webnovel

Chapter 26: A kiss under the rain

Mga 7pm na ko nakalabas ng school. Tinapos ko pa kasi yung research paper which is by individual. Sabi kasi nung prof namin, pwede ng magpasa agad agad as in ASAP. Atsaka, the earlier the higher daw. At dahil sa goal ko naman talaga ang high grades, I pursued na matapos agad.

Hindi lang naman ako nag-iisa eh. Kasama ko si Joshua na nagbabad sa library.

Habang naglalakad papunta sa kanto para sumakay sa taxi, may kotseng huminto sa harapan ko.

Kahit medyo madilim, alam ko kung kaninong kotse yan.

Dahang-dahang bumaba yung window sa driver side at tumambad ang mukha ni Zoid.

Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Sya din, mukhang di alam kung anong unang sasabihin.

Bago pa sya makapagsalita, tumakbo na ko ng mabilis.

It was not like I am afraid of him but what I am afraid was to myself. Natatakot ako na baka bumigay na naman ako.

*beep beep*

Tumigil ako sa pagtakbo kasi may kotseng humarang sa dinaraanan ko. Feeling ko tuloy kanina sasagasaan nya ko.

Maya-maya, may ulong dumungaw sa bintana ng kotse. "You're in a rush, huh? Get in."

It's Carrick.

Lumingon ako at nakitang padating na yung kotse ni Zoid kaya naman tumakbo ulit ako para sumakay sa kotse ni Carrick.

"Night session ka ba ngayon?" Tanong ni Carrick then nag-sip sa iced tea nya.

Nasa Lasagna House kami. Sinabi nya sa'kin kanina na nagugutom daw sya habang nasa biyahe so he invited me na samahan syang kumain. Hindi naman ako tumanggi kasi nagugutom na rin ako. Nakakagutom kaya gumawa ng research papers!

And one more thing, hindi ko alam kung alam ba nya na favorite ko ang lasagna kaya dito nya ko dinala o baka naman coincidence lang?

"Ahm, hindi. May tinapos kasi akong project."

Nung naubos ko na yung tatlong plate ng lasagna, feeling ko parang bitin pa rin. Infairness, masarap yung lasagna dito pero mas gusto pa rin ng panlasa ko yung lasagna ni Zoid.

Sighed. Zoid na naman.

Napansin ata ni Carrick na bitin pa ko. Tumawa sya ng mahina tapos inilapit sa'kin yung plato nyang may lasagna. Actually, wala pang bawas nun.

Ang weird nya talaga. Sabi nya kanina nagugutom na daw sya pero tanging iced tea lang yung ginagalaw nya.

"Nakakahiya pero thank you."

Tinanggap ko na lang yung lasagna. Aba, basta sa usapang lasagna walang hiya hiya sa'kin.

Pagkatapos naming kumain, nag-usap muna kami saglit. Ang sarap nyang kausap. Na-kwento nya sa'kin na sya na daw ang nagpapatakbo ng modeling agency ng family nya. 25 years old palang sya ha! Tapos na-kwento nya rin sa'kin na dalawa lang silang magkapatid. Sya yung panganay at babae naman ang sumunod sakanya.

Lalo tuloy akong na-excite sa kwento nya. Gusto ko kasi ng ganun eh. May ate at may kuya. Yun nga lang, wala akong kapatid.

Sinabi nya rin na over-protective-brother daw sya. Yung tipong gagawin daw nya lahat para sa ikasasaya ng kapatid nyang babae kahit makagawa pa daw sya ng masama. Natuwa naman ako sakanya pero bakit ganun? Kailangan talaga may kasamang gumawa ng masama?

Tapos ang weird nya talaga! Smirk sya ng smirk habang nagki-kwento. Mannerism na ba nya yun?

Gaya ngayon, nung napatingin sya sa glass window, nagsmirk na naman sya.

"Tara, baka hinahanap ka na sainyo." Nakangisi nyang sabi habang nakatingin pa rin sa glass window.

At nung tumingin ako sa direksyon kung saan sya nakatingin, nalaman kong nakatingin sya sa isang kotse.

Teka.... parang kotse ni Zoid yun ah?

Tss baka naman kaparehas lang.

Tumayo na kami at sabay na lumabas. Saktong paglabas namin sa Lasagna house, nagulat ako sa presence ni Zoid.

Nakatayo sya habang nakasandal sa kotse nya. Hands on pocket with unreadable expression.

Nung tumingin ako kay Carrick, nakatingin din sya kay Zoid tapos nakangiti. Ay mali, nakangisi pala.

"Let's go?" Tanong nya. Nahuli nya tuloy ako na nakatingin sakanya.

"Sige." Sagot ko sakanya nang nakangiti.

He smiled back then nagsimula na kaming maglakad kung saan naka-park yung kotse nya.

Napatingin pa ko saglit kay Zoid nang madaanan namin sya.

Pinagbuksan ako ng pinto ni Carrick. Nag-thank you ulit ako sakanya. Sasakay na sana ako sa kotse nya nang biglang may humila sa'kin.

"Zoid." Nasabi nalang ni Carrick.

Ipinwesto ako ni Zoid sa gilid nya. Yung tipong nilalayo nya ko kay Carrick.

He gazed down at me, "Ako na maghahatid sa'yo pauwi. You don't know who that guy is. He can't be trusted, okay?!" Hinila nya ko pero nagpumiglas ako.

"Watch your mouth, Zoid! Nandito lang ako at naririnig ko yang mga pinagsasasabi mo." Tumingin ako kay Carrick para malaman ang expression nya.

Mukha syang naiinis at the same time amused. Eh? Pwede palang pagsabayin yun?

"Like I care." Sagot ni Zoid sakanya tapos hinila ulit ako.

Hindi ako nagpahila sakanya kaya naman binuhat nya ko na parang bigas.

What the o.O

"Argh! IBABA MO NGA KO!" Sigaw ko habang pinaghahahampas yung likod nya.

Instead na huminto, nagsimula na syang maglakad na parang hindi nararamdaman yung mga hampas ko sakanya.

"IBABA MO SABI AKO EH!" Sigaw na ko ng sigaw pero ayaw nyang makinig.

Nahihiya na nga ako kasi lahat ng taong madaanan namin napapatingin sa'min. Aish!

Binaba na nya ko para mabuksan yung pinto ng kotse nya. "Sakay." He command like a boss.

"Ayoko. Sasakay nalang ako ng taxi." Pagtalikod ko, hinila nya ko tapos pinagpilitang makapasok sa loob ng kotse nya.

He succeed! Tsk.

Matapos nyang isara yung pinto, umikot sya at sumakay sa kabilang side.

Nilagay nya yung key sa ignition bago humarap sa'kin. "Bakit ka ba sumasama sa lalaking yun, ha? Hindi mo alam kung gaano sya kasamang tao."

Nagulat ako sa sinabi nya. Masamang tao? Ang bait nga ni Carrick eh. Hindi ko alam kung bakit naiinis sya kay Carrick.

"Hindi masamang tao si Carrick, okay?"

"Tss. Hindi mo alam yang sinasabi mo." Naiiling na sabi nya habang nakatingin sa windshield at nakahawak sa steering wheel though di pa nya ini-start yung engine.

Napairap nalang ako tapos binuksan yung pinto ng kotse nya at akmang lalabas na pero NAMAN! Hinila na naman nya ko tapos sinara ulit yung pinto.

"ANO BA! Bakit ba ang hilig mong manghila?!" Naiiritang sabi ko sakanya.

"Layo ka kasi ng layo eh!" Pangangatwiran nya.

Natigilan naman ako sa sinabi nya. Parang may meaning kasi eh >___<

"Hayaan mong ako na ang maghatid sa'yo.... please."

"At bakit naman ako papayag?"

Tinitigan nya muna ako ng matagal habang nag-iisip. Well, ano naman kayang ipapalusot ng Playboy na 'to?

"Dahil... dahil sa deal."

Napataas yung isa kong kilay sa sinabi nya.

"This is the last night of our deal, right? Kaya ako pa rin ang boss. And as a boss, I have the rights na mang-utos and you are obligued na sumunod."

"Wag na. Babayaran nalang kita kahit last na naman ngayon ng deal. Sasabihin ko nalang kila mommy ang totoo para mabayaran kita agad-agad."

Tumalikod ako sakanya para buksan yung pinto. Looks like alam na nya yung gagawin ko kaya mabilis nya konh pinigilan.

"No. Please. Ayoko ng pera mo. Gusto ko ikaw."

Gusto ko ikaw >/////<

"Let me drive you home and right after that... di na kita kukulitin."

Natahimik ako sa sinabi nya at matagal bago ako tumango.

He smiled but it didn't reached his eyes then he buckled my seatbelt.

Tahimik lang kami buong biyahe hanggang sa makarating kami sa tapat ng bahay.

"Can you promise me na hindi ka na sasama kay Carrick?" Parang batang sabi nya.

Gusto ko tuloy matawa pero pinipigilan ko.

"Bakit ba ganyan ka kay Carrick?"

Hindi naman sya sumagot. Umiling lang sya pero it doesn't me na "No" ang sagot nya. Basta umiling lang sya.

"Salamat sa paghatid."

He just looked at me saying no any word. Mukhang wala na syang sasabihin kaya binuksan ko na yung pinto ng kotse nya.

Saktong pag-apak ng mga paa ko sa lupa, biglang umulan ng malakas.

Automatic na nagstep in na naman tuloy yung paa ko sa kotse tapos sinara yung pinto.

"Ang lakas naman ng ulan." Sabi ko habang nakatingin sa bintana na nasa tabi ko at pinapanood yung pagpatak ng ulan.

"May payong ka ba?" I asked as I looked over my shoulder to see Zoid but heck! Wala na sya sa kinauupuan nya.

And then I suddenly heard the door beside me opened kaya naman nabalik ang tingin ko doon.

Nagulat ako kasi nasa harapan ko yung Zoid na basang-basa. May tumutulo pang tubig ulan sa dulo ng buhok nya pati na rin sa mukha nya.

WTF! Bakit ang hot nya lalo kapag wet look?

"Ano na naman bang trip mo?" Tanong ko sakanya.

Maligo ba naman sa ulan? Buti sana kung umaga kaso gabi ngayon. To think na BER month na kaya sobrang lamig.

Nag-chukle lang sya tapos nilahad yung kamay nya sa harapan ko.

Oh! How I love his chuckle.

I accepted his hand without breaking our eye contact.

Nalaman ko nalang na nadadala na ko sakanya. Eto na naman si ako. Nagpapadala na naman sakanya pero kahit anong pigil ko sa sarili ko, hindi ko magawang hindi magpadala sakanya.

Nakatayo kami pareho malapit sa tapat ng bahay namin habang nagpapaulan.

Ang saya talaga maligo sa ulan.

Hawak nya yung dalawa kong kamay habang ine-enjoy namin yung pagkakabasa sa'min ng malakas na ulan at nakatingin sa langit.

Napapapikit pa ko kapag may tubig ulang tumatama sa mga mata ko.

Nabaling ang atensyon ko kay Zoid kasi binitawan nya yung mga kamay ko para hawakan ang magkabila kong pisngi.

"Ikaw ang kaisa-isahang babaeng sineryoso ko so please don't you ever think na hindi kita mahal at pinaglalaruan lang kita."

Hindi ako nakasagot sa sinabi nya. Para kong nawalan ng boses.

"Since tapos na ang deal natin bukas na bukas." He paused. "Can I asked you to do something?"

Ilang segundo na ang nakalipas pero hindi pa rin ako makapagsalita kaya naman sya na ang nagsalita.

"Can you kiss me?" Pagkasabing-pagkasabi nya nun, automatic na bumaba ang tingin ko sa mapang-akit nyang labi.

Napangiti nalang ako. Is there somebody else who can't resist that kissable lips?

I looked at him in the eye again tapos inalis yung mga kamay nya sa pisngi ko at inilipat around my waist.

Ginawa ko yung inutos nya. I tiptoed and dropped a quick kiss against his lips.

"I didn't kiss you just because you told me so, but because I love you." Naramdaman kong humigpit ang kapit nya sa waist ko. "But I love myself more, and I wanna give myself a break from exposing in pain."

Tumango naman sya habang nakatingin ng malalim sa mga mata ko. He lifted his right hand up to my cheek while the other one was still on my waist.

"Naiintindihan kita. Sorry kung ginugulo ko yung isip mo. I will give you space. Hindi kita lalapitan at guguluhin. You have no idea how much I love you." He muttered as he brushed his thumb against my buttom lip.

I scowled at him but when I was to speak, he claimed my mouth and I let him do that.

We were both breathless as we pulled apart.

"Hahanap ako ng solusyon para matapos na yung karma ko."

Karma? What does he mean?

"Kapag naayos ko na ang lahat.... babalikan kita."

Babalikan nya pa ko. Halos nagkaroon ako ng pag-asa pero sinasabi ng isip ko na huwag akong maniwala. Naglalaro lang sya.

Tama. Naglalaro lang sya.

Dahil sa iniisip kong naglalaro lang sya, bigla nalan may mga salitang lumabas mula sa bibig ko.

"Sorry. Pero hindi ko alam kung may babalikan ka pa."

Pagkasabi ko nun, tinalikuran ko na sya at pumasok sa bahay namin.

Pagkasara ko ng pinto, napasandal nalang ako doon at umiyak.

Ang paasa nya talaga!

Sasabihin nyang hindi na nya ko guguluhin pero bakit nya sinabi na babalikan pa nya ko? At kapag naayos na daw nya ang lahat?

Ang gulo nya talaga!

***

Sunday na ngayon. And yes, simula nung huli naming pag-uusap ni Zoid, patuloy ko pa rin syang iniiwasan.

Kapag nararamdaman kong lalapitan nya ko, malayo palang tumatakbo na ko palayo.

Dahil sa mga nangyayari, feeling ko naging emotera na ko.

Palagi nalang akong nagkukulong sa kwarto at magdi-day dream.

Tumingin ako sa bintana ng kwarto ko habang nakaupo sa kama, back against the headboard. Umuulan na naman.

Galing makisama ng panahon sa pagsisenti eno? BER month na kasi ngayon kaya malamig na.

Kaya nga kapag pumunta ka sa bahay namin, makikita mo ko na naka-PJs lang then jacket na may t-shirt underneath.

*knock. Knock. Knock*

After the first three knocks, bumukas yung pinto at iniluwa si Aldrich.

"Hi, mahal kong bestfriend! Senti na naman?" Sabi nya habang naglalakad palapit sa'kin.

Umupo sya sa kama kaya umusog ako ng konte para makaupo sya ng maayos.

"Tinanong ko si Pare kung bakit hindi na sya pumupunta dito."

Umiwas ako ng tingin dahil sa sinabi nya. Alam ko namang si Zoid yung tinutukoy nyang "pare" eh.

Nag-pout nalang ako tapos niyakap yung mga tuhod ko.

"Bakit mo ba sya iniiwasan?"

"Malay ko." Walang ganang sagot ko habang nakatingin sa knee cap ko. Medyo nakakaduling kaya tumingin nalang ako sa flatscreen tv ko na nasa harapan kahit hindi naman bukas.

"Bakit nga?" Pangungulit nya habang tinutulak-tulak ako ng mahina.

"Ewan." Sagot ko ulit nang hindi nakatingin sakanya.

"Ang tino mo kausap. Bakit nga?" Tinulak nya ulit ako. This time, mas malakas kaya naman nawala ako sa pagkakayakap sa tuhod ko at natumba sa kama.

Mabilis akong bumangon tapos hinampas sya sa balikat. "Ang gulo nya kasi!" Natigilan ako saglit. "Argh! Ayan tuloy nasabi ko!" Sinabunutan ko muna sya bago bumalik sa pwesto ko kanina. Yung yakap ko yung tuhod ko.

"Bakit ka naman naguguluhan sakanya?"

I shot him a deathly glare saka ulit tumingin sa harapan. Kelangan talaga inaalam nya ang lahat? Napaka-chismoso talaga ng isang 'to. But at the second thought, he's my bestfriend so he has the rights na maging updated sa mga nangyayari sa'kin so I opened up everything.

"Ang gulo nya. Sobrang gulo. May Chelsea na nga sya tapos meron pa syang magandang ako."

Bigla naman syang natawa kaya naman tinitigan ko ulit sya ng masama.

"Maganda daw oh? Hahahahaha!" Tumawa pa sya ng malakas tapos binatukan ako.

Aray =____="

"Atsaka, bakit ka naman naguguluhan? Wala namang nakakagulo dun ah?" Tanong nya matapos nya kong pagtawanan.

May nakakatawa ba sa sinabi ko? Maganda naman talaga ko ah! -____-

"At bakit?"

Tinitigan ko sya ng seryoso habang nag-aantay ng sagot. Mukha namang makabuluhan yung sasabihin nya para di na ko maguluhan.

"May Chelsea na sya, may ikaw pa. Kasi nga....

Playboy sya."

Akala ko seryoso yung sagot nya pero tumawa na naman sya ng malakas.

Hay nako. Hindi nakakatulong -____-

Pero may point naman talaga sya dun. Hindi ko lang siguro matanggap na may babaeng isasabay sa'kin si Zoid kasi hindi naman sya ganun dati.

"Pero alam mo, mahal kong bestfriend." Inakbayan nya ko bago magsalita ulit. "Tanggap ko nang hindi ka mapupunta sa'kin. I accepted the fact na para ka kay Zoid."

Napatingin naman ako sakanya tapos napairap. Nagmu-move on nga ako kay Zoid tapos sinasabi nya sa'kin ang mga bagay na yan? Ang saya lang!

"Pa'no kapag di talaga ko para sakanya?" I asked.

"Edi para saakin ka." Sabi nya na todo ngiti.

I elbowed his rib and he flinched a little.

"Pero seryoso ako, mahal kong bestfriend. Kung hindi ka rin lang mapupunta sa'kin, kampante ako na mapunta ka kay Zoid." Seryoso nyang sabi habang nakatingin sa'kin.

Inalis ko yung pagkakaakbay nya sa'kin. "Can you please tell me why all of a sudden nagkasundo kayo ni Zoid? Parang dati lang kung magtinginan kayo para na kayong nagpapatayan."

He lauged anxiously before saying, "Let's just say na nakapag-usap kami one time. Guy talk. Muntikan na nga kaming magkasapakan that time eh." Natawa sya habang nagre-reminisce.

"And?" I asked, waiting for his continuation.

"He told me some story. A story that explains everything why he broke up with you. And because of that story, natanggap ko sa sarili ko na para talaga sya sa'yo. I know this gonna down my ego a little, but Zoid is better than me. He's tougher and everything than me."

Nilapit nya yung mukha nya sa'kin kaya napaatras ako hanggang sa sobra na kong nakadikit sa headboard. "You really deserve a guy like him, mahal kong bestfriend. Zoid has my vote. Wag ka sanang maguluhan sakanya. May malalim syang dahilan kaya magtiwala ka lang sakanya." Seryoso nyang sabi bago lumayo sa'kin.

Napaisip naman ako.

Kelan pa naging puzzle magsalita ang bestfriend ko? Guys are so weird talaga! Pabago-bago sila ng takbo ng pag-iisip. Tss.

"Pero sabi din ni Pare hindi ka daw nya muna kukulitin para di ka na maguluhan. Baka daw kasi magbuhol-buhol na yang utak mo sa kakaisip eh. Hahahaha!" Tawa nya habang tinutulak tulak ako  

-____-

Oo tama sya. Malapit na ngang magbuhol-buhol yung utak ko sa kakaisip eh.

"Sige, mahal kong bestfriend, aalis na ko. Dinalaw lang kita para mang-istorbo sa pagsesenti mo. Hahaha!" Tinulak nya ulit ako bago tumayo.

"Ano ba! Tulak ka ng tulak!" Pagrereklamo ko sakanya.

"Ang gwapo ko kasi eh."

Napa-tss nalang ako tapos tumayo para ihatid sya hanggang pinto lang ng kwarto ko. Tinatamad akong bumaba eh. Hahaha.

Pupunta nga pala yan sa Day Care. Diba nga kasi nagsuntukan sila ni Clyde? Kaya ayun. Ayun yung pinataw na parusa sakanya nung disciplinary president: ang magturo sa mga bata. Three weeks lang naman pero para sakanya matagal na yun. Okay lang naman sakanya kasi mahilig yan sa mga bata.

Hi there! Let's keep on praying for everybody's safetyness knowing that the coronavirus is spreading fast all over the world.

Transitioning to the story, malapit na po ang ending. Please let me know your feedback/thoughts to this story. Here are my accounts:

IG: _callmejenniee

Twitter: @iamgenibabe

Shoutout to Elle! She sent me a long and sweet message on IG which motivated me to update this chapter. Love you!

envievecreators' thoughts
Siguiente capítulo