webnovel

Chapter 54 - The Decision

MEDC OFFICE...

"ANONG SINABI MO?"

Hindi natinag ang kausap kahit pa sumigaw ito.

Nasa loob sila ng opisina ng Chairman.

"Kumakalas na ako bilang isa sa investor ninyo. Ayaw ko ng gulo Mr. Dy, ayusin niyo muna 'yan saka ako babalik."

"Hindi mo yata kilala ang chairman Mr. Chang? Hindi mo alam ang kaya niyang gawin sa mga taong katulad mong traydor!"

"Ayaw ko ng gulo, pumasok ako bilang kapitalista hindi para madamay sa gyera. Huwag kang mag-alala, kapag naayos na ito, babalik ako. Dodoblehin ko pa ang shares ko."

Tumayo siya at akmang aalis nang biglang may pumasok na kasamahan nito.

"Chairman! Kumakalas ang iba pang investors ng kumpanya!"

Bago umalis ay narinig pa ni Rodney Chang ang malutong na mura ng Chairman.

Halos mangalaiti si Henry Dy sa mga naririnig na report sa kanya.

"Kumikilos na ang panig ni don Jaime, alam na na niya kung sino ang Chairman!"

Dahil sa narinig ay agad niyang tinawagan ang taong nabanggit.

"Mr. Chairman, kailangan ninyong umalis ng bansa! Alam na ng kalaban ang tungkol sa inyo! Anumang araw o oras huhulihin ka nila!"

Matapos makipag-usap ay hinarap niya ang mga kasama.

"Kailangan na nating umalis! Itapon lahat ng ebidensiya!"

---

DELAVEGA MANSION...

"FUCK DAD!"

"HIJO DEPUTA XANDER!"

Parehong nangangalaiti sa galit ang mag-ama nang magkaharap.

Makalipas ang isang linggo ay dumating na ang kanilang inaasahan ngunit may hindi inaasahang pangyayari ang nangyari!

"Sino ang nagtimbre dad?"

"Ako pa tinatanong mo trabaho mo naman ang shipment!"

"Shit! Kararating lang ng marteryales ni raid na!"

"Sino ang may gawa nito! Sino ang traydor! Sino ang hayop na-" natigilan ang senior sa naisip.

Napatingin siya sa anak na may matalim na tingin sa kawalan.

"Sandali, hindi kaya 'yong Ace na 'yon? Tama nga ako! Ginamit lang ng pagkakataon ng demonyong' yon para kunwari iligtas ako pero ang totoo isang espiya!"

Tumingin sa kanya si Xander. "Hindi dad, nasa loob ang nagtatraydor."

"Ano?"

"Saglit lang na nandito ang lampa na 'yon. Imposibleng matuklasan niya agad ang mga transaksyon gayong wala pa siyang isang buwan sa poder natin. Kahit pinakamagaling na espiya hindi magagawa ang ganoon. Hindi gano'n kadali makahanap ng ebidensiya laban sa atin.

Ibig sabihin may nagtraydor mula sa grupo at ipinaalam ang transaksyong ito sa lampa na 'yon."

" Kung gano'n sino ang traydor? "

"Malalaman din natin 'yan. Sa ngayon kailangan nating maghanda. Anumang oras darating ang mga awtoridad. Kailangan na nating makaalis sa bansa."

Napapakit ang matanda, at ang pagdampot niya sa basong may lamang alak ay kasabay ng pagbato nito sa dingding.

---

AMELIA HOMES...

Nakahiga si Gian habang nanonood ng TV at si Ellah naman ay naghahanda ng pagkain nila.

"Nakapalaki na ng utang na loob ko sa'yo, paano pa ba ako makakabayad niyan?"

"Hindi mo naman kailangang tumanaw ng utang na loob dahil obligasyon ko ang protektahan ka."

"Obligasyon?"

"Oo naman."

"Ako? Ano ang obligasyon ko sa'yo?"

"Wala, mahalin mo lang ako sapat na 'yon."

"Talaga? Pangako mamahalin kita hanggang sa aking huling hininga."

"Maraming salamat, mahal na mahal kita."

"Napakatalino mo na, napakagwapo mo pa, napakabait at malawak ang pang-unawa, Gian, hindi kaya maaga kang kukunin ni Lord?"

Natawa ang binata.

"Ikaw talaga, gusto mo ba?"

"Siyempre hindi, ang gusto ko magiging tulad tayo ng dalawang matanda noon sa couple restaurant."

"Ayoko, pangit sila"

"Sira."

"Sigurado ako kahit gano'n tayo katanda, maganda ka pa rin at gwapo ako."

"Hay naku! Umandar na naman ang kayabangan."

"Totoo naman ah, ang sabi nga ni sir Ramon, lamang raw ako ng limang paligo sa kanya."

"Hmp! Ang unang sinabi niya tatlo raw, pero nang lapitan ko dalawa na lang daw, pero ng lumapit ka lima pala."

Natawa si Gian. Maya-maya ay sumeryoso siya.

"Alam mo, na mimiss na kita."

"Ha? Eh lagi tayong magkasama ah?"

"Iba pa rin 'yong solo kita."

"Bakit solo mo naman ako ah? "

"I mean 'yong magagawa natin ang gusto natin ng walang nakakakita," bulong niya sa tainga ng dalaga.

"Naku Gian ha! Ayoko na, buti na lang tumawag si Vince noon!"

"Bakit ayaw mo ba?" hinahalik-halikan ng binata ang likod ng tainga ng kasintahan.

"Magtigil ka nga!" bahagya itong umiwas.

Pero hinabol niya ng halik si Ellah sa pisngi kaya nanulak ang dalaga.

Nagkatinginan silang dalawa at sabay na nagtawanan.

"Ayoko na ngang lumapit sa'yo," nakairap na wika ng nobya.

"Bakit naman?" nangingiti niyang tanong.

"Gian 'yang ngiti mo ngiting aso. "

"Bagay naman tayo, pusa ka eh. "

"Ano?"

"At ang lolo mo Leon. "

"Wow! Mga hayop na pala tayo ngayon?"

"Hayop sa ganda!"

"Ewan ko sa'yo, tumigil ka nga!"

Malagkit ang mga titig ng binata sa dalaga habang nakangiti pa rin.

Maaaninag sa mga mata niya ang pananabik sa minamahal.

At nagsimula siyang mag-init parang gusto niya itong kuyumusin ng halik!

"Gian... "

Napalunok ang binata "Hm?"

Tanong niyang nakatitig na sa mga labi nito.

Lumapit si Ellah at tinitigan siya.

Bumaba ang tingin nito patungo sa mga labi niya, na para bang nag-aanyaya ito ng isang maalab na halik!

Huwag itong magkakamali dahil hindi niya ito tatanggihan!

Lumapit din siya at hinawakan ang pisngi ng dalaga.

Yumuko siya para magpang-abot ang mga labi nila ngunit nagsalita ito.

"Panget,  bakit 'yang buhok mo laging nakatakip sa 'yong noo?

Parang Korean style? Halos hindi na nga makikita 'yang mga mata mo eh, " Hinawakan ni Ellah ang noo niya habang nakatingin doon.

'Panira talaga ng moment o!'

"Nahihiya kasi ako."

"Bakit?"

"Sabihin na lang nating, kulang ng self confidence."

"Saan?"

"Sa'yo."

"Ha? Gano'n ba ako kaganda?" turo pa nito sa sarili na parang na shock.

"Parang, nahihiya kasi ako sa'yo. "

"Wow! Nahihiya ka pa sa lagay na 'yan?"

Natawa ang binata at kinabig ang nobya at niyakap na agad naman nitong tinugon.

Hinalik-halikan niya ito sa buhok.

Hindi pa rin siya makapaniwala na unti-unting matatapos ang mga kinakaharap nilang problema.

Ang pagluhod ni don Jaime sa kanya ni minsan sa hinagap hindi niya 'yon naisip.

Ang makuha ang babaeng pinakamamahal niya na muntik na niyang isuko ay naging kanya pa rin.

Ipinikit ng binata ang mga mata at nanalangin.

Nagpapasalamat siya sa lahat ng nangyaring pagsubok na kanyang nalagpasan.

Dalawang beses man siyang muntik ng bawian ng buhay pero nagawa niya pa ring malagpasan ang pinakamabigat na pagsubok na 'yon.

Alam niya gaano man kalupit ang darating na sakit kaya niya 'yong malagpasan!

Ah, wala ng mas ikasasaya sa kanyang nararamdaman, dahil sabi nga ni Vince nasa kanya na ang lahat.

At ang lahat sa kanya ay si Ellah!

---

Thank you po sa mga sumusuporta at sumusubaybay sa storya nina Gian at Ellah kahit na medyo natatagalan ang update.

Nandyan pa rin po kayo kaya thank you po.

Sa mga nag vote at nag comment maraming salamat po.

Please feel free to comment.

Thank you ?

Phinexxxcreators' thoughts
Siguiente capítulo