"Kotse nya ba yan?" He pointed a black porsche using his lips.
I nodded.
"Tss. Wag kang lalapit sa lalaking yun."
"Ang sama mo! Bestfriend ko pa rin yun kahit papa'no."
"Bestfriend? Tsk. Pero kung makayakap sa'yo, wagas! Bestfriend pa ba yun?"
"Selos na naman? Wala ka naman dapat ikaselos eh."
"Kasi ako ang mahal mo. I know." He let out a sighed. "Okay lang na magpayakap ka sa BESTFRIEND mo, wag lang magpapa-kiss kahit sa cheek lang. Ako lang ang pwede."
"Opo, boss." (^___^)/ I salute
"Sige na, pumasok ka na sa loob. Magkabati na sana kayo ng bestfriend."
"Okay."
Pagkapasok ko sa loob, sya ang bumungad sa'kin.
"Can we talk now?"
"Okay. Pasalamat ka, good mood ako ngayon."
He looked down and sighed then looked at me again.
"Dun tayo sa terrace."
Naglakad ako papunta sa terrace namin, sumunod naman sya.
Almost 8pm na ngayon. Ganyan kami lagi ni Zoid. Parang ang bagal ng oras kapag magkasama kami. Everyday syang nasa bahay namin at gabi na sya umuuwi. Kaya ang labas, lagi namin syang kasama ni mommy mag-lunch at dinner. Minsan nga, sya na yung nagluluto ng foods eh.
At syempre, araw-araw nya akong pinagbi-bake ng alam nyo na *__*
LASAGNA *O*
Lumapit ako sa railings sa terrace namin, arms folded above it. "Explain now."
He stand beside me.
"Hindi ko naman talaga ginusto na umalis ng matagal eh."
"Pero ginawa mo." Puno ng bitterness ang tono kong sinabi sakanya yan.
"Vacation lang naman talaga ang ipinunta namin sa Japan. Pero nagkasakit si *grandpa trans*. Hiniling nya na kung pwede daw, dun kami tumira sa Japan bago sya mamatay."
"H-hindi mo man lang sinabi sa'kin."
"I'm sorry about that. Sobrang dami kasi ng family problems namin that time. Nag-aaway-away na yung ibang relatives namin dahil sa manang iiwan ni *grandpa*. Pati ako nahahawa sa problema nila. Nagkakagulo silang lahat, even my parents. Ako yung nag-iisang tumingin at nag-alaga kay *grandpa trans*."
Tinignan ko sya. Nakayuko lang sya, pero nakikita ko ang pag-agos ng luha nya.
I witnessed kung gaano nya kamahal yung lolo nya. Kahit nga naglalaro kami sa bahay namin, dala-dala nya yung phone na. May schedule sila kung anong oras sila magbi-video chat.
"S-sorry... hindi ko alam."
Pasimple nyang pinunasan yung luha nya at tumingin sa'kin ng naka-ngiti.
"Okay lang. I understand you. Atsaka.... he passed away last six months."
Napatakip ako ng bibig at mabilis syang niyakap.
"Sorry. Di ko alam na ganyan pala ang pinagdaanan mo. Sorry talaga."
"Don't be." He hugged me back.
"Kelan ka pa natuto umiyak...
OSTRICH?"
Bumitaw sya sa yakap at tumingin sa'kin tapos tumawa. Pati ako natawa.
"I missed being called by that, Zailieliling." He laughed again. Actually, WE laughed again.
Inakbayan nya ko gaya ng palagi nyang ginagawa dati.
"Ang daya mo. Nawala lang ako ng six years, my first boyfriend ka na."
"Pa'no mo nalaman na sya yung first boyfriend ko?"
"Kay tita Zail. Di mo ko inantay."
"Ang tagal kaya ng six years! Besides, I love Zoid very much."
He faked a laugh, "You are so inlove."
"I know. Ikaw? Musta lovelife?"
He shook his head.
"Wala?" I asked.
"Wala. May inaantay kasi ako eh. Unfortunately, yung taong inaantay ko.... may mahal na."
"Saklap naman nyan, Ostritch!"
He smiled at me then ruined my hair.
"I heard, may kapatid ka na daw?"
"Yeah. And Oh! Buti pinaalala mo. May aasikasuhin kasi ako para sa school eh. And walang magbabantay kay Aki, sya yung little brother ko. Alam mo naman ang parents ko, masyadong workaholic. Pwede bang iwan ko muna sya sainyo?"
"Hmmm. Sounds great! Pero, saan ka mag-aaral?"
"DH Academy. Second year college and taking architecture."
"Wow! Magkikita tayo sa school." I smiled at him.
Na-miss ko talaga ang bestfriend ko.
Miss na miss...
* * *
"Sino yan?" Zoid asked as he entered my room.
Yeah. Hindi sya kumakatok =___=
Yung tinatanong nya na kung sino ay si Aki. Naglalaro sila ni Zoidie. Ahaha.
"Sya si Aki Komoyaki. Kapatid ni Aldrich."
"Otousan wa dokoda, okaasan?" [Where's daddy, mommy?] Tanong ni Aki nung narinig ang pangalan ni Aldrich. Hawak-hawak nya si Zoidie.
At bakit okaasan [mommy] ang tawag nya sa'kin?
Blame OSTRICH =.=
Sinabi nya kay Aki kanina bago sya umalis na ako ang okaasan nya at sya naman ang otousan nya.
Lumapit sa'min si Zoid at umupo sa edge ng bed.
"Bakit okaasan ang tawag nya sa'yo?" Tanong nya.
O_____O
Marunong ng Japanese language si Zoid?
Naintindihan nya nga si Aki eh =____=
"Si Ostr--- este Aldrich ang may pasimuno."
"Okaasan, who's him?*" Aki asked, pointing Zoid.
"Her husband. The father of what you are holding at."
Yung itsura ni Aki, parang di makapaniwala.
Anak daw namin yung bear >,<
"Sono okotta kore wa dono yō ni shinde iru." [how did that happen? This is lifeless]
"Sore wa okottanode." [Because it happened.]
Kinalabit ako ni Aki na parang nagtatanong kung totoo yung sinasabi ni Zoid na anak namin yung lifeless bear -.- Well, I nodded with a smile.
"Aki, sabi ng ..." Napahinto ako sa pagsasalita at tumingin kay Zoid. Nag-aalilangan akong sabihin na.....
bahala na nga >,<
"Sabi ng Aldrich-otousan mo, marunong ka daw magtagalog. Wag paduguin ang ilong ni okaasan, okay?"
"Okay po!" ^___^ Hyper na sagot nya.
"Good boy." Ginulo ko yung buhok nya.
"Mama, pwede po tayo pumunta sa park?"
"Sure baby, kelan mo gusto?"
"NOW!" Tumayo sya sa kama ko at nagtatatalon.
"Aki is going to park! Yehey!" Pumapalakpak sya habang nagtatatalon.
"Mr. Her-husband-the-father-of-what-you-are-holding-at, are you coming with us?"
Talino ni Aki *U*
"Kelan ka pa naging mahilig sa bata?" He asked me, ignoring Aki's offer.
"Nung dinala mo ko sa Philos Orphanage. Dun ko na-realize kung gaano ka-cute ang mga bata." Hinila ko si Aki at pinisil yung magkabilang pisngi. "Ano, sasama ka ba?"
Tumingin sya sa'kin ng mga ten seconds bago um-oo. Oo din pala. Haha.
"Maliligo lang ako." Sabi ko at tumayo, then naglakad papunta sa closet ko.
"Mama Zai, sabay po tayo maligo." Tumayo si Aki at naglakad palapit sa'kin, pero hinila sya ni Zoid at binuhat paupo sa lap nya.
Para silang mag-ama tignan ^u^
"Hindi pwede, Aki."
"Why po?"
"Bawal syang maligo na may kasabay na kahit na sinong lalaki."
I nodded, agreeing on his statement. Naghanap ako ng pwedeng suotin sa closet ko.
Simpleng shirt lang ang kinuha ko then shorts. Di kasi ako sanay na naka-jeans. Nahihirapan akong kumilos at the same time naiinitan ako.
Tumayo ang lahat ng balahibo ko nang marinig ang karugtong sa sinabi ni Zoid.
"Ako lang ang pwede."
>//////< ackkkk...
Binato ko sa mukha nya yung shirt na napili ko, (mabuti nalang hindi tinamaan si Aki) at tinitigan sya ng masama. He just laughed at me in a return.
Si Zoid ang nagpaligo kay Aki dun sa shower sa baba. Fortunately, nag-iwan ng mga extrang damit ni Aki si Aldrich.
Matapos namin mag-ayos, naglagay ako ng baby powder at towel sa bag.
Pumunta ako sa kwarto ni mommy para mag-paalam. Ka-chat nya pa si daddy sa skype. Pumayag naman sya, basta daw ingatan si Aki.
*** PARK
"WOW! Ang dami pong bata dito, mama. Tara..." Hinila nya ko papunta sa maraming batang naglalaro.
Nilingon ko si Zoid na nasa likuran ko. Naka-poker face lang sya habang naglalakad at may bitbit na bag.
I find him hot >o<
"Mama, maglalaro ako! Please!"
"Sige lang. Dito lang kami sa bench na 'to, okay? Wag kang pupunta sa lugar na hindi namin matatanaw. And... kapag napagutom ka, punta ka agad dito."
"Opo! Sige po, Mama. Mr. Her-husband-the-father-of-what-you-are------"
"Oo na. Maglaro ka na dun." =__________=
Tuwang-tuwa naman si Aki na tumakbo papunta sa mga batang naglalaro. Nilapag ni Zoid yung bag na bitbit nya at umupo sa tabi ko.
Pinanonood lang namin ang mga batang naglalaro. Haist. Nami-miss ko tuloy yung mga bata sa philos orphanage.
"I wish I can play as they can." He said out of nowhere, seriously watching children playing. He chuckled, "Ang tanda ko na para maglaro. Sayang, di ko manlang na-experience ang maglaro ng ganyan kasaya."
Tahimik lang ako. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko.
Maya-maya, biglang lumapit si Aki sa'min na hinihingal. Halatang dahil sa kakatakbo.
"Mr. Her-husband-the-father-of-what-you-----"
"Ano bang sasabihin mo? Hinihingal ka na nga, pinapahaba mo pa yung pangalan ko."
"Di ko po kasi alam yung pangalan nyo, Mr. Her-husband-the-father-----"
"Tama na. Ano ba kasi yun?"
"Naglalaro po kasi kami ng hide and seek, tapos nataya ako. Ayoko pong mataya."
"Di pwede yun, Aki. Be unfair."
"Fair po ako! Promise!" Tinaas nya pa yung kanang kamay nya.
"Eh, anong pinaglalaban mo?"
"Hindi ako magiging taya kung may ipapalit ako. Sabi ko, dadalhin ko si Mr. Her-husband-the-father-of----"
"Oh, tapos?"
"Ikaw po yung magiging taya."
O____O
=_____=
"Bakit ako?"
"Kayo po ang gusto ni Aki eh! Sige na po, please! Please po, Mr. Her-husband-the-father-of---"
"Oo na!" Tumingin sya sa'kin na parang nagpapaalam.
Nginitian ko sya ng bonggang-bongga sabay tango. "Wag ka lang masyadong magpapagod, okay? Dun ka na, maboy! Play well." ^___^
Nag-'tss' lang sya. Pero I know na deep inside, gustong-gusto nyang maglaro.
Napapangiti ako kapag nakikita kong tawa ng tawa si Zoid habang nakikipaglaro sa mga bata. Ang daming mga babae ang nanonood sakanila.
As usual, mga admirers ni Zoid =____=
I even took stolen glances from them while playing.
More on ay kay Zoid. Ang dami kong stolen pictures nya na tumatawa habang nakikipaglaro sa mga bata.
Nung nakita kong lalapit na sila Zoid, agad kong binuksan ang bag at kinuha ang dalawang towel at baby powder.
"Ang saya-saya ni Aki!!!" Tumatalon habang naglalakad si Aki.
Si Zoid naman, nakangiti.
Makita ko lang na masaya sya, daig ko pa ang nanalo sa lotto.
"Mama, gutom na po si Aki!" Sabi nya habang umuupo sa bench na nakahawak sa tummy nya.
"Sige, bibili lang ako."
"Ako na, Louise ko."
"Louise ko?" Nagtatakang tanong ni Aki.
"She's not your property so don't call her Louise ko."
"Then, she's your property?"
"Yes."
"Then I'll call her, Mr. Her-husband-the-father-of-what-you-are-holding-at's Louise?"
"Ah-huh."
Spell OP?
Ako yun -___-
"Bibili lang ako."
"Ako na sabi."
"Ako na! Pagod ka, okay? Ako na maboy."
Hinawakan ko sya sa magkabilang braso at pinaupo sa bench.
"Maboy? Is that a shortcut for Mr. Her-husband-the-father-of-----"
"Yeah, so stop it now."
Tinawanan ko lang silang dalawa pero tinitigan ako ng masama ni Zoid.
Kei, fine!
Eto na nga, eh. Aalis na ^0^
Zoid's POV
"Mr. Her-husband-the-----"
"Oh? Any problem?"
Tss... =_____=
Pinahaba pa yung pangalan ko.
"Ang tagal naman po ni Mama Zai."
"Mama mo sya?"
"Opo. Sabi po ni *kuya aldrich* Mama daw po ang itawag ko sakanya, tapos Papa naman sakanya."
"Hindi mo sya Papa. Kuya mo sya."
"Eh? Pero sabi po nya----"
"Kuya mo lang sya...
ako ang Papa mo."
"Uhhh... Edi hindi na po Mr. Her-husband-the-father-of-what-you-are-holding-at ang itatawag ko sainyo? Papa na po?"
"Uh-huh. Papa Zoid."
"Papa Zoid tapos Mama Zai. Yehey!" Pumalakpak sya. "Pero bakit po hindi ko pwedeng maging Papa si Aldrich? Pogi naman sya eh. Bagay sila ni Mama Zai."
"Hindi sila bagay. Your Mama Zai is the most beautiful girl in the world kaya ang bagay lang sakanya ay isang katulad ko na saksakan ng gwapo. Panget ang kuya Aldrich mo kaya hindi sya bagay kay Mama Zai mo."
"Panget si *kuya* ko? Hmmm. Edi panget din pala ako?"
"No, you're not. Kuya Aldrich mo lang ang panget."
"Eh, ikaw po?"
"I'm the most handsome guy in the whole wide world."
"Eh, ako po?"
"Pang-second ka lang."
Maya-maya, dumating na si Zai na may dalang paper bag.
Zai's POV
"Anong binili mo?" Tanong ni Zoid habang nakatingin sa paper bag na hawak ko.
"6 saucers, 3 fries na extra large, 4 coke-in-can at dalawang chuckie para kay Aki!" Umupo ako sa tabi ni Aki. Nasa gitna namin sya ni Zoid.
"Ang dami mo namang binili."
"Syempre, alam kong pagod kayo eh. At kapag pagod....."
"KAILANGAN NG MARAMING PAGKAIN!!!" Masiglang dugtong ni Aki sa sinabi ko.
Habang kumakain, kung anu-ano yung pinag-uusapan namin. At hindi na Mr. Her-husband-the-father-of-what-you-are ang tawag ni Aki kay Zoid, kundi Papa Zoid na.
Ano kayang nangyari nung wala ako? Hmmm...
"Wow! Ang cute naman nila. Perfect family." May babaeng huminto sa harap namin. Mga kasing-age ko lang siguro sya or mas matanda pa sya ng one year or two. Basta. Infairness, ang ganda nya. At ang gwapo din ng kasama nya although naka-shades. "Hello po! Pwede ko po ba kayo kuhanan ng family picture? Ang cute-cute nyo po kasing tignan eh. Ang ganda po ng combination nyo."
"Ah-eh...." Sasabihin ko na sana na hindi namin anak si Aki kasi bata pa kami pero inunahan na ako ni Zoid.
"Sure, you can take us a picture." Napatingin ako sakanya, kinindatan nya lang ako.
"WAAAAA~ THANK YOU PO! Nhie, wait lang, ah? Pi-picturan ko lang sila."
Tumango naman yung kasama nyang lalaki. Teka... parang may kamukha syang artista? mmm.. di ko alam kung sino. Di naman kasi ako mahilig sa showbiz eh.
Binuhat ni Zoid si Aki at pinaupo sa lap nya. Hinila nya ko palapit sakanya tapos inakbayan ako.
"One... two... three."
*click*
"WOW!!! Ang cute talaga. Thank you po. By the way, I'm Genibabe. And this is Steven."
Nginitian kami nung Steven. Kyaaah~ Ang gwapo! Kung wala lang akong boyfriend, kanina pa ko kinikilig ng bonggang-bongga!
"I'm Zailie... this is Aki.."
"Hello po!" ^___^
"And this is Zoid."
"WAAAA~" Lumapit sya kay Zoid at hinablot yung kamay para makipag-shake hands. "Ang gwapo-gwapo nyo po! Kamukha nyo yung character sa The Heir na crush na crush ko!"
=____=
Sige lang! Girlfriend here!?
Inalis nung Steven yung kamay ni Genibabe na nakahawak kay Zoid.
"Pasensya na kayo. Tara na nga, nhie! Nababaliw ka na naman!"
"Eh kamukha nya kasi si Lee Min Ho eh. Crush ko kaya yun!"
"Lee Min Ho na naman." =___= Nag-walk out yung Steven.
"Haluh, nhie!!!!" Tinawag nya si Steven, pero hindi lumilingon. Dire-diretso lang sa paglalakad. Tumingin ulit sa'min si Genibabe. "Sige po, alis na po ako. Nagselos na naman yung mahal ko. Hihi. Bye po. Bye baby, bye parents!" She wave at us while smiling widely then tumakbo na at hinabol si Steven.
How sweet :3
7pm na nung ihahtid kami ni Zoid sa bahay galing Park. Niyaya ko sya na sa'min mag-dinner, pero tumanggi sya. Uuwi daw kasi sya ngayon sa bahay nila. Nagtatampo na daw yung mommy nya dahil minsan nalang sya bumisita.
Pagpasok namin ni Aki sa bahay, as usual... si Aldrich ulit ang bumungad. Tinawag na kami ni mommy para mag-dinner. After nun, nagbonding muna si Aki at si mommy. Kami naman ni Aldrich, nasa living room. Nanonood ng Got to believe.
"Ganun ba talaga kayo ng boyfriend mo? Araw-araw magkasama?"
"Hmm-mmm." Sagot ko sakanya nang di inaalis ang paningin ko sa flat screen TV namin na nakadikit sa wall.
"Di kayo nagkakasawaan?"
This time, napatingin ako sakanya. "Ofcourse not!" Nanood ulit ako ng GTB.
"Palagi mo naman syang kasama... pwede bang...
ako naman?"
Napatingin ulit ako sakanya.
"I mean.... kahit bukas lang. Bonding naman tayo. Tagal natin di nagkita eh."
"Uhhh.."
"Looks like you have other plan with your boyfriend. Sige, ok lang. Kahit sa ibang araw nalang."
"Hindi! Wala naman kaming plano ni Zoid bukas, eh. Sure, bonding tayo bukas. Stroll tayo sa mall." I smiled at him, he smiled back.
So, it's settled. I have a date with my bestfriend tommorrow.