((( Monina POV's )))
Dahil dugong photographer, di sa akin bago ang mga ceremonyang ganito. Sa lahat ng special occasion na magandang i-cover, heto yun. Isang kasal. Sayang wala akong camera. Ang ganda kumuha ng larawan.
Wala akong kakilala sa paligid. Di rin naman ako agaw pansin dahil karamihan sa paligid ko magaganda. Masaya sa occasion na ito.
Nakita ko na lang, pinagkaguluhan nila ang kasama kong si Mr. Manyak.
Hahaha. Iba kasi ang charisma mo eh. Bahala ka sa sarili mo. Siguro naman kilala mo sila.
Ang ganda ng simbahan. Sana lahat kinakasal ng ganito.Engrande.
Once in a lifetime lang naman kasi ito sa buhay ng isang binibini. Kaya dapat lang pinaghahandaan. Lalo na ang mga dalagita na minsan wala man lang naging engrandeng kaarawan, debut, graduation party o kahit na binyag. Huling chance itong kasal na tinatawag.
Parang ako na din naman ang sinabi ko. Ni minsan di ako nakaranas ng magandang occasion sa buhay ko ng ganto. Binyag siguro, dahil wala pa ako kamuwang-muwang. Ngunit sa larawan na nakuha ni Papa noon. Akay ako ni Mama, simple lang… ngunit importante masaya lahat.
Talagang babawi ako sa araw na ikasal ako. Pangako yan. At ako talaga ang magiging masaya sa araw na yan.
Parang tanga na kinikilala ko ang mga bulaklak. Sa talagang ang hilig ko nga. Mga sosyal ang mga tao dito. At ako lang ang galang invisible na di manotice.
Narinig ko na lang magsisimula na ang kasal. Di man lang ako hinanap ng kasama ko. Okie. Dito na lang ata ako mauupo. Napangiti na nga lang ako sa makakatabi ko. Medyo umiwas ng mauupo ako. Sa di naman kasi ako kakilala. Intindi?
Ngunit napatitig ulit sa akin ulit yung mga babae. Ngiti ulit ang inabot ko. Sa di nakita kanina. Namalayan ko na lang may humila ng braso ko. Si Mr. Manyak.
"Excuse me." ang tanging nasabi na lang niya sa mga babaeng napatingala nga sa kanya. Hindi sa akin.
Hinila na ako ni Mr. Manyak. Mga mata ng mga nakakita sa amin, clueless.
Haha. Clueless din po ako.
Di pahalatang napilitan ngang hinihila ako ni Mr. Manyak. Ang lamig ng kamay niya. Parang ice candy na kala mo walang buhay .
O baka ikaw lang ang nilalagnat Monina?
Naghihintay sa amin si Secretary Lee. Dumaan kami sa kanya. Lagi akong nginingitian nito. Ako? Di rin patalo. Kahit para na kaming praning tignan.
Kala mo admirer ng bawat isa. May gusto sa isat-isa na di man lang nakakapagsabi. Hiya mode.
Ipinuwesto ako ni Mr. Manyak sa tabi niya. Napaupo ako, habang may binubulong siya kay Secretary Lee. Agad naman itong umalis. May inutos ata ang manyak.
Pero titig talaga ng mga tao sa akin. Di naman ako ang bride dito?
Ah, baka sa katabi ko. Sa gandang lalaki pa naman nito diba? Wag ka assuming Monina.
"Sayang di ko man lang nadala ang camera ko."
Napalingon siya sa akin. Naupo sa tabi ko. Puso ko lumulukso na parang ewan. Ang kulit. Siguro dahil sa amoy ng lalaking to na pinagsisigawan. Ang gwapo ko. Edi wow. Makakain ba yan? Masarap ba?
"What for?"
"Ganda idocument ang lugar. Ang ganda talaga." na mas pinili kong i-appreciate ang boung lugar. Super ganda. Mapapangiti ka na lang talaga.
Nang maramdaman kong kinuha niya ang pulso ko. Nilapat ang dalawang daliri. Pinakiramdaman. Sininat ang leeg ko.
Anong nangyayari sa kanya? Exorcisim ba ito?
Inalis ko nga ang kamay niya.
Nagkatitigan kami. Syempre ako na ang bumawi. Di nga siya nagsasalita o magpaalam man lang. Baka ano pa ang gawin nia. Sus. Ang tirik na araw ngayon.
Siguro Monina, isipin na lang natin nasa fieldtrip nga tayo. Wag muna isipin ang sideline mo.
Nang bumalik si Secretary Lee. May inabot kay Mayak. Gamot saka Mineral Water.
"Drink this." abot din niya sa akin.
Napakisapmata ako. Beautiful eyes na di naman sinasadya.
"Para saan ito?"
"Tss. You have a fever."
"Huh?"
"Take it." kaya inabot ko na. Dahil mahal ang salita ni Mr. Manyak. Inom ko na parang tinatanong ko nga kay Secretary Lee na kung okey ba talagang inumin ito?
Pasensya Secretary Lee, ikaw lang talaga ang mas paniniwalaan ko kesa nfa kay Manyak.
MANYAK! Nanghahalik ng di naman Jowa! Haist. Gigil ako.
Inom ko. Wala naman akong naramdaman na kung ano. Sleeping pills or what. Wala.
Kinuha ni Secretary Lee ang botelya ng tubig.
Tama lang dahil napalingon na kami sa naglalakad na nga sa aisle.
Masayang groom at mga magulang nito. Sana lahat masaya.
Nang makita si Mr. Manyak ng groom. Napangiti ito. Saka lumapit nga sa kanya. Nagkayakapan ang dalawa.
Whoa! May friend din naman pala si Manyak. Syempre di ako notice ni groom. Maganda sa kanya ang bride niya. Yun lang ang kailangan niya inotice . Baka kasi magbago pa ang isipan kapag nakita ako. Ahem. Talagang ang kapal ng face mo my dear Monina.
Ngunit mali pala ako. Dahil hinarap ako nito.
"So she is?"
"Yes." walang kabuhay-buhay na sabi ni Manyak.
"Best wishes." huli niyang sabi. Ngumiti sa akin si Groom. Inabot ang kamay sa akin.
"Kenneth. Your fiancei family attorney."
Fiancei?! Whoa!
Napatitig ako kay Manyak. Inabot ko na lang kamay ko.
"Monina." para professional naman. Alam ko pangalan niya, syempre dapat sabihin ko din pangalan ko. Pero Fiancei ni Manyak?! NO way?! Di ko nga kilala talaga ang Manyak na ito. Sa inari ang oras ko.
Hi Readers!
Thank you so much sa supporta. ?
Please do vote this Novel. ?Love this novel. Recommend to other ?
Review and Comment!