webnovel

Chapter 28: First Love ni Playboy

 

Intercom: Attention. To all DH Students, you can take your lunch break now. Attention. To all DH Students, you can take your lunch break now.

"Goodbye, class."

 

"Goodbye, Mrs. Longcop."

 

 

Niligpit ko na yung mga gamit ko.

Nung natapos na 'kong magligpit, tumingin ako sa harapan ko kung nasaan si Zoid. Nakatalikod sya sa'kin tapos may tinitignan sa loob ng bag nya.

Ano naman kaya yung tinitignan nya? Argh. Naku-curious ako =__=

Matignan nga.

Tinignan ko muna si Chloe. Busy sya sa pag-retouch. Bakit di nalang kaya nya gawin yan sa powder room, noh? Ayaw iwan si Zoid? Tsk. Obsessed talaga -.-

Tumayo ako tapos tinignan muna ang paligid kung may nakatingin ba sa'kin. And fortunately, wala naman. Busy sila sa mga ginagawa nila.

Nagtip-toe ako, ini-stretch yung neck ko na parang giraffe then pasimpleng sinilip yung kung ano man yung tinitignan nya sa bag nya.

Ini-stretch ko pa ulit ng konti yung neck ko. Ayan na...

May nakikita akong paperbag ....  then may..

may...

"Zai, ano'ng ginagawa mo dyan?"

 

O___O

*BLaaaaaG*

"Awwwww..."

 

"Hala. Okay ka lang, Zai?"

 

Hansaket >.< Epal na VJ 'to! Malapit ko ng makita eh! Nanggulat pa. And sa sobrang gulat ko, natumba ako at kasalukuyan ako ngayong nakaupo sa floor. Oh my butt TT__TT

"Zai,  are you okay?" Nag-aalalang tanong ni Dwayne at tinulungan akong makatayo.

"Anyare sa'yo, Zai?" Tanong ni Yat.

"Si Vj kasi eh! Ginulat ako! Ansakit >___

 

"Di kita ginulat noh! Tinanong ko lang kung ano'ng ginagawa mo eh. Ano ba kasing ginagawa mo, huh? Bakit parang may tinitignan ka sa bag ni Zo-- asdfghjkl" Agad kong tinakpan yung bunganga ni VJ. Ang daldal. Tsk.

 

Nabaling naman yung paningin ko kay Zoid. Nakatayo na sya ngayon with Chloe na may hawak na paperbag. Ayun yung paperbag na tinitignan ni Zoid kanina eh! Para ba talaga kay Chloe yun? At ano naman kaya ang laman nun? Waaa~ Gusto kong malaman! Kainis naman kasi yung suitor ni Yat na si VJ eh! Makikita ko na sana, alam nyo ba yun, ha? Kaasar ~___~

Nung napansin ni Ms. Cleavage na nakatingin ako sa kanilang dalawa, she cling her arm around his. Si Zoid naman, parang wala lang. Parang hindi na sya playboy ngayon. ICE PRINCE na!!

"Tara na sa cafeteria. Gutom na 'ko eh." Yaya ni Yat.

"Oo nga. Tara na." -Dwayne

Tumango-tango nalang ako.

"Can Babe and I make sabay with you mag-lunch break, guys?"- Ms. Cleavage

"Hindi pwede." -Yat

"Pwedeng-pwede. Tara na. Haha. Magiging exciting 'tong lunch break na 'to! Tara na, labs." Sabi ni VJ sabay akbay kay Yat.

*PAK*

 

"Aray naman, labs! Masakit, ha!"

 

"Ikaw! Kanina ka pa umi-score sa'kin ah! Gusto mong masapak?"

 

"Ayaw. Kiss gusto ko."

 

"Mauna na tayo sa cafeteria. Mukhang magdedebate na naman yang dalawang yan eh." -Dwayne

I nodded again.

"Tara na, babe?" - Chloe, then nagsimula na silang maglakad.

Sumunod naman kami sa kanila. In short, nasa unahan namin sila. Habang naglalakad kaming apat sa hallway, pinagtitinginan kaming apat. Titingin sila kay Zoid saglit tapos kay Chloe then magbubulungan.

At itong namang Ms. Cleavage na 'to, feel na feel. Diba nga nakapulupot yung arm nya kay Zoid? Well, ibinaba nya yun until she reached Zoid's hand. Holding hands na naman sila.

Yumuko nalang ako para hindi makita yung mga kamay nila na magkahawak.

"Okay lang yan, Zai. Cheer up!" Dwayne whisphered. Napangiti naman ako dun. :)

Haist. I understand Sophi kung bakit sya nainlove sa lalaking 'to. Napaka-gwapo na kasi, magaling pang sumayaw and pati sa basketball, kinakareer nya.

Pero kahit hindi man Varsity Player si Zoid o kahit hindi sya dancer, mahal ko sya. Hindi ko alam kung bakit. Basta, ang alam ko, mahal na mahal ko sya.

*** Cafeteria ***

"Zai, ako nalang bibili nung sa'yo. Ano bang gusto mo? My treat." -Dwayne

"Wag na. Nakakahiya naman." I said. Nakakailang yet nakakahiya kasi eh.

"May hiya ka pa pala." - Singit  ni Chloe habang nakataas ang isang kilay.

"Oo eh. May hiya ako. Nakakahiya naman sa'yo, noh? Nakikisabat ka na naman. Ikaw ba tinatanong, huh? Paepal k----"

 

"STOP IT!" Napatigil ako  nung sumigaw si Zoid. Kita sa mga mata nya na galit sya. Tapos.... sa'kin pa sya nakatingin. Waaaa~ Ansaket naman sa puso na nakikita syang galit sa'kin.   T^T

"Ako na nga lang bahala. Lasagna nalang siguro. Lagi kong nakikita na ganun yung kinakain mo every lunch break eh." Thanks, Dwayne! Kung di siguro sya nagsalita, baka maiyak na naman ako.

 

"Ah. O-oo. Sige. Thank you." I said then gave him a forced smile.

Kaming tatlo nalang ang naiwan dito sa table. Kaharap ko si Ms. Cleavage. Katabi naman nya si Zoid.

"Hmp. Why ang tagal naman ng bestfriend mo atsaka ni Vince? Baka naman they're making miracle na sa classroom. What do you think, Ms. Pretender?"

 

Wow nemen. Ganda ng tawag nya sa'kin, ah? Nakakasakit >___<

"Oo nga eh. They're so matagal. Pero FYI, Yat is not like you naman. So, I'm pretty sure na they're not making miracle sa classroom. Am I right, Ms. Cleavage?" At talagang inartehan ko din yung pananalita ko, ah? Hahahaha.

And as usual, napairap nalang sya. Akala nya papatalo ako? Tsk. No way!

 

Nilapag niya sa table yung paper bag na kanina pa nya hawak-hawak. "Babe, me nalang bibili ng lunch mo, okay? Pinag-bake mo naman ako ng LASAGNA eh. I'll treat you nalang in a return." Pang-iiba nya ng topic. At talagang in-emphasize nya pa yung word na Lasagna.

Nilabas nya yung lunch box sa paper bag. Transparent yung lunch box, so kitang-kita ko yung laman.

Gaaaa~ I'm craving for that lasagna made by Zoid. Kita ko rin na ang daming melt cheese on top.

(@___@,)

"Bibili na 'ko ng lunch mo, babe huh? And pakibantayan na rin. Baka may UMAGAW ng LASAGNA KO na binake ng BABE KO PARA SA'KIN." She said smirking at me then left.

Kaming dalawa nalang ni Zoid ang naiwan dito sa table.

AWKWARD..

Ang tagal naman nila Yat at VJ.   =___=    Siguro mas awkward ang atmosphere kung magkaharap kami. Buti nalang, hindi kami magkaharap.

Tumingin ako sakanya, at booooom!!

>/////<

Gosh. I'm so kinikilig. Grr.. nahahawa na ata ako sa pagiging conyo ni Chloe -.- 

Nahuli ko syang nakatingin sa'kin, then bigla syang umiwas ng tingin. Gaaa... napangiti naman ako dun.

This time, ako naman yung biglang tumingin sa iba. Paano ba naman, nahuli nya akong nakatingin sakanya. TAKE NOTE: Todo ngiti pa ako.

Tsk. Lugi naman ako! Nung nahuli ko sya, di sya nakangiti. Naka-poker face lang. But me, todo ngiti. Mukha tuloy akong engot.  (-__-)

Pero teka.... may naalala akong text message.

It says na : Kapag nahuli mo ang crush mo na nakatingin sa'yo, lagi mong tandaan na hindi mo sya mahuhuli kung hindi ka nya titignan. In short, CRUSH KA NYA!

Di kaya........

Mahal nya pa rin ako.

WAAAA~ Sana nga!

*confetti*

*confetti*

Nawala bigla yung saya at kilig na nararamdaman ko nang maalala ko na galit pala sya sa'kin. Well, GALIT NA GALIT is the right definition, right?

Sabi pa nya, 'BELIEVING YOU IS IMPOSSIBLE TO ME NOW' 

Oo. OO agad ang sagot ko. Ang engot ko lang eno? Tinatanong ko ang sarili ko, eh alam ko naman ang sagot. Haha. Basta, gagawin ko ang lahat magkaayos lang ulit kami.

"ZAI! TULALA KA!"

 

"AH-HAAAA?" I immediately covered my mouth. Napasigaw ako. Gosh. Nakakahiya. Pinagtitinginan tuloy ako ng mga tao dito. "S-sorry po (^___^)V" Sabi ko nang naka-peace sign.

"Grabe ka, Zai. Kung anu-ano ng nangyayari sa'yo. Okay ka lang ba?" -Yat

Andito na pala sila. Nakabili na nga sila ng lunch nila eh. Napansin ko rin na may lasagna sa harap ko na nasa plate. In short, kompleto na ang lahat. Kumakain na nga si VJ at Chloe eh... pati si Zoid at Dwayne.

"Hehe. Wag mo na 'kong pansinin. Gutom lang 'to. Ahehehehe. Kain ka na."

 

Nag-nod nalang sya then kumain na.

Ganito sitting position namin :

VJ- Zoid- Chloe

Yat- Dwayne- Me

Habang kinakain ko yung lasagna ko, di ko maiwasang mapatingin sa kinakain ni Chloe.

(@___@,)

Gusto ko nyan! Yan ang lasagna na pinakamasarap eh! Ang dami-daming cheese. Argh. I'm really craving sa lasagna ni Chloe!!! Penge!!! TT___TT

"Zai, ano ba'ng ginagawa mo dyan sa pagkain mo? Durog na durog na."

 

"Huh?"

 

Bigla akong napatingin sa pagkain ko. Nalamutak na. Psh -.-

"Babe, may chocolate ka dito oh..." Sabi ni Chloe kay Zoid.

Chocolate cake kasi yung kinakain nya eh.

"Where?" Zoid asked habang kinakapa-kapa yung gilid ng lips nya.

Nilibot ko yung paningin ko sa mukha ni Zoid. Wala naman eh!

"Here oh.." tapos.....

*tsup*

O____O -> mukha naming lahat including Zoid

^_____^ -> Mukha ni Chloe

"Uhmm.. e-excuse me. Cr lang ako." I excuse myself then left.

Pumunta ako sa oval, kasi alam kong walang tao dun ngayong oras kasi mainit.

Umiyak lang ako ng umiyak. Ganito ba talaga kapag inlove? Masakit?

"Here." Napataas ako ng tingin. Napapikit pa ako dahil tumama yung sinag ng araw sa mata ko.

Naramdaman kong umupo sya sa tabi ko. Alam ko naman kung sino sya eh. Kilala ko yung boses nya.

"VJ...." Napahagulgol ako ng iyak.

"Sige lang. Iiyak mo lang." He said seriously then hugged me. I hugged him back then leaned my forehead against his chest.

"Baka mabasa ko yung *sob* uniform mo."

 

"Okay lang. May extra ako sa locker room. Umiyak ka na. Dalian mo hagga't mabait pa 'ko."

 

Napangiti ako saglit tapos umiyak lang ng umiyak. It was so embarrassing cause I was sobbing like a child.

Nung napagod na 'ko sa kakaiyak, I let go from the hug, then wiped my tears.  Feeling ko, singkit yung mata ko. Parang inaantok pa ko.

"Ba't ka andito?" I asked na parang walang nangyari.

"Ayaw mo?"

 

"Hindi naman. Pero si Yat?"

 

"Andun, inaaway si Chloe. Iniwan ko muna sila dun. Bahala na sila pinsan at Dwayne umawat sakanila."

I chuckled. Nai-imagine ko kasi kung pa'no magbubunganga si Yat kay Chloe eh. Ang sarap talaga kapag may bestfriend.

"Alam mo ba kung bakit ayaw ipagsabi ni Zoid na may heart disease sya?" He asked out of nowhere. Nakatingin lang sya sa malayo. Seryoso. Minsan ko lang sya makitang seryoso. And first time is yung umattend kami ng birthday ni Mary Joy. Yung kinakabahan daw sya kasi ayaw magpaawat ni Zoid sa kakainom ng alak, eh bawal pa naman yun sakanya.

"Hindi."

 

"Ayaw nya kasing kaawaan ng mga tao. Ayaw nya rin na iba yung maging treament sakanya." He paused for a bit. "Alam ko, hindi ako ang dapat na nagsasabi nito sa'yo eh... pero alam mo ba na... ayun yung reason ni Zoid kung bakit sya naging playboy? Alam ko kung sino ang first love nya. Nakakatawa nga eh. Alam mo kung bakit?"

 

I shook my head. Itanong daw ba sa'kin? Ano namang alam ko, diba?

* Flashback *

Vince's POV

Ang galing naman ni Author! First time kong magka-POV , tapos sa flashback pa nilagay? Tsk. Ansama. Pero pwede na rin. Kesa naman sa wala diba? Ahahahaha

1st year highschool ako nun pati si Zoid. Pero magkaiba kaming school na pinapasukan.

 

Nasa kwarto ako at naglalaro ng temple run sa tablet ko ng makarinig ako ng malalakas na footsteps at alam kong papunta yun sa kwarto ko.

 

"PINSAN! PINSAN!" Sigaw sya ng sigaw habang pumapasok sa kwarto ko.

Di ko sya pinansin, tinuloy-tuloy ko lang yung paglalaro ko.

"PINSAAAAAAAAN!!!"

 

"ACCCCCKKK." Nabitawan ko yung tablet ko nang sigawan nya 'ko sa tenga. Ang sakit >.< . Kinuha ko ulit yung tablet ko at....

TAENA NAMAN!!! RUN AGAIN! LETSE! Highscore na ko eh!

"Pinsan, makinig ka sa sasabihin ko." He said excitingly.

"Ano yun? Babae na naman? May bago ka na naman?" I asked him sarcasticly. 1st year highschool palang yan, napaka-playboy na agad. Pero sinabi nya sa'kin ang dahilan kaya naiintindihan ko sya.

"Alam mo ba, nakita ko na ang girl of my dreams." Sabi nya habang tumatalon-talon sa kama ko. (Bata pa eh)

"Di bagay sa'yo! Tigilan mo nga yan! Sino ba yang babaeng yan, huh? Mukhang maganda ah. Pers lab mo, pinsan eh!"

 

"Oo! Maganda talaga. Ang bait pa."

 

"Talaga? Nililigawan mo na ba?" I asked casually. Ganyan kasi yan kapag may nagagandahan syang babae. Liligawan nya agad, then BOOM! Isang sabi nya lang ng 'can you be my gf?' Sila na agad.

"Hindi eh."

 

Nagulat ako sa sinagot nya. Napaka-imposible naman ata nun.

"Maniwala!"

 

"Oo nga. Para kasing.... para kasing nahihiya ako eh.." At nag-blush pa!

"Wahahahah~ Pinsan, try to look at yourself in the mirror! You're blushing. That's so gay! Ahahahahah~"

 

Sumakit na yung tyan ko sa kakatawa nung makita syang nagba-blush. First time kong makita syang ganun.

Akala ko talaga, gagawa na sya ng move sa first love nya. Pero hindi eh. Nag-2nd year at 3rd year kami, di nya pa rin nililigawan yung babae. Masaya na daw syang makita yung first love nya.

Tinanong ko rin sya kung kilala sya nung girl, pero sinabi nya na hindi.

Everytime na pupunta ako sakanila, lagi ko syang nahuhuli sa kwarto nya na tinititigan yung ginawa nyang scrapbook na puno ng pictures ng first love nya. Lagi syang nakangiti.

Ako lang ang nakakaalam kung sino ang first love nya. Ako din ang nakakakita ng mga ngiti nya, pati na rin kapag namumula sya kapag topic namin ang first love nya.

Ibang Zoid kasi ang pinapakita nya sa ibang tao. Yung Zoid na malakas at matapang. Pero masaya ako kasi di sya natatakot na ipakita at sabihin sa'kin ang weakness nya.

Kaya ako nag-transfer sa DH Academy, para ako na ang mag-love bridge sakanila nung first love nya. Gusto ko kasi syang maging masaya.

* end of flashback *

Zai's POV

 

"So, yun lang? Natawa ka na?" -ako

"Oo. Kung nakita mo lang kasi kung pa'no sya magblush, matatawa ka din. Hahahahaha~"

 

"Eh, sino ba yung first love nya? Sabihin mo! Babanatan ko!"

 

"HAHA. Si---------"

 

"ZAI, VJ!!! ANO BA!! TAPOS NA YUNG LUNCH BREAK! LAGOT KAYO KAY MA'AM! KANINA PA KAYO HINAHANAP!" -Yat

Tumayo na si VJ at nagsimulang maglakad, kaya tumayo na rin ako at hinabol sya.

"Teka, s-sino yung first love ni Zoid?"

 

"Bakit? Bubugbugin mo?"

 

"Basta. Bahala na. Sino nga?"

 

"Secret. Tanong mo nalang sakanya." Sabi nya sabay takbo para makalapit kay Yat.

Kaasar. Ayaw pa sabihin. Tsk.

Sino kaya?

 

Siguiente capítulo