webnovel

CHAPTER 7

AN: Hello po sa inyong lahat, pasensya na po talaga sa matagal na update. Dahil sa kamay ko na nagkaroon ng sugat kaya hindi makapagsulat, pero salamat po sa mga pag-alala niyo. 😍😘

=========================================

RUBY P.O.V

Tahimik na nakahiga ako ngayon sa pang-isahan ko na kama habang nakatingin sa kisame. Hinayaan lang muna ako ni mama dahil sa nakita niyang pananahimik ko.

Anak... Arvie. Iyan ang pangalan na gusto ko para sa'yo, ngunit nalulungkot ako dahil hindi kita nakasama ng matagal. Pero pangako kukunin kita ulit, kahit na alam ko na hindi tao ang aking makakalaban.

Malalim na pag-iisip ko hanggang sa makatulog na ako dahil sa nakaramdam na ako ng pagod.

---------

"Ruby, gising ka na pala. Halika at saluhan mo kami ng kapatid mo sa pag-aalmusal."

Liningon ko si mama at pilit na ngumiti, ang kapatid ko 'ay nakatingin lang sa akin.

"Mamaya na ho ako kakain may lalakarin lang po ako," paalam ko sa kanila at tinungo ko na ang pintuan.

Muli kong inaalala ang lugar kung saan nakatira si Nigel, hindi naman nagtagal ay nakarating ako sa subdivision na pinuntahan ko. At nakita ko ulit yung guard na napagtanungan ko.

"Good morning ma'am,"

Napatango lang ako dito sa guard dahil sa nakangiting bati niya, nagpatuloy na ako sa paglalakad at hinanap ang Green Night street. Natuwa naman ako at nakaramdam ng excitement habang papalapit na ako doon.

Natigilan ako pagdating ko sa street na iyon, dahil tandang-tanda ko na dito lang mismo ang bahay ni, Nigel. Ngunit nilibot ko na ang paligid hindi ko makita 'yung bahay na tinandaan ko no'ng pumunta ako dito.

"Sandali? Nasaan na ba 'yon? Naiiba lang ang bahay na yon dahil sa itim at puti lang kulay nito. Pero nasaan?" Wika ko sa mahinang boses dahil sa pagtataka.

"Hija, may hinahanap ka ba?"

Napaharap akong bigla sa nagsalita sa likuran ko, isang matandang lalaki na may hawak na tungkod. Nakasalamin na rin ito at sa tingin ko na sa edad 60 or 70 years old na ito.

"A-aa... O-opo, may hinahanap ako na bahay. 'Yung kay Nigel Felix ho," nauutal na sagot ko dito.

"Nigel Felix? Parang wala akong kilala na ganon na pangalan dito sa tagal ko ng naninirahan dito."

Napapaisip na pagkakasabi nitong matanda habang nakatingin sa akin, medyo nailang ako ng kaunti sa kanya.

"G-ganon ho ba? Kasi po nangaling lang ako dito kahapon, kaya po nagtataka ako talaga dahil hindi ko na makita ang bahay na pinuntahan ko." sagot ko naman dito at muling lumibot ang mata ko sa paligid.

"Paanong nangyari naman iyon? Nakapagtataka naman iyan," hindi makapaniwalang sagot nito.

Napabuntong-hininga ako dahil sa kawalan ng pag-asa at pagtataka na rin na hindi ko na makita ang bahay ni, Nigel.

"May bahay po ba dito na kulay puti at itim lang ang kulay?" muling salita ko sa pagbabakasakali.

"Itim at puti na bahay? Wala akong natatandaan na may ganyan na bahay dito sa Green Night street. Dahil araw-araw akong dumaraan dito,"

Naguguluhan na napatingin na lang ako kung saan dahil parang biglang sumakit ang ulo ko.

"Sige ho, salamat po sa inyo." paalam ko na dito at tumalikod na ako sa matanda.

"Mag-iingat ka,"

Nigel? Bigkas ng isipan ko dahil bigla kong narinig ang boses niya. Bigla akong humarap at nagulat ako na wala na 'yung matanda sa na kausap ko. Naramdaman ko ang pagtayo ng balahibo ko sa katawan sa biglang pagkawala nang matanda.

Naglakad na ako na magulo ang isipan. Saan ko hahanapin ang anak ko? Si Nigel at Michael nasaan na ba sila ngayon? Paulit-ulit na tumatakbo sa isipan ko habang naglalakad.

-------

Pinipigilan ko ang emosyon ko habang naglalakad sa kakaisip sa anak ko. Kasalukuyan rin akong naghahanap ng bagong mapapasukan na trabaho. Inabot na ako ng dilim sa daan at ramdam ko na rin ang pagod at gutom.

Napaigik ako habang naglalakad dahil sa biglang may bumunggo sa akin at kasabay ng pagtangay ng bag ko. Gulat na gulat ako sa pangyayari, biglang may nag-utos sa isipan ko na habulin ang lalaki. Humakbang ang mga paa ko upang habulin ito, kahit hindi ko na alam kung saan ito lumiko tila nakikita ito ng mata ko.

Sinundan ko kung saan banda nagpunta yung lalaki dala ang bag ko na may natitirang pera ko. Pawisan at hinihingal ako ng maabutan ko na ang lalaki dahil huminto ito sa isang tagong lugar.

"Ibalik mo ang bag ko," humahangos na wikang utos ko dito sa lalaki na nagtatakang tiningnan ako.

"Kunin mo kung gusto mo." nakangising sagot nito nakasandal lang sa sirang pader na bato.

"Ibalik mo na sa akin iyan," muling sambit ko at titig na titig sa kanya. Humakbang ako ng dahan-dahan habang ang lalaki naman ay nakatayo lang at hindi gumagalaw.

Napatigil ako sa paghakbang makitang may sunud-sunod na lalaki na lumubas sa mga gilid. Bigla ang paglakas ng tibok ng puso ko na senyales na kapamahakan.

"Mukhang masarap ang nadale mo na dalhin dito sa amin,"

Nakangising sagot ng isang lalaki na may tali na panyo na kulay pula sa noo nito. Mga nakatingin at nakangiti naman ang ibang lalaki, sa tingin ko mga walo ata sila o sampu?

"N-nadito ako upang bawiin lamang ang bag ko," lakas loob na sagot ko dito.

"Yon lang ba?" sagot nito na sumilay ang nakakalokong ngiti sa labi.

Napaatras ako dahil sa itsura nila, balak ko ng tumakbo ng magsilapitan sila sa akin. Nagsisigaw ako upang makawala sa kanila, habang nagtatawanan sila.

"Ibabalik namin ang bag mo pagkatapos ka namin pagsawaan." nakangiting salita ng isang lalaki.

"Huwag! Bitiwan niyo ako! Tulong!" Nagsisigaw ko kahit sa tingin ko na walang makakarinig sa akin dito.

Magkabilaan na hinawakan ang kamay ko habang ang iba naman ay hawak ang paa ko. Umangat ang katawan ko sa semento at mayamaya'y hiniga nila ako. Nagtatawanan sila dahil sa pagpupumiglas ko.

"Huwag... P-parang awa niyo na..." Umiiyak na pagmamakaawa ko.

Mas lalo akong napasigaw dahil may sumira sa suot ko na blouse at ang palda na suot ko. Ang mga panloob ko na lamang ang natira, nakita ko na isa-isa lang naghuhubad ng mga damit nila. Pilit na nagpupumiglas ako hanggang sa mapadapa na ako.

Hinatak ang paa ko kahit sinisipa ko sila, may kung ano akong narardaman na mainit mula sa mata ko. Pati ang buong katawan ko parang umiinit, nandidiri ako sa bawat dampi ng kanilang mga palad sa balat ko.

"Putangina! Napakalakas mong babae ka ah!"

Malakas na wika ng lalaki at tinihaya ako at sinampal ng nakatalikod niyang palad. Nagtawanan naman ang ibang lalaki, pakiramdam ko namaga ang kaliwa ko na pisngi. Nawala na ang luha sa mga mata ko at titig na titig ako sa lalaki na nasa harapan ko habang inilalabas niya ang kanyang pagkalalaki.

"Putang-"

"Bakit?

Narinig ko na salita nila ngunit titig na titig lang ako sa kanila.

"Naging pula ang palibot ng mata niya," nagtatakang bigkas nitong lalaki na nasa gilid.

"Tarantado! Manahimik ka nga diyan, paanong magiging pula? Tingnan mo." asar nang lalaki na nakapuwesto sa harapan ko.

Nawalan na ako ng lakas at ang umiyak pa dahil alam ko na ito na ang kapalaran ko. Naramdamdam ko na lang ang paghawak nito sa panty ko para ibaba, ngunit nabigla ako ng biglang may tumumba na lalaki na kasama nila.

"Sino yan!" Malakas na sigaw nitong lalaki na pinuno siguro nila.

Napabangon ako at gamit ang braso ito ang pinantakip ko sa katawan ko, natulala ako ng isa-isang tumamba ang ilang lalaki. Hinatatakot naman ang iba at nagkanya-kanyang takbo kung saan.

"Mga ungas! Bakit kayo tumatakbo?"

Gigil na wika nitong lalaki, hindi ko naman makita kung sino ang may gawa dahil masyadong mabilis ang galaw ng tao na ito.

"Kung sino ka man na pakialamero ka magbabayad ka-"

Nanlaki ang mata ko nang biglang hawakan ang leeg ng lalaki at nakaharap ito sa akin, kita ko ang pagbaon ng matulis na kuko dito sa leeg niya. Matapos iyong ay binalian ito ng leeg, halos mapataas ang balikat ko takot at gulat.

Titig na titig ako sa lalaki na butas ang leeg at tirik ang mata nito, dahan-dahan na umangat ang mukha ko. Naguguluhan na nagsalubong ang mga mata namin, yung minsan na matang ninais ko muling makita.

Nigel! Bigkas ng isipan ko habang nakatingin sa kanya na nagbabaga pa rina ang mga mata nito. May konting dugo sa gilid ng labi niya, hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa isipan niya ngayon. Hanggang sa naging normal na ang anyo nito, dahan-dahan itong lumapit sa akin habang hinuhubad ang jacket na suot niya.

Hindi ko alam pero kusang tumulo ang luha ko sa pagtakip niya sa hubad na katawan ko.

"I'm sorry,"

Sambit niya at binuhat na niya ako at nagsimula na siyang maglakad.

----------

Siguiente capítulo