webnovel

City of Elliahdt

"Ang dugo ay madilim, ngunit ang madilim ay sandali." Isang katagang narinig ko at naramdaman ko ang mga pagsaksak saakin, di mabilang na paulit-ulit. Ako'y nagsisisigaw sa sakit, hinihiling na matigil na lahat ng ito ng biglang may bumulabog saakin. Nananaginip lang pala ako.

"Hoy gising!", sabi ni Kin habang sinasampal ang pisngi ko.

Gumising akong umiiyak.

"Anong nangyayari sa'yo?", tanong ni Yuri saakin.

"Hindi ko alam! Basta...", sabi ko habang kumakalma.

"Sigurado ka? Dahil sa nakita naming dalawa kanina hindi ka mapatahimik. Kaya di ako naniniwala na bangungot lang iyon basta basta.", sabi ni Kuro.

"Ano ba ang nangyari?", tanong ko.

"Bigla ka nalang nagsimulang maiyak, matapos noon ay nagsimula ka nang magsisisigaw at base sa naging tono ay parang masmalala pa sa bangungot ang nakikita mo.", sagot ni Kuro.

"Sigurado ka lang ba na ayos ka lang?", tanong ni Yuri.

"Hindi ako sigurado.", sagot ko. Umalis saglit si Yuri.

"Saan ka pupunta?", tanong ni Kin.

"Ipagtitimpla siya ng kape para magising muna ang diwa niya at mahimasmasan na rin. Gusto mo rin ba?"

"Huwag nalang ako hindi ako pwede sa kape.", sagot ni Kin.

Ilang saglit lang ay nagbalik na uli si Yuri namay dalang dalawang tasa ng kape at isang baso ng tubig. "Bakit di mo ikuwento saamin ang mga nakita mo?", sabi niya.

At siyang ikunuwento ko, ang tungkol sa mga nakita ko. "[...] Hindi ko alam kung bakit ako nagkakaroon ng mga ganitong mga panaginip. Hindi ko alam kung pangitain ba ito o gawagawa lang ng isip ko."

Ilang saglit lang ay may kumatok sa pinto. "Excuse me, Kin may sulat para sa iyo.", sabi ni Paul.

"Galing kanino?", tanong ni Kin. Pinuntahan niya si Paul at kinuha ang sulat, binuksan ito at lumabas.

"Saan ka pupunta?", tanong ko.

"Lalabas lang ako saglit."

Sa pagkakataong iyon nag bago ang tono ni Kin na parang may kung anong nangyari. Pagkalabas niya ay may naitanong si Yuri saakin.

"Alam kong biglaan ito pero tanong ko lang, saan ka ba talaga nangaling?"

"Bakit mo naman naitanong?"

"Wala lang, napansin ko na iba ang pagkilos mo. Basta, may iba akong nararamdaman lalo na noong unang beses kita makita."

"Huwag mong sabihing..."

"Wag kang magisip ng iba sa gusto kong malaman. Hindi pa kasi ako nakakakilala ng tao na ibang-iba ang kultura kaysa amin na naririto, baka sakali lang, hindi ka talaga tagarito... basta hindi sa nasasakupan ng kaharian na'to."

Inabutan ng minuto bago makasagot sa tinatanong. Iniisip ko pa kung sasabihin ko ba kung saan talaga nangaling (sa Earth) o gagawa nalang ng kwento gaya ng ginawa ni John. Sasagot na sana ako ng biglang pumasok ng kuwarto si Kin.

"Maghanda na daw tayo ng dadalhalin sa paglalakbay at pumunta sa fountain."

"Aalis na agad? Anong meron?", tanong ko.

"Hindi ko alam, basta sabi maghanda na raw."

Bumangon na ako saaking pagkakahiga at inihanda na nga namin ang mga dadalhin namin at pumunta na kami sa may fountain (ni di ko nga alam na may fountain.). Napansin namin na halos lahat ay naroroon na at mas magaganda ang mga kagamitan nila kaysa amin. Naiiingit ako, oo, dahil hindi ko magastos yung pera na nasa orb ko dahil nga sa hindi pa ako sigurado kung talagang aking iyon. Matapos ng ilang saglit ng paghihintay ay dumating na rin si Forh.

"Pasensya na sa gambala at alam ko na alam niyo na sa ngayon na mapapaaga ang pagsisimula ng Round 2, alam ko rinna may iilan sa inyo na naguguluhan kung bakit napaaga ang pagsisimula. Iyan ay dahil sa mga kadahilanang hindi pa namin mababangit sa inyo ngunit konektado sa nangyari noong huli. Kaya sana naman ay handa na ang dadalhin ng lahat at magbubukas na ang gate sa loob ng 3... 2... 1...", "May mga tanong ba bago umalis? Dahil kapag pumasok na kayo ay di na kayo makakabalik pa. Tnda na simula na ng 480 na araw ng inyong paglalakbay."

May isang lalakeng nagtaas ng kamay. "Kung sa iba't ibang lugar kami mapupunta. Hindi niyo ba pwedeng sabihin saamin kung saan talaga kami mapapadpad?"

At smagot naman si Forh, "Hindi sa ayaw o bawal namin sabihin. Wala, maging ako, o kahit sinuman ang nakakaalam kung saan kayo mapupunta sa panahon na makapasok kayo. Mayroon pa bang magtatanong?". Wala nang nagtaas ng kamay. "Kung gayon ay maghanda na ang bawat groupo dahil magsisimula na tayo sa pagpitik ng daliri ko." Isang malakas na liwanag ang suminag mula sa "Gate" at pagdilat ko ulit ay nasa ibang lugar na kami.

Nagising ako sa isang burol (nanaman) at makikita mula roon ang malawak na damuhan. Nakita ko si Kin na nakatayo sa gilid. Nilapitan ko't tinanong,

"Nasaan na tayo?".

"Hindi ko rin alam.", sagot niya.

"Teka, nasaan na si Yuri?", tanong ko uli.

"Naroroon sa likod ng puno, wala pang malay.", pinuntahan ko at ginising.

"Oi, gising. naririto na tayo.", di ko alam kung bakit pero bigla nalang ako sinuntok ni Yuri at naapatalsik ao sa lakas. "Ano ba ang problema mo?!"

Humikab siya at nagtanong. "Ah? Anong meron?".

"Naririto na tayo. Diba mayroon kang mapa na binigay ni Forh?", sabi ko.

"Mapa?",

"Oo, mapa",

Mula sa braso niya ay may isang mapa na naproject. Napansin namin na sobrang layo namin sa pinangalingan namin. Ang pinagtataka ko, paano kami nakarating sa lugar na iyon sa isang iglap. Biglaan lang iyon sumagi sa isip ko at tinanong ang mahalang tanong. "So... Saan na tayo papunta.", ilang saglit lang ay may isang pathway ang lumitaw sa harap namin.

"May tanong ka pa ba?", tanong ni Yuri saakin.

"Isa nalang, gaano ba kalayo lalakbayin natin?"

"Base dito, mga... limang oras."

"Na lakaran?"

"Hindi, kung mayroon kang sasakyan."

"Bakit sino ba ang dalang sasakyan saatin?"

"Naghahanap ba kayo ng masasakyan?", tanong ni Kin at tumuro sa isang paparating na karwahe. Pinara namin at nagtayong ng kutsero. "Mukhang kailangan ninyo ng masasakyan ah... saan ba ang punta niyo ng maihatid ko kayo?"

"Seryoso ka ba manong? Baka makaistorbo kami.", sabi ni Yuri.

"Hulaan ko. Sa Lungsod ang dako niyo.", sabi ng Kutsero.

"Lungsod?",

"Ang Lungsod ng Elliahdt. Doon rin ang dako ko. Ba't di na lang kayo sumabay, mahabhaba ang biyahe."

Lumapit ako kay Yuri at bumulong, "Mapagkakatiwalaan kaya natin yan si manong?"

"Bakit may problema ba?", tanong niya rin saakin.

"Di kaya masyadong "coincidential" naman ang pagdating ni tatang?",

"Kung ito ang paraan ng maka paglakbay tayo ng masmabilis ba't di tayo sumual ng kaunti. Isa pa mukha namang mabait si manong."

"Teka, nasaan na si Kin?"

"Uhm... nandito na ako, di paba kayo sasakay?", sabi ni Kin na nakasakay na sa harap."

Sumakay na nga kami at naglakbay patungo sa Elliahdt. Habang nasa kalagitnaan ng daan ay napaisip ako ng isang bagay na dapat ay naisip ko na kanina pa.

"Saan ba tayo talaga papunta?", tanong ko kay Yuri.

Inilabas uli ni Yuri yug mapa niya at tinignan. "Tama nga si manong, parehas nga lang ang pupuntahan natin."

"Nakalimutan kong magpakilala, ako nga pala si Greg isang mangangalakal."

"Ako si Ayato at eto naman ang mga kasama ko sina Yuri at Kin, mga dayo."

"Kung mga dayo kayo, sigurado naman mayroong kayong pahintulot na makapasok."

"Pahintulot?"

"Alam niyo simula nong nagkaroon ng aksidente sa lungsod ay naghigpit na ang kaharian sa pagpapapasok ng mga dayuhan."

"Ano ba ang nangyari?"

"Nakaraang linggo lang nangyari ang lahat, mayisang lalake ang nakapasok sa lungsod na may mga daladalang pampasabog at naging sansi ng pagkamatay ng mahigit sa isang daang tao, at sa lakas ng pagsabog ay nagiwan ito ng isang malaking butas sa isang bahagi ng lungsod."

"Ano ba ang tinatangap na "pahintulot"?", tanong ni Yuri.

"Basta mayroon kang tatak ng isang superior ng isng sandatahan ay maaari ka nang makapasok. Ngunit kailangan ang marka ay ang marka ng lugar na kung saan siya nangaling. Kung wala kayo nito, hindi ko na alam ang maaari niyo pang gawin."

Nagpatuloy ang aming uwentuhan hangang sa makarating na kami sa isang napakalaking pader na siyang pumapalibot sa buong lungsod.

"Pasensya na mga kaibigan, at hangang dito ko nalang kayo maihahatid dahil sa ibang pasukan ang papasukan ko."

"Huwag po kayong humingi ng tawad, nagpapasalamat nga po kami at isinabay niyo po kami.", sabi ko.

Lumapit si Yuri at iniabot ang isang pouch ng pera. "Eto po, tangapin niyo po."

"Naku, salamat na lamang. Ginawa ko ito dahil sa gusto ko at hindi ko na anko kailangan bayaran."

"Sigurado po kayo?", tanong ni Yuri.

"Oo, at isa pa hindi naman ako nakaramdam ng bagot sa biyahe. Ni di ko nga naman lang namalayan na mahabang oras na ang lumipas. Kaya salamat sa pagsama saakin, sapat narin iyon para sa akin."

"Sige po, pero tangapin niyo narin ito dahil di po ako mapapanatag hangat hindi ako nakakapagbayad sa mga tulong na naibigay saakin... saamin."

"Hindi lang salapi ang maging kabayaran sa tulong ng isang tao, minsan isang magandang pagsasamahan at pagtitiwala sa isa't isa ay sapat na."

"Sige po, magiingat na lang po kayo."

"Magiingat rin kayo.", at umalis na ang kutsero.

Pagdating namin sa gate ay may naabutan namin ang mahabang pila ng mga gustong pumasok. Naghintay kami ng ilang oras ng makapasok. Nangkami na ay hinarangan kami ng mga bantay.

"Ano ang pakay niyo?", sabi ng isang bantay at ipinakita ni Yuri ang nasa braso niya. "Mga Inaasahang bisita, tumuloy po kayo.". At gano'n ganoon na lang kami pinapasok ng walang kuwestion.

Nagtuloy-tuloy ang daan na itinuturo ng mapa na nasa looban pa ng lungsod. Habang naglalakad-lakad ay napansin ko ang ganda ng lungsod. Ang lahat ng tao ay payapang namumuhay at walang bahid ng kahit anong takot sa kanilang mga mukha. Napadaan kami sa isang palengke na talagang punong-puno ng buhay, ngunit ng sa di kalayuan ay may nakita akong mga lalake na tumatakbo sa dereksyon namin. Dahil sa tatanga-tanga ako ay aksidente kong natabig ang kariton sa gilid ko pasa matumba ang mga lalake na tila ay may hinahabol. Kaya, bago pa naman lalong lumalim ang gulo ay tumakbo't nauna na ako sa dalawa papunta sa destinasyon namin.

Nauna na nga ako ng tuluyan sa bilis ng takbo ko at natungo ako sa isang malaking building. Mayroong malalakas na ingay sa loob ngunit lalong nakuha ang atensyon ko ng makaamoy ako ng masarap na amoy na nangagaling sa loob ng building. Binuksan ko ang pito at nakakita ako ng mga bagay na siyang tangi mo lang sa mga Anime, MMORPG, Manga, Fantasy Movies makikita. Napasok ako sa isang GUILD HALL.

Siguiente capítulo