webnovel

Chapter 24: Hanky

Masakit yung kamay ko... I mean yung wrist ko ah basta! Kanan pa naman kaya nahihirapan akong magtype :(

Pero kahit masakit, go! Update pa rin. Ganyan ko kaya kamahal >;')

Ipu-push ko 'to just like a SISTAR.

Push push jhen-jhen just like a SISTAR!

Haha. Imbes na baby naging jhen-jhen eno? Haha. Ako na adik sa SISTAR <3

*********************************************

"Bespren, gusto mo?" Pag-aalok ko kay Chloe.

Umupo ako sa tabi nya tapos sa tabi naman ni Zai si Zoid.

"What's that?" Tanong nya habang nakatingin sa sandwich.

"Sandwich."

"Alam ko =____="

"Chicken sandwich. Kagat ka." Nilapit ko sa bibig nya yung sandwich.

Akala ko ilalayo nya at sasabihing, "Duh!" Pero natuwa ako kasi kumagat sya. Hihi! The way she did that, nawawala yung pagiging maarte nya.

Habang nginunguya nya yung sandwich, nakakunot yung noo nya kaya nagtanong ako ng "Bakit".

"Where did you get that? That sandwich tastes kinda familiar. Ganyan ka-delicious gumawa ng chicken sandwich si..." she paused then looked at Zoid who was staring at Zai.

Si Zai naman nakatingin lang saaming dalawa ni Chloe as if hindi nya napapansin ang presence ni Zoid.

"Kay Zoid galing yan eh." Sagot ko kay Chloe habang nakatingin kay Zai.

Nakatingin din sya sa'kin pero parang nasa katabi nya pa rin ang atensyon nya. Wait a minute, iniiwasan ba nya ang maboy nya?

"Pakagat pa, bespren." Gulat akong tumingin kay Chloe.

"T-tinawag mo kong bespren?"

"Duh?" She rolled her eyes tapos kinuha yung kamay kong nakahawak sa sandwich para makakagat sa sandwich.

Nagkwentuhan lang kami ni Chloe hanggang sa maubos na yung sandwich. Si Zailie kasi napakatinong kausap eh =_____= Silang dalawa ni Zoid.

"Haluh, nauuhaw ako. Wait lang, bespren. Bibili lang ako ng tubig." Paalam ko kay Chloe at tatayo na sana para bumili pero pinigilan nya ko.

"Ito nalang." She offered. Tinanggap ko naman tapos ininom.

Zai's POV

"Kanina pa ko text ng text at tawag ng tawag sa'yo pero bakit di mo sinasagot?"

Kanina pa sya tanong ng tanong, hindi ko naman sya pinapansin. Heto na naman sya, nasa tabi ko na naman. Alam ko namang pinuntahan nya lang ako kasi bored siguro sya.

"Chloe," pagtawag ko kay Chloe ng mahina. Hindi nya ata narinig kasi nag-uusap sila ni Sophi.

"Chloe," pagtawag ko ulit sakanya.

Kukunin ko na kasi yung cellphone ko na kinuha nya kanina nang makaalis na ko dito.

Inayos ko yung bag ko atsaka tumayo. Hinawakan ako ni Zoid sa braso para siguro pigilan.

Bakit? Kapag umalis ako sa tabi nya ngayon mawawalan sya ng libangan? Bakit ako pa? Eh ang dami namang babae dyan.

I stared at him briefly showing no expression then removed his grasp on me.

"Chloe, akin na yung cellphone ko."

Napatigil naman silang dalawa sa pag-uusap at napatingin sa'kin. Sabay silang tumingin kay Zoid tapos saakin naman ulit.

"Why? Aalis ka na ba?" Tanong ni Chloe.

Tumango naman ako.

"Ang bilis naman. Kumain ka na ba?" Sophi asked.

"Di pa ko gutom eh. Atsaka, nakalimutan ko may gagawin pa pala ko."

"Hmmm. Kay." Nagshrug si Chloe bago kunin yung cellphone ko sa bag nya.

Pagkaabot na pagkaabot nya sa'kin ng cellphone, nagbye ako sakanila atsaka umalis.

Good job to me.

Nagawa ko syang iwasan kahit na sobrang hirap.

Sana magtuloy-tuloy na 'to.

Sumakay ako ng elevator. Naisipan kong magpunta nalang sa library. Magbabasa nalang ako ng kung anu-ano doon hanggang sa ma-occupied ng maraming bagay yung utak ko at hindi puro Zoid.

*ting*

Hahawakan ko na sana yung doorknob sa library ng may biglang humila sa'kin.

"Mag-usap nga tayo." Seryosong sabi nya.

"Excuse me," automatic naman kaming umusog ni Zoid. Nahaharangan na pala namin yung entrance door ng library.

Tinitignan ko yung lalaking nag-excuse. Ang weird nya kasi eh. Todo yuko na parang hiyang-hiya ipakita yung mukha nya.

Bago sya tuluyang makapasok sa library, inangat nya yung ulo nya para makita ako. Tss. Yung blockmate ko palang nerd, si Joshua.

"Iniiwasan mo ba ko?" Nabalik ang atensyon ko kay Zoid.

"Hindi." Pagsisinungaling ko tapos maglalakad na sana para pumasok sa loob ng library pero hinila na naman nya ko.

This time, mas malakas tapos itinulak nya pa ko ng mahina. Nararamdaman ko ang malamig na dingding sa likuran ko.

"Talaga hindi? Eh anong tawag dyan sa ginagawa mo? Galit ka ba dahil sa hinayaan kitang umuwing mag-isa nung isang gabi?" He placed his palm against the wall, sa gilid ng mukha ko. "Sorry." He mumbled, head down.

"Hindi dahil dun, Zoid." Napaangat yung ulo nya at tinitigan ako ng matagal. Hindi ko alam kung dahil ba sa tinawag ko syang Zoid o ano. "Hindi ako ganun kababaw."

I need to pushed him para makadaan ako and I successfully entered the library without him following me.

Napahinga nalang ako ng malalim bago i-deposit sa counter yung bag ko.

Nagpunta ako sa tourism section at kumuha ng librong principles of tourism. Pumwesto ako sa corner na para sa mga gagamit ng laptop. Yung pwesto kasi doon ay may desk na nakadikit sa wall so kapag umupo ka sa swivel chair, kaharap mo yung wall. Basta yung ayos nya ay kagaya doon sa mga computer shop.

Hindi ko naman masyadong maintindihan yung binabasa ko kasi naluluha yung mga mata ko. Alam ko ng ganito ang mangyayari kaya dito talaga ako pumwesto.

Maya-maya, tuluyan na kong tinraydor ng luha ko. Hinayaan ko nalang silang pumatak ng pumatak kasi wala rin namang makakapansin sa'kin, I guess. Parang pumunta lang ako dito sa library hindi para magbasa kundi para magsenti at umiyak.

Napababa yung tingin ko sa panyong nakalahad sa harapan ko. At nung tinignan ko kung sino ang may hawak nun, napangiti ako ng bahagya.

Si Joshua, naka-reach out yung kamay nya sa'kin na may hawak na panyo nang hindi nakatingin sa'kin. Gamit ang isang kamay, ayun yung pinanghahawak nya sa libro na binabasa nya.

I took it and said my thank-you to him.

Minsan talaga kung sino pa ang taong hindi mo close, sila pa yung taong makakapagpagaan ng loob mo.

"Bakit ka tumawag, boss?" Napatingin ako sakanya nung magsalita sya.

Boss? Working student ba sya? Wow!

Nung nahuli nya ko na nakatingin sakanya, medyo tumalikod sya.

Joshua's POV

Napansin kong nakatingin sa'kin si Zailie kaya tumalikod ako sakanya.

May pagka-tsismosa din pala ang babaeng 'to?

[Kamusta sya dyan?] Tanong ni boss Zoid mula sa kabilang linya.

Autistic talaga 'tong dalawang 'to. Bago ako pumasok ng library kanina nakita ko pa silang magkasama. Tapos ngayon tinatanong nya kung kamusta na sya? Tch.

Wala pa ngang 30 minutes ang tinatagal na naghiwalay sila simula kanina eh.

Lumingon ako kay Zailie tapos nakita syang nagbabasa na ng libro. Tumalikod ulit ako bago sagutin si boss, "Umiiyak eh."

Nakarinig ako ng malakas na buntong hininga mula sa kabilang linya.

"Binigyan ko ng panyo." Sabi ko.

Hindi naman ako inutusan ni Boss Zoid na gawin ko yun pero blockmate ko pa rin sya atsaka babae sya. Gentleman ako eh (^___^)

Besides, blockmate ko sya kaya may care pa rin ako sakanya kahit na palagi ko syang kalaban sa recitations at pataasan ng grades. Isama mo na rin yung pagandahan ng project.

[Salamat.]

Nanlaki yung mata ko sa sinabi nya.

Nag-thank you sa'kin si Boss? O.o

Ang dami ko ng nagawa sa mga utos nya like:

* Wag umuwi hangga't di pa nakakapasok si Zai sa loob ng bahay nila.

* Ipagtanggol kapag may nang-aaway sakanya.

Oo napagtanggol ko na sya. Doon sa garden, nandoon si Clyde tapos sumigaw ako ng: UMALIS KA NA!

At dahil sa natakot sa'kin si Clyde, sumunod sya. Ang tapang ko noh?

Tapos basta! Marami pa kong nagawa pero ngayon lang sya nagthank you to think na maliit na bagay lang ang nagawa ko.

Magsasabi pa sana ako ng welcome pero nung napatingin ako sa screen ng phone ko, wala na yung call.

Haaay. Kelan ko kaya mararanasan na ako yung unang magbababa ng tawag?

Tumayo na si Zailie kaya naman agad kong sinara yung librong hawak ko atsaka tumayo na din.

Nasa likuran nya ko habang naglalakad sya.

*Kring.. kring*

Pinapatunog nung librarian yung bell. Bakit naman kaya? Wala namang maingay, ha?

Hindi ko nalang pinansin at nagpatuloy sa pagsunod kay Zailie. Parehas din naman kami ng pupuntahan eh. Sa counter para kunin yung mga gamit tapos same building and room pa kami. Blockmate nga kami, diba?

*Kring. Kring. Kring*

Anu ba yan! Nakakarindi na yang bell na yan, ha! Nakakaistorbo kaya sa mga estudyanteng nag-aaral dito! Psh. Ipaglalaban ko nga yan. Ipaglalaban ko na imbes na bell ang ipangsaway nila, ruler at tissue nalang.

Bakit ruler at tissue?

Simple lang.

Para kapag may nag-ingay, lalapit yung librarian at ihahampas yung ruler sa kung sino man ang mag-ingay. Tapos kapag bumukas yung bibig nung maingay para sumigaw ng "Aray" ipapalamon sakanya yung tissue.

Oh diba? Walang sagabal?

Ha-ha! Joke lang, noh!

*PAK*

Nagulat nalang ako nang biglang may nanghampas sa balikat ko. Ruler pa yung ginamit.

Bubuka na sana yung bibig ko para mag-aray pero may tissue ang pumasok.

"Asdfghjkl!"

"Kanina pa ko pa kinukuha yung atensyon mo pero bakit ayaw mo kong lingunin, ha?" Galit na sabi ni Mrs. Sungit este nung librarian na medyo mahina.

"Asffghjklzcxbcm."

"H-huh?"

Tinanggal ko yung tissue na nakapasak sa bibig ko para makapagsalita ako ng maayos.

"Sorry po, ma'am. Di ko naman po alam na ako po yung tinatawag nyo. Bakit po ba, ma'am? Nag-iingay ba ko mag-isa? Hindi naman po, ah!"

"Aba't pilosopo kang bata ka!" Hinampas nya ulit ako ng ruler at nung sisigaw ako ng "aray" pinasakan na naman nya ng tissue yung bibig ko.

Teka, ito yung sinabi ko na ipaglalaban ko ah.

Argh! Diba sabi ko JOKE lang? Eh bakit nangyayari sa'kin ngayon? Wala na. Dalang-dala na ko. Hindi na ko magsasabi ng good joke -.-

"Para sabihin ko lang sa'yo, iho, tangay-tangay mo yang libro. May proseso tayong tinatawag, iho, para makahiram ng libro. Hindi yung iuuwi mo nalang bigla."

Napatingin ako sa hawak kong libro tapos ngumiti (^____^)

Tinanggal ko yung tissue sa bibig ko para ipagtanggol yung sarili ko.

"Alam ko po, ma'am. Hindi po ako manghihiram. Sorry po talaga nawala sa isip ko eh. May sinusundan po kasi ako."

"Aba't sino yun?"

"NOYB po." Nakangiti kong sabi. 

(None Of Your Business.)

"Ok." Sagot nya pero nagtataka yung mukha nya. Di nya siguro na-gets yung sinabi ko. Haha!

"Isauli mo nalang yan. Wag ng uulitin."

"Opo, ma'am. Thank you po."

Tumango lang sya at bumalik na sa teritoryo nya. Tumingin ako sa buong library kasi lahat sila nakatingin sa'kin.

Nakakahiya ba?

Hmm... ewan. Di na ko nakakaramdam ng hiya eh. Araw-araw na kasi akong na-eexpose sa tao. Alam nyo na. Buhay nerd.

Nilingon ko yung counter, wala na si Zailie. Nakaalis na. Hay!

Naglakad nalang ako papunta sa bookshelf kung saan ko kinuha yung librong hawak ko para ibalik.

***

Kasalukuyan kong sinusundan si Zailie hanggang palabas ng gate.

Lakad lang sya ng lakad. Ako naman sunod ng sunod. Huminto sya sa paglalakad kaya naman nakaramdam agad ako ng panic.

Pushang gala! Hindi ko alam kung saan ako magtatago. Lumingon-lingon ako at woot! May nakita akong poste kaya naman dali-dali akonh nagtago sa likod nun.

Sumilip ako ng konte.

Ha?

Kumunot yung noo ko kasi wala na sya. Patay! Nasaan na kaya yun? Lumabas na ko sa likod ng poste.

"Lagot ako kay Boss neto. Nasaan na ba yung Zailie na yun?"

"Nandito." May biglang sumagot.

"Ha?"

"Nandito ko sa likuran mo."

O____O

B-boses ni ano yun ah!

"A-aray!" Napasigaw ako kasi bigla nyang piningot yung tenga ko at hinila paharap sakanya.

"Brutal ka! Sumbong kita sa mama ko!" Sabi ko sakanya habang hinihimas yung tenga ko na piningot nya. Ansaket ampusha!

"Stalker ka naman! Sumbong kita sa pulis eh." Nagcross arms sya tapos tinitigan ako. "Sino yung sinabi mo kanina na Boss mo?" Tanong nya pero mukhang alam na nya kung sino.

"W-wala." Umiwas nalang ako ng tingin.

"Sasabihin mo o sasabihin ko kay Red na crush mo sya?"

O/////O

Pa... paano nya nalaman yun?

"Akala mo ba hindi ko napapansin na kapag kasama ko si Red, kung titigan mo sya parang wala ng bukas? Ano! Sabihin mo kung sino yang boss mo. Ibubuking kita kay Red sige ka!"

"Psh. Parehas talaga kayo ni Zoid. Bagay na bagay kayo ang hilig nyong mangblackmail-----"

WTF! Bigla kong tinakpan yung bibig ko gamit ang kamay ko.

"So tama ang hinala ko na si Zoid ang nag-uutos sa'yo na i-stalk ako? Akala mo ba manhid ako para hindi malaman na madalas mo kong sinusundan pauwi o kung saan man ako magpunta?" Lumapit sya sa'kin na parang susugurin ako kaya naman napaatras ako.

"Easy ka lang. Pinapa-stalk ka nya sa'kin para bantayan ka."

"Ako?" Tinuro nya yung sarili nya. "Babantayan mo?" Tinignan nya ko mula ulo hanggang paa tapos tumawa ng malakas.

May mali ba sa outfit ko? Wala lang naman akong suot na coat tapos naka-tuck in lang ako. Nilagyan ko pa ng strap yung uniform ko para maganda (^___^) Sabi ng mama ko kanina bago ako umalis para daw akong si Bonjing. Pero di naman ah! Cute nga eh.

"Hahahahaha! Sabihin mo dyan sa BOSS mo, kung pababantayan ako, doon naman sa matipuno. Yung malakas at kayang-kaya akong ipagtanggol! Hahahaha!"

"Minamaliit mo ba ko?"

"Medyo lang. Ah basta! Tigilan mo na yan."

"Pero aawayin ako ni Boss."

"Edi sabihin mo ako nag-utos sa'yo." Nagsimula na syang maglakad. Nung nasa tapat ko na sya tumigil sya para tumawa na naman tapos nagpatuloy na ulit sa paglalakad.

Sinundan ko sya ng tingin at sumigaw, "Pero Zailie---"

"Wag na sabi eh! Kaya ko na yung sarili ko. Kapag hindi ka tumigil isusumbong talaga kita." Sigaw nya pabalik habang nakatalikod at patuloy lang sa paglalakad.

May kotseng huminto sa harapan nya. Binuksan nya yunh pinto at bago pa sya makapasok sumigaw ulit ako, "Zailie wag kang sumakay dyan! Baka mapa'no ka na naman. Baka tauhan ni Clyde yan."

Natawa na naman sya bago tumingin sa direksyon ko. "Thanks for your concern pero kotse namin 'to at nanay ko yung nasa loob."

Maya-maya, may ulong dumungaw sa kabilang side ng kotse. "Hi, iho!" Bati nung nanay nya ata habang nagwi-wave ng kamay.

"H-hello po!" Nagwave din ako ng kamay sakanya habang nakangiti ng pilit tapos tumingin ulit kay Zailie.

"Bye, Joshua! Ingat sa pag-uwi." Ngumiti sya bago pumasok sa loob ng kotse.

Zai's POV

"Cute." Mom said out of nowhere with giggling.

"Sino po? Si Joshua?"

"Uh-ha." Tumingin sya sa'kin saglit habang nakangiti tapos sa daan na ulit.

Ngumiti nalang din ako tapos tumingin sa bintana na nasa tabi ko.

Inutusan ni Zoid si Joshua para bantayan ako? It's really kind of sweet but weird at the same time.

Bakit naman kaya kailangan pa nya kong pabantayan? Malaki na naman ako ah! I can handle myself. Besides, wala namang masamang nangyayari sa'kin para pabantayan diba?

One more weird thing,

Kelangan si Joshua pa talaga ang uutusan nya?

Siguiente capítulo