webnovel

SHE'S A VAMPIRE CHAPTER 11

Ran's POV

"RAN, WALA ka na bang balak bumalik sa lugar na iyon?" tanong sa akin ni Perzeus habang nasa dalampasigan kami at tinitingnan ang papalubog na araw.

Dalawang buwan na rin pala ang nakalipas simula nang dalhin ako ni Perzeus dito sa Vampire Island.

"Alam mo bang miss na miss ka na ng papa mo?" sabi niya. "Lagi ka niyang tinatanong sa akin tuwing binibisita ko siya. Alam mo bang sobrang lungkot niya simula nang umalis ka sa bahay ninyo?"

Napabuntong-hininga naman ako. "Gusto ko na rin namang bumalik, Perzeus pero naisip ko may babalikan pa kaya ako?" tanong ko. "Kung babalik ba ako may mababalikan pa kaya akong mga kaibigan?" tanong ko at hinarap siya.

Tinapik naman niya ang balikat ko. "Kung wala ka ng mababalikan pa, nandito pa rin naman ako bilang kaibigan mo. Kaso, bampira nga lang at hindi ako tao," natatawang saad niya.

Natawa naman ako nang mahina sa sinabi ni Perzeus.

Keith, naaalala mo pa rin kaya ako?

Ikaw kaya, Atoz? Kumusta ka na?

"SALAMAT PO sa pag-aalaga at pagtanggap sa akin," sabi ko kay Aling Krisana.

"Wala iyon. Kahit kailan ay p'wede kayong bumalik dito kung gugustuhin ninyo," nakangiting sabi nito.

"Sige po tutuloy na po kami." Paalam ko at nagsimula na maglakad palabas ng bahay kasama si Perzeus.

"Kung talagang mahal ka niya iintindihin ka niya at tatanggapin kahit isa ka pang bampira."

Napatigil naman ako sa paglalakad at napalingon kay Alexang tatay ni Perzeus. "Magtiwala ka sa akin, tatanggapin ka rin niya. Hindi pa man sa ngayon pero balang araw." Dagdag pa nito.

Napangiti na lamang ako sa sinabi nito bago kami tuluyang umalis. Nagbangka kami ni Perzeus pabalik dahil ayaw ko namang buhatin na naman niya ako kasi baka asarin na naman akong mataba ako.

"Ran, talaga bang buo na ang desisyon mong bumalik?" tanong nito. "P'wede pa naman tayong bumalik sa Vampire Island kung gusto mo."

Natawa naman ako sa sinabi niya. "Oo naman! Buo na ang desisyon kong bumalik," sabi ko sa kanya.

"ANAK, MABUTI at umuwi ka."

"Pamangkin!"

Nagulat ako nang biglang sumulpot si Uncle Tommy sa harap ko. "Saan ka ba nagpupupunta? Alam mo bang miss ka na ng mga tao sa bar?" Umiiyak na sabi nito at saka ako niyakap.

"P'wede ba, Uncle. Huwag kang OA! Dalawang buwan lang ako nawala at hindi isang taon," sabi ko sa rito at kumawala sa yakap nito.

"`Pa," tawag ko kay Papa. "Na-miss po kita," sabi ko at saka ko siya nilapitan at niyakap.

"Na-miss din kita, anak," wika niya at saka ako ginantihan ng yakap.

"Papa, sorry po kung hindi po ako nagpaalam sa inyo na aalis ako." Hindi ko na napigilan ang aking pag-iyak. "Sorry po talaga."

"Ano ka ba? Naiintindihan naman kita kaya mo nagawa iyon, eh. Basta sa susunod ay magpaalam ka sa akin para hindi ako nag-aalala sa'yo," sabi niya at pinunasan ang mga luhang tumulo sa pisngi ko.

Habang nasa sala kami at nagkwekwentuhan ay may tinanong si Uncle Tommy sa akin. "Pamangkin, bakit ka pala umalis nang walang paalam?" tanong nito. "Siguro, may tinataguan ka, `no?"

"Wala."

"Mayro'n."

Tiningnan ko naman si Perzeus nang masama.

Tuwawa lang ito. "Wala pala," sabi nito sabay kamot sa batok.

"Simula pala nang nawala ka, Ran laging may pumupunta rito sa bahay para tanungin kung bumalik ka na."

Napatingin naman ako kay Papa. "Lalaki po ba?" tanong ko. "Baka si Atoz," sabi ko.

"Hindi siya lalaki," sabi niya.

Huh?

"Ah! Naalala ko na ang pangalan niya."

"Ano?" tanong ko.

"Keith."

"Si Keith?" bulong ko.

NANG MAGTATAKIP-SILIM na ay inutusan naman ako ni Papa na pumuntang bayan para mamili. "Balik ka rin, ah?" sabi nito nang nasa pintuan na ako palabas ng bahay.

"Oo naman po."

"Baka kasi mamaya umalis ka na naman nang walang paalam, eh."

"Hindi na po mangyayari iyon!" sabi ko at tumawa. "Sige, alis na po ako."

"Ang tagal ko ring hindi nasakyan `to." Tukoy ko sa bisikletang ko na bahagyang pinagpagan.

Habang nasa byahea ako ay napatingin ako sa papalubog na araw. Napaisip ako. Bagong araw na naman ang haharapin ko bukas.

Nang makarating ako sa bayan ay agad kong hinanap ang bilihan ng mga karne.

Lumingon ako sa mga hilera ng mga nagtitinda. Habang naglalakad ako ay nagulat nang biglang may yumakap sa akin kaya nabitiwan ko ang hawak kong bisikleta dahilan para bumagsak ito sa sememtong sahig.

"Sabi ko na nga ba ikaw iyan, eh!" sabi nito habang yakap-yakap pa rin ako.

Agad ko naman siyang tinulak palayo sa akin.

"Atoz!"

GULAT NA GULAT ako sa taong nasa harap ko—Si Atoz!

"Kumusta ka na?" tanong niya at ngumiti.

Huminga na muna ako nang malalim.

Kakausapin ko ba siya?'

Tiningnan ko lang siya at tinayo ang bisikleta ko sa pagkakabagsak at nagsimulang maglakad palayo.

Mas mabuting huwag ko na lang siyang pansinin para hindi na ako masaktan pa.

Nagulat naman ako ulit nang may biglang humawak sa pulsuan ko. "Ran," sabi niya. "P'wede ba tayong mag-usap?"

Hinarap ko siya.

"Para saan, Atoz?" tanong ko. "Para ipamukha sa akin na nakakadiri ako? Salot? Umiinom ng dugo? Mamamatay tao? Ano pa?!" mahina ngunit mariin kong wika sa kaniya.

"H-hindi," sabi niya at inabot ang kamay ko pero mabilis kong iniwas iyon.

"Gusto ko lang humingi sa'yo ng tawad," wika niya. "Alam kong nasaktan kita sa mga nasabi ko no'ng araw na iyon. Hindi ko naman sinasadya, eh," aniya at tumingin sa mga mata ko. "Nadala lang talaga ako ng emosyon ko dahil naalala ko ang mama ko."

Huh? Anong ibig niyang sabihin?

"Nasabi ko lang naman ang mga bagay na iyon kasi mula nang bata ako, nilagay ko na sa isip ko na hindi ako gagaya sa mama ko na nagmahal ng isang bampira. Isang kahihiyan lamang iyon sa pamilya namin. Pero mapaglaro ang tadhana at nakilala kita, Ran." Pagkasabi niya ay dahan-dahan siyang lumapit sa akin. "Ran, mahal kita at tanggap ko kung sino at ano ka pa."

"RAN! RAN, kinakausap kita."

Napalingon ako kay papa na nasa aking harapan na pala.

"P-po? Ano iyon? May sinasabi po ba kayo?" tanong ko rito.

Umiling-iling si Papa. "Ang sabi ko, bakit ang tagal mong bumalik. At saka nasaan na ang pinabibili ko sa'yong karne?"

Karne?

"O. M. G," bulong ko. "Nakalimutan ko pa lang bumili!" sigaw ko. "Hala... sorry, papa." Doon ko lang napagtanto na hindi pala ako nakabili ng pinapabili nito sa akin. Nagmamadali kasi akong umalis kanina sa palengke kung nasaan nandoon si Atoz.

"Hay nako, Ran. Kung ano-ano na naman siguro `yang tumatakbo sa isip mo kaya pati ulam natin nakalimutan mong bilhin," sabi ni Papa.

"Sorry po," mahinang turan ko na lang dito saka nag-peace sign.

NAGISING AKO nang marinig kong tinatawag ako ni Papa buhat sa kusina.

Lumabas naman ako sa aking kwarto habang kinukusot-kusot ang mga mata. "Kakain na po?" tanong ko. Pagod kasi ako kanina kaya nakaidlip ako.

"May laway ka pa."

Napatingin naman ako sa nagsalitang si Perzeus. "Bakit ka nandito?" tanong ko sa kanya.

"Bakit? Bawal bang bumisita?" natatawang tanong niya. Tiningnan ko lang naman siya nang masama.

"Kain na. Mamaya na kayo mag-asaran." Awat sa amin ni Papa.

Umupo naman na ako at nagsandok ng pagkain. "So, bakit ka nga nandito?" tanong ko ulit kay Perzeus saka nagsimulang kumain. "Anong sasabihin mo?"

Nginitian naman niya muna ako bago ito nagsalita, "Gusto ko lang tanungin kung papasok ka ba na ba bukas? `Di ba, halos dalawang buwan ka rin na nawala at hindi pumasok?"

Siguiente capítulo