Hindi ko alam kung tama ba 'yung pagkarinig ko o sadyang malakas lang ang busina ng mga sasakyan kaya parang hindi ko naintindihan?
Nanatiling nakasubsob ang mukha ko sa dibdib niya habang nagproproseso sa utak ko 'yung sinabi niya.
'I want you...', paulit ulit na nag rereplay ito sa utak ko.
Saan? Ha? Ano?What?
"Hoy babae!", mahinang tinapik nito ang mukha ko at ilinayo ako sakanya. "Kung makadikit ka ha! At ang ibig sabihin ko sa 'I want you' gusto ko lang na tulungan mo ako sa assignments at projects ko sa bahay!", pasigaw pa rin na pag eexplain nito.
Parang kalahati saakin ay umasa na iba ibig sabihin niya doon sa I want you niya. Pero hindi! Yuck. Hindi ako aasa. At bakit ako aasa? Puro lang naman away at gulo ang alam niyan! Hindi 'yan marunong mag mahal!
"A-At bakit naman kita tutulungan?", I did my best not to stutter a word but failed.
"Kasi gusto ko! Bobo ka ba! Tara na! Nakakairita dito sa gilid ng kalsada! Ang dumi!", reklamo nito. Ang ibang tindero at tindera ay napapatingin sakanya at tinitignan siya mula ulo hanggang paa.
Palibhasa rich kid. Kung ako mayamang tao, lahat ng nangangailangan ng tulong bibigyan ko ng pera. Diba.
"Hey! Get it the car!", hindi ko alam na pinagbuksan pala ako nito ng pinto ng sports car niya. Tinaasan ko lang ito ng kilay at nagcross arms saka umiling. "Jesus...", inis na sabi nito at saka tinulak nalang ako papasok sa loob ng kotse niya saka malakas na isinara ang pinto.
Wow kilala niya pala si Papa Jesus. Akala ko puro kademonyohan lang alam niya.
Pumasok na siya at umupo sa driver seat. "Pabebe pa kasi...", reklamo nito.
"Wow, pabebe na pala 'yun? Ayaw ko naman talaga eh! Ikaw itong pinagtulakan ako papasok ng kotse mo! Dumihan ko itong kotse mo!", banta ko sakanya. Eh kasi mukhang bago nag kotse ng gago, ang ganda sa loob. Ang bango pa ng pabango ng kotse niya kahit panlalaki ito.
"Try me and you're dead.", seryosong sambit nito habang nakapokus ang tingin sa kalsada.
At dahil nga dakilang inosente ako, at hindi ako marunong manaray, mag roll-eyes o umirap, napatingin nalang ako sa may bintana at tinignan ang mga nadadaanan namin.
Maya-maya ay binalutan kami ng katahimikan which made me feel awkward. Eh sino ba naman ang hindi ma-a-awkward eh tanging tunog ng katahimikan lang ang maririnig niyo. And 100%, i'm bothered with his presence. My breathing becomes uneasy.
'Mag salita ka, Hendrix! hindi ako sanay! Sobrang tahimik.', sambit ko sa utak ko.
Pero nanatiling nakatuon ang pansin nito sa kalsada. Hindi man lang naisipan na magpatugtog ng radyo. Ako itong nasasakal sa katahimikang nabubuo dito sa loob ng kotse niya.
"Bakit ako pa?", tanong ko dito ngunit nanatiling nakatuon ang aking tingin sa labas ng aking bintana.
A few seconds before he answered, "Because, you're smarter than any other."
"Hendrix, gabi na kasi. Baka kung mapano pa ako mamaya sa daan.", pag eexplain ko dito.
Napahalakhak naman nito, "Seriously? You think someone is willing to rape a human like you?", binalingan pa ako nito ng tingin at tinignan ako mula ulo hanggang paa na para bang hindi makapaniwala sa sinabi ko.
Napapoker face naman ako dahil dito. "Gago.", saad ko nalang at napacross arms.
"Galit ka na niyan? HAHAHA totoo naman diba?", sige realtalk pa bobong ito.
"I'd rather stay calm here than fighting an immature creature like you.", I utter.
"I'm not being immature, i'm just telling the truth.", natatawang sambit nito.
"Tss, gago.", inis na bulong ko pero mukhang narinig niya.
"Talunan.", he grinned.
....
"HOY!", napabalikwas ako sa aking kinauupuan ng biglang may sumigaw sa tenga ko.
Agad akong napalingon lingon sa pinanggalingan ng boses na iyon.
Nakita ko si Hendrix na nakatingin saakin habang may ngise sa mga labi nito. "Laway mo tumutulo na..."
Dahil sa sinabi nito ay agad akong napapahid sa gilid ng bibig ko pero wala naman akong nahawakang laway doon. Humalakhak naman siya kaya hindi ko napigilan na ipagsalubong ng mga kilay ko. "Argh bwiset ka!", bulyaw ko at sinipa siya sa may tuhod niya.
Napatingin ako sa labas ng bintana ko at nakita kong nasa isang parking lot kami kaya agad akong lumabas ng kotse na dala ang aking bag.
Padabog akong naglakad mag isa palayo sakanya. Buset! Kanina pa siya! Nanggigigil ako! Bahala na kung saan mapadpad itong mga paa ko!
"Hey! Wait up!", rinig kong sigaw nito mula sa di kalayuan pero hindi ko ito pinansin at mas binilisan ang paglalakad ko. Gumawa siya ng assignments niya mag isa! "BABAE! HOY!", Sigaw nito sa likuran ko kaya mas binilis-bilisan ko pa ang paglalakad. Parang tumatakbo na tuloy ako.
"Hoy!", napatigil ako kakalakad ng may humawak sa braso ko upang pigilan ako.
Inis na hinarap ko ito, "Bitawan mo ako! Uuwi na ako! Ayoko ng tulungan ka! Wala kag kwentang kasama!"
His expression changes into a blank one, "No. Hindi ka uuwi. You'll going to help me wether you like it or not.", kasabay nito ang pagkabila ko ng kaladkarin ako nito.
"H-Hoy! Ano ba! Bitawan mo ako!", huta mapapasubsob pa ako sa sahig.
"No. You'll stay.", matigas na sabi nito. Damn this boy! You're getting on my nerves.
Hindi nalang ako nagsalita pa at nagpahila nalang sakanya. Napalingon lingon ako sa paligid at nakita kong nasa isang condominium kami. Anong ginagawa namin dito? Dito ba siya tumitira?
Pumasok kami sa loob at tumayo sa tapat ng elevator. Nanatiling nakahawak ang kamay nito sa kanan kong braso. Ako naman itong naiilang na hindi malaman ang gagawin dahil sa paghawak nito sa braso ko.
[Ting!...]
Bumukas na ang elevator at lumabas doon ang dalawang babae, mahina pang humagikhik ang dalawang babae ng makita si Hendrix at eto namang pangit na ito, plano na atang tumakbo bilang presidente ng mga chickboys dahil kinindatan nito ang dalawang babae sabay lipbite.
I gave hima disgust look as we entered the elevator. "Really?"
He arched an eyebrow, "What?"
"Chickboy.", I murmured, still he heard it.
"Hey i'm just being a nice man."
"And that's your way of being nice to girls huh?", I chuckled. "Seems like you were going to fuck those to later."
"Hey, shut it. And don't say bad words. Kailan ka pa natutong magsalita ng ganyan?", saway nito.
"Tsk. Hindi na ako bata para hindi malaman ang ganoong mga bagay.", tipid kong sabi.
"Whatever...and why do you care? Ano ba pake mo kung dalhin ko sila mamaya sa kwarto ko?"
"Kadiri lang tignan.", sabi ko nalang.
He laughed in disbelief, "Seriously? Kadiri? Mas kadiri 'yon tignan kung babae mismo ang gagawa noon. Kaya ikaw...", humarap ito saakin at pinantay niya sarili niya saakin sabay pitik ng noo ko, "Huwag na huwag kang gagawa ng ganoong mga bagay ha? Stay kind and ugly."
Napadaing naman ako sa pagpitik nito sa noo ko at hinaplos haplos ang parte na ito. "Ano ba! Tigilan mo nga pang aaway saakin kahit ngayong gabi lang! Hindi talaga kita tutulungan!", banta ko dito.
He chuckles, "Well, seems to me that you'll going to be my companion for the whole night. Is it alright with you?", tanong nito, na-duling naman ako dahil inilapit nito ang mukha niya saakin.
[Dug dug dug...]
Puso! Kalma lintek.
"H-Ha...", parang kakapusin na ako ng hininga dito. Umayos ka, Alyisha!
"You're going to stay with me the whole night.", kasabay nito ang pagbukas ng elevator at pag kaladkad nito saakin palabas. Ako naman itong nalutang dahil sa sinabi niya.
Stay? For the whole...night?