webnovel

DIARY NG PAG-IBIG KO

Autor: REVERIE
Integral
En Curso · 71.3K Visitas
  • 19 Caps
    Contenido
  • valoraciones
  • NO.200+
    APOYOS
Resumen

Hinihintay mo ang youth mo o hinihintay ka ng youth mo? Si kyle ay uhaw sa pag ibig at may candidate na siya na inumin Pero hindi lahat ng flavors available diba? Makakaranas ba siya sa hirap ng youth niya? O ang inumin na hinahanap niya ay hinihintay para mapili niya? A/N: Update ko ito kapag tapos na ako sa pagsulat ng chapter o part na yun agad at baka matagalan kasi hindi talaga marami ang idea ko kung ano ang isusunod pero wag kayong mag alala may ending to...Pls support me~~~~

Chapter 1CHAPTER 1: Alam ko...

Dear Diary,

First day of school ngayon so alam niyo na! May ceremony kami, magsasabi na naman ng mga rules, mga location ng school, so boring diba? Patatayuin ka ng ilang minutes sa mainit.

Ugh! nakakainis kaya, pero okay lang yan kasi nandito naman si crush or AKA crush ng bayan.Siya si Ezikiel Lu or tinatawag namin na Prince Zikie, ang baduy no! Hehehe okay lang yan atleast you know, gwapo! Ganyan naman tayo mga girls diba?

Hinahabol talaga ang mga gwapo pero ako hindi! Promise! Kasi si crush childhood sweetheart ko yan kasi close talaga ang family namin sa isa't isa so ganun! Na fall ako sa kanya nung nag close na kami.Ay! Di ko pa pala na papakilala ang sarili ko no!

Hehe...Ako pala si  Kyliana Akagami or Kyle na lang para hindi mahaba ang   pagkabanggit ng pangalan ko,napansin niyo ba na japanese ang mga surname namin? Malamang mayaman kami!

Hindi naman sa nagmamayabang kasi dito sa  Princeton High mga japanese surnames ay mga mayaman talaga so count na ako dun!

Hehehe.....balik na tayo sa istorya,tapos na ang ceremony so may Welcome Party ang school ngayon pero sa gabi mamaya may mask ball kami para daw stangers talaga ang dating namin sa isa't isa,daming arte ang principal no! Ngayon hinahanap natin si beshie ko

"Kyle!"

Yan si beshie ko, siya si Tiana Xiao or kung close mo siya tatawagin mo na lang siyang Tia, cute no(>~<)!At siya pala ang pinakasuplada sa aming campus, ewan ko sa kanya kung ganyan siya

"Tia, Kanina pa kita hinihintay dito!"

"Hala! Galit agad? Alam mo naman kung gaanong kalaki ang campus na ito para mahanap ka!"sagot niya saakin na nakacross arm siya.

"Geh na nga! Basta libre ko mamaya aahhh!" Biro ko sa kanya pero akalain seneryoso niya! Baliw talaga yun!

Tapos siya pa ang pinakasuplada? Pero para sa akin siya ang pinaka beshie ko!

Pumunta kami sa likod ng school para mapalayo mga mainit at mga carbon dioxide ng mga tao, kasi ang daming tao kaya! Tapos hinintay ko pa si beshie sa canteen kaya ang daming carbon dioxide! Parang hindi na ako makahinga, nakakairita kaya!

Ngayon nagchichika-chika kami ni beshie tungkol sa summer vacay niya at sa Hawai daw siya pumunta! Lakas ng tama talaga ng babaeng to! Ayaw niya ng mga mainit tapos mainit dun sa Hawai at summer pa! Nako! Parang baliw no? So ilang sandali nagring ang cellphone niya, baka ang bf niya ang tumawag

"Girl, Si fafa kailangan ako okay? Miss ko na eh! Sige na!ba-bye! Sabay kuha ng bag niya tumakbo at iniwan ako dito.

Hayss...ang babaeng yun talaga! Inuna pa si boyfie kaysa kay beshie pero okay lang kasi ini-enjoy ni beshie ang youth niya......

Ako kaya? Kailan ko ma-eenjoy ang youth ko?

Naisipan ko na pumunta sa Arts Corner, mahilig kasi ako magpaint. Kaya napag-isipan ko na magpapaint na lang ako kasi wala naman akong ginagawa diba?

Naisipan ko na pumunta sa Arts Corner, mahilig kasi ako magpaint. Kaya napag-isipan ko na magpapaint na lang ako kasi wala naman akong ginagawa diba?

Nung nakarating na ako dun, iniisip kung ano ipapaint ko at ilang sandali na pag isipan ko na ipaint si crush. Nung natapos ako niroll ko ito tapos nilagay sa bag. At nung tumingin ako sa bintana may nakita ako na hinding inaasahan na lalaki.

Our eyes met.....OMG! Tinitigan niya lang ako at walang hiyang bibig ko ngumiti naman sa kanya! Nako! Anyare sa akin? Nakakaloka ya know? Okay, so nung ngumiti ako sa kanya biglang ngumiti siya at sinabing,

"Hindi ka ba natatakot sa akin?"

At dun ako natauhan siya pala ang badboy ng campus, siya si Brake Li or AKA The Reaper..... Hindi ko alam kung tama ang mga rumors na pinapatay niya o binubogbog niya ang mga taong ayaw niya o mga taong na kinakausap siya na hindi niya gustong kausapin.... Pero saakin hindi ako natatakot tao siya eehhhh...

" Hindi, bakit naman ako matatakot sayo?" Sagot ko sa kanya..

"Nashock ako ahh...Kasi ikaw palang ang isang babaeng hindi natatakot saakin"

Ako palang? I'm so brave talaga<(^-^)>

"Pero hindi ibig sabihin na hindi kita sasaktan diba?"

Sabi niyang na nakangiti...pero... Hindi talaga ako natatakot sa kanya...Ewan ko lang kasi pakiramdam ko hindi niya ako sasaktan ehhh. At hindi na malayan na nagcreate na pala kami ng conversation

Kyle: Sasaktan mo ako? Di nga! Sige nga! Example nga!

Brake: Hahaha! Kulit mo talaga....

Kyle: OMG! Tama ba nakikita ko? Ikaw tumatawa? Swerte ko ngayon aahhh

Brake: Baliw....

Kyle: Hoy lalaki ka! Hindi ako baliw! Except lang kay crush malamang~~~~ 

Brake: O sige hindi ka baliw... Landi nga lang

Kyle: Ikaw!

Hahabulin ko sana siya pero tumalon siya sa puno na inupuan niya kanina at.....NATAKOT AKO DUN NO! CHAROT! Hindi no! Nakakalimutan mo ata Diary na hindi ako madalas natatakot! Ako pa ba? Nung lumapit at tumingin ako sa labas ng bintana nakita ko siya sa baba na hinintay ako hanapin siya

Kyle: Nasisira na ba talaga ulo mo?

Hindi niya ako sinagot ngunit nagpakilala lang siya

Brake: Brake Li! I-taga mo sa bato aahhh!

Sigaw niya sa akin habang nakatingin saakin sa taas. At malamang hindi ako nagpapatalo, nagpapakilala din ako...

"Kyliana Akagami!"sigaw ko din sa kanya...

Brake: I know......Kyle~~

Mahinang banggit niya pero narinig ko malamang! Hindi ako bingi ya know? Pero..... He know? How?Stalker?

                                                                       

                                                                    Confused Goddess,

                                                                              Kyliana

También te puede interesar