webnovel

Chapter 25 - The Purpose

MEDC OFFICE...

Nagtitiim ang bagang ni Ellah habang naglalakad patungo sa harapan.

Natahimik ang lahat ng umupo siya sa upuan ng chairman.

"Good morning," mahinahon niyang bati sa lahat saka ngumiti.

Kahit mababa ang posisyon niya, siya pa rin ang tagapagmana.

"I'm sorry, hindi makakadalo ang chairman," aniyang umupo roon.

Hinintay niyang may sumita sa ginawa niya ngunit wala.

Alam niyang nandito siya para batikusin ng mga ito. Nagmistula siyang usa na handang lapain ng mga leon.

Kahit balutin pa siya ng kahihiyan hindi siya aalis sa kanyang dapat uupuan.

Nararapat lang na ang may-ari ng kumpanya ang uupo sa harap at siya 'yon.

"Good morning, everyone. Ang pag-uusapan natin ay tungkol sa income last month."

Lahat sila napatingin sa harap kung saan naroon ang power point presentation sa board. Nasa tabi ang isa sa opisyal na siyang magpapaliwanag.

"Nakasaad dito na umabot tayo ng mahigit thirty million, pero ngayon ay hindi man lang tayo nakapangalahati. Noon malaki man ang expenses natin ay kumita pa rin tayo ng mahigit twenty million pero ngayong buwan, kung ibabawas mo lahat ng expenses ang kikitain natin ay wala pang fifteen million."

Noong hindi pa siya ang general manager sobrang daming gastos na hindi maipaliwanag kaya tinanggal ang dating general manager.

Pera ng kumpanya ang mini mina sa halip na produkto.

Dahil doon napilitang mangutang sa bangko kapalit ng perang nawala.

"Malinaw na merong malaking perang nawawala, Ms. Lopez maaari mo ba itong maipaliwanag?" isa sa mga direktor ang nagtanong at hinarap siya.

Nabaling ang lahat ng tingin sa kanya.

Napalunok ang dalaga.

"Five months ago ay na lugi tayo ng limang milyon pero ngayon ay bawi na. "

Walang reaksyon. Siguro dahil maliit na halaga lamang 'yon, gayun pa man malaking tagumpay para sa kanya. Sa kagaya niyang halos hindi naman na binibigyan ng halaga ang bawat nakakamtan.

Para sa kagaya ng mga taong ito, tinatawag lang na achievement ang isang bagay kapag ito ay may malaking epekto.

"Pero hindi sapat para mawalan ng ganoon kalaking kita, ganyan ka ba mamamahala sa kumpanya?" wika naman ng isa pa at binalewala ang kanyang pahayag.

"May mga naririnig kaming balitang may relasyon daw kayo ng dating bodyguard mo? Hindi kaya ito ang dahilan kaya naaapektuhan ang 'yong pamamahala?"

Kumuyom ang kanyang kamay sa ibabaw ng mesa at nagsimulang umugong ang bulungan.

"Ano ba ang pakinabang ng isang gwardya?"

"Hindi na ba siya nag-iisip ngayon?"

Nagsalita ang head.

"Tinagurian ka ngayong "Kidnapped Me!" Ms. Lopez, hindi mo ba alam na malaki ang epekto nito sa kumpanya? Uulanin tayo ng batikos dahil sa pinagagawa mo. Ipinapahiya mo ang kumpanya at posibleng makakaapekto sa stocks!"

Napatayo na siya.

Pagdating kay Gian ay iba na ang usapan!

"Hindi totoo 'yan! Wala kaming relasyon.

At hindi rin totoong kinidnap niya ako at hindi totoong nagpakidnap ako!

Walang kidnapping na naganap. Na ospital ako at dinalaw niya! Lumayo lang kami saglit at hindi ako nakapagpaalam ng maayos, kaya akala ng chairman, dinukot ako, pero hindi."

"Kung gano' n magpaliwanag ka! Bakit nawawala ang pera?!"

Marahas na huminga ng malalim ang dalaga.

"Director Han," matigas na sabad ni Mr. Go na ikinatingin nilang lahat dito. Nasa dulo ng kanyang harapan ito nakapwesto.

Nag-abot ang tingin ng direktor at ng presidente.

"You have no right to talk like that. Kahalili ng chairman ngayon ang apo niya, kaya dapat mong igalang iyon."

"Pero Mr. President nawawala ang pera -"

"Kaya inaakusahan mong magnanakaw?"

Natahimik ang direktor na lihim niyang ipinagpasalamat.

Tiningnan siya ng presidente.

"Please go ahead Ms. Lopez."

Humugot siya ng malalim na paghinga.

"Ilang buwan na ang nakalipas na malaki ang kita pero hindi naman nagbabayad ng utang.

Ngayon maliit man ang kita, 'yon ay dahil nagbabayad tayo ng utang sa bangko. Sa ngayon ang utang natin ay nasa mga thirty million na lang instead of fifty million."

Natahimik ang lahat at nakatitig sa kanya.

Itinaas niya ang kamay na may hawak na brown envelope.

"Nandito ang bank statement, bilang patunay. "

"Ms. Lopez, paano mo nabayaran ang twenty million na pagkakautang sa loob lang ng isang buwan?" tanong ng isa sa mga ito.

"Ladies and gentlemen, dapat ko pa bang ipapaliwanag ng husto kung paano tayo nakabayad?

Hindi ba ang importante ay nakabayad tayo?"

"Pero nakakapagtakang nakabayad tayo ng ganyang kalaking halaga agad-agad?" sinundan ng tanong ng isa pa.

"Ginawa ko ang lahat ng aking makakaya para makatipid ng husto. Ang pangunahing expenses natin ay ginawa kong kalahati at higit sa lahat ang administrative cost!

Tinanggal ko lahat ng sobra-sobrang benefits ng mga opisyal.

Ang reject na gabundok ay nagawa nating ibenta at kumita, idinagdag ko 'yon sa pambayad ng utang.

Wala ng gumagamit ng kuryente sa gabi, walang palaging nag-oovertime, hindi na palaging lumalabas ang staff tuwing may achievements, pati office supplies ay tinipid ko.

Lahat ng pwedeng tipirin ay hindi ko pinalampas. Dalawampung milyon sa loob ng isang buwan. Iyon ang dahilan kaya nakabayad tayo ng utang."

Natahimik ang mga ito.

"Bilang general manager, responsibilidad ko ang patakbuhin ng maayos ang kumpanya. Pero hindi lang dahil sa posisyon kaya ako nagtatrabaho ng husto, iyon ay dahil mahal ko ang kumpanyang siyang naging puhunan ng dugo at pawis ni don Jaime. Makakaasa kayong hinding-hindi ko pababayaan ang kumpanya! Iyon ang purpose kaya ko ito ginagawa."

Katahimikan.

Nagbubulungan ang mga ito at wala na siyang naiintindihan.

Kaya nagpasya siyang umupo.

Kahit papaano nabawasan ang kanyang kaba at takot. Kung nandito lang sana ang kanyang abuelo tiyak hindi niya dadanasin ang ganito. Gano'n pa man, mas mabuting wala itong alam upang wala na itong dagdag isipin.

Oo at bilyonaryo sila, sobra ang kayamanan, gaano lang ba ang sngkwenta milyones na utang sa bangko? Barya lang sa kanila 'yon.

Pero hindi niya gagamitin ang pera nilang personal para ibabayad sa gastos ng kumpanya.

Kaya umaabuso ang mga opisyal dahil kahit anong gawin nilang kalokohan pagdating sa pera ay may ipambabayad ang kumpanya. Pinatanggal niya sa Chairman ang ganoong patakaran simula ng siya ang maupo bilang General manager.

Isa ito sa dahilan kaya marami ang hindi pumapabor sa kanya.

Kung tutuusin pwede namang hindi na siya magtatrabaho para hindi maputol ang mga pasarap ng mga opisyal, pero hindi ganoon ang kanyang prinsipyo.

Ayaw niya ring abusuhin ang kumpanya.

Hindi nga niya ginagawa bilang tagapagmana, ang ibang tao pa ba?

Wala siyang mga magulang para maging spoiled. Kailangan niyang kumayod kahit pa pinakamayaman sila sa lugar dahil sa totoo lang, hindi niya 'yon kayamanan kundi sa abuelo.

At iyon ang ayaw niyang inaabuso ng kung sino-sino.

Ang milyon-milyon nilang utang ay mga travel expenses ng mga opisyal na may transaksyon sa ibang bansa man o dito lang.

Nagpatuloy ang meeting pero halos wala na siyang naiintindihan.

Masyadong okupado ang kanyang utak sa nangyari parang ngayon pa lang nag rereact ang kanyang katawan.

Hanggang sa narinig niyang nagsalita ang head.

"Ladies and gentlemen, this meeting is adjourned! Good day!"

Naglabasan ang lahat, at nakataas-noo siya habang naglalakad palabas. Wala siyang masamang ginagawa kaya wala siyang dapat ikahiya!

"Magaling ang ginawa mo Ms. Lopez, napahanga mo kami. "

Sinabayan siya ng isa sa mga direktor.

"Salamat direktor Chen."

Palabas na siya nang maabutan ng presidente.

"Congratulations Ms. Lopez," nakangiti nitong saad.

"Salamat, Mr. Go."

Pagkuwan ay mabilis siyang bumalik sa opisina.

Sinalubong siya ni Jen.

"Kumusta po Ms.?"

Nanginginig ang mga tuhod na umupo siya.

"Tubig please, Jen. "

Mabilis itong tumalima at agad siyang binigyan ng tubig.

"Heto po Ms."

Mabilis niyang nilagok ang isang basong tubig, kaya kahit papaano ay guminhawa ang kanyang pakiramdam.

Ngayon may isa pa siyang dapat asikasuhin: Ang dating gwardya na nadamay na naman.

---

PHOENIX AGENCY...

"Gian, mag-usap nga tayo. Talaga bang kinidnap mo ang apo ni don Jaime?"

Kaharap ni Gian ang hepe kinabukasan nang ipatawag siya nito.

"Hindi iyon intentional sir, nagkataon lang na hindi maganda ang paraan ko para makausap ko siya."

"Pero paano 'yan, kakasuhan ka ng mga Lopez?"

"Hindi na ho mangyayari 'yon, nagkausap na kami ni don Jaime."

Napatingin ang hepe sa kanya.

"Talaga? Siguradong may kapalit."

"Isang araw na sasamahan ko sa event ang apo niya."

"Anong event?"

"Anniversary daw ng isa sa charity nila."

Sumandal sa kinauupuan ang opisyal.

"Sabagay, marami talagang mga kawang-gawa iyang mga Lopez."

"Ano 'yon? Bahay ampunan?"

"Hindi lang 'yon. May mga ospital din silang tinutulungan na may malubhang karamdaman. Gaya ng cancer, dialysis mga ganyan.

May organisasyon pa 'yan silang mayayaman."

"Organisasyon?"

"Oo, meron ditong tinatawag na Zamboanga City Business club. Lahat ng mayayaman, sumasali at ang mga Lopez ang nangunguna sa rango."

Napatango-tango ang binata.

"Salamat ho sir."

"O sige, pero huwag mo ng ulitin 'yon ha?"

"Yes, sir." Tumayo siya at sumaludo rito bago umalis.

Napaisip siya sa sinabi nito habang palabas.

'Business club? Sobrang yaman talaga ng mga Lopez.

Pero bakit ang tagapagmana, hirap na hirap makuha ang titulong iyon?'

Bumalik siya sa kanyang opisina at nagsimulang magligpit ng mga gamit dahil ilang araw na lang tuluyan na siyang aalis.

"Pare, talaga bang final na 'yan? Iiwan mo na talaga kami?"

Sinulyapan niya si Vince na nasa pintuan kasisilip lang.

"Kailangan pare. Isa pa, tapos na ang misyon ko."

"Sayang naman."

"Pero may hiniling pa sa akin ang mga Lopez."

Tuluyan na itong pumasok at umupo sa mo block sa gilid.

"Talaga? Ano 'yon?"

"Sa sabado, sasamahan ko si Ellah sa isang event."

"Schedule mo ng pag-alis 'yon hindi ba?"

"I a-adjust ko na lang. Lintek kasi eh, may nagawa akong kapalpakan."

"Ano naman?"

"I tried to abduct her. "

Laglag sa upuan ang kaibigan!

"Hoooahhh!" nanlalaki ang mga mata nitong napatayo.

"Joke ba 'yan?"

"No, I'm serious. "

"At bakit daw?" Tiningnan siya nito ng may pagdududa.

"Pare sinasabi ko sa'yo ibang lebel ang mga Lopez, bawal sila sa kagaya natin."

Umiling siya.

"Pare, nakuha ko siya eh. "

Mas nanlaki ang mga mata nito.

"I-ibig mong sabihin n-nakuha mo ang..."

"Napakarumi talaga ng utak mo. Linisin mo nga 'yan!" bulyaw niya.

Umupo ito uli.

"Linawin mo kasi. "

"Nagtagumpay ako, nadukot ko siya mula sa mga bodyguards niya."

"K-kailan 'yon nangyari?"

"Kahapon"

"Tang ina pare! Hindi ka ba kinasuhan!"

Umiling siya.

"Pinagbantaan akong kakasuhan ng kidnapping kaya ang kapalit, samahan ko ang apo niya sa sabado. "

Umiling-iling ang kaibigan.

"Paano ba kasi ang nangyari?"

"Naospital si Ellah, kaya dinalaw ko, hindi ko alam na may bago ng bodyguard tatlo pa. Tsaka parating si don Jaime kaya napilitan akong dalhin siya sa hindi kilalang hotel, pero may nakakilala pa rin. "

"H-hotel?! Lintek pare anong ginawa-"

"Wala!" singhal niya. "Nag-usap lang kami, pero hayun nga, tinawagan yata ni don Jaime si chief kaya ipinaalam sa akin."

"Pero pare, umamin ka nga, may pagtingin ka ba do'n sa apo niya?"

Natahimik ang binata.

Sa halos isang buwang nakasama niya ito ay marami siyang natutunan at natuklasan. Marami itong kaaway at laging dapat may patunayan para lang maging karapat-dapat na tagapagmana.

"Nakakaawa siya."

"Anong nakakaawa? Eh ang yaman-yaman ng mga iyon!"

"Ewan ko ba, iba siya."

Sa pagkakataong ito, naglaho na ang tuwa sa anyo ng kaibigan at naging pormal.

Humugot ito ng malalim na paghinga.

"Pare, Lopez ang pinag-uusapan dito. Matagal ko ng sinabi sa'yo huwag mong ilapit ng husto ang sarili mo sa mga 'yon. Mga demonyo ang mga gaya nila. Ginagamit ka lang, pinaglalaruan pare mapapahamak ka!"

Nagtiim ang kanyang bagang at tinitigan itong mabuti.

"Pare, ang demonyong tinutukoy mo ay siyang nagligtas ng buhay ko noon. Kung hindi dahil sa demonyong 'yon matagal na akong wala sa mundong ito."

Hindi ito umimik at humugot ng malalim na paghinga.

"Nag-aalala lang naman ako sa'yo."

"Sa trabaho natin lagi tayong nasa panganib, hindi natin alam kung kailan tayo mapapahamak-"

"Pero kasi iba ang landas na tinatahak mo. Mga Lopez 'yan. Sobrang yaman pero sobra ding daming kaaway."

"Last assignment na 'to at pumayag naman si chief Romero."

Tumunog ang kanyang cellphone at tumatawag ang apo ng don. Sinagot niya.

"Gian?"

"What?"

"Mag-usap tayo."

"Go ahead," tugon niya.

"No! Magkita tayo."

"Pasensiya na, busy ako."

"Tungkol sa pagkidnap mo sa akin. Dahil sa ginawa mo, nagkaproblema ang kumpanya at dinadamay ka."

"Ano?!"

Siguiente capítulo