Hindi makapaniwala si Axel sa magandang tanawin na nakatayo sa kanyang harapan. Serene was wearing nothing but her bare skin. Nang-aanyaya ito. Nang-aakit. Totoo nga ang sinabi sa kanya ni Caleb, Serene really is a sex machine. Walang lalaki ang hindi mahuhumaling sa taglay nitong ganda at animo'y hinubog na katawan. Kung hindi lang ito bayarang babae ay kanina pa niya ito tinikman. Iniisip pa lang kasi niya ang mga lalaking maaring humawak at gumamit rito ay umuurong na kaagad ang pagkalalaki niya.
Oo, dinala niya ito sa isang hotel. Pero hindi para makipagtalik rito kundi para simulan ang isang bagay na matagal na niyang pinagplanuhan.
Nagkamali ang babaeng ito ng napiling paibigin. She murdered his brother. She has to pay for it, and taking her own life isn't enough. Alam niya na hindi sapat iyon sa pinagdaanan ni Jacob at ng pamilya niya. He will destroy Serene Lastimosa more than she ruined his family.
Axel cleared his throat. "I didn't ask you to take off your clothes."
"Anong gagawin natin dito kung hindi tayo --"
He handed her again his coat. "Kaya kong magbayad ng ibang babae para ikama. Pero hindi ikaw, Serene."
"P-Pasensiya ka na. Alam ko naman na hindi ka papatol sa GRO na kagaya ko --"
Walang anu-ano'y tumayo ito at walang pagaalinlangang inaangkin ang mga labi niya. Saglit na nanlaki ang mga mata si Serene dala ng pagkagulat ngunit unti-unti siyang nilamon ng halu-halong sensasyon na noon lang niya naramdaman. Then, she slowly closed her eyes to feel her first kiss. Sa unang pagkakataon, isinuko niya ang mga labi niya sa isang lalaki.
Serene hardly had a moment to react before Axel pressed his tongue to the seam of her lips. The kiss was like a tease but fiery, passionate and demanding. She wanted to pull away before she loses herself but she can't seem to. Her heart started to pound like a drum. Hindi niya maintindihan kung bakit ganoon na lamang kalakas ang epekto ng halik ni Axel sa kanya. Parang ayaw niyang tumigil ito. She wanted more. She wanted to ask for more.
Kapwa sila humahangos ng maghiwalay ang kanilang mga labi. Malamlam ang mga mata niyang tumitig sa mukha ng binata.
"Axel …" She whispered his name like she was demanding for more. It was the strangest and the most amazing feeling she had ever felt. Axel just took her breath away.
"Now, put this on before I lose myself."
Tumalikod si Axel sa kanya at muling naupo sa gilid ng kama. "Gusto kong mahalin mo ako, Serene. Pero bago mo gawin 'yon, gusto ko munang mahalin mo ang sarili mo."
Hindi siya makapaniwala sa ginawa at sinabi ni Axel. Kung ibang lalaki ang kasama niya ngayon, malamang kanina pa siya pinagsasawaan nito.
Bahagya siyang nakaramdam ng hiya sa sarili.
"Gusto mong mahalin kita?"
Axel tapped the bed. He wanted her to sit beside him.
Naupo naman si Serene sa tabi nito.
"I … I just don't want you to love someone else. Jacob loved you so much. I know how much it would hurt him kung magmamahal ka ng iba. Kaya kung magmamahal ka, ako na lang." Hinawakan nito ang kamay niya saka nito dinampian iyon ng munting halik. "Love me, Serene. And I promise, I will love you back more than Jacob did."
["B-Babe." Nakangiting tawag sa kanya ni Jacob habang palapit ito sa kanya. PInilit niyang itago ang mga luhang unti-unting namumuo sa kanyang mga mata. Jacob have done so much for her. Halos lahat ng assignments niya, ultimo thesis at projects niya ay ito ang gumagawa.
Kaya naman sinabi na niya kay Kayleigh na ayaw na niyang ituloy ang plano. Hindi niya kayang saktan si Jacob. Hindi niya kayang saktan ang taong walang ibang ginawa kundi ang mahalin siya. Humahanap lamang siya ng tiyempo kung paano sasabihin kay Jacob ang lahat.
"Anong ginagawa mo rito?" Tanong niya bago niya inilapit ang pisngi sa binata upang tanggapin ang halik nito.
"I miss you." Saka nito iniabot ang isang bugkos na papel. "Tinapos ko na lahat ng paper works mo kagabi. Alam ko na matutuwa ka kapag ginawa ko yon."
Pinagtitinginan sila ng mga estudyante na bahagyang ikinabahala niya. Alam niya kung ano ang iniisip ng mga ito. At kahit na sanay na siya sa mga sinasabi ng mga ito na isa siyang dakilang 'user'. Natatakot pa rin siyang malaman iyon ni Jacob. Ayaw niyang masaktan ito kapag nalaman nito ang totoo mula sa ibang tao.
"Salamat. Hindi mo na dapat ginawa 'to. Kaya ko namang gawin 'to eh."
"Babe, kapag kinasal na tayo, kailangan mo ng masanay na ibang tao ang gagawa ng mga bagay-bagay para sa'yo."
Nagulat siya sa sinabi nito kaya hindi siya nakapagsalita kaagad. "K-Kasal?"
"Halika, may ipapakita ako sa'yo." Hinawakan siya nito sa kamay saka dinala sa grand stand ng unibersidad.
Halos maubusan ng hininga si Serene nang datnan niyang punung-puno ng mga estudyante ang buong paligid. They were all like waiting for something. Then, everybody started cheering and shouting their names when they saw her and Jacob at the entrance.
Jacob held her hand tighly.
"Jacob, please --"
She started crying. Hindi siya umiiyak dahil masaya siya. Umiiyak siya dahil hindi niya inaasahan na gagawin iyon ni Jacob at kung bakit kailangang humantong sa ganoon ang lahat. "I have to tell you something."
But Jacob just ignored her.
"Stop crying, babe. I love you."
Halos ayaw humakbang ng mga paa niya ng dalahin siya nito sa gitna ng field. Nakita niyang lumingon si Jacob kay Axel. Sumaludo ito sa kapatid bago ito lumuhod sa harapan niya.
Jacob opened a small box.
"Noon pa lang Serene, sobrang mahal na kita. The moment I laid my eyes on you, I knew, you were the only woman I will love, will always will, for the rest of my life. And fate just granted my wish coz you loved me back. Hindi ko kayang mawala ka pa sa buhay ko." Saglit itong yumuko upang kunin ang singsing mula sa loob ng maliit na box na iyon.
"Jacob, nakikiusap ako sa'yo. Huwag mong gawin 'to."
Pero hindi nakinig ang binata sa kanya. Itinuloy pa rin nito ang balak nito at itinanong pa rin sa kanya ang tanong na alam na alam niya kung ano ang sagot.
"Serene Lastimosa, will you marry me after college?" Nakangiti nitong tanong sa kanya.
Lumuhod si Serene. Hinawakan niya ang mga kamay ni Jacob. She slowly closed her eyes and kissed those hands. "I'm sorry Jacob. I'm sorry …" Kasabay noon ay ang pagpatak ng mga luha niya.]
"S-Serene, anak, bakit ka naman pumayag na pakasal sa lalaking iyon? H-Hindi ba't sinabi ko na sa'yo na masama ang kutob ko sa Axel Buenavidez na iyon?" Tanong ni Aling Mercedes sa anak. Alam niyang anumang oras ay pwede siyang mawala sa mundo. Malala na ang sakit niya at gusto niyang makitang nasa maayos si Serene bago man lamang siya mamatay.
"Mama, mabuting tao si Axel. Mahal niya ako." Pagtatanggol nito sa lalaki.
Halos isang taon ng nobyo ni Serene ang binata. At sa kabila ng lahat ng kabutihang ipinapakita nito sa kanilang mag-ina ay hindi gumaan ang loob niya rito. Alam niya na sa kabila ng walang kapalit na pagtulong nito ay may lihim na ikinukubli ito sa kanyang pagkatao.
"Ang gusto ko lang naman ay mapabuti ka, Serene."
Hinimas nito ang kanyang noo saka ito ngumiti sa kanya. "Masaya ako Mama. Hindi ko akalain na diringgin ng Diyos ang panalangin ko."
Pinilit niyang ngumiti para rito. Labag man sa kalooban niya ang nalalapit na pagpapakasal nito sa binata ay wala siyang magawa. Paano siya tututol sa kagustuhan ng anak kung ito lamang ang nag-iisang bagay na nakapagpasaya at nakapagpangiti rito?
"Ipinakilala ka na ba niya sa mga magulang niya?"
"N-Nasa ibang bansa raw po ang mga magulang ni Axel. Ipapakilala daw niya ako bago ang kasal."
Kumikirot ang puso ni Aling Mercedes habang pinagmamasdan ang nakangiting si Serene. Hindi niya ginustong pagdaanan ng anak ang hirap. Hindi niya ginustong isilang ito para matikman ang lupit ng mundo. Marami siyang pangarap para sa anak. At masakit para sa isang ina ang makitang pinaghihirapan ng anak ang mga bagay na responsibilidad sana ng isang magulang.
"Ipinagmamalaki kita, anak. Mahal na mahal kita." Isang butil ng luha ang tumulo mula sa kanyang mga mata.
"Para sa'yo lahat ng ginagawa ko, Mama. Nag-aral ulit ako sa kolehiyo para tuparin ang ipinangako ko sa inyo na makakapagtapos ako ng pag-aaral."
"Salamat, anak. Patawarin mo ako kung halos wala akong naitulong sa'yo."
"Ma, yung mabuhay ka lang. Yung makita ko lang na patuloy kang lumalaban sa sakit mo. Sapat na sa aking tulong yon."
Hindi man siya makakadalo sa pagtatapos nito sa kolehiyo ay masaya siya para rito.
"Magpahinga ka na Mama. Bukas, babalik ako rito pagkatapos na pagkatapos ng graduation ko. Ipapakita ko sa'yo kaagad ang diploma ko."
Marahan lamang siyang tumango.
"Bye Mama." Nakangiti nitong sabi bago nito tuluyang nilisan ang silid.