakita silang mga Elves na may tinitignan na kung ano sa isang hugis tatsulok na bato. Lumapit si Andrea at si Farrah para makita nila kung ano yung tinitignan ng mga Elves. Pag kalapit nila ay saka nalang nila nakita ang nakakatakot na Elf na nakatali sa Batong tatsulok at ang nakatali sa kanya ay umaalab na kadina.

Kitang kita na sinusunog nito ang balat noong Elf at kapag grabi na ang sugat ng Elf mula sa nagbabagang kadina ay biglang may lalabas na puting ilaw sa Batong hugis tatsulok at papalibot sa Elf at dahan dahan ay biglang naghihilum ang mga sugat noong Elf at ilang saglit lang ay wala na ulit syang mga sugat, tanging mga nakakatakot na lamang na piklat.

Ang sakit na nararamdaman ng Elf na yan ay napaka sakit talaga. Ito ay parang binabalatan ka ng buhay at tinatanggal ang laman loob mo habang buhay kapa. Kahit sino hinde kakayanin ang sakit na dulot nito at paulit ulit pa itong nangyayari doon sa Elf. Kahit gusto nya nang mamatay hinde sya mamatay kasi pinapagaling sya noong batong hugis tatsulok.

Punong puna na ang katawan nya ng piklat dahil sa walang tigil na pagdurusa nya doon sa mga nagbabagang kadina kaya kapag tinignan sya ay napaka nakakatakot talaga ang itchura nya. "Ano bang mga Elves ito, akala ko mabubuti sila! Yun pala ang sasama nila. Kahit nga sa sariling kauri nila ginagawa nila ito. Tara Farrah umalis na tayo dito." Sabi ni Andrea na aalis na sana nang makita nya na hinde gumagalaw si Farrah at nakatitig lang doon sa Elf na naka tali at sinusunog ng nagbabagang kadina.

Naririnig ni Farrah ang mga pinag uusapan ng mga Elf na nasa paligid nila. "Sya ba yun? Yung taksil na pinatakas yung tao na nakapasok dito?" Tanong ng isang Elf sa katabi nya. "Oo sya nga yun, nararapat lang sa kanya yan. Alam nya naman na napaka sagrado nitong lugar natin pero nang nakita nya na may taong nakapasok dito ay hinde nya manlang hinuli at basta nalang pinaalis at tinulungan nya pa yung tao. Nararapat lang talaga yan sa kanya, isa syang taksil sa mga kalahi nya."

"Farrah anong problema? Ok kalang ba?" Nag aalalang tanong ni Andrea. Pagkasabi nya nun ay biglang nawala si Farrah sa harap nya at bigla syang napunta sa harap nung Elf na nakatali at bigla syang lumabas sa ilalim ng lupa saka sya bumalik sa pagiging anyong tao.

Ang mga Elf naman na nakapaligid sa Elf na nakatali ay biglang nagsigawan pag kakita nila kay Farrah. "Isang tao! Mga kawal! May taong nakapasok dito! Magmadali kayo!"

Hinde pinansin ni Farrah ang mga Elf na nakapaligid sa kanila at nakatingin lang sya sa Elf na nakatali. Kilala ni Farrah ang Elf na ito. Sya si Shane, sya ang tumulong kay Farrah na makaalis dito at para makapunta sya sa Juperia. Kung hinde dahil sakanya, nahuli na dapat si Farrah ng mga kawal ng Elves Forest at kung hinde dahil sakanya edi sana nagpapaikot ikot parin sya dito sa Elves Forest hanggang sa mahuli sya.

Si Shane naman kahit grabi na ang sakit na nararamdaman ay may malay parin at malinaw parin ang pag iisip kaya nang marinig nya ang mga sigawan ng mga ka uri nyang mga Elf ay tumingin sya sa harapan nya at nagulat sya. Ang nakita nya sa harapan nya ay ang babaeng tao na tinulungan nya noon para makaalis dito sa Elves Forest.

"A..anong ginagawa mo di...dito Miss F...Farrah. Umalis ka...kana habang wala pa yu..ng mga kawal dal...dalian mo!" Mahina at nauutal na sinabi ni Shane kay Farrah. Pagkarinig ni Farrah sa sinabi ni Shane at pagkakita nya sa sitwasyon ni Shane bigla syang naiyak. Kahit na grabi na ang sakit na nararamdaman ni Shane at kahit na si Farrah ang may dahilan kung bakit nasa ganitong sitwasyon sya ay tinutulungan parin sya ni Shane.

Kahit walang magawa si Shane kundi sabihan sya na umalis na agad dito, alam ni Farrah na kung wala lang ang mga kadina na nakatali kay Shane sa kanya ay gagawa agad sya ng paraan para makatakas kahit mahuli ulit sya at bigyan ng mas malalang parosa gagawin nya, makatakas lang si Farrah. Bigla itong nakita ni Farrah sa pamamagitan ng kapangyarihan nyang makita ang hinaharap.

Hinde nya alam kung bakit ganun na lamang ka bait si Shane kay Farrah pero ang alam lang ni Farrah ay dapat mag bayad ang mga Elves sa ginawa nila kay Shane kahit na kailanganin pa ni Farrah na wasakin ang boong Elves Forest para maipag higanti lang si Shane gagawin nya.

Itinuro ni Farrah ang daliri nya sa mga kadina na nakatali kay Shane at nagkaputol putol ang mga ito at biglang nahulog si Shane dahil wala na ang mga kadina para sumopurta sa kanya, pero bago paman bumagsak sa lupa si Shane ay biglang lumabas si Shadow 1 at inalalayan si Shane para makatayo.

Tumingin si Farrah sa direksyon ng Mansion nya at nagpadala ng mensahe sa mga nandoon gamit ang mind reading na kapangyarihan nya. "Butler! Metal Giants! Lycans! Ihanda nyo ang mga sarili nyo, makikipag gira tayo! Pumunta kayo dito sa posisyon ko sa ngayon na at bilisan nyo!" Ang Mind Reading ni Farrah ay hinde lang basta nagbibigay kay sa kanya ng kakayahan na magbasa ng isipan ng isang tao o hayop, kaya rin nitong magbigay ng mensahe.

Ang mga nasa Mansion naman pagkatapos nilang marinig ang sinabi ni Farrah ay hinde na agad sila nagpaligoy ligoy pa at mabilis silang naghanda para makaalis. Si Butler ay tinatawag lahat ng Ghost Servant at pinaghanda sila sa laban. Ang mga Metal Giants naman ay hinde na kailan na maghanda pa sa laban kasi palagi na silang handa kahit ang mga Lycans ganun rin. Ready to fight na, kaya sabay sabay silang umalis papunta sa Elves Forest.

Si Butler kasama ang mga Ghost Servant ay lumipad sa langit para mas mabilis silang makapunta sa Elves Forest, at ang mga pang araw Lycans naman ay tumakbo sa lupa kasi doon sila mabilis na makagalaw. Gawa kasi ang mga Lycans sa halaman kaya magkasundo sila at ang lupa, kaya mabilis ang mga galaw nila dito.

Ang mga Metal Giants naman ay sa ilalim ng lupa dumaan kasi nasanay na silang dumaan dito palagi. Dito kasi ni Farrah sila palaging pinapadaan at saka sa pakiramdam ng mga Metal Giants ay napaka bilis nila kapag nasa ilalim sila ng lupa.

Sabay sabay ang Mga halimbawa ng Ghost Servant, Lycans at Metal Giants sa pag punta sa Elves Forest. Sila ay napaka bibilis, sa sobrang bilis ay parang nag teteleport na sila. Ilang saglit lang ay nakita na nila ang Elves Forest, nakita rin nila na may liwanag na nakaharang sa paligid ng Elves Forest. Pero kahit na nakita nila yun ay hinde bumagal ang bilis nila at mas bumilis pa sili. Diridirityo parin sila papasok sa Elves Forest.

Booommm

Binonggo ng mga Ghost Servant ang harang at nagkaroon ito ng malaking butas, ganun din sa mga Lycans. Binonggo rin nila ang harang sa harap nila at nagkaroon ng butas, pati ang mga Metal Giants ganun din ang ginawa at nagpatuloy sila papunta sa direksyon ni Farrah.

Mabilis talaga sila kaya ilang saglit lang ay nakita na agad nila si Farrah na pinapalibotan ng napaka daming sundalong mga Elf. Sa tabi ni Farrah nandun ang limang Shadows at pati rin si Andrea na midyo natatakot na.

Tumingin si Farrah sa direksyon ng mga Ghost Servant at mga Lycans at mga Metal Giants at bigla syang napangiti. "Simulan na natin ito hehe."

Siguiente capítulo