"ZAILIE! FOCUS!"
"Ah, B-bakit po?"
"GOSH! Kanina pa kita sinisita! Bakit ba parang wala ka sa sarili mo?"
Andito kami ngayon sa field. Nagpa-practice ng sayaw. Genie ng SNSD yung sa'ming official dancers at Loving U ng Sistar naman ang sa mga lower batch. (SENIORS ANG MGA OFFICIAL DANCERS)
"S-sorry po, Ma'am."
"What's bothering you?"
"Madami po."
Iniisipi ko kasi kung ano yung nangyari kay Mommy nung nagpunta sya sa Principal's office.
At isa pa, si ZOID!
Ang uniform kasi ng mga boys dito sa DH Academy, is white long sleeve then may black na coat, tapos may grey na necktie.
Pero sya, hindi sya naka-necktie ngayon. Naka-unbotton din yung first-three buttons ng long sleeve nya tapos naka-coat. Gets nyo ba?
Ganun yung itsura nya nung una ko syang nakita. Tapos binalik na nya yung mga gestures nya as a playboy. Yung mga mata nya na kung makatingin ay nang-aakit.
Haist... Bumalik na naman ang dating Playboy.
"Haaayyy... buhay nga naman. Bukas ka nalang kaya sumama sa practice? Hindi ka kasi makapag-focus eh. Pumunta ka nalang sa college compound then papirmahan mo na yung mga dapat pa-pirmahan. After that, go home and take a rest. May practice ulit bukas and PLEASE! PLEASE FOCUS! Kung titignan, simple lang ang dance steps na gagawin natin, pero hindi, kaya kailangan mong mag-concentrate. Maasahan ko ba yun, Zailie?"
"Opo, Ma'am. Sorry po. Bukas po talaga, magko-concentrate na po ako."
"Sige. Ingat ka."
I nodded then naglakad papunta sa mini park. Dun kasi naka-park yung school eco cars eh. Malayo kasi yung compound ng College dito sa highschool, kaya kailangan mo pang sumakay sa school eco car. Gawa pa yang eco car na yan sa Japan. At syempre, ang DH Academy lang ang meron nito sa Pilipinas.
Papapirmahan ko kasi sa adviser ng college dance club yung file para sa college ko, hindi na ko mahirapan sumali sa dance troop. Then, kapag napirmahan na ng adviser ng college dance club, sunod naman ay sa head na ng Dance club.
Nung napapirmahan ko na, naglibot-libot muna ako dito sa college compound. Bukas ko nalang papapirmahan yung file sa head ng dance club. 3:57pm na kasi ngayon eh hanggang 3:00pm lang yun dito sa academy.
Infairness ah! Mas malaki sya kaysa sa compound namin. Nae-excite na tuloy akong mag-college.
*0*
Nang nakaramdam na ko ng pagod, napagpasyahan kong bumalik na sa compound namin para kunin yung mga gamit ko at nang makauwi na.
Habang naglalakad ako sa hallway, nanlaki yung mga mata ko ng makita ko si Zoid.
Hindi pa ba sya umuuwi?
Naka-lean sya sa may railings, tapos may ka-akbay syang dalawang babae na college students. Magkabilaan pa. Playboy attack. >__________<
Hindi nila ako napapansin, kasi busy sila sa business nila. Psh.
"Haha. Malapit ka ng grumaduate. Makakasama ka na namin palagi. Hihi." -landi 1
Hanglandee -.-
Ngumiti lang si Zoid sa kanya.
"Zoid, may girlfriend ka ba?" -landi 2
Hindi ulit sumagot si Zoid. He just smirked and bit his lowerlip.
Gaaa~ Ganung gesture lang, nakaka-inlove na (@___@,)
"Wala na, diba? Niloko lang naman sya nung Zailie na yun eh." -landi1
O_____O
Hanggang dito ba naman, kalat yung issue na yun?
"Sama naman ng ugali ng babaeng yun! Kung ako sya, di kita lolokohin, Zoid."
Nag-killer smile lang ulit si Zoid. Ayaw magsalita?
(_ _)",'
"Zoid, pa-kiss naman!"
O____O
So, babae na ang gumaganyan ngayon, ha? Tsk. Di manlang nalahian ni Maria Clara -____-
Hindi naman sumagot si Zoid. Mukhang gusto ata. Tumingala yung babae, tapos tumingin sa lips ni Zoid.
>//////< mukha nya. Parang gagu.
Nagtip-toe sya, tapos unti-unting nilalapit yung mukha nya kay Zoid.
"Ako next, ah!" Sabi nung isang babae.
PAYAG KA NAMAN, ZOID, HA?
1inch nalang yung pagitan nila, kaya lumapit na ko sakanila at hinila yung buhok nung babae para mailayo sa mukha ni Zoid.
Halatang gulat yung babae. Sasabunutan nya sana ako, kaso inunahan ko na sya. Tinabig ko ng malakas yung kamay nya.
"Subukan mo lang na hawakan yung buhok ko! Kahit matanda ka sa'kin, papatulan kita!" Banta ko sakanya, sabay hila sa kamay ni Zoid.
"ZOOOOOID!" Narinig kong pagmamaktol ng dalawa. Hinihila ko kasi si Zoid.
"Next time nalang, girls." Sabi ni Zoid in a flirt tone.
Nung nakalayo na kami, huminto ako sa paglalakad at hinarap sya.
"ANO BANG GINAGAWA MO, HA? PLAYBOY KA NA NAMAN? PAYAG KA NA HALIKAN KA NUNG DALAWANG YUN, HA?"
"Ano naman sa'yo?"
Para kong sinampal ng sabihin nya yun. I looked down. Oo nga naman. Ano nga naman sa'kin? Eh, hindi na naman kami (PARA SAKANYA. PERO PARA SA'KIN, KAMI PA RIN).
"Wala ka bang importanteng sasabihin? Aalis na ko." Tumalikod sya at nagsimula ng maglakad.
Hinabol ko sya tapos hinawakan sa braso at iniharap sa'kin. "M-may sasabihin ako sa'yong importante."
Inalis nya yung kamay ko sa braso nya, tapos nag-cross arms. Yung itsura nya ngayon, parang bored na bored.
"Alam ko galit na galit ka sa'kin. Pero------"
"Ano ba kasing sasabihin mo? Just say it directly!"
"Zoid, mahal kita!"
Halatang nagulat sya sa sinabi ko, pero agad din naman yun nawala.
"Haha. Ako?..." He pointed himself. "Mahal mo? Haha. Ano na naman bang arte 'to, ha? Ano na namang palabas 'to? Niloko mo na 'ko, diba? Naipaghiganti mo na yung mga babaeng niloko ko! Ano pa bang gusto mo?"
I don't know how, but I just find myself wiping my tears. Hindi ko namalayan na tumutulo na pala yung luha ko.
"I know galit na galit ka sa'kin. Alam ko na imposibleng mapatawad mo ko..... *sob* ... p-pero sana... maniwala ka.. mahal kita, Zoid. Mahal na mahal. Kahit di mo ko patawarin, maniwala ka lang na mahal kita *sob* masaya na ko."
Nakatingin lang sya sa'kin ng seryoso. Hindi ko mabasa yung expression ng mga mata nya. Basta nakatitig lang sya sa'kin. Ganun din ako sakanya.
Habang nakatingala ako sakanya, punas ako ng punas ng luha ko.
"H-hindi ako naniniwala."
Magsasalita pa sana ako nang biglang...
"BAAABE!!!"
Bigla nalang may babaeng yumakap kay Zoid. Sino pa ba? Edi si Chloe.
Humarap sya sa'kin at tinaasan ako ng isang kilay. "You cry? Why? An acting again? Wow. You're so magaling talagang umarte. You know, you're not bagay sa dance club. You are mas bagay sa drama club! Tara na nga, Babe. Niloloko ka na naman ng babaeng yan eh."
Zoid's POV
"MY GHAD, BABE! IF YOU DIDN'T KNOW, KANINA KO PA KAYO PINAPANOOD! And like, DUH! MAGPAPADALA KA NA NAMAN DUN SA BABAENG YUN? DI KA PA BA NADALA? SHE WAS JUST ACTING! AND SA KINILOS MO KANINA, HALATA NA NAGPAPADALA KA NA NAMAN! IT WAS LIKE, GUSTO MO PA SYANG YAKAPIN! MUKHANG NANINIWALA KA PA SA SINABI NYA NA MAHAL KA NYA! SHE DOESN'T LOVE YOU, BABE!"
Hinahayaan ko lang syang magbunganga. Drive lang ako ng drive.
"KUNG HINDI PA 'KO DUMATING, BAKA BUMIGAY KA NA NAMAN SA BABAENG YUN!"
"YOU SAID, MAGIGING MEAN KA NA SAKANYA?"
"I did." Matipid kong sagot.
"YOU DID? REALLY? THAT'S IT? MEAN NA BA YUNG GINAWA MO SAKANYA?"
"OO!"
"It was really unlike you, Zoid."
Hindi ko nalang sya pinansin. Naguguluhan ako.
Sinasabi ng puso ko na dapat kong paniwalaan yung sinabi kanina ni Zai. Pero, sinasabi naman ng utak ko na hindi.
Ang gulo! Palagi mo nalang ginugulo ang utak ko, Zai!
***
Habang nags-scroll down ako sa Facebook home ko, biglang bumilis yung tibok ng puso ko nang makita ko yung picture ni Zailie.
Zailie Louise Alvarez changed her profile picture.
It was like my whole body has their own mind. I just find myself downloading her picture on my iPhone and made it my phone wallpaper.
I Zai.
O_____O
I mean....
I sighed.
Haist. Ano na bang gagawin ko sa'yo, Zai? Bakit kapag nakikita kita, parang nawawala yung galit ko sa'yo? I tried to be mean at you, but I fckn' can't!
***
"GOOD MORNING, BAAAABE!!!!"
"Pa'no ka nakapasok dito?"
"Hindi kaya naka-lock yung door mo! Let's go! Sabay na tayong pumasok."
"Mamaya na ko papasok."
"Ows? Ready ka na nga eh. Let's go na kasi." Hinila nya ko palabas ng unit ko.
Aish. Bakit kasi nakalimutan kong mag-lock eh!
Habang nasa kotse, daldal sya ng daldal. May bago daw syang project sa modeling. Pinipilit daw sya nung manager nya na ako yung magsubstitute sa model partner nya. Na-dengue daw kasi, eh sa sunday na daw yung photoshoot.
"Baaaabe! Agree ka na kasi!"
"Ayoko nga! Si VJ nalang."
"Ayaw. Hindi ko naman makausap ng matino yun eh. Kaw nalang kasi!"
"Bahala ka."
"YESSS! Can I borrow your phone? I will save Manager's phone number lang."
Kinuha nya yung iPhone ko na nakapatong sa dashboard. Hindi pa nga ako umo-oo eh =___=
I glanced at her quickly, then back to the road. Himala. Tumahimik sy----- PRRRRT
Bigla ako nag-break. Buti nalang at pareho kaming naka-seatbelt.
Agad kong inagaw sakanya yung phone ko. Ugh. Bakit ko nakalimutan?
"What's the meaning of that? WHY CAN'T YOU FORGET HER? PURO NALANG ZAI! ZAI! ZAI! Is she serious with you ba? No naman, diba? BUT ME! I am dmn serious with you! Pero bakit ni isang beses kahit nung tayo pa, hindi ko manlang naranasan yung mga ginagawa mo sakanya? Is there something she has that I hasn't?"
Hindinalang ako sumagot. Nilagay ko nalang sa pocket ng pants ko yung iphone ko at nag-drive na ulit.
Chloe's POV
You really can't resist that girl, huh? You really can't be mean at her? Tch.
Ano bang meron sa Zailie na yan?
Kung hindi mo magawang maging mean sakanya,
ME nalang. Ako nalang ang magiging mean sakanya.
I will make her life miserable, Babe.
Sisirain ko sya sa'yo at sa lahat ng tao. Gagawin ko syang masama sa paningin mo, hanggang sa kasuklaman mo na sya at ako nalang ang mahalin mo.
You are only mine, Babe. AKIN LANG!
"Babe, flirt with me nalang."
"Huh?"
"Just flirt with me nalang!"
Tumango nalang sya.
I have my evil plan ~____~
I flipped my hair. Nagpa-dyed ako last night. Si Trixie ang sinama ko. Ayaw kasi me samahan ni Babe eh.
Wala lang. I just sinabi lang naman, readers. Ganda ko kasi eh...
Zai's POV
"Good Morning, Class."
"Good Morning, Mrs. Villanueva."
"You may take your sit now."
"Thank you."
Haist. Second period na and wala pa sila Zoid at Chloe. Asan naman kaya yung mga yun? Tsk.
Anyway, andito ako ngayon sa upuan ni Zoid. Si Dwayne naman, sa upuan ni Chloe. Dito kami pinaupo kanina nung teacher namin sa first period, kasi wala naman daw nakaupo.
"Good morning, Ma'am. Good morning classmate, we're sorry we're late." - Chloe.
Antaray. Nagpa-dyed ng hair? Tch. Lalo syang gumanda =___=
Sana hindi ka nalang muna pumasok, Zoid. Sana inantay mo muna ang physics. Sanay na 'ko na kapag late ka, third period ka na pumapasok. ^.^
"Why are you late, Ms. Smith and Mr. Lee?"
"Sorry, Ma'am." -Chloe
Di manlang sinabi kung bakit sila late. Tsk.
"Oh sya, take a sit."
Naglakad na sila ng sabay. Napahinto pa nga sila pareho nung napansin na nakaupo kami sa upuan nila. Akala ko, papaalisin ako ni Chloe. Yun pala, masaya nyang hinawakan sa kamay si Zoid at umupo sa likuran namin.
I saw through my peripheral vision na sa upuan ko umupo si Zoid. Means, nasa likuran ko sya. Obviously, sa likuran ni Dwayne si Chloe.
"Class, I have an important meetingg to attend. So, I will just leave an activity. It is by pair. Your seatmate will be your partner. Open your book on page 226 and read the article 'The scope of ecology'. Then, answer the questions on page 227. You will submit that by tomorrow. Goodbye."
Then, umalis na sya. Nagmamadali pa.
"Partner tayo?" Tanong ni Dwayne.
"Syempre. Sino pa ba seatmate ko? Nasa dulo na 'ko eh. Haha."
He chuckled. Baliw. Tinatanong pa eno? Haha ^O^.
"Ako nalang sa mga questions. Tapos ikaw nalang sa summary." -ako
"Sige."
Binasa na namin yung article.
No living creature, plant or animal, can exist in complete isolation. An animal is bound to dep----
"Ahihihi... babe! S-stop that! Ahahah. That's so nakakakiliti! Ahihihi..."
Grr... Sige lang! Maglandian lang kayo >____<
Binasa ko ulit yung article. Kailangan kong maintindihan 'to ng mabuti, kasi ako ang magsa-summarize.
No living creature, plant or animal, can exist in complete isolation. An animal is bound to depend on other living creatures, ultimately plants, for it's food supply; it must also depend upon the act---
"Ahihihi... babe naman eh... ahahahha..."
*ignore them*
*continue reading*
...it must also depend upon the activities of plants for a continued oxygen supply for its respiratio. Apart fro----
"AAAHHH... babe! Stop na sabi eh! Ahihihi... babe! Why so naughty ba?"
I can't freakin' take this anymore!
Lumingon ako sakanila, at nakita na nakaakbay si Zoid kay Chloe.
Biglang nyang hinipan yung tenga ni Chloe. "Ahihihi... Stop na sabi, babe eh! Later nalang, okay? Hihihi."
Ngumiti naman sakanya si Zoid.
Aray. Dapat pala, hindi nalang ako lumingon <3
Umayos na ulit ako ng upo at sinubukang intindihin yung binabasa ko.
asdfghjklzxcvbnm..
SHEDA! WALA NA KONG MAINTINDIHAN!
"Zai, okay ka lang?"
"AH-HAAAAA?"
"Whoa! Di ka nga okay! Haha. Di ka ba makapag-concentrate?"
Tumango lang ako.
"Ako din eh. Dun nalang kaya natin gawin 'to sa bahay namin?"
"B-bahay nyo?"
Bahay ng lalaki? Sheda. Nakakailang! Sa condo lang ako ni Zoid hindi naiilang eh. Hihi *0*
"Gagawa lang naman tayo ng activity eh. If you want, isama mo sila Yat at Sophi."
"Hmm.. Sige. Isasama ko nalang sila. Hehe."
Ngumiti lang sya tapos ginulo yung buhok ko.
"Araaaay! Babe! Masakit! Ang diin ng hawak mo!"
Bigla kamingnapalingon ni Dwayne kila Chloe.
Magkahawak-kamay sila. Pero sobrang diin ng hawak ni Zoid sa kamay ni Chloe. Halos maiyak na nga sya eh. Tumingin ako kay Zoid. Nakatingin lang sya sa'kin na walang expression.
"Babe... m-my hand... you're hurting me!"
Parang wala syang narinig. Nakatingin lang sya sa'kin. Ganun din ako.
"B-babe... m-masakit.
"Pare..." -Dwayne
Tumingin ako sa wrist ni Chloe. Namumutla na ito na para bang nauubusan na ng dugo. Ano bang nangyayari kay Zoid? Kanina lang, lambingan sila ng lambingan, tapos ngayon... Tsk
"Zoid... yung kamay ni Chloe." Pagkasabi ko nyan, para syang natauhan bigla.
Tumingin sya kay Chloe tapos sa wrist nito. "Sorry. Di ko sinasadya." Sabi nya, tapos lumabas ng classroom.
Hey guuuuuyssss! Thank you so much for supporting this story ?
Kinikilig talaga ako habang nagbabasa ng comments ninyo. Dahil dyan, 2 chapters updated para sainyo.
Hope you guys like it ?